You are on page 1of 1

Homeowners Association

Villa Roma Subdivision Phase 7,


Barangay Lambakin, Marilao, Bulacan 3019

Hulyo 17, 2020

KAPITAN JIM PARAOAN


Punong Barangay
Barangay Lambakin,
Marilao, Bulacan

Sa pamamagitan ni: JUN GARCIA


Kalihim
Tanggapan ng Barangay Lambakin

Mahal na Kapitan JIM PARAOAN,

Isang Mapagpalang Araw po sa inyo.

Batid po natin lahat na tayo ay nasa panahon na ng Tag-ulan kung kaya’t ang panahong ito ay maaring
makapagdulot ng mga sakit na nagmumula sa mga lamok. Kinakailangan masugpo ang mga lugar kung
saan nanatili at nabubuhay ang mga mapaminsalang lamok. Isa sa hinihiling ng mga residente ng
aming lugar na makapagsagawa ng Fogging mula sa inyong tanggapan.

Kaugnay nito, kami, mula sa pamunuan ng Villa Roma Phase 7 Homeowner Association ay
HUMIHILING SA INYONG TANGGAPAN NA MAGSAGAWA NG FOGGING sa aming lugar
upang makaiwas sa banta ng sakit na dulot ng mga lamok at iba pang insekto. Alam naming na
ang kahilingan ito ay inyong mapagbibigyan.

Ang mga naturang gawain ay isang malaking tulong aming pamayanan upang makaiwas sa sakit na
dulot ng mga lamok.

Kami po ay umaasa na mapahintulutan ninyo ang aming kahilingan.

Maraming salamat po.

Lubos na umaasa,

JOHN EDSON Q. DUMALAY


President - Villa Roma 7, Homeowners Association

Homeowners Association
Villa Roma Subdivision Phase 7,
Barangay Lambakin, Marilao, Bulacan 3019

You might also like