You are on page 1of 2

SAMAHAN NG MANGINGISDA (MAMAMANA)

Dear Ma`am/Sir,

Kami po ay mula sa SAMAHAN NG MANGINGISDANG MAMAMANA ay


humihingi ng kaunting tulong. Kami po ay mangingisda at sumisisid sa ilalim ng dagat
para manghuli ng Alimasag, Lapu – lapu, Loba, Lig – lig at iba pang isda na maaaring
ibenta sa mercado.

Ngunit sa ginagawang DREDGING o pagkuha ng lupa sa ilalim ng dagat ay ito


ang dahilan ng paglabo ng ilalim ng dagat. Kaya po napilitan kaming mamalakaya sa
ibang lugar para mangisda gaya ng Bataan, Batangas, Bagak at Zambales.

Sa ganoong kalayo ay lumalaki ang aming gastos sa pamamalakaya ngunit


kailangan para sa aming pamilya.

Kaya po humihingi kami ng tulong dahil sa layo ng aming pangingisda ay hindi


naming maiwasan na masiraan ng MAKINA. Kaya po humihingi kami ng MAKINA o
pinansyal sa aming pamilya. Ang ibibigay po na makina ay maaari na aming
pangmatagalan na gagamitin.

Maraming salamat po at umaasa po kami na matugunan ang aming munting


kahilingan.

JOELAN HOPIO ROCHELLE CANALE


President Secretary

You might also like