You are on page 1of 3

BUHAY MARINO

Kay hirap ihakbang mga paang luhaan.

Patungo sa lugar kung tawagi'y paliparan.
Di maalis sa isipan, pamilyang pansamantalang iniwanan,
Sambit ng isipa'y,para din sa inyong kinabukasan.
Ngunit naiiba trabaho naming mga marino,
Para kang nakakulong at malaki ang peligro,
Sumasabak sa malalaking alon,mahangin man o may bagyo,
Kelangang makarating sa pupuntahang pwerto.
Namimintura kahit matindi sikat ng araw,
Tiktik kalawang,kayod kalabaw.
Susundin lahat,anuman ang iutos ni kapitan,
Maski wala pang kain,o walang tulog man lang.
Ngunit kung minsan ay di ko halos matanggap,
Babaero o seamanloloko sa amin ay bansag,
Huwag sanang lahatin,yan ang aking pakiusap,
tulad kong marino na sa asawa'y tapat.
Masarap daw ang buhay naming mga seaman,
Nakakarating sa mga bansang dimo pa nasisilayan,
Nakakarating din kami sa bansang somalia,
Na kung saan ay maraming pirata,
Wala kaming magagawa,kundi magdasal at maghanda.
May mga marinong marami ang pamilya,
May mga marino ring naiiwan ng asawa,
May mga marino ring umuuwing bangkay,
May mga marino ring nahahatulan ng bitay,
At may mga marino ring nalulubugan ng barko,
Katawa'y di na makita,pamilya'y di na masisilayan pa nito.
Ngunit iisa lamang ang hangarin,katulad din sa inyong mga taga lupa,
Magandang kinabukasan hangad sa ating mga pamilya,
Kaya't sa muling paglayag,sa kapwa ko marino,
Dagdagan pa ng dasal,sipag at sakripisyo,
Marino.....ako'y saludo!!!!!!

You might also like