You are on page 1of 8

SANDOSENANG SAPATOS

Sapatero si Tatay. Kilalang-kilala ang mga likha niyang sapatos dito sa aming bayan. Marami
ang pumupunta sa amin para magpasadya. Ayon sa mga sabi-sabi, tatalunin pa uncooked ng
mga sapatos ni Tatay ang mga sapatos na gawang-Marikina. Matibay, pulido, at malikhain
ang mga disenyo ng kanyang mga sapatos.
“Paano mo ba naiisip ang ganyang istilo? Kay ganda!”
“Siguro, dinadalaw ka ng musa ng mga sapatos at suwelas.”
“Parang might madyik ang iyong kamay!

Sa lahat ng papuri, matipid na ngingiti lamang si Tatay. Tahimik na tao si Tatay. Bihirang
magsalita.
Lumaki akong kapiling ang mga sapatos na gawa ni Tatay. Madalas ay kinaiinggitan ako ng
mga kalaro at kaklase ko. Buti uncooked at sapatero ang Tatay ko. Lagi tuloy bago ang
sapatos ko kapag pasukan, kapag pasko, kapag bertdey ko, o kung nakatanggap ako
ng honors sa klase. Ginagawan pa niya ako ng ekstrang sapatos kapag might mga tira-tirang
balat at tela.
“Buti ka pa Karina, laging bago ang sapatos mo. Ako, lagi na lang pamana ng ate ko. Sa ‘kin
napupunta lahat ng pinagkaliitan n’ya,” himutok ng isang kaklase.
Nasa Grade II na ako nang muling magbuntis si Nanay. Kay tagal naming hinintay na
magkaroon ako ng kapatid. Sabi ng Lola ko, sinagot na uncooked ang matagal nilang dasal na
masundan ako.
“Naku, magkakaroon na pala ako ng kahati sa mga sapatos! Pero di bale, dalawa na kaming
igagawa ni Tatay ng sapatos ngayon.”

Habang nasa tiyan pa si child, narinig kong nag-uusap sina Tatay at Nanay.
“Nagpa-check up ako kanina. Sabi ng doktora, babae uncooked ang magiging anak natin!”

“Talaga! Kung babae nga, pag-aralin natin ng ballet. Gusto kong magkaanak ng ballet
dancer! Ngayon pa lang ay pag-aaralan ko nang gumawa ng mga sapatos na pang-ballet .”

Pero hindi lahat ng pangarap ni Tatay ay natupad. Nagulat kaming lahat nang makita ang
bago kong kapatid. Wala itong paa. Ipinanganak na putol ang dalawang paa!
Nakarinig kami ng kung ano-anong tsismis dahil sa kapansanan ng kapatid ko. Siguro
uncooked ay binalak na ipalaglag ni Nanay ang kapatid ko kaya kulang-kulang ang parte ng
katawan. Nilusaw uncooked ng mga mapinsalang gamot ang kanyang mga paa. Isinumpa
uncooked ng mga diwata ng sapatos si Tatay dahil mahal na itong sumingil sa mga
pasadyang sapatos. O baka uncooked ipinaglihi si Susie sa manika.
“Nanay, bakit po ba walang paa si Susie?”
“Nagkaroon kasi ako ng impeksyon anak. Nahawa ako ng German measles habang
ipinagbubuntis ko pa lang ang kapatid mo. At iyon ang naging epekto,” malungkot na
kuwento ni Nanay.
Hindi na magiging ballet dancer ang kapatid ko. Malulungkot si Tatay. Araw-araw, ganu’n
ang naiisip ko kapag nakikita ko ang mga paa ni Susie. Kaya pinilit ko si Nanay na muling pag-
aralin ako sa isang ballet faculty (dati kasi, ayaw kong mag-ballet). Pero…
“Misis, bakit hindi n’yo po subukang i-enrol si Karina sa piano, o sa portray, o sa banduria
class? Hindi yata talagang para sa kanya ang pagsasayaw,” sabi ng titser ko sa Nanay ko.
Nalungkot ako. Hindi para sa aking sarili, kundi para kina Tatay at Susie, at sa mga pangarap
na masyadong mailap. Saksi ako kung paanong minahal siya nina Tatay at Nanay. Walang
puwedeng manloko kay Bunso. Minsan, habang kami ay nagpipiknik sa parke, might isang
mama na nakakita kay Susie.
“Tingnan n’yo o, puwedeng pang-karnabal ‘yung bata!” turo nito kay Susie.
Biglang namula si Tatay sa narinig. Tumikom ang mga kamao. Midday ko lang nakitang
nagsalubong ang mga kilay ni Tatay. Muntik na niyang suntukin ito.
“Ano’ng problema mo, ha?”

Mabuti’t napigilan siya ni Nanay. Isang gabi, habang nakahiga kami sa kama, narinig kong
kinakausap ni Tatay si Susie.
“Anak, hindi baleng kulang ang mga paa mo. Mas mahalaga sa amin ng Nanay mo na
lumaki kang mabuting tao.at buo ang tiwala sa sarili,” masuyo niya itong hinalikan.
Hindi tumigil si Tatay sa paglikha ng sapatos para sa akin. Pero napansin ko, kapag
sinusukatan niya ang paa ko, napapabuntung-hininga siya. Pagkatapos ay titingin sa kuna.
“Sayang, Bunso, di mo mararanasang isuot ang magagarang sapatos na gawa ni
Tatay,” bulong ko sa kanya.
Lumaki kami ni Susie na malapit ang loob sa isa’t isa. Hindi naging hadlang ang kawalan niya
ng paa para makapaglaro kami. Marami namang laro na di nangangailangan ng paa. Lagi nga
niya akong tinatalo sa sungka, jackstone, scrabble, at pitik-bulag. Ako ang tagapagtanggol
niya kapag might nanghaharot sa kanya. Ako ang tagatulak ng wheelchair niya. Ako ang ate
na alalay!
Midday ko natuklasan na marami kaming pagkakatulad. Parehong magaling ang aming
kamay kaysa aming mga paa. Ako, sa pagpipinta. Siya, sa pagsusulat ng mga kuwento. At oo
nga pala, si Tatay, kamay rin ang magaling sa kanya!
Minsan, ginising ako ni Susie. Sabi niya, nanaginip siya ng isang pambihirang sapatos.
Napakaganda uncooked nito sa kanyang mga paa.
“Might paa siya sa panaginip?” gulat na tanong ko sa sarili.
“Maniwala ka, Ate, kay ganda ng sapatos sa panaginip ko. Kulay dilaw na tsarol na might
dekorasyong sunflower sa harap!”

Magbebertdey siya midday. At napansin ko, tuwing nalalapit na ang kanyang kaarawan,
nananaginip siya ng mga sapatos.
“Ate, nanaginip na naman ako ng sapatos. Kulay pula ito na velvet at might malaking
buckle sa tagiliran.”

Binanggit din niya sa akin ang sapatos na kulay asul na bukas ang dulo at litaw ang mga daliri
niya. Ang sapatos na puti na might kaunting takong at might ribbon na pula. Ang sapatos na
yari sa maong na might burdang buwan at mga bituin. Ang sandalyas na parang lambat. Ang
kulay lilang sapatos na might nakadikit na bilog na kristal sa harap.
Manghang-mangha ako sa kung paanong natatandaan niya maski ang pinakamaliliit na
detalye ng mga sapatos – ang disenyong bulaklak, ribbon, butones, sequins ,beads ,
o buckle. Inaangkin niya ang mga sapatos na ‘yon.
“Ate, paglaki ko, susulat ako ng mga kuwento tungkol sa mga sapatos na napapanaginipan
ko. Ikaw ang magdodrowing, ha?”

Paglipas pa ng ilang taon, namahinga na si Tatay sa paglikha ng mga sapatos. Gumagawa na


lamang siya ng sapatos para sa mga suking di matanggihan. Noong nagdaos siya ng
kaarawan, niregaluhan ko siya ng isa kong portray na might nakapintang isang pares ng
maugat na kamay na lumilikha ng sapatos. Binigyan naman siya ni Susie ng isang music
field na might sumasayaw na ballet dancer .
“Pinasaya n’yo ang Tatay n’yo,” sabi ni Nanay.
Pagkatapos midday, naging masasakitin na siya. Labindalawang taon si Susie nang pumanaw
si Tatay.
Isang araw, hindi sinasadya’y napagawi ako sa bodega. Naghahalungkat ako ng mga lumang
sapatos na puwedeng ipamigay sa mga bata sa bahay-ampunan Sa paghahalughog,
nabuksan ko ang isang kahong mukhang matagal nang hindi nagagalaw. Naglalaman ito ng
maliliit na kahon. Mga kahon ng sapatos na maingat na nakasalansan!
”Para kanino ang mga sapatos? Might umorder ba na hindi nai-deliver?” tanong ko sa sarili.
Pero nang masdan ko ang mga pares ng sapatos na ‘yon, nagulat ako. Taglay ng mga sapatos
ang pinakamahuhusay na disenyo ni Tatay. Iba-iba ang sukat nito. Might sapatos na pang-
baby. Might sapatos na pambinyag. Might pang-first communion. Might pangpasyal. Might
pamasok sa eskuwelahan. Might pangsimba. Might sapatos na pang-dalagita.
Lalo akong nagulat nang mabasa ang kanyang dedication sa nakasabit na papel:
Para sa pinakamamahal kong si Susie,
Alay sa kanyang unang kaarawan
Inisa-isa ko ang mga kahon. Lahat ng sapatos na nandoon ay para kay Susie. Diyata’t
iginagawa ni Tatay si Susie ng mga sapatos?
Para kay Susie, lugod ng aking buhay
Sa pagsapit niya ng ikapitong kaarawan
Taon-taon, hindi pumalya si Tatay sa paglikha ng sapatos sa tuwing magdaraos ng kaarawan
si Susie! Sandosenang sapatos lahat-lahat.
Handog sa mahal kong bunso
Sa kanyang ika-12 kaarawan
Napaiyak ako nang makita ang mga sapatos. Hindi ko akalaing ganu’n pala kalalim
magmahal si Tatay. Binitbit ko ang sandosenang sapatos at ipinakita ko kina Nanay at Susie.
“H-Hindi ko alam na might ginawa siyang sapatos para sa ‘yo, Susie,” Namuo ang luha sa
mga mata ni Nanay. “Inilihim niya sa akin ang mga sapatos.”
“A-Ate, ito ang mga sapatos na napanaginipan ko,” Hindi makapaniwalang sabi ni Susie
habang isa-isang hinahaplos ang mga sapatos.
“Ha?”

Midday ko lang naalala ang mga sapatos na ikinukuwento ni Susie.


Dilaw na tsarol na might dekorasyong sunflower sa harap. Kulay pulang velvet na might
malaking buckle sa tagiliran. Asul na sapatos na bukas ang dulo at litaw ang mga daliri. Kulay
puti na might kaunting takong at might ribbon na pula. Sapatos na yari sa maong na might
burdang buwan at mga bituin. Sandalyas na parang lambat. Kulay lilang sapatos na might
nakadikit na bilog na kristal sa harap.
Naisip ko, tinawid kaya ng pag-ibig ni Tatay ang mga panaginip ni Susie para maipasuot sa
kanya ang mga sapatos?
Hindi ko tiyak.
Ang tiyak ko lang, hindi perpekto ang buhay na ito. Gaya ng hindi perpekto ang pagkakalikha
sa kapatid ko. Pero might mga perpektong sandali. Gaya ng mga sandaling nilikha ni Tatay
ang pinakamagagarang sapatos para kay Susie.
ALAS SAIS NG HAPON
Ang paborito kong kulay ay pula. Ang paborito kong prutas ay mangga. Ang paborito kong
pagkain ay spaghetti at pritong manok. Pero, alam ninyo bang may paborito rin akong oras
sa isang araw? Ito ay tuwing alas sais ng hapon.
Tinuruan ako ni Nanay kung paano ko malalaman ang alas sais ng hapon sa orasan. Ang
mahabang kamay ay nakatapat sa pinakamataas na parte at ang maliit na kamay ng orasan
ay nakatapat naman sa pinakamababang bahagi. Isang nakatayo at tuwid na linya. Parang
poste sa kalsada.
Bago dumating ang oras na iyun, inihahanda ko na ang sarili ko. Kakain na agad ako ng
hapunan. Maglilinis na kaagad ako ng katawan. Maghihilamos at magsisipilyo.
Alam ninyo ba kung bakit paborito ko ang alas sais ng hapon? Dahil ito ay oras para
makausap ko ang Tatay kong nasa kabilang panig ng mundo. Abroad daw ang tawag sa lugar
na iyun at chat daw ang tawag kapag kausap namin siya, sabi ni Nanay.
Pagsapit ng ganitong oras, bubuksan ni Nanay ang laptop. Magkukuwentuhan sila ni Tatay.
Tungkol sa perang padala at mga gastusin. Mga kung anu-anong usapan at bilin. Ako naman
ay paminsan-minsang tumitingin kay Nanay habang naglalaro. Nakakatuwa siyang tingnan
habang nakikipagkuwentuhan kay Tatay. Hahalakhak. Iiyak. Tapos, tatawa na naman. Tapos,
iiyak na naman. At muling hahalakhak. Para rin akong nanonood ng telebisyon.
“Robert, anak, halika na. Maupo ka na dito. Kakausapin ka ng Tatay mo,” anyaya sa akin ni
Inay pagkatapos nilang mag-usap. Uupo ako sa harap ng kompyuter. Ako naman ang
makikipag-usap sa Tatay ko. At lalo akong mamamangha dahil kausap ko na naman ang
Tatay ko nasa kabilang panig ng mundo.
Magaling ang Tatay ko. Kahit anong itanong ko sa kanya, parati siyang may sagot.
Tatay, bakit po kamay ang tawag sa kamay ng orasan? Wala naman po silang mga daliri?
Kasi, anak, para silang mga kamay na kumakaway at nag-aanyaya sa mga tao para gawin
na ang mga dapat gawin sa tamang oras. Kita mo, alam mo ang oras kung kailan tayo
magkukuwentuhan.

Advertisements
REPORT THIS AD
Tatay, bakit po paa ang tawag sa mga paa ng mesa at upuan? Hindi naman po sila
naglalakad at tumatakbo?
Kasi, anak, paa rin ang ginagamit sa pagtayo. Gusto mo bang tumakbo at maglakad pa ang
mga gamit natin sa bahay?
Naku, hindi na po. At bubunghalit ako ng tawa kapag naiisip ko ang mga naglalakad na mesa
at upuan.
Tatay, bakit po madilim ang gabi?
E, kasi anak, para malaman ng mga tao na kailangan nilang magpahinga at matulog. Isipin
mo na lang kung puro araw, e di hindi ka na titigil sa paglalaro. Naku, pihadong pagod na
pagod ka kapag nagkataon.
E, bakit po nakapikit ang tao kapag tulog?
E, kasi anak, kapag nakadilat yung mata natin kapag tulog, parati kang maiistorbo sa
pagtulog ng mga nakikita mo.
Tatay, saging lang po ba ang punong may puso?
Naku, anak. Huwag kang maniwala sa sabi-sabi. Lahat ng puno at halaman ay may puso,
kaya dapat alagaan mo sila.
Kaya simula noon, paborito ko na ring alagaan ang mga alagang rosas ni Nanay sa bakuran.
Hangang-hanga talaga ako kay Tatay. Laging may handang sagot sa aking kakulitan.
Bakit kailangan ko pong uminom ng gatas?
Sabi niya, para ako ay lumakas.
Bakit kailangan ko pong kumain ng gulay?
Sabi niya, para ako ay maging malusog at matalinong bata.
Bakit kailangan ko pong maligo?
Sabi niya, para ako ay bumango at hindi dapuan ng mikrobyo.
Bakit po tuwing alas sais tayo mag-usap?
Sabi niya, iyun daw ang pinakamainam na oras dahil magkaiba ang oras namin. Umaga daw
dito, gabi naman doon.
Paano po nangyari iyun? Umaga dito, gabi sa kabilang panig ng mundo?
Sabi niya, bilog kasi ang mundo at umiikot daw ito sa araw. Matututunan ko rin daw iyun
kapag nag-aaral na ako.
Bakit kailangan ko pong mag-aral?
Sabi niya, para marami akong matutunan at magkaroon ako ng magandang kinabukasan.
Ano po ang magandang kinabukasan? Bukas na po ba iyun pagkagising ko?
Sabi niya, naku, maraming pagtulog at paggising daw ang kinabukasan. Ang mahalaga, mag-
aral akong makabuti para makakuha ng mataas na marka.
Bakit po kailangan ng marka?
Kailangan ang marka para malaman kung nakikinig daw ako sa paaralan.
Maraming akong ikinukuwento kay Tatay. Marami rin siyang ikinukuwento.
Ipinapakita niya sa kompyuter ang mga laruan, tsokolate at damit na binili niya para sa akin
at kay Nanay. Ikinukuwento ko naman agad ang mga iyun at nagpapasalamat kapag
dumating na ang isang malaking kahon na puno ng kung anu-anong mga gamit sa bahay.
Dagdag pa niyang kuwento ang pagkakarga niya sa akin noong sanggol pa lang ako. Kapag
hindi ko matandaan, ipinapakuha niya sa akin ang mga lumang litrato na magkasama kami.
Magkukuwento pa siya tungkol sa akin tulad ng pagtulog ko sa kanyang mga braso at
pagpapalit ng lampin ko.
Pero minsan, may mga tanong akong natatagalan si Tatay sa pagsagot.
Tatay, hindi po ba kayo kasya sa kahon?
Ngingiti si Tatay tapos biglang magpupunas ng mata. Hindi ako kasya sa kahon, anak.
Umiiyak po ba kayo, Tatay?
Anak, natutuwa lang ako at masaya ka. Nami-miss ka lang ni Tatay.
Tatay, nag-oopisina po ba kayo?
Oo, anak, nagtatrabaho si Tatay.

Bakit ang tagal po ninyong umuwi? Iyung Tatay ng kalaro ko, nag-oopisina rin pero
umuuwi po tuwing gabi.
Mag-iisip ulit si Tatay. Ah, ganun ba. Kasi si Tatay, dito nga sa kabilang panig ng mundo nag-
oopisina.
Tatay, bakit diyan po kayo nag-oopisina? Matagal pa po ba kayo uuwi?
Mag-iisip ulit si Tatay. Dito ako nagtatrabaho kasi mas malaki ang suweldo. Para mas
maganda ang kinabukasan mo. Di ba gusto mong maging doktor? Tutulungan ka ni Tatay
para maging doktor. Para makapasok ka sa magagandang paaralan at mabili ko ang mga
pangangailangan mo.
At pagkatapos, magpupunas ulit siya ng mata. Umiiyak nga siguro si Tatay.
Di bale, Tatay, ako na lang po ang sasakay sa kahon. Tutal, kasyang-kasya ako roon.
Pero, kahit ilang beses akong sumuot at makatulog sa loob ng kahon, nagigising lang akong
kinakagat ng mga langgam. Naiwan siguro ako ng mamang nagdadala ng mga kahon
papunta sa kabilang panig ng mundo.
Marami pang alas sais ng hapon ang nagdaan. Ikinuwento ko sa kanya ang mga nakikilala at
natututunan ko sa paaralan. Marunong na akong bumasa, sumulat, gumuhit at magbilang.
Hindi na lang alas sais ang alam kong oras sa orasan. Mula ala una ng umaga hanggang alas
dose ng gabi.
Minsan, may takdang-aralin kami kinabukasan. Pinapaguhit kami ng bahay at pamilya ng
aming guro. Alas sais na ng hapon, hindi ko pa tapos ang aking iginuguhit. Nagpaturo ako
kay Tatay.
Naku, anak, parang may kulang sa iginuhit mo.
Hmm, tiningnan ko ang drowing ko. Alam ko na, kulang po ng mga puno. Nalimutan ko,
napapaligiran pala ng mga punong-kahoy ang bahay natin. At gumuhit ulit ako.
Naku, anak, parang may kulang pa rin sa iginuhit mo.
Hmm, tiningnan ko ulit ang drowing ko. Alam ko na, kulang po si Bantay. At iginuhit ko ang
alaga naming aso.
Naku, anak, parang may kulang pa rin sa iginuhit mo.
Hmm, tiningnan ko ulit ang drowing ko. May bahay, may bakod, may ulap, may bundok, may
mga puno, si Nanay, ako at si Bantay.
Kumpleto naman po, Tatay. Ano pa po ba ang kulang?
Naku, anak. Magtatampo sa iyo si Tatay. Isipin mo ulit.
Hmm, tiningnan ko ulit ang drowing ko. Naku, tama, may nalimutan nga ako. Gumuhit ako
ng isang parihaba at pinatungan ko ulit ng isa pang parihaba. Nilagyan ko ng mukha ng tao
ang isang parihaba. Si Tatay, sa laptop, nasa kabilang panig ng mundo.
Napahalakhak si Tatay. Napatingin sa akin si Nanay. Tiningnan niya ang drowing ko.
Napangiti rin siya. Yinakap ako at nagwikang –
“Anak, kahit nasa kabilang panig ng mundo si Tatay, mahal na mahal niya tayo.
Ginagawa niya ang lahat para magkaroon tayo ng magandang kinabukasan. Hindi
magiging kumpleto ang tahanang ito kung wala ang bawat isa sa atin. Lagi mo iyang
tatandaan.”
Napatingin ulit ako kay Tatay sa kompyuter.
“Anak, may surpresa ako sa iyo. Uuwi na si Tatay sa Pasko. Uuwi na si Tatay sa Disyembre.”
Masayang-masaya ako sa narinig ko. Parang tumalon ang puso ko. Magkakaroon na naman
ako ng bagong paborito. Ang paborito kong buwan ng taon – ang Disyembre.
Uuwi ang mahal kong Tatay sa Disyembre. Mayayakap ko na rin ang aking ama.

You might also like