You are on page 1of 4

Tatlong Magkakaibigan

Tatlong Magkakaibigan : Si Patpat, Pisi at Plastik


likhang imahinasyon ni Beverly Arguelles

May tatlong magkaibigan na palaging nagpapagalingan. Si Patpat na palaging


pinagmamalaki ang taglay niyang lakas at kagalingan sa pagbuo ng ibat- ibang hugis
dahil sa manipis niyang katawan. Si Pisi , na taglay haba na nakakabot kahit saan at si
Plastik na taglay ang ibat ibang pang-akit na kulay. Ang tatlong magkaibigan ay
matatagpuan sa isang bodega likod ng bakuran nila Tantan.

sang umaga habang naglalaro si Tantan sa kanilang bakuran nakita niyang nakabukas
ang pinto ng kanilang bodega at siya ay pumasok dito. “Hoy Tantan! pagulat sa sigaw
ni Patpat. “tayo ay maglaro. marami akong maitutulong sayo para bigyan ka ng
kasiyahan!” Nagsimulang sumayaw si Patpat sa harap ni Tantan at siya ay nagbuo ng
ibat ibang hugis gamit ang kanyang katawan. Lumikha siya ng parisukat, tatsulok,
parihaba, hugis bituin at kahit bilog ay nagawa niya dahil sa lambot ng kanyang
katawan.

“Wow! ang galing!” ang tanging nasabi ni tantan dahil sa pagkabigla sa mga bagay na
nagsasalita at pagkamangha sa husay na pinakita ni Patpat. “Mas magaling ako diyan!,
singit naman ni Plastik. “Tingan mo may ibat- iba akong kulay. my berde, asul, pula,
dilaw, lila, at kulay dalandan!, pwede mo akong gupitin at gawan ng ibat ibang hugis
na makukulay at gawing laruan!” nakangiting pagkukumbinsi ni plastik kay Tantan.”
“Wala kayo sa aking kakayahan!” pagmamayabang na sabat ni Pisi. ” Mahaba at
malayo ang maabot ko. Maari kitang samahan hanggang saan habang nakatali sa sira
mong traktrakan!. Di gaya nilang dalawa na hanggang dito na lang sa loob ng madilim
na bodega”.

Hindi makapaniwala si Tantan sa kanyang mga narinig. Patuloy ang pagkamangha


habang kinukusot ang mga bata dahil sa kanyang mga nakita. “Totoo ba ito? mga
bagay nagsasalita?” malakas niyang tanong. “Oo!” sabay sabay na wika ng tatlo.
“Gusto ka namin tulungang maging masaya kaya pumili sa amin ng gusto mong
makasama” sambit ni Patpat. Biglang natahimik at nag-isip si Tantan. “Ah alam ko
na!” nanlalaki ang mga mata habang masayang nakatingin sa tatlo. “Dahil lahat kayo
ay magagaling kayong, lahat kayo kasama!”. “Ayoko nga! sabat ni Patpat. “gusto ko
ako lang. Ako lang naman ang may kakayahan na gumawa ng ibat ibang hugis e.”
sabay talikod habang nakairap ang mata. “Ako rin! ayoko! sagot naman ni Plastik.
“Ayoko silang kasama kasi ang papangit nila. Di sila bagay sa kagandahan ng aking
mga kulay!” pagmamayabang na sabi niya. “Mas lalo naman ako!” may hinanakit na
tono ng boses ni Pisi. ” Gusto ko malayo ang marating ko, di naman nila kayang
sumabay sa ‘kin dahil maiksi lang sila”. paghihimutok ni Pisi. “Wag na kayong mag-
away dahil lahat kayo ay isasali ko sa gagawin ko.” sundin nyo lang ang iuutos ko at
siguradong lahat tayo ay magiging masaya”. Paniniguro ni Tantan.
“Patpat, kumorte ka ng hugis tatsulok,” pagpapasimulang utos ni Tantan at sumunod
naman c Patpat. “Ikaw naman plastik, iladlad magaganda mong kulay habang
nakasakay sa likod ni Patpat. Kumapit ka lang ng mabuti at magpapatulong tayo kay
Pisi para di ka malaglag. Ikaw naman Pisi sa yo kakapit si Patpat sa pamamagitan ng
pagtali mo sa kanyang katawan. at pagkatapos kumapit kayo sa akin at tayo ay may
pupuntahan!” “Magmula ngayon ang pangalan nyo ay SARANGGOLA”!

Inilabas sila ni Tantan sa bodega at sa bukid dinala. Inihagis niya paitaas ang
saranggola paayon sa ihip ng malakas na hangin. “Weeeeeeeeeee!! malakas na sigaw
ni Pisi habang tuwang tuwa, samantalang si Plastik naman at patpat ay nakapikit dahil
sa takot. “Hoy imulat nyo mata nyo at tumingin sa ibaba. Wag kayong matakot di ko
kayo bibitawan”. usal ni Pisi. “Wwaaawwww!! sigaw ng dalawa ng makita ang ibaba.
“Ganito pala ang pakiramdam ng may kasamang naglalaro at lumilipad pa.” sambit ni
Patpat. “OO nga! masayang sabi ni Plastik. Dahil sa tuwa lalong ibinukas ni Plastik ang
kanyang katawan at ipinakita ang ibat iba nitong kulay habang naglalaro sa ihip ng
hangin. “Tingnan nyo oh! Ang daming mga bata na nanonood at natutuwa atin! Masaya
silang napapalakpakan!” “Ganyan nga pag may pagkakaisa at pagtutulungan! sabi ni
Tantan. Kaya nating magawa ang mga bagay na di kayang gawin ng mag-isa. Lalong
higit ating nadidiskubre magagawa pa pala tayo na makakatulong at
makakapagpasaya sa iba”

You might also like