You are on page 1of 79

Aralin 4

Libangan Ko
Paunang Patataya

Pangkatin ang klase.


Sa bawat pangkat, hatiin muli sa
tigdadalawa (dyad) upang ipakilala
ang sarili at
ikuwento kung anong ginagawa kapag
bakanteng oras.
Isagawa ito sa loob ng 2 minuto
at karagdagang 5 minuto upang ibahagi sa
grupo ang narinig na kuwento.

Pag-uulat ng bawat pangkat gamit ang


gabay na katanungan
1. Anong kasagutan ang magkakapareho?
Magkakaiba?
2. Anong mensahe ang ipinararating nito?
Unang Araw
Layunin:
Napagsusunod-sunod ang mga
pangyayari ng kuwentong
napakinggan sa pamamagitan
ng larawan
Nasasagot ang mga tanong
tungkol sa tekstong
napakinggan
Paksang-Aralin
Pagsusunod-sunod ng
mga Pangyayari
Ipasalaysay
Ipaayos ang sa
mga
mga
larawan
bata ang
sa
Kailan nilalaro ang ipinakita sa
tamang pagkakasunod-sunod
kuwento na ipinakikita ng mgang
larawan
mga ito.
larawan.
Ano ang ginagawa ninyong
magkakaibigan
Sabihin
Bakit mapalad
ang pamagat
sio Isan?
magkakapatid
ng kuwento
pagkatapos ng ulan?
Mapalad si Isan
ni Josenette Pallaza Brana
Matapos ang isang linggong pag-ulan,
sumikat din ang araw.
“ Isan! Isan!,” tawag ng mga kaibigan niya.
“Akyat tayo sa bundok, maglaro tayo
doon!” Masarap magpadulas sa mga
damo.
“Hintay lang! Magpapaalam ako kay
Inay,”sigaw ni Isan.
“Huwag anak. Mapanganib ngayon ang
umakyat sa bundok. Hindi kayo dapat
maglaro doon. Katatapos lamang ng
bagyo. Baka kung ano ang mangyari sa
inyo.
masyadong madulas ang daan,” sagot ng
ina.
Hindi na nagpilit si Isan. Mabuti na
lamang at sinunod niya ang kaniyang ina.
Bandang hapon nakarinig sila ng balita na
may pagguho ng lupa sa karatig-pook nila.
Nabalitaan din ang nangyari sa mga
batang umakyat sa bundok.
“Mapalad ako,” ang bulong ni Isan.
Ano
Bakitang ibig
hindi gawin
huling
pumayag ngang
mga
nangyari sa
inakaklase
ni
Sino-sino ang tauhan sa kuwento?
ni Isan?
Isan
kuwento?
na sumama siya sa bundok?
Kung ikaw si Isan, sino ang
Ano kaya
Anong
Tama
Sino saba
magandang
mga
ang
angtauhan
mga
maaaring
ipinakita
pag-uugali
ang nais
mangyari
niyang
mong
ang
susundin mo: ang mga kaklase mo
kung sumama
ipinakita
ito?
tularan?Bakit?
ni Isan?
si Isan?
o ang iyong ina?Bakit?
Ano-ano ang libangan ninyong
magkakapatid/magkakaibigan sa
tuwing bakanteng
oras? Kung umuulan? Pagkatapos ng
ulan? Kung mainit ang panahon?
Pagpapayamang
Gawain

Maghanda ang guro ng mga larawan


tungkol sa kwentong binasa, isasaayos ng
mga bata ang larawan ayon sa wastong
pagkakasunodsunod nito. Sa tulong ng
inayos na larawan isasalaysay muli ng
bata ang napakingganang kwento.
Ano ang natutunan mo sa
aralin?
Karagdagang Pagsasanay
Pagawain ang mga bata ng filmstrip
ng napakinggang kuwento.
Ipakita sa mga bata ang modelo ng
filmstrip.
Ipaguhit sa bawat kahon ang mga
pangyayari sa napakinggang kuwento
nang may wastong pagkakasunod-
sunod.
Ikalawang Araw
Layunin:
Nasasagot ang mga
tanong tungkol sa
tekstong binasa
Paksang-Aralin
Pagsagot sa mga Tanong
Tungkol sa Binasa
Magandang uma
Ipatukoy sa mga bata ang ngalan
ng bawat laro.
Laro Babae Lalaki Kabuuan

Ipatanongng
Gumawa : Ano
mini-survey
ang paborito
sa klase
mong
Tumawag
Isulat sa pisara
ng ilang
angbata
mgaupang
inulatiulat
na
tungkol
laro? Ipatala
sa kung
angano
sagot
angsanilalaro
tsart nang
ang nakalap nangimpormasyon.
impormasyon mga bata.
bawatibaba.
nasa bata.
Alamin
Natin

May alam ka bang laro ng lahi?

Alamin ito sa tekstong babasahin.


Tara na, Laro Tayo!
Anong laro ang alam mo? Sigurado
ako- tulad ko-ang nasa isip mo agad
ay online games na lagi mong nilalaro
sa harap ng computer. Tama?
Pero alam mo ba marami pala tayong
mga laro na sadyang sariling atin. Ang
tawag dito ay laro ng lahi. Ito ang isa sa
mga sumisimbolo ng ating pagiging
Pilipino. Ito rin ay tumutulong sa
paghubog sa pagkakaisa natin, ang
pagiging isport. Ginagawa din nitong
alisto ang ating isip at malakas ang ating
pangangatawan.
Higit sa lahat binibigyan nito ng isang
makulay na karanasan ang bawat
batang Pilipino.
Sino sa atin ang hindi nakakaalam ng
Jack en Poy? Ito ay isa sa mga laro ng
lahi na kinagigiliwan ng lahat, bata
man o matanda
Nariyan din ang patintero na ang
kailangan lamang ay pamato na
puwede ang isang maliit na bato na
nasa tabi-tabi lamang. Kung marami
namang goma o rubber band,
pagdugtung-dugtungin lamang ang
mga ito.
Tawagin ang mga kaibigan at lumukso
habang umiikot nang pabilis nang
pabilis ang nilubid na goma. Kapag
nasabit ang paa mo, taya ka na. Ito
ang luksong lubid.
Kung maliwanag naman ang buwan,
yakagin mo ang iyong mga kaibigan
at kayo ay magtagu-taguan sa labas
ng bahay. Mag-ingat lamang sa
pagtatago at baka mahuli ka kaagad.
Kung ayaw mo naman ng tagu-taguan,
puwede rin naman na maglaro tayo ng
bahay-bahayan sa loob o labas man ng
bahay.
Ito ay ilan lang sa mga laro ng ating
lahi na talagang napakasayang laruin.
Kung iisa-isahin natin lahat hindi tayo
matatapos. Kaya, tara na, laro na
tayo!
Ano ang pamagat ng talata?

Tungkol saan ito?

Ano-ano ang laro sa computer na alam


mo?
Ano ang mga laro ng lahi na tinukoy sa
talata?
Alam mong laruin ang mga ito?

Isalaysay kung paano ang mga ito


nilalaro

Ano ang isinisimbulo ng mga laro ng


lahi?
Ano ang magandang naidudulot ng
paglalaro sa ating isip at sa ating
katawan?
Dapat pa ba nating laruin ang mga
laro ng lahi? Bakit?

Balikan ang mini-survey na isinagawa.


Ano-ano pang libangan ang
Alin-alin
mabuti sa dito
atingang laro
isipan at ng lahi?
pangangatawan?
Linangin Natin

Sumama sa iyong pangkat.


Sagutin ang mga tanong na
mababasa sa papel na ibibigay ng
iyong guro.
Hatiin sa pangkat ang klase.
Isulat ang isang teksto at ilang
katanungan para sa bawat
pangkat

Ibigay ito sa bawat pangkat


upang basahin at sagutan.
Pag-uulat ng bawat pangkat.
Talakayin ang kanilang mga
sagot.
Tandaan Natin

Upang masagot ko ang


mga tanong sa tekstong
aking binasa, kailangan
kong
_____________________
________.
Pagyamanin
Natin

Sa mga laro ng lahi na binanggit


sa talata, ano ang nais mong
laruin? Ipaliwanag kung bakit ito
ang pinili mo.
Ikatlong Araw
Layunin:
Nagagamit ang pangngalan sa
pagsasalaysay tungkol sa mga tao,
lugar at bagay
sa paligid
Nahahati nang pabigkas ang
isang salita ayon sa pantig
Nababaybay ang mga salitang
natutuhan
Paksang-Aralin
Ang Gamit ng
Pangngalan
Magpapakita ng ilang bagay tulad
ng bola, sipa, sungka, lubid, at
lata ang iyong guro
Sa
anong laro ito ginagamit?

Sino-sino ang kasama mo tuwing


maglalaro?
Saan kayo naglalaro?
Habang binabasa ang “Tara na ,
Laro Tayo” subukang sagutin ang
sumusunod na tanong:
- Sino ang puwedeng maglaro ng
bawat larong binanggit?
- Kailan ito nilalaro?
- Saan ito nilalaro?
Basahing Muli
Tara na, Laro Tayo!
Anong laro ang alam mo? Sigurado
ako- tulad ko-ang nasa isip mo agad
ay online games na lagi mong nilalaro
sa harap ng computer. Tama?
Pero alam mo ba marami pala tayong
mga laro na sadyang sariling atin. Ang
tawag dito ay laro ng lahi. Ito ang isa sa
mga sumisimbolo ng ating pagiging
Pilipino. Ito rin ay tumutulong sa
paghubog sa pagkakaisa natin, ang
pagiging isport. Ginagawa din nitong
alisto ang ating isip at malakas ang ating
pangangatawan.
Higit sa lahat binibigyan nito ng isang
makulay na karanasan ang bawat
batang Pilipino.
Sino sa atin ang hindi nakakaalam ng
Jack en Poy? Ito ay isa sa mga laro ng
lahi na kinagigiliwan ng lahat, bata
man o matanda
Nariyan din ang patintero na ang
kailangan lamang ay pamato na
puwede ang isang maliit na bato na
nasa tabi-tabi lamang. Kung marami
namang goma o rubber band,
pagdugtung-dugtungin lamang ang
mga ito.
Tawagin ang mga kaibigan at lumukso
habang umiikot nang pabilis nang
pabilis ang nilubid na goma. Kapag
nasabit ang paa mo, taya ka na. Ito
ang luksong lubid.
Kung maliwanag naman ang buwan,
yakagin mo ang iyong mga kaibigan
at kayo ay magtagu-taguan sa labas
ng bahay. Mag-ingat lamang sa
pagtatago at baka mahuli ka kaagad.
Kung ayaw mo naman ng tagu-taguan,
puwede rin naman na maglaro tayo ng
bahay-bahayan sa loob o labas man ng
bahay.
Ito ay ilan lang sa mga laro ng ating
lahi na talagang napakasayang laruin.
Kung iisa-isahin natin lahat hindi tayo
matatapos. Kaya, tara na, laro na
tayo!
Linangin Natin

Kasama ang iyong pangkat, umisip


ng isang bago at orihinal na laro.
Isulat ang kagamitan para dito at
kung paano ito lalaruin. Matapos ito,
subuking ipalaro sa mga kaklase
Pangkatin ang klase.
Kumpletuhin ang tsart sa
pamamagitan ng pagsagot sa
mga ibinigay na tanong.
Sino ang
Kailan Lalaruin
maglalaro

Tumawag ng ilang bata upang


Hayaang
Ipabasa
Ano ang sa
tinutukoy
ipakita
mga bata
ngng
bawat
ang
bawat
mga
pangkat
salita
salitasa
ang
sa
Ano ang tawag
magsalaysay tungkol
sa mgasasalitang
isang laro
ito?na
natapos
bawat
unang hanay.
hanay?
na gawain.
Pangalawa?
nasa talaan.
Anong Laro Saan Nilalaro

Tumawag ng ilang bata upang


Hayaang
Ipabasa
Ano ang sa
tinutukoy
ipakita
mga bata
ngng
bawat
ang
bawat
mga
pangkat
salita
salitasa
ang
sa
Ano ang tawag
magsalaysay tungkol
sa mgasasalitang
isang laro
ito?na
nataposhanay.
bawat
pangatlong
na gawain.
hanay? Pangapat
nasa talaan.
Pagpapayamang
Gawain

Talakayin ang kagamitang


gagamitin; kung sino ang maglalaro
Pangkatin ang klase. Gumawa
gayundinkung saan ito lalaruin; at
ng sarili at bagong laro na
kung paano ito lalaruin. Ipagawa
ipakikilala sa klase.
ang natapos na laro sa ibang
pangkat
Tandaan Natin

Natutuhan ko na
binubuo ang mga
salita ng mga
__________
at________.
Mahalagang
malaman ang
tamang __________
ng isang salita
upang mabasa o
maisulat ito nang
tama.
Ano ang natutunan mo sa
aralin?
Pagyamanin
Natin

Maghanda upang isalaysay sa


klase ang isang laro na
naibigan mo.
Karagdagang Pagsasanay

Isalaysay ang larong gustong-gusto


mo. Pahulaan ito sa mga kaklase.
Ipatukoy din ang pangngalan na
ginamit sa pagsasalaysay
Ikaapat na Araw
Layunin:
Nakakagamit ng
diksiyunaryo
Paksang-Aralin
Paggamit ng
Diksiyunaryo
Tuwing magbabasa ka, ano ang
ginagawa mo kapag may salitang
hindi
nauunawaan?
Nakagamit ka na ba ng
diksiyunaryo?

Ibahagi ang sariling karanasan sa


paggamit nito.
Alamin Natin
Pag-aralan mo ang isang pahina na
hinango sa isang diksiyunaryo.
prototipo – orihinal;
modelo; huwaran
proyekto – binalak na
gawain
prunes – pinatuyong uri
ng ubas
prutera – lalagyan ng
prutas
publiko – taong- bayan

publisidad –anunsyo; pagsasabi sa


madla
pukaw – hindi tulog

pukawin – gisingin
Ano ang pamatnubay na mga salita
sa pahinang ito?

Ano-anong salita ang nakatala sa


pahina?

Ano-ano ang iba’t ibang entry sa


diksiyunaryo na makikita sa pahina?
Paano inayos ang mga salita sa
diksiyunaryo ?

Paano ang tamang pagpapantig


sa salitang pruweba ? Pukawin?
Proyekto?
Ano ang kahulugan ng salitang
pruweba ? Pukawin? Proyekto?

Anong bahagi ng pananalita ang


salitang pruweba ? Pukawin?
Proyekto?
Linangin Natin

Gamit ang isang diksiyunaryo,


ibigay ang kahulugan
ng sumusunod na salita.

1.bahaghari
2.haligi 4.sagisag
3.parusa 5.sira
Tandaan Natin

Natutuhan ko na sa
paggamit ng
diksiyunaryo,
kailangan kong
__________________.
Pagyamanin
Natin

Basahin muli ang “Tara na, Laro


Tayo.” Sipiin sa diksiyunaryo ang
kahulugan ng mga salitang hindi
mo maunawaan sa talatang ito.
Ikalimang Araw
Layunin
Makagawa ng collage na
sumasalamin sa maganda o
kaaya-ayang libangan ng mga
bata
Magamit ang pangngalan sa
pagsasalaysay ng isang
kuwentong may kaugnayan sa
natapos na collage
Gagampanan ng bawat pangkat na
mag-aaral
1. Ang mga mag-aaral ay hahatiin sa
ilang pangkat.
2. Ang bawat pangkat ay gagawa
ng isang collage na nagpapakita ng
isang kaayaayang libangan.
Magpakuha ng iba’t ibang
gamit tulad ng papel, mga
tuyong dahon at maliliit na
sanga, at plastic.
3. Gamit ang mga nakolektang
kagamitan, ipagawa ang
napagkasunduang larawan
ng kaaya-ayang libangan. Ipagawa
ito sa kalahating bahagi ng isang
manila paper.
4. Magpasulat ng isang talata
na may apat hanggang
limang pangungusap tungkol
sa
natapos na collage.
Paguhitan ang pangngalan
na ginamit.
Kalagayan
Ang mga mag-aaral ay gagawa ng isang
collage na nagpapakita ng maganda o
kaaya-ayang libangan ng mga bata gamit
ang iba’t ibang bagay na matatagpuan sa
loob o labas ng silid-aralan.

Bunga silang makagawa ng collage,


Matapos
Ito ay tatasahin sa
gagamitin
Collage at naman
kuwento hinggil dito na
pamamagitan ng nakalakip na
nila ito upangngmakagawa
ginagamitan pangngalan.
ng kuwentong
pamantayan.
isasalaysay sasaklase.
Pamantayan Pagsasagawa
Pamantayan sa pagsasagawa
Inaasahang Nakuhang
Pamantayan Puntos Puntos

Naipakita nang
malinaw at
maayos ang ideya
na 5
kaugnay ng
paksang ibinigay.
Pamantayan sa pagsasagawa
Inaasahang Nakuhang
Pamantayan Puntos Puntos

Orihinal ang
ideya na
5
ipinakita.
Pamantayan sa pagsasagawa
Inaasahang Nakuhang
Pamantayan Puntos Puntos

Gumamit ng
iba’t ibanbg
texture sa
5
paggawa ng
collage.
Pamantayan sa pagsasagawa
Inaasahang Nakuhang
Pamantayan Puntos Puntos

Gumamit ng
tamang
kombinasyon ng
kulay upang 5
maipahayag nang
wasto ang ideya.

You might also like