You are on page 1of 3

GRADE 4 POST TEST

Itanong ang mga sumusunod. Pagganyak: Ano ang ginagawa mo kapag bakasyon?

Pagtakda ng Layunin: Ano kaya ang ginagawa ng mga bata sa kuwento kapag bakasyon?

Babasahin ng guro ang pamagat: Ang pamagat ng ating kuwento ay “Bote Dyaryo”

Basahin ang kuwento.

Kapag bakasyon, maraming bata ang nag-iisip kung paano kikita ng pera.

Nagtitinda ng dyaryo si Luis tuwing umaga. Nilagang mais at saging naman ang itinitinda
ni Karen.

“Luis, magkano ang kinikita mo sa pagtitinda ng dyaryo?” tanong ni Karen.

“Humigit-kumulang sa isandaang piso araw-araw,” sagot ni Luis. “Ibinibigay ko kay


Nanay ang kalahati at inihuhulog ko sa alkansya ang natitira,” dugtong pa niya. “Ikaw, magkano
ang kinikita mo?” tanong ni Luis kay Karen.

“Katulad mo rin. Nakapagbibigay din ako kay Inay at nakapag-iipon pa ako,” ni Karen.

“Dyaryoooo! Boteee!” ang sigaw ng isang binatilyo na may tulak ng kariton.

“Malaki rin siguro ang kinikita ng namimili ng bote at lumang dyaryo, ano,?” tanong ni
Karen. “Tiyak iyon,”sagot ni Luis.

Para sa mga batang ito, ang marangal na gawain ay dapat ipagmalaki.

Level: Grade 4
Bilang ng mga salita: 131
Mga Tanong:

Makinig sa mga tanong at piliin ang tamang sagot.

1. Ano ang ginagawa ng mga bata sa kuwento?

a. Kumakain sila ng masarap na mais at saging.


b. Naglalaro sila ng inipong mga bote at dyaryo.
c. Naghahanap sila ng pagkakakitaan ng pera.

2. Ano ang ibig sabihin ng “humigit-kumulang sa isandaang piso”?

a. tiyak ang halaga ng pera


b. kulang ang halaga ng pera
c. hindi tiyak ang halaga ng pera

3. Ano kaya ang nararamdaman ng mga magulang nina Luis at Karen?

a. Nahihiya sila.
b. Natutuwa sila.
c. Nagugulat sila.

4. Ano-anong mga salita ang nagsasabi tungkol kina Luis at Karen?

Sila ay ___________________________ .

a. malinis at matipid
b. masipag at matipid
c. magalang at matulungin

5. Alin sa sumusunod ang nagpapakitang marangal ang ginagawa nina Karen at Luis?

a. Pinag-uusapan nila ang kita nila.


b. Ipinagmamalaki nila ang pera sa alkansya.
c. Nais nilang gumawa ng paraan para kumita ng pera.

6. Ano ang mensaheng nais iparating ng kuwento?

a. Mainam kapag nakatutulong at nakaiipon.


b. Mainam kapag nagtatrabaho habang bata pa.
c. Malaki ang kita ng namimili ng bote at dyaryo
Gabay sa Pagwastong Panapos na Pagtatasa sa Filipino Sets A (Baitang 1 – Baitang 7)

Set A

Gr. 1 Gr. 2 Gr. 3 Gr. 4 Gr. 5 Gr. 6 Gr. 7

Laro Ang Magtulungan Bote Kapaligiran Si Jose Rizal Digmaan


Tayo! Punong Tayo Dyaryo sa Dapitan
Narra
1.b 1.b 1.b 1.c 1.c 1.d 1.a
2.b 2.a 2.b 2.c 2.d 2.b 2.c
3.c 3.c 3.b 3.b 3.d 3.a 3.c
4.c 4.b 4.c 4.b 4.b 4.b 4.d
5.a 5.c 5.a 5.c 5.b 5.d 5.c
6.c 6.a 6.d 6.d 6.a
7.a 7.a 7.b
8. c 8.d

You might also like