You are on page 1of 3

GRADE 3 POST TEST

Itanong ang mga sumusunod.


Pagganyak: Ano-ano ang ginagawa mo pagkatapos ng bagyo?
Pagtakda ng Layunin: Tingnan kung ano ang ginawa ng mga bata sa kuwento
pagkatapos ng bagyo.
Babasahin ng guro ang pamagat: Ang pamagat ng ating kuwento ay “Magtulungan
Tayo”.
Basahin ang kuwento.

Papasok na ng paaralan ang tatlong mag-aaral. Nakita nila ang nagkalat na


mga sanga ng puno sa mahabang daan.

Katatapos lang ng malakas na bagyo at di pa nalilinis ang ilang kalsada.

Pagdating sa paaralan, gayundin ang kanilang nakita. Maputik ang silid at


madungis ang pader. Nagkalat ang mga dahon sa buong paligid.

“Halikayo,” tawag sa kanila ng mga kaklase. “Tulungan natin si Gng. Ramos


sa paglilinis.”

Mabilis na kumilos ang mga mag-aaral. Tahimik silang tinitingnan ni Gng.


Ramos.

“Maraming salamat mga bata. Natatapos agad ang gawain kung


nagtutulungan,” sabi niya.

Level: Grade 3
Bilang ng mga salita: 92
Makinig sa mga tanong at piliin ang tamang sagot.

1. Ano ang nakita ng tatlong mag-aaral papunta sa paaralan?


Nakita nila ang ___________________________.
a. malakas na bagyo
b. makalat na paligid
c. mga natumba na poste

2. Bakit marumi ang silid-aralan na nadatnan ng mga mag-aaral?


a. Matagal na walang pasok.
b. Katatapos lang dumaan ng bagyo.
c. Walang tigil ang pagkakalat ng mga mag-aaral.

3. Maputik ang silid at ‘madungis’ ang pader. Ang ibig sabihin ng


‘madungis’ ay ________________ .
a. madilim
b. madumi
c. makalat

4. Anong katangian ang ipinakita ng mga mag-aaral? Pinakita ng


mag-aaral ang pagiging __________________.
a. matalino
b. magalang
c. matulungin

5. Ano kaya ang naramdaman ng guro sa ginawa ng mga mag-


aaral? ________________ ang guro.
a. Masaya
b. Nagulat
c. Nalungkot

6. Alin sa sumusunod ang magandang pamagat ng kuwento?


a. Makalat na Paligid
b. Ang Masayang Guro
c. Pagkatapos ng Bagyo
Gabay sa Pagwastong Panapos na Pagtatasa sa Filipino Sets A
(Baitang 1 – Baitang 7)
Set A

Gr. 1 Gr. 2 Gr. 3 Gr. 4 Gr. 5 Gr. 6 Gr. 7

Laro Ang Magtulungan Bote Dyaryo Kapaligiran Si Jose Rizal Digmaan


Tayo! Punong Tayo sa Dapitan
Narra
1.b 1.b 1.b 1.c 1.c 1.d 1.a
2.b 2.a 2.b 2.c 2.d 2.b 2.c
3.c 3.c 3.b 3.b 3.d 3.a 3.c
4.c 4.b 4.c 4.b 4.b 4.b 4.d
5.a 5.c 5.a 5.c 5.b 5.d 5.c
6.c 6.a 6.d 6.d 6.a
7.a 7.a 7.b
8. c 8.d

You might also like