Professional Documents
Culture Documents
Development Team
F3KP-IIb-d-8
Natutukoy ang mga salitang magkakatugma
F3WG-IIIh-6
Nagagamit nang wasto ang mga pang-abay na
naglalarawan ng isang kilos o gawi
F3PL-oa-j-3
Naipamamalas ang paggalang sa ideya, damdamin at
kultura ng may akda ng tekstong napakinggan o nabasa
Sa mga Magulang at Guro,
5
6
Sa tabi ng munting sapa,
naninirahan ang mga
palakang bibo at listo. May
isa na laging tinutukso.
Kakaiba siya. Hindi berde
ang kulay ng balat niya, at
hindi rin abo.
Siya si Ikoy, ang asul na
palaka ng Sapang Bato.
7
8
Sadyang nakapagtataka
ang kulay niya, maging ang
kilos at gawi ay kakaiba. Hindi
siya mahilig lumangoy at hindi
rin mahilig kumanta.
Samantalang naglalaro at
nagsasaya ang ibang palaka,
lagi lamang siyang
nakamata.
9
10
Ayaw siyang kasama ng
mga ibon, isda at alimango.
“Ikoy ang Palakang Wirdo,”
ang laging tukso sa kanya.
Malungkot at laging nag-
iisa ang asul na palaka.
11
12
Isang umagang mainit,
naisip ng palakang pilyo na
hamunin sa paglangoy ang
palakang walang kibo.
“Halika, Ikoy tayo ay
maglaro. Pabilisan sa
paglangoy. Ang
pinakamatagal sumisid ang
siyang panalo,” wika ng
palakang mabiro.
“Naku, Kaibigan,
ipagpaumanhin mo kung
ikaw ay tanggihan ko. Nais ko
mang gawin ang iyong gusto,
sa paglangoy ako’y talagang
bigo,” ang tugon ni Ikoy sa
paanyaya nito.
13
14
Ang mga nakarinig na
hayop ay nagtawanan
pagkat ngayon lang nakakita
ng palakang di marunong sa
languyan.
Kaya itong si Ikoy ay
napahiya. Umuwing
malungkot at may luha sa
mata.
15
16
Sa di kalayuan ay may
kaaway na mabangis. Si
Asyong, ang sawa na sa
kayabangan ay talagang
nakaiinis.
Ang balat nito ay
nakasisilaw sa kinis. Ang laki at
lapad ng katawan ay walang
kaparis.
Laging nakanganga at
handang manlingkis.
17
18
Isang gabing tahimik, isang
malakas na iyak ang kanilang
narinig.
“Kokakkkkkkkkk...kokak....!”
iyak sabay nginig.
“Ang aking asawa, kinain ni
Asyong Sawa!!” sigaw ng
kaawa-awang palaka.
“Labis ang aking gutom
kaya kulang pa ang isa..
sshh.. sshh.. sshhhhh..,” ang
wika ng walang kabusugang
si Asyong Sawa.
19
20
Natakot lumabas ang mga
palaka, ngunit kailangang
may magsakripisyong isa.
Kung hindi tiyak na mauubos
ang lahi nila.
Mula kung saan, lumitaw
ang asul na palaka. Ang sarili
ay inihain nang kusa.
Siya na lamang daw ang
kainin ng sawang walang
awa.
Wika pa niya “Ako ay
walang halaga, kaya
mainam pang sa mundo ay
mawala na.”
21
22
“Humahanga ako sa iyong
katapangan, kaya naman
kakainin kita nang dahan-
dahan,” ang wika ni Asyong
Sawa.
“ Paalam, Sapang Bato,
paalam sa inyo,” ang huling
winika ng asul na palaka.
23
24
Ngunit ilang sandali pa,
itong si Asyong ay biglang
nasuka. Si Ikoy ay kanyang
iniluwa.
Ang bibig ng matakaw na
sawa ay bumula at ang
mahabang katawan ay
bumagsak sa lupa. Ang
masamang sawa nalason na
pala.
25
26
Sa pagkalason ni Asyong
Sawa, nailuwa rin nito ang iba
pang palaka. Ang lahat ay
nagdiwang sa nasaksihang
kabayanihan.
Nagpalakpakan sila at
nagsayawan.
Ngayon nila naisip na may
silbi nga pala ang asul na
palakang kanilang
pinagtatawanan. Mula noon,
si Ikoy ay ganap na
hinangaan.
27
28
Nagpasalamat si Ikoy sa
Poong Maykapal pagkat
nilikha man siyang kakaiba sa
karamihan, nakatitiyak na
siyang ito ay may dahilan.
Isang bagay pa ang
kanyang napatunayan. Abo,
berde o asul man ang kulay
ng isang nilalang, hindi ito
dahilan upang gumawa ng
kabutihan.
29
GAWIN NATIN
Hanapin at bilugan ang
mga palakang nasa larawan.
30
DAGDAG KAALAMAN
Sanggunian: Wikipedia 31
Ang kuwentong ito ay
tungkol kay Ikoy, ang asul na
palaka. Dahil siya ay kakaiba,
lagi siyang tinutukso ng
kapwa palaka.
Malungkutin at mapag-isa
si Ikoy dahil iniisip niya na
walang silbi ang mga tulad
niya.
Subalit isang pangyayari sa
Sapang Bato ang
nagpatunay na ang mga
kagaya ni Ikoy ay may
puwang sa mundo.
32
29
Ang may Akda
RHEA MANALILI PADIERNOS