You are on page 1of 3

ESP 4

3RD GRADING PERIOD (PAGPAPAHALAGA SA KULTURA)

I. Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Alin sa mga sumusunod ang katutubong kultura ng ating bansa?


A. pag-aaral ng Kung Fu C. Pagmamano
B. pagsabi ng Sawadeeka D. Pagkanta ng ballad
2. Nagbakasyon si Roy sa probinsya. Pagdating niya nakita niya ang Lolo at Lola kasama ang mga
tiyahin. Ano ang una niyang dapat gawin.
A. Hindi sila papansinin dahil pagod ako galling sa byahe.
B. Sasabihan ko si nanay na paluin sila.
C. Iimbitahan at turuan sila ng laro mula sa lungsod
D. Magmamano at hahalikan sila sa pisngi.
3. SI Efren ay nagdadasal bago maglaro ng billiard. Ito ay katangian nag pagiging _______.
A. Madasalin C. mapagbigay
B. Bayani D. Matulungin
4. Nagbakasyon sa inyo ang ang pinsan mo na taga-lungsod ng Davao. Paano mo maipapamalas
ang mga katutubong kultura sa lalawin niyo?
A. Ako ay matutulog lang sa bahay dahil ayaw ko sa mga taga lungsod
B. Makikipaglaro ako ng DOTA
C. Tuturuan sila ng larong pinoy gaya ng sungka
D. Magluluto kami ng mango float.
5. Naatasan ang inyong pangkat na magtanghal sa palatuntunang inihanda para sa mga mag-
aaral mula sa Singapore upang maipakilala sa kanila ang kulturang Pilipino. Alin sa mga
sumusunod ang pipiliin ninyo?
A. Umawit ng nauusong kanta ngayon.
B. Sumayaw ng Pandanggo sa Ilaw
C. Lumikha ng bagong himig at tugtugin sa piano
D. Sumayaw ng katutubong sayaw ng Singapore.
6. Nakita mo na patawid ang isang matanda na may bitbit na mga gulay galing sa palengke. Ano
ang iyong gagawin?
A. Pagtatawanan siya
B. Tutulungan sa pagkat ito ang tamang gawin
C. Magpapanggap na hindi ko siya nakita
D. Hahayaan lang siya dahil matanda na siya.
7. Narinig mo na ang iyong mga kapatid at pinsan ay gumagamit ng po at opo kapag sumasagot
sa mga nakakatanda. Ano ang iyong gagawin?
A. Magagalit dahil sila ay sipsip sa aking mga magulang
B. Tutularan sila
C. Huwag silang tularan sa kanilang ginagawa
D. Wala kang gagawin.
8. Ano ang tawag sa sinaunang sistema ng pagbasa at pagsulat na sinasabing umiiral na sa
Pilipinas bago pa man dumating ang mga Espanyol?
A. Alpabeto B. Balangay C. Baybayin D. Titik.
9. Nakita mong nagbabasa ang iyong kapatid gamit ang iyong libro tungkol sa kwento ni Maria
Makiling. Ano ang iyong gagawin?
A. Aagawin ang libro dahil hindi naman ito sa kanya
B. Pupunitin ang libro dahil ayaw kong malaman niya ang kwento
C. Sasabihan siya na bumili ng kanyang libro
D. Hihikayatin siya na magbasa pa ng mga kwentong bayan.
10. Narinig mo na kinanta ni Mark ang Lupang Hinirang ng katawatawa. Ano ang iyong gagawin?
A. Sasabayan siya sa pagkanta
B. Tatawa lamang
C. Susuntukin siya
D. Tuturuan siya na dapat galangin ang pambansang awit

II. Isulat kung anong kultura ang mga sumusunod. Isulat kun ito ay Kuwento, Awit,
Sayaw, Pagkain o Laro.
1. Patintero 9. Ang Alamat ng Bundok Kanlaon
2. Suman 10. Aray
3. Singkil 11. Biko
4. Arnis 12. Tumbang Preso
5. Agyo 13. Ili-ili
6. Polka sa Nayon 14. Sarimanok
7. Tinola 15. Masdan mo ang mga Bata
8. Singkamas

III. Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na mga pangungusap. Lagyan ng
✔ ang patlang ng bawat bilang kung ito ay nagpapakita ng natatanging
pagpapahalaga sa kulturang Pilipino at ✘ naman kung hindi.

______1. Nakisali si Fred sa mga mag-aaral na pagtawanan ang isang kaklaseng nakabahag.
______2. Nang makauwi si Roy sa bahay ay nagmano sa kanyang mga magulang.
______3. Nakidalo si Aela sa mga katutubong pista or pagdiriwang sa kanilang lalawigan.
______4. Si Paul ay nakikinig at naghahanap pa nang ibang kwentong bayan para maibahagi sa
ibang bata ang kaalaman nito.
______5. Pinag-aralan ni Arnold ang mga katutubong awit para maituro ito sa kanyang mga
kaklase.

IV. Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na mga katanungan. Piliin ang titik ng
tamang sagot sa pamamagitan pagbilog nito.

1. Ano ang tawag sa sinaunang sistema ng pagbasa at pagsulat na sinasabing umiiral na sa


Pilipinas bago pa man dumating ang mga Espanyol?
A. Baybayin B. Balangay C. Titik D. Alpabeto
2. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga kultura ng ating bansa. Alin ang HINDI?
A. Pagmamano C. Pag-aasawa ang maaga
B. gumawa ng siomai D. Mga pamahiin tuwing may patay
3. Sa kabila ng mabigat na suliraning idinulot ng bagyong Yolanda, hindi natinag ang mga
Pilipino. Sa halip ay bumuhos ang mga donasyon mula sa ibat-ibang rehiyon. Ito ay
isang ugaling _______.
A. Bayani B. Madasalin C. matulungin D. Mapagbigay
4. Nagbakasyon ang iyong pamilya sa probinsya. Pagdating niyo nakita moa ng Lolo at Lola
kasama ang mga tiyahin mo. Ano ang una among dapat gawin.
A. Iimbitahan at turuan sila ng laro mula sa lungsod
B. Sasabihan ko si nanay na paluin sila.
C. Magmamano at hahalikan sila sa pisngi
D. Hindi sila papansinin dahil pagod ako galling sa byahe.
5. Dumating ang mga pinsan mo galing sa Maynila para bisitahin kayo sa probinsiya.
Tinawag ka nila para maglaro ng video games. Ano ang gagawin mo?
A. Ako ay hindi sasali dahil ayaw ko sa mga taga lungsod
B. Sasali para matuto kung paano gumamit ng mga gadgets
C. Tuturuan sila ng larong pinoy gaya ng sungka
D. Maglalaro kami ng basketball dahil mas maganda ito kaysa sa ibang laro.

6. Narinig mo na ang iyong mga kapatid at pinsan ay gumagamit ng po at opo kapag sumasagot
sa iyong mga magulang. Ano ang iyong gagawin?
A. Magagalit dahil sila ay sipsip sa aking mga magulang
B. Sasabihan na tama ang kanilang ginawa dahil dapat may paggalang kapag nakikipag-
usap sa mga nakakatanda.
C. Huwag silang tularan sa kanilang ginagawa
D. Wala kang gagawin

7. Naatasan ng guro ang inyong klase na sayawin ang Singkil bilang presentasyon ninyo sa
programa sa Buwan ng Wika. Ano ang iyong gagawin?
A. Sasali sa pag-eensayo at pagbubutihin ang presentasyon.
B. Ako ay hindi sasali dahil makaluma ang sayaw
C. Sasali sa pag-ensayo pero di dadalo sa araw ng presentasyon
D. Sasali ako sa araw ng pagtatanghal.

8. Nakita mong nagbabasa ang iyong kapatid gamit ang iyong libro tungkol sa kwento ni Maria
Makiling. Ano ang iyong gagawin?
A. Aagawin ang libro dahil hindi naman ito sa kanya
B. Pupunitin ang libro dahil ayaw kong malaman niya ang kwento
C. Sasabihan siya na bumili ng kanyang libro
D. Hihikayatin siya na magbasa pa ng mga kwentong bayan.

9. Naatasan ang inyong pangkat na magtanghal sa palatuntunang inihanda para sa mga mag-
aaral mula sa Malaysia upang maipakilala sa kanila ang kulturang Pilipino. Alin sa mga
sumusunod ang pipiliin ninyo?
A. Sumayaw ng Pandanggo sa Ilaw
B. Umawit ng nauusong kanta ngayon.
C. Lumikha ng bagong himig at tugtugin sa piano.
D. Sumayaw ng katutubong sayaw ng Malaysia.

10. Nakita mo na patawid ang isang matandang babae na may bitbit na mga gulay galing sa
palengke. Ano ang iyong gagawin?
A. Hahayaan lang siya dahil matanda na siya.
B. Tutlungan sa pagkat ito ang tamang gawin.
C. Pagtatawanan siya
D. Magpapanggap na hindi ko siya nakita.

You might also like