Professional Documents
Culture Documents
Noong unang panahon ay wala pang tinatawag na bansang Pilipinas. Mayroon lamang maliliit na mga
pulo. Noong hindi pa rin ito bahagi ng mundo ay may nakatira ditong isang higante. Ang kweba nya ay
nasa kalagitnaan ng Dagat Pasipiko. Kasama niyang naninirahan ang kanyang tatlong anak na babae na
sina Minda, Lus at Bisaya.
Isang araw kinakailangang umalis ng amang higante upang mangaso sa kabilang pulo. Kailangang
maiwan ang tatlong magkakapatid kaya pinag sabihan niya ang tatlo.
“Huwag kayong lumabas ng ating kweba,” ang bilin ng ama. “Dyan lamang kayo sa loob dahil may mga
panganib sa labas. Hintayin ninyo ako sa loob ng kweba.”
Nang makaalis na ang amang higante, naglinis ng kweba ang magkakapatid. Inayos nila itong mabuti
para masiyahan ang kanilang ama. Subalit hindi nila katulong sa paggawa si Minda. Hindi ito masunurin
sa ama. Lumabas pala si Minda at namasyal sa may dagat. Hindi man lamang nagsabi sa mga kapatid.
Tuwang-tuwa si Minda na naglalaro ng mga along nanggagaling sa dagat. Namasyal sya at hindi nya
napansin na malayo na pala sya sa tabi ng dagat. Habang sya ay naglalakad, isang napakalaking alon na
masasabing dambuhala ang lumamon kay Minda. Nagsisigaw sya habang tinatangay ng malaking alon sa
gitna dagat.
“Tulungan ninyo ako!” sigaw ni Minda. Narinig nina Lus at Bisaya ang sigaw ni Minda. Abot ang sigaw sa
loob ng kweba kaya tumigil sa paggawa ang dalawa.
“Si Minda humihingi ng tulong!” sabi ni Lus na nanlalaki ang mga mata sa pagkagulat.
Mabilis silang tumakbo sa may dagat. Tingin dito, tingin doon. Nakita nila sisinghap-singhap sa tubig ang
kapatid.
Mabilis nilang nilusong si Minda, malalim pala doon. Inabot nila ang kamay nila sa kapatid. Pati sila ay
nadala ng dambuhalang alon. Kawag, sipa, taas ng kamay, iyak sigaw at walang tigil na kawag. Sa
kasamaang palad ang tatlong dalagang higante ay hindi na nakaahon.
Nang dumating ang amang higante nagtataka siya bakit walang sumalubong sa kanya. Dati-rati ay
nakasigaw na sa tuwa ang tatlo nyang anak kung dumating sya. Wala ang tatlo sa kweba, ni isa ay wala
roon.
“Saan kaya nagtungo ang tatlo kong anak?” Tanong nya sa sarili. “Saan kayo Lus, Minda, Bisaya!”
Walang sumasagot, hinanap niya sila sa paligid ngunit wala sila roon. Pinuntahan niya ang ilang malapit
na pulo, ni anino ay wala.
“Baka may pumuntang tao at dinala silang pilit,” sabi ng higante sa sarili.
Biglang umalon ulit at dumagundong, napalingon ang ama at naisip niya na baka nalunod ang tatlo.
Dumako pa sya sa malayo at hindi nagkamali ang higante. Nakita niya ang labi ng ilang pirasong damit na
nakasabit sa bato. Para tuloy niyang nakita ang tatlong kamay na nakataas at humihingi ng saklolo.
Naalala niya bigla na hindi niya pinayagang lumabas ang mga ito. Tumalon sa dagat ang higante. Sa isip
lamang pala niya ang larawan ng tatlong kamay na nakataas, nawalan siya ng lakas.
“Mga anak! Ano pa? Wala na” himutok ng ama. Nawalan na siya ng ganang kumain. Tumayo, umupo,
tumingin sa malayo. Isa-isang hinagod ng tingin ang bawat munting bato at kahoy sa malayo. At sa
pagod at hapis napahilig sa isang bato at tuluyang natulog. Mahabang pagkatulog ang nagawa ng
kawawang higante.
Nang magising ang higante, kinusot niya ang kanyang mga mata. May nakita siyang wala doon dati.
Tumayo bigla at tiningnan mabuti.
“Ano ito? Saan galing ang tatlong pulong ito? Sila kaya ang tatlong ito?” Tanong sa sarili, lalong lungkot
ang naramdaman ng amang ulila.
“Ang tatlong pulong ito! Sina Lus, Minda at Bisaya ito!” ang sabi niyang malakas.
At buhat noon tinawag na Luson, Bisaya at Mindanaw ang tatlong pulo. Dito nagmula ang bansang
Pilipinas. Nasa gawing timog ng Asya. Bahagi ito ng Pilipinas sa katimugang bahagi ng Asya.
Aral:
Ang pagiging matigas ang ulo ay nagdudulot ng kapahamakan sa tao. Pagkaminsan pa nga ay
kapahamakan din ang dulot nito sa iba.
Ang pagsunod sa magulang ay hindi isang parusa. Bagkus ito ay nagpapakita ng paggalang natin sa knila.
Alamat ng Ampalaya
Noong araw, sa bayan ng Sariwa naninirahan ang lahat ng uri ng gulay na may kanya-kanyang
kagandahang taglay.
Si Kalabasa na may kakaibang tamis, si Kamatis na may asim at malasutlang kutis, si Luya na may
anghang, si Labanos na sobra ang kaputian, si Talong na may lilang balat, luntiang pisngi ni Mustasa, si
Singkamas na may kakaibang lutong na taglay, si Sibuyas na may manipis na balat, at si Patola na may
gaspang na kaakit-akit.
Subalit may isang gulay na umusbong na kakaiba ang anyo, siya si Ampalaya na may maputlang
maputlang kulay, at ang kanyang lasang taglay ay di maipaliwanag.
Araw-araw, walang ginawa si Ampalaya kung hindi ikumpara ang kanyang itsura at lasa sa kapwa niya
gulay, at dahil dito ay nagbalak siya ng masama sa kapwa niyang mga gulay.
Nang sumapit ang gabi kinuha ni Ampalaya ang lahat ng magagandang katangian ng mga gulay at
kanyang isinuot.
Tuwang-tuwa si Ampalaya dahil ang dating gulay na hindi pinapansin ngayon ay pinagkakaguluhan.
Ngunit walang lihim na hidi nabubunyag nagtipon-tipon ang mga gulay na kanyang ninakawan.
Napagkasunduan nilang sundan ang gulay na may gandang kakaiba, at laking gulat nila ng makita nilang
hinuhubad nito isa-isa ang mga katangian na kanilang taglay. Nanlaki ang kanilang mga mata ng
tumambad sa kanila si Ampalaya.
Nagalit ang mga gulay at kanilang iniharap si Ampalaya sa diwata ng lupain. Isinumbong nila ang
ginawang pagnanakaw ni Ampalya. Dahil dito nagalit ang diwata at lahat ng magagandang katangian na
kinuha sa mga kapwa niya gulay.
Laking tuwa ni Ampalaya dahil inisip niya na iyon lamang pala ang kabayaran sa ginawa niyang
kasalanan. Ngunit makalipas ang ilang sandali ay nag-iba ang kanyang anyo.
Ang balat niya ay kumulubot dahil ang kinis at gaspang na taglay ni upo at kamatis ay nag-away sa loob
ng kanyang katawan. Maging ang mga ibat-ibang lasa ng gulay ay naghatid ng hindi magandang panlasa
sa kanya kung kaya’t pait ang idinulot nito. Ang kanyang kulay ay naging madilim na luntian.
Ngayon, kahit masustansiyang gulay si Ampalaya, marami ang hindi nagkakagusto sa kaniya dahil sa pait
na kanyang lasa.
Aral:
Nilikha tayo ng Diyos ng may iba’t-ibang katangian kaya maging kuntento tayo at iwasang ikumpara ang
sarili sa iba.
a Pula, Sa Puti”
ni Fransisco “Soc” Rodrigo
X. Buod
- Maaga pa lamang ay nagtatalo na mag-asawa dahil sa paghingi ni Kulas kay Ceiling ng pera
upang ipangtaya sa sabong. Ngunit kahit ganun ay nakataya pa din siya at pinangako sa asawa na
pagnatalo siya ay papatayin na ang mga manok niya. Si Teban naman na kaibigan niya ay tinuruan
na gawing pilay ang manok at tumaya ng doble sa kalaban. Samantalang si Ceiling din naman ay
tumaya din sa kalaban upang makasiguro na babalik din ang pera pinangtaya nila. Ngunit sa hindi
inaasahang pagkakataon ay nanalo ang manok ni Kulas at kahit ganoon ay wala siyan naiuwing
pera. Kaya pagkauwi niya sa bahay ay magiging tinola na ang manok niya.
NG MAGING BABAE (ni Ruth E.S. Mabanglo)
Kasumpa-sumpa
Depinisyong pamana
ng nakaraa't kasalukuyan.
Anyong hinulma
ng pag-asam at pangangailangan.
Mulang pagsilang
Nagumon ang isip sa karupukan.
mg pagkabirhe't kahihiyan.
ng di mabilang na bagay.
Kanin at pamulat
ng hangari't paglingap.
Nagdidildil ka ng pills.
my own concavity
uselessly hungering
instead of men.
I looked forward
to sleeping alone
for a lover.
Even when you arrived,
my cynical seductions,
and my trick of
turning a slave
into a master.
you made
my fingertips ache
in passion
and discovered
to be written
And now
I am blank
for you,
a tabula rasa
ready to be printed
with letters
in an undiscovered language
of our love.