You are on page 1of 3

Ang Ati-Atihan Festival ay isang kapistahan na ginaganap taun-taon tuwing Enero sa karangalan ng Santo

Niño (Sanggol ni Jesus), at natatapos sa ikatlong Linggo, sa isla at bayan ng Kalibo, Aklan sa Pilipinas. Ang
pangalan ay nangangahulugan ng ‘Ati-Atihan’ ‘na maging tulad ng Atis’ o ‘mapaniwala Ati’. Itas ay ang
pangunahing naninirahan sa mga isla ayon sa kasaysayan ng mga libro. Sila rin ay ang pinakamaagang
settlers ng Panay Island kung saan ang lalawigan ng Aklan ay nakatayo.Ang pagdiriwang ay binubuo ng
panliping sayaw, musika, na sinamahan ng mga katutubong damit at armas, at parada sa kahabaan ng
kalye. Ang Kristiyano, at hindi-Kristiyano ay nagdiriwang ng isang prosesyong relihiyon. Ito ay inspirasyon
ng marami pang mga Philippine Festival kabilang ang Sinulog Festival ng Cebu at Dinagyang ng Iloilo City,
parehong pakikibagay ng Kalibo Ati-Atihan Festival, at legal na humahawak ng pamagat na ‘Ang Ina ng
Lahat ng Philippine Festival’ sa kabila ng iba pang dalawang sinabi festival ‘ pag-angkin ng parehong
pamagat.Ang mga tao na dumalo sa masa para sa Santo Niño, at benepisyong mga sayaw ay inisponsor
ng government organizations. Ang pormal na pagbubukas ng misang relihiyon ay kaganapan ng isang
pagdiriwang. Ang prosisyon ay nagsisimula sa isang rhythmic drumbeats, at sayaw sa kahabaan ng kalye.
Nagsisimula ang rosayyo na prosisyon sa ikalawang araw at palaging nasa madaling araw na nagtatapos
sa isang mesa ng komunidad, at marahan ang lakad. Ang mga pariralang ‘Hala Bira! Pwera Pasma! ‘ ay
orihinal na nauugnay sa Sto. Nino Ati-Atihan Festival bilang ang deboto ay panatili sa pagpunta sa mga
kapistahan sa buong bayan mula sa umaga sa maliit na oras ng sa susunod na umaga, ulan o init, para sa
isang linggo o higit pa. Naniniwala sila na ang mga mahimalang Child Jesus ay maprotektahan ito mula sa
pinsala at sakit. Ang highlight ng festival ay nangyayari sa huling araw, sa ikatlong Linggo ng Enero, kapag
ang mga grupong kumakatawan sa iba’t ibang mga tribo makipagkumpetensya para sa atensyon at mga
premyo turista ‘. Ang pagdiriwang ay nagtatapos sa isang prosisyon ng libu-libong mga tao na may dala
na mga torches at iba’t ibang mga uri ng mga imahe ng mga Santo Niño. Ang mga nanalo sa paligsahan
ay inihayag sa isang pagbabalatkayo bola na opisyal na nagtatapos sa pagdiriwang.

Ipinagdiriwang ang Sinadya sa Halaran Festival tuwing ika-4 hanggang ika-8 ng Disyembre bilang pag-
alaala sa kapistahan ng Immaculada Concepcion, na siya ring patron ng lungsod ng Roxas. Ginagawa ang
pagdiriwang sa pamamagitan ng malalaki at makukulay na parada sa kalsada at sa pangunahing ilog ng
lalawigan. Mayroon ding parada upang ipakita ang mga produkto mula sa dagat, na siyang pangunahing
pinagkukunan ng kabuhayaN ng mga naninirahan sa Roxas at Capiz.

Ang Sinadya sa Halaran ay isa sa pinakaimportanteng pagdiriwang sa Roxas. Ito ay pag-iisa ng dalawang
magkaibang pagtitipon, ang “Sinadya” para sa lungsod at “Halaran” para sa lalawigan.
Ang mga katagang Sinadya sa Halaran ay nangangahulugang “saya sa pagtulong at pasasalamat”.

Sa Pasundayag Capiznon ay ipinapamalas ang iba't ibang piyesta ng lahat ng bayan at lungsod sa Capiz.
Kinatatampukan ito ng pagpapamalas ng uri ng pamumuhay sa lungsod ng Roxas sa pamamagitan ng
makukulay na pananamit at masayang pagpaparada at pagsasayaw. Ginaganap ito sa mga pangunahing
kalsada ng Roxas kung saan nagkakaroon ng parada at sayawan. Sa hapon naman ay ginaganap ang
programang kultural sa Capiz gym.

Ipinaparada ang mga produkto ng Capiz sa pamamagitan ng malalaking imahe o higantes. Nilalahukan ito
ng mga opisyal ng mga lalawigan, lungsod at bayan na sakop ng Capiz, mga pampubliko at pribadong
paaralan sa Roxas, mga barangay at ilang mga organisasyon. Pagkatapos ng parada ay inilalagak ang mga
higantes sa Roxas City Plaza hanggang ika-8 ng Disyembre, o sa araw ng pagtatapos ng pagdiriwang.

Ang Binirayan Festival ay ipinagdiriwang sa probinsya ng Antique sa Pilipinas. Ito ay ipinagdiriwang


tuwing ikatlong linggo ng Abril sa lalawigan para ipaalala ang pagdating ng sampung datu sa Panay. Ang
tema ng Binirayan Festival ay “Pagsunod sa aming mga ugat, ang aming kadakilaan.

May ilang mga bagay na kasama sa pagdiriwang ng selebrasyon at isa sa kanila ay ang Lin-ay Kang, isang
paligsahan sa kagandahan. Ang mga tao na nais sumali ay dapat magkaroon ng serbisyo sa lalawigan na
higit sa isang taon bago magwang suamali sa paligsahan.

Ang ibig sabihin ng Binirayan ay “kung saan sila ay nakarating” natumutukoy sa sampung datu na
dumating sa Pilipinas. May mga kasali sa kalye na nagpasadula na ang ginagamit ay mga lokal na wika.
Ang pagsasadulang ito ay tungkol sa pagdating sa Pilipinas ng mga datu. Ang pagsasadula ay nangyayari
sa eksaktong lugar na dumating ang mga datu.

Ang Binirayan ay isang maganda at masayang selebrasyon. Isa ito sa maraming mga pagdiriwang sa
Pilipinas. Bawat isa sa mga selebrasyong ito ay mahalaga para sa bawat lugar kung saan sila ay
ipinagdiriwangn at sa mga taong naninirahan dito.
Ang Dinagyang Festival ay ipinagdiriwang tuwing ika-apat na linggo ng Enero, sa Iloilo bilang pagpupugay
sa Santo Niño. Ang "Dinagyang" ay isang salitang Ilonggo na ang ibig sabihin ay magdiwang at magkaroon
ng kasiyahan. Ito ay isa sa mga pista na ginaganap para sa Santo Niño kagaya ng Ati-Atihan ng Aklan at ng
Sinulog ng Cebu.Unang tinawag ang Dinagyang sa pangalan na "Iloilo Ati-Atihan", para pag-ibahin ito
mula sa Ati-Atihan ng Aklan. Nag-umpisa ito noong 1967 nang dalhin sa Iloilo ang isang replika ng Santo
Nino mula sa Cebu. Sinalubong ng mga deboto ang imahen pagkalapag nito sa paliparan at ipinarada ito
sa mga kalye ng Iloilo. Noong una, ipinagdiriwang lamang ito sa parokya, hanggang sa dumami na ang
mga tribu na sumasali taun-taon at naging mas magarbo at mas masigla na ang mga naging selebrasyon.

Isa sa mga pangunahing kaganapan ay ang Kasadyahan. Ito'y isang dramatisasyon ng buhay ng mga Aeta
pagdating ng mga datu mula Borneo, at ang sumunod na kolonisasyon ng isla ng mga Espanyol.
Ginagawa ito sa pamamagitan ng sayaw. Tinuturing itong isang kultural na dance parade dahil sa
naipapakita nito ang kultura at ilang bahagi ng kasaysayang Pilipino at dahil na rin sa kulay at ganda ng
mga kostyum ng mga mananayaw. Ang mga pinakamahalagang batayan ng pagkapanalo sa kompetisyong
ito ay ang tema ng dramatisasyon at galing sa pagsayaw.

Ang Masskara Festival ay syang pinakamalaking taunang kasiyahan sa Bacolod kung saan ito ay
sumasalamin sa mga Bacoleños bilang masayahin, magalakin, at palaging nakangiti. Ang okasyong ito ay
nagtatampok ng mga kumpetisyon sa palaro, kultural na mga programa , karnabal , paligsahan sa
kagandahan at katalinuhan ng mga Bacoleñong dilag at isang mahabang Mardi grass sa kalye kung saan
ang mga tao ay sumasayaw sa kalye at nagkakasiyahan sa indak at saliw sa iba’t ibang tugtog ng musika.
Ang MassKara Festival ay nagaganap tuwing ikatlong linggo ng Oktubre at inaabot ng isang linggo. Ang
Bacolod City na syang kabisera ng lalawigan ng Negros Occidental ay nagkakaron ng kumpetisyon sa
pagsasayaw sa kalye o street dancing kung saan ang mga tao mula sa lahat ng antas ng pamumuhay ay
nasa kalye ng syudad at nakikisaliw sa ritmo ng musika, nagpapagandahan ng costume o kasuotan,
pagalingan sa sayaw, sabayan sa indak, tugtog at iba pang mga criteria sa kahusayan ng street dancing.

You might also like