You are on page 1of 1

Narrative Report

Culminating Activity
Noli Me Tangere at El Filibusterismo
Marso 6, 2017

Kaugnay sa pagtatapos ng S.Y. 2016-2017 ang Banyuhay Club at ang


Kagawaran ng Filipino ay nagtanghal upang ipamalas ang galing ng bawat mag-aaral
sa pamamagitan ng isang culminating activity at kanlkang tinanghal ang mga Karakter
ng Noli at El fili mga obra maestro ni Dr. Jose P. Rizal. Nagsimula ang pagtatanghal
ganap na 6:46 ng umaga sinimulan ito sa pagsasadula ng pagkamatay ni G. Rizal at
lumabas ang mga tauhan ng Noli at El Fili. Pinangunahan ng Pangulo ng Banyuhay
Club ang Pagpupugay sa Watawat na sinundan ng isang panalangin na pinangunahan
naman ni Ricaela S. De Leon ng baitang 10 seksyon Gold. Muling pumasok ang mga
tauhan at sinundan ito ng Pambungad na pananalita ni Gng. Luzviminda Pasion
Punong Departamento ng Filipino. Matapos nito, sinimulan na ang pagpapakilala sa
mga tauhan ng Noli Me Tangere. Nang matapos ang Noli Me Tangere sinundan ito ng
Mensahe ni Gng. Noemi O, Obcena, Punongguro ng ating paaralan. Sinimulan naman
ang El Filibusterismo sa pagsasadula ng paggarote sa tatlong Paring martir ang
GOMBURZA. Matapos nito isa-isang pinakilala ang bawat tauhan ng El Filibusterismo.
Nagpakita ng buong husay at galing ang bawat tauhan ng Noli at El Fili sa pagsambit
ng kanilang mga linya. Matapos ng lahat ng mga ito, sinundan ito ng pampinid ng
pananalita ni Gng. Gina Durian, Education Programs Supervisor ng Filipino. Muling,
lumabas ang mga tauhan ng Noli at El Fili, at doon natapos ang pagtatanghal at
Culminating Activity ng Filipino.

Inihanda ni:

NICOLE F. CASTRO
Kalihim ng Banyuhay Club

Sinang-ayunan nina:

VICKY N. ADDATU CARMELITA M. CUE CHARLES B. GUIMAY


Tagapayo Tagapayo Tagapayo

Inaprubahan ni:

LUZVIMINDA T. PASION
Punong Depatamento ng Filipino

You might also like