You are on page 1of 16

LAKAS BAYAN

HANGGANG SA
KASALUKUYAN
Ang mga tulang
nasulat pagkatapos ng
naganap na Lakas ng
Bayan o "People's
Power sa Edsa ay
nagpakita ng kalayaan
sa pagpapahayag at
maging sa paksa.
Pinaksa ng mga tula
sa panahong ito ang
mga nagaganap sa
kapaligiran at
sariling mga
damdamin ng mga
makatang
nagsisisulat ng tula.
Sa madaling salita, patuloy
ang kamalayang panlipunan
ng mga makata sa panahong
kasalukuyan. Nilayon ng
mga tula sa kasalukuyang
panahon ang maging
kasangkapan sa minimithing
pagbabago ng lipunang
Pilipino.
Sa istilo ng pagsulat ng
tula ay nanatili pa rin
ang dalawang paraan -
may nagsisulat ng mga
tulang may sukat at
tugma at may
nagsisulat sa malayang
taludturan.
Sa istilo ng pagsulat ng
tula ay nanatili pa rin
ang dalawang paraan -
may nagsisulat ng mga
tulang may sukat at
tugma at may
nagsisulat sa malayang
taludturan.
Pangunahing layunin
ng tula sa panahong
ito ay makapaghatid
ng mahalagang
mensahe sa mga
mambabasa. Bibihira
ang mga tula ng pag-
ibig
ngunit unti-unting
nabubuhay na paksa sa
panulaan ang tungkol sa
kalikasan lalo pa't may mga
kampanyang inilulunsad
ang pamahalaan sa
pangangalaga ng kalikasan.
Ang pagtula sa ibabaw
ng tanghalan ay bihira
nang mangyari maliban
na lamang kung ito ay
hinihingi ng isang
pangyayari sa isang
palatuntunang
idinaraos
Ang indayog ng tula sa
panahon nina
Balagtas, Jose
Corazon de Jesus, at
Florentino Collantes ay
wala na sa tanghalan.
Ang Balagtasan ay bibihira
na ring marinig kung kaya't
nakalulungkot na kapag
tinanong ng guro ang mga
mag-aaral kung nakarinig
na sila o nakapanood na ng
Balagtasan, ang marami sa
kanila ay hindi pa ang
sagot.
Ang pagbigkas ng
tula sa tanghalan
ay pinalitan ng
pag-awit
Sa kasalukuyan, ang
mga awitin ay
pumapaksa hindi lamang
sa pag-ibig, kundi sa
lahat ng mga nangyayari,
nakikita at nararanasan
ng tao sa kanyang pang-
araw-araw na buhay.
Katulad din ng mga
karaniwang tula, ito ay
maaaring pumupuri at
nanunuligsa sa mga gawain
at kaugalian ng tao. May mga
awiting gumigising sa
damdamin at nangangaral sa
mga kabataan.
Ang isang uri ng awitin
na palasak sa
kasalukuyan ay
ipinalalagay na epektibo
sa paghahatid ng
mensahe sa mga
mamamayan ay ang
"rap" nina Francis
Magalona at Andrew E.
May mga awitin din na
naririnig at nakikita sa
telebisyon na habang
inaawit ay ipinakikita
naman ang mga
tagpong may
kaugnayan sa
isinasaad ng awit.

You might also like