You are on page 1of 10

Urdaneta City University

San Vicente West, Urdaneta City


College of Education
Kapisanang Filipino

KASAYSAYAN NG PANULAANG FILIPINO


SINAUNANG PANAHON
Ayon sa pananaliksik nina Tumangan at Alcomtiser ang matandang
panulaan ng Pilipinas ay masasabing karugtong ng mga unang kultura ng
Timog Silangang Asya. Karaniwan sa mga kantahin at berso ay tungkol sa
mga gawaing makaDiyos, tahanan, bukid, dagat, kaligayahan, kasaganahan
at iba pa. Masasabing likas na mga makata ang ating mga ninuno. May mga
tula at awit sila sa bawat okasyon ng kanilang buhay. Patula nila kung
bigkasin ang mga bugtong, ang mga salawikain at maging ang mga
kasabihan.
Ang mga bugtong ayon kay Lope K. Santos ay siyang kaunahaunahang katutubong tula. Itoy ang paghahanay ng mga salita na nagsasaad
ng talinghaga at masasagot sa pamamagitan ng panghuhula. Ang salawikain
at mga kawikaan ay mga patula rin. Naglalaman ito ng mga paniniwalang
panlipunan, pilosopiya at mga minanang kapaniwalaan.
PANAHON NG KASTILA
Nang matuto ang mga misyonerong Kastila ng Wikang Tagalog, una
nilang pinagtuunan ng pansin ang pagsusuri ng mga panitikang naisulat n
gating mga ninuno. Pinili nila ang mga panitikang sa kanilang palagay ay
makatutulong sa kanila sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo. Nakita nilang
ang mga katutubo ay mahilig tumula at bumigkas ng mga tugma. Nahilig din
silang umawit kaya lahat halos ng mga pang-araw-araw nilang mga gawain
ay naisasagawa nila nang may angkop na awitin. Dahil ditto ang mga tula
ang unang kinakitaan ng pagbabagong-bihis. Ang mga sinulat na tula ng
mga paring Kastilang Misyonero ay maikli sa simula ngunit habang
tumatagal ang mga ito ay nadadagdagan ng mga taludtod. Nagsimula sa
dalawang taludtod hanggang sa umabot nang lilimahaing taludtod. Nanatili
ang sukat at tugma sa kanilang mga tula kaya hindi nawala ang indayog sa
panulaan nang panahong ito. Ang dating tulang katutubo na naksulat sa
matandang baybayin Alibataay sinulat ng mga misyonero sa Alpabetong
Romano. Kasabay ng pagsulat sa Alpabetong Romano ng mga tulang
katutubo ay pumasok na rin sa panulaang Tagalog ang ilang salitang Kastila.
Nawala ang tula sa panulaan dahil sa layuning huwag maipagkamali ng mga
mambabasa ang mensaheng panrelihiyon at pangkagandahang-asal.
PANAHON NG HAPON

Bunga ng pag-unlad ng produksyon sa pagsasakaat pagsulong ng


pakikipagkalakalan sa ibang mga dayuhan, ang pagakaunlad ng kabuhayan
ay nakabuo ng pangkat na mga Pilipinong nakilala sa tawag na illustrado
at middle class.
Sa pamamagitan nito, lumitaw ang henerasyon ng mga kabataang
namulat ang mga kaisipan sa di pagkapantay-pantay ng mga mananakop at
sinasakupan. Sila ang mga Pilipinong nagising ang kamalayan sa pagiging
api. Nang mga panahong iyon, tayoy sunud-sunuran sa mga dayuhang
Panginoon, kahit na nakakataas ang kabuhayan ng ilan sa atin. Dahil sa mga
pangyayaring ito, tinangka ng mga illustrado na magpsok ng mga
pagbabago. Itoy hindi sa pamamagitan ng armas kundi sa pakikipagtagisan
ng katuwiran sa katuwiransa pasulat na pamamaraan. Isa ang tula sa naging
kasangkapan sa pagpapahayag ng mga propagandista. Dito nailalahad nila
ang kanilang mga kuro-kuro o pala-palagay, damdamin at maging ang
kanilang mga karanasan. Ang karaniwang tinutuligsa nila ay ang mga
ginagawa ng mga prale na sanay yaong talagang masasabing kaugnay ng
simbahan. Hindi lubhang nanuligsa sa mga taong pamahalaan dahil sa mga
layunin lamang ng propagandista ay pagbabago sa pamamalakad ng
simbahan kayat ang damdaming laban sa mga prayle ang nangibabaw dahil
sila ang higit na may kapangyarihan kaysa mga taong pamahalaan.
Mga manunulat at kanilang akda:
1. Dr. Jose Rizal- Ala Juventud Filipna (Sa Kabataang Pilipino)
- Mi Ultimo Adios (Ang Huli kong Paalam)
2. Marcelo H. Del Pilar- Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas
PANAHON NG HIMAGSIKAN
Ang panahong itoy nahahati sa dalawa- Panahon laban sa Kastila at
Panahon laban sa Amerikano. Bagamat maikli ang panahong nasasakop,
maraming mga pangyayari ang naganap at naging makasaysayan sa Bayan.
Kabilang sa mga itoy ang pagakakaroon ng pagpapalit ng pamamahala sa
pamahalaan. Bigo ang mga hangarin ng mga propagandista. Bingi ang
pamahalaang Kastila sa mga kahilingan sapagkat noong mga panahong iyon
ay abala sa pansariling sulirani ang Espanya. Dahil ditoy patuloy pa rin ang
pang-aapi at pandudusta, pagsasamantala at paghihigpit ng pamahalaan at
simbahn sa mga Pilipino. Lumala ang ugnayang Kastila- Amerikano dahil sa
mga pangyayaring naganap, ipinahayag ng mga Amerikano ang pormal na
pakikidigma sa Espanya noong Abril 25, 1898. Inanyayahan ni Almirante
Dewey ang mga Pilipino upang makipagtulungan sa mga Amerikano.
Mga manunulat at kanilang akda:
1. Andres Bonifacio- Katapusang Hibik ng Pilipinas
- Pag-ibig sa Tinubuang Lupa
2. Emilio Jacinto- Sa Anak ng Bayan
3. Apolinario Mabini- El Verdadero Decalogo (Ang Tunay na Sampung
Utos)
4. Jose Velasquez Palma- Himno Nacional Filipino (Pambansang Awit ng
Pilipinas)

PANAHAON NG AMERIKANO
Ang mga tulang nasulat pagakatapos maganap ang Lakas ng Bayan o
Peoples Power sa EDSA ay nagpakita ng kalayaan sa pagpapahayag at
maging sa paksa. Pinaksa ng mga tula sa panahong ito ang nagaganap sa
kapaligiran at sariling mga damdamin ng mga makatang nagsusulat ng tula.
May mga tulla ng pagpupuri at panunuligsa sa mga nanunungkulan sa
pamahalaan at mga katiwaliang nagaganap sa lipunan. Sa madaling salita,
patuloy ang kamalayang panlipunan ng mga makata sa panahong
kasalukuyan. Nilayon ng mga tula sa kasalukuyang panahon ang maging
kasangkapan sa minimithing pagbabago ng lipunang Pilipino. Sa istilo o
paraan ng pagsulat ng tula ay nanatili pa rin ang dalawang paraan- Tulang
may sukat at Tugma at Tulang nasusulat sa malayang taludturan.
Pangunahing layunin ng Tula sa panahong ito ay makapaghatid ng
mahalagang mensahe sa mambabasa. Bibihira ang mga tula ng pag-ibig
ngunit unti-unting nabubuhay na paksa sa panulaan ang tungkol sa kalikasan
lalo pat may mga kampanyang inilulunsad ang pamahalaan sa
pangangalaga ng kalikasan.
Ang pagtula sa ibabaw ng tanghalan ay bihira ng mangyari maliban na
lamang kung ito ay hinihingi ng isang pangyayari sa isang palatuntunang
idinaraos. Ang indayog ng tula sa panahon nina Balagtas, Jose Corazon de
Jesus at Florentino Collantes ay wala na sa tanghalan.
Ang balagatasan ay bihira na ring marinig kung kayat nakalulungkot
na kapag tinanong ng Guro ang mga mag-aaral kung nakarinig na sila o
nakapanood na ng Balagtasan ang marami sa kanila ay hindi pa ang sagot.
Ang pagbigkas ng tula sa tanghalan ay pinalitan na ng awit. Ang
awit/awitin ay isa ring akdang nasa anyong patula na nilapatan ng himig. Ito
ay nagpapahayag ng damdamin at karanasan ng may-akda.
Sa kasalukuyan, ang mga awitin ay hindi lamang pumapaksa sa pagibig kudi sa lahat ng mga nangyayari, nakikita at nararanasan nga tao sa
kanyang pang-araw-araw na buhay. Katulad din ng mga karaniwang tula , ito
ay maaarfing pumupuri at nanunuligsa sa mga gawain at kaugalian ng tao.
May mga awiting gumigising sa damdamin at nangangaral sa mga kabataan.
Mga Makata at kanilang akda:
1. Padre Francisco Balancas de San Jose- Kinilalang ama ng tpograpiya sa
Pilipinas sapagkat aklat niya ang unang nalimbag sa paraang
tipograpiko (isang uri ng paglilimbag).
2. Alonzo de Santa Ana-Siya ang may-akda ng aklat na Explicacion de la
Doctrian Critsiana en la Lengua Tagala na nagtatagaly ng mga
tugmang nagpapaliwanag sa mga aral ng Diyos na nakapaloob sa akla
na Doctrina Cristiana. Ang kanyang mga tula ay ganap na umiwas sa
talinghaga upang maihatid ng tiyak ang diwang nais iparating ng tula.
Kinilala niya ang pagiging maanyo at masining ng tula kaya siya ay
kinilala sa sukat at tugma sa panulaang Tagalog.
3. Pedro de Herrera- Isa siyang makata na nakilala dahil sa kanyang mga
akdang dalit.

4. Fernando Bagongbanta- Ang kanyang mga tula ay inilimbag at tinipo


sa Memorial de la Vida Cristiana kasama ng mga tula ni Blancas de San
Jose. Isa si Bagongbanta sa tinawag na Ladino noong panahong iyon.
5. Tomas Pinpin- Ama ng Limbagan sa Pilipinas. Siya ay binabanggit pa rin
bilang isa sa mga ladinong kasama nina Blancas de San Jose at
Bagongbanta. Ang Corno con Dios ay isa mga tulang nasulat ni Pinpin.
6. Pedro Suarez Osorio- Siya ang ipinalalagay na unang makatang
Tagalog na napatala sa kasaysayan ng panitikang tagalog. Nakilala din
siya sa pagsulat ng mga dalit.
7. Felipe de Jesus- Isang makatang Tagalog na mlua sa San Miguel,
Bulacan. Pinahalagahan sa kasaysayan ng panitikan dahil sa kanyang
Dalit na pamucao sa Tauong babasa nitong libro na ang tinutukoy ay
ang Barlaan at Josapahat. Si Felipe de Jesus ang nagpakita ng
pagbabalik ng talingahag sa panulaang Tagalog. Tula niya ang Ibong
Camunti sa Pugad
8. Francisco Buencuchillo- Ang may akda ng Arte Poetico Tagalo na
lumitaw noong ika-18 dantaon. Sa aklat na ito tinalakay ni Buencuchillo
ang ibat-ibang sukat at taludturan nga tulang Tagalog.
LADINO-makata o manunulat na kayang gumamit nga parehong Wikang
Kastila at Wikang Tagalog.
BARLAAN AT JOSAPHAT-ang unat pinakamakabuluhang salin sa
tagalog ng prosing umiinog sa buhay ng dalawang santo.

Ipinasa kay:
Bb. Julie Dela Cruz

Ipinasa ni:
Ana Marie C. Barde

TALASANGGUNIAN:
Sauco,Consolacion P. PANITIKAN NG PILIPINAS, Makati City
Katha Publishing Co., InC 2004
https://Google.com/ask.com

Urdaneta City University


San Vicente West, Urdanta City
College of Education
Kapisanang Filipino

PANUTO: ITIMAN ANG TITIK NG TAMANG SAGOT.MAHIGPIT NA


IPINAGBABAWAL ANG PAGBUBURA
1. Ayon sa kanya ang bugtong ang kaunahaunahang katutubong tula.
a. Francisco Baltazar
c. Lope K. Santos
b. Andres Bonifacio
d. Dr. Jose Rizal

2. Naglalaman ito ng mga paniniwalamng


panlipunan, pilosopiya, at mga minanang
kapaniwalaan.
a. Tula
c. salawikain at
kawikaan
b. Dalit
d. Bugtong
3. Anong Alpabeto ang ipinalit ng mga Kastila sa
Alibata?
a. Pinagyamang Alpabeto
c. Pinasimpleng
Alpabeto
b. Alpabetong Romano
d. Makabagong
Alpabeto
4. Kaninong akda ang Sagot ng Espanya sa Hibik ng
Pilipinas?
a. Andres Bonifacio
c. Apolinario Mabini
b. Dr. Jose Rizal
d. Marcelo H. Del Pilar
5. Ang mga tula ni Bagongbanta ay napalimbag at
natipon sa Memorial de la _____________?
a. Vida Cristaiana
c. Lengua Tagala
b. Doctrina Cristiana
d. Wala sa Nabanggit
6. Aling panahon sa kasaysayan ng panulaang
Filipino nagkaroon ng kalayaan ang mga Pilipino
sa Pagpapahayag at maging sa pagpili ng paksa?
a. Panahon ng Himagsikan
c. Sinaunang Panahon
b. Panahon ng Hapon
d. Panahon ng
Amerikano
7. Ito ay tinuturing na Wika ng puso at damdamin.
a. Dalit
c. Panulaan
b. Bugtong
d. Awit

A
D

8. Ipinahayag ng mga Ameriakano ang pormal na


pakikidigma sa Espanya noong ___________?
a. Abril 11, 1896
b. Abril 25, 1896
c. Abril 25, 1898
d. Abril 25, 1890
9. Siya ang nag-anyaya sa mga Pilipino upang
makipagtulungan sa mga Amerikano.
a. Almirante Dewey
c. a at b
b. Douglas McArthur
d. Wala sa nabanggit
10.
Aling panahon sa kasaysayan ng
panulaang Filipino lumala ang ugnayang KastilaAmerikano?
a. Panahong ng Amerikano
b. Panahon ng Himagsikan
c. Panahon ng Hapon
d. Wala sa Nabanggit
11.
Kaninong akda ang El Verdadero Decalogo
(Ang Tunay na Sampung Utos ng Diyos)
a. Jose Velasquez Palma
b. Dr. Jose Rizal
c. Graciano Lopez Jaena
d. Apolinario Mabini
12.
Sino ang kinikilalang Ama ng Tipograpiya
Sa Pilipinas?
a. Tomas Pinpin
b. Fernando Bagongbanta
c. Pedro Suarez Osorio
d. Francisco Blancas de San Jose
13.
Itoy paghahanay ng mga piling salita na
nagsasaad ng talinghagaat masasagot sa
pamamagitan ng paghuhula.
a. Kawikaan
c. a at b
b. Bugtong
d. wala sa nabanggit
14.
Sino ang May-akda ng Arte Poetico Tagalo?
a. Felipe de Jesus
c. Alonzo de Santa Ana
b. Andres Bonifacio
d. Francisco Buencuchillo
15.
Sino ang nagbalik ng talinghaga sa
panulaang Tagalog?
a. Pedro de Herrera
b. Francisco Buencuchillo
c. Felipe de Jesus
d. Tomas Pinpin
II- PAGBIBIGAY KAHULUGAN. 3Puntos ang katumbas ng bawat
katanungan.
1.LADINO
2.BARLAAN AT JOSAPHAT

3.HIMNO NACIONAL FILIPINO


4.PANULAAN
5.AWIT

III. PAGBIBIGAY OPINYON.5Puntos ang katumbas ng bawat


katanungan.
1. Gumawa ng dalawang saknong na tula na naglalarawan sa
kasaysayan ng Panulaang Filipino.

2. Anong impluwensya o paniniwala ang ipinalaganap ng Kastila


sa ating Bansa? Paano ito nakaapekto sa pamumuhay ng mga
Pilipino noon at ngayon?

Inihanda ni:
Ana Marie C. Barde
ANSWER KEY:
I.MARAMIHANG PAGPIPILIAN
1.C
2.C
3.B
4.D
5.A
6.D
7.C
8.C
9.A
10.B
11.D
12.D
13.B
14.D
15.C
II.PAGBIBIGAY KAHULUGAN
1. LADINO-makata o manunulat na kayang gumamit nga parehong
Wikang Kastila at Wikang Tagalog.
2.BARLAAN AT JOSAPHAT-ang unat pinakamakabuluhang salin sa
tagalog ng prosing umiinog sa buhay ng dalawang santo.
3.HIMNO NACIONAL FILIPINO- akda ni Jose Velasquez Palma ang
Pambansang awit ng Pilipnas.
4.PANULAAN-Wika ng puso at damdamin.
5.AWIT-isang akdang patula na nilapatan ng himig.Nagpapahayag ng
nadarama, iniisip, karanasan at opinion ng isang tao sa ibat-ibang
bagay na nasa kanyang paligid.
III.PAGBIBIGAY OPINYON
1.SARILING OPINYON

2.SARILING OPINYON

You might also like