Professional Documents
Culture Documents
Mga Katutubong
Dula
Bikal at Balak
Karilyo
Bayok at Embayoka
Kasayatan
Dallot
Pamanhikan
Dung-aw
Hugas Kalawang
Dalling-Daling
Ayon sa mga manunulat, ang matatawag na tunay na uri ng dula ay nagsisimula sa mga
unang taon ng pananakop ng mga Amerikano. Bagaman may mga dulang napanood at
pinaglibangan ang mga katutubong Pilipino bago sumapit ang panahong ito, ang mga tunay
na dulang sinasabing nagtataglay ng pinakamalalim na pangarap ng isang bansa,
naglalarawan ng sariling kaugalian, naglalahad ng buhay ng katutubong tulad ng nasa lona
at nagpapakilala ng papupunyagi ng mga tao ng isang bayan upang mabuhay, ay wala
noon. Ang pagdating ng mga Kastila sa Pilipinas nagbigay panibagong sangkap sa mga
katutubong dula. Ang mga dulang kagaya ng komedya ay kinasangkapan ng mga Kastila
upang mapalaganap ang Katolisismo sa kapuluan.
Ang dula sa ating bansa ay kasintanda ng kasaysayan ng Pilipinas. Bahagi na ito ng ating
tradisyon. Mga tradisyong nagbibigay ng katauhan sa mga Pilipino. Sa paglipas ng mga
taon, nagbabago ang anyo ng mga dulang Pilipino. Ngunit iisa ang layunin ng mga
mandudula: ang aliwin ang mga mamamayang Pilipino at higit sa lahat, bigyang buhay ang
mga pangyayari sa buhay Pilipino.
Lahat ng itinatanghal na dula ay naaayon sa isang nakasulat na dula na tinatawag na iskrip.
Ang iskrip ng isang dula ay iskrip lamang at hindi dula, sapagkat ang tunay na dula ay yaong
pinanonood na sa isang tanghalan na pinaghahandaan at batay sa isang iskrip.
Sangkap ng dula
Tagpuan panahon at pook kung saan naganap ang mga pangyayaring isinaad sa
dula
Tauhan ang mga kumikilos at nagbibigay-buhay sa dula; sa tauhan umiikot ang
mga pangyayari; ang mga tauhan ang bumibigkas ng dayalogo at nagpapadama
sa dula
Sulyap sa suliranin bawat dula ay may suliranin, walang dulang walang suliranin;
mawawalan ng saysay
ang dula kung wala itong suliranin; maaaring mabatid
ito sa simula o kalagitnaan ng dula na nagsasadya sa mga pangyayari; maaaring
magkaroon ng higit na isang suliranin ang isang dula
Saglit na kasiglahan saglit na paglayo o pagtakas ng mga tauhan sa suliraning
nararanasan
Tunggalian ang tunggalian ay maaaring sa pagitan ng mga tauhan, tauhan laban
sa kanyang paligid, at tauhan laban sa kanyang sarili; maaaring magkaroon ng higit
sa isa o patung-patong na tunggalian
ang isang dula
Kasukdulan climax sa Ingles; dito nasusubok ang katatagan ng tauhan; sa
sangkap na ito ng dula tunay na pinakamatindi o pinakamabugso ang damdamin o
kayay sa pinakakasukdulan ang tunggalian
Kakalasan ang unti-unting pagtukoy sa kalutasan sa mga suliranin at pag-ayos sa
mga tunggalian
Kalutasan sa sangkap na ito nalulutas, nawawaksi at natatapos ang mga suliranin
at tunggalian sa dula; ngunit maaari ring magpakilala ng panibagong mga suliranin
at tunggalian sa panig ng mga manonood
Elemento ng Dula
1. Iskrip o nakasulat na dula/Banghay (Plot) ito ang pinakakaluluwa ng isang
dula; lahat ng bagay na isinasaalang-alang sa dula ay naaayon sa isang iskrip;
walang dula kapag walang iskrip. Sa iskrip nakikita ang banghay ng isang dula. Ito
ay ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari at sitwasyon sa pamamagitan ng
mga karakter (aktor) na gumagalaw sa tanghalan.
2. Gumaganap o aktor/ Karakter ang mga aktor o gumaganap ang nagsasabuhay
sa mga tauhan sa iskrip; sila ang nagbibigkas ng dayalogo; sila ang nagpapakita ng
ibat ibang damdamin; sila ang pinanonood na tauhan sa dula. Ang mga kumikilos at
nagbibigay-buhay sa dula; sa tauhan umiikot ang mga pangyayari; ang mga tauhan
ang bumibigkas ng dayalogo at nagpapadama sa dula.
3. Dayalogo ang mga bitaw na linya ng mga aktor na siyang sandata upang
maipakita at maipadama ang mga emosyon. Nagiging mas maganda at
4.
5.
6.
7.
makapangyarihan ang dula kung may mga malalakas at nakatatagos na mga linyang
binibitiwan ng mga aktor.
Tanghalan anumang pook na pinagpasyahang pagtanghalan ng isang dula ay
tinatawag na tanghalan; tanghalan ang tawag sa kalsadang pinagtanghalan ng isang
dula, tanghalan ang silid na pinagtanghalan ng mga mag-aaral sa kanilang klase.
Tagadirehe o direktor ang direktor ang nagpapakahulugan sa isang iskrip; siya
ang nag-i-interpret sa iskrip mula sa pagpasya sa itsura ng tagpuan, ng damit ng
mga tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan ay
dumidipende sa interpretasyon ng direktor sa iskrip
Manonood hindi maituturing na dula ang isang binansagang pagtanghal kung hindi
ito napanood ng ibang tao; hindi ito maituturing na dula sapagkat ang layunin ng
dulay maitanghal; at kapag sinasabing maitanghal dapat mayroong makasaksi o
makanood.
TEMA ang pinakapaksa ng isang dula. Naiintindihan ng mga manonood ang
palabas base na rin sa tulong ng pagtatagpi-tagpi ng mga sitwasyon at
pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari at pag-aarte ng mga aktor sa tanghalan.
Naililitaw ang tunay na emosyon ng mga aktor sa tulong ng paglinaw ng tema ng
dula.
Eksena at tagpo
Ang eksena ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan samantalang
ang tagpo namay ang pagpapalit o ang ibat ibang tagpuan na pinangyarihan ng mga
pangyayari sa dula.
PAGTATANGHAL NG DULA
AKROSTIK na pinakabatayan habang ikay nasa tanghalan.
S
T
A
G
E
PAG-ARTE
Pagpasok dito kailangang maipakita ng aktor na siya ay mula sa tiyak na lugar na
may tiyak na layunin at nasa tiyak na pag-iisip dahil ang unang impresyon na kanyang
ibibigay sa mga manonood ay ang kanyang susi sa papel na kanyang gagampanan.
Kailangang maisaisip at maisapuso niya ang kanyang katauhan bago pa man siya papasok.
Mahalaga ring mapagplanuhang mabuti ang paraan kung paano niya gustong lumantad lalo
na ang kanyang tindig. Dapat na nasisigurong ang lahat ay maayos tulad ng make-up,
kasuotan at mga kagamitan upang hindi mabagabag. Habang hinihintay ang pagpasok,
tiyaking hindi lumalabas ang anino sa entablado at huwag ding harangan ang labasan.
Kapag dalawa o mahigit ang papasok, dapat ang isa ay nagsasalita at iyon ang ang taong
huling lalabas upang hindi na niya kailangan pang lumingon sa kanyang mga kausap.
Diin at Balanse sa Entablado ang direktor ang magtuturo sa tamang posisyon sa
entablado ngunit ang actor ay maaring tumulong sa pamamagitan ng pagtatanda sa
kanyang dapat na posisyon. Kapag natatakpan ang ibang tauhan, ang taong nasa likod ang
kikilos upang isaayos ang posisyon. Iwasan na matakpan ang iba. Bawat tauhan ay
mahalaga at bahagi ng kabuuang larawan ng entablado gaano man ka liit ng linyang
bibitawan o kahit na extra lamang.
Posisyon at Paggalaw walang kilos o galaw ang dapat na gawin na walang
dahilan. Ang bawat kilos o galaw ay may kahulugan. Ang pag-upo o pagtayo ay dapat
naaayon pa rin sa papel na ginagampanan. Ang dalawang mag-uusap ay kailangang
magtinginan paminsan-minsan. Tingnan nang diretso ang bagay na pupulutin, ang lugar na
pupuntahan o ang taong kakausapin. Huwag na huwag tumalikod sa mga manonood.
Linya at Palatandaan Dapat kabisado o saulado ang linyang bibigkasin.Kailangan
ding malinaw, buo at malakas ang boses ng mga actor sa pag-uusap. Ang pag-aadlib ay
para lamang sa kagipitan upang maiwasan ang katahimikan. Kapag nakalimutan ng isang
aktor ang linya at nawawala ang ibang impormasyon, ang ibang aktor ay mag-aadlib na
hindi pinahahalata ang pagkakamali sa pamamagitan ng pagpapakita pa rin ng
(E)
Center Stage
(F)
Left Center Stage
(G)
Down Right Stage
(H)
Down Center Stage
(I)
Left Center Stage