You are on page 1of 37

Aralin V:

Sitwasyong Pangwika sa
Pelikula at Dula
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTRANG PILIPINO
Nasusuri at naisasaalang-alang ang mga
Layunin:
1.
lingguwistiko at kultural na pagkakaibaiba sa
lipunang Pilipino sa mga pelikula at dulang
napanood (F11PD-IIb-88).
1. a. Nakikilala ang Pelikulang Pilipino.
1. b. Nailalahad ang mga dulang
napanood
May isang pelikula ka ba na hindi malilimutan?

Nakapanood ka na ba ng dula?
Subukin: Narito ang Venn Diagram tungkol sa Sitwasyong
Pangwika ng Pelikula at Dula. Isulat mo ang nalalaman mo
hinggil sa pagkakaiba at pagkakatulad nila sa isa’t isa.

PAGKAKAIBA PAGKAKATULAD PAGKAKAIBA


PELIKULA PELUKULA AT DULA DULA
Subukin: Hulaan ang pamagat ng mga sikat na linya mula sa
mga pelikulang nasa ibaba

4 Sisters
and a
Wedding
2

One More
Chance
3

Paano na
Kaya
4

Maybe This
Time
5

Starting
Over Again
6

Barcelona:
A Love
Untold
7

How to be
yours
8

My Ex and
Whys
9

Hello love,
goodbye
10

The Hows
of Us
Pag-isipan…
1. Ano ang mga napansin mo sa gamit ng wika sa mga
diyalogo ng mga karakter sa pelikula?
2. Sa pagbibigay ng pamagat, ano ang mga napansin mo
sa gamit ng wika?
3. Sa iyong palagay nakabubuti ba ang ganitong paggamit
ng wika upang tangkilikin ng marami ang isang
pelikula?
PELIKULA NOON

Tinimbang ka Minsa’y isang Kapag puno na


ngunit kulang gamo-gamo ang salop

Maynila… sa
Pasan ko ang
kuko ng
daigdig
liwanag

Bata, bata,
paano ka
ginawa?
PELIKULA NGAYON

English only That thing


please Thy Womb
called tadhana

Patay na si
Kita kita
Hesus

The Trial
Sitwasyong Pangwika
 Ayon sa wikipedia ang pelikula ay kilala rin sa tawag na
sine at pinilakang tabing, ay isang larangan na kung
saan ito ay gumagalaw na larawan bilang isang anyo ng
sining bilang bahagi ng industriya ng libangan. Ito ay
nililikha sa pamamagitan ng pagrekord sa mga totoong
tao na umaarte sa harap ng kamera. Ang wika ng isang
pelikula ay batay sa pag-arte ng tinatawag na aktor na
parang nagsasalita ng personal sa tagapanood.
Sitwasyong Pangwika
 Samantala ang dula ay isang uri ng panitikan na
nahahati sa ilang yugto na maraming tagpo.
Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang
tanghalan o entablado. Ang tagpo sa dula ay paglabas-
masok sa tanghalan ng mga tauhan. Ang mga taong
dalubhasa sa larangan ng pagsulat ng mga dulang
itinatanghal ay tinatawag na mga mandudula, dramatista
o dramaturgo.
Sitwasyong Pangwika: Pelikula
 Ang Pelikula ay kilala bilang sine at pinilakang tabing. Ito ay
isang larangan na sinasakop ang mga gumagalaw na larawan
bilang isang anyo ng sining o bilang bahagi ng industriya ng
libangan. Ang pelikula ay nilikha sa pamamagitan ng pagrekord
ng “totoong” tao at bagay (kabilang ang pag-arte sa kamera at/o
sa pamamagitan ng kartun). Anoman ang pelikulang
tinatangkilik, tiyakin na may kapupulutan ng aral na isang
obrang pansining na nakikitaan ng galing, tradisyon, kultura,
kaugalian, saloobin, at pagpapahalaga ng tao/bansang
pinagmulan nito.
Sitwasyong Pangwika: Pelikula
 Ang bawat pelikulang napapanood ay sumasalamin sa
bayan na pinagmulan ng isang pelikula kaya malaki rin
ang epekto nito sa pag-iisip ng mga manonood. Mas
marami man ang banyagang pelikula ang naipalabas
kaysa sa lokal na pelikula sa ating bansa ay Filipino pa
rin ang midyum na ginagamit dito upang ito ay
mauunawaan ng bawat mamamayang Pilipino.
Sitwasyong Pangwika: Pelikula
 Mga Jargon sa Pelikula:
1. Montage - isang paraan kung saan hinahati ang parte ng isang pelikula at
ito ay pinipili, inaayos, binabago para makagawa ng mas magandang
seksyon ng pelikula.
2. Sequence Iskrip – Pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa isang
kuwento sa pelikula. Ipinamamalas nito ang tunay na layunin ng kuwento.
3. Sinematograpiya – Pagkuha sa wastong anggulo upang maipakita sa
manonood ang tunay na pangyayari sa pamamagitan ng wastong timpla
ng ilaw at lente ng kamera.
Sitwasyong Pangwika: Dula
 Ang dula ay isang akdang pampanitikan na ang pinakalayunin
ay itanghal sa entablado. Karamihan sa mga itinatanghal na dula
ay hango sa tunay na buhay maliban na lamang sa iilang dulang
likha ng malikhain at malayang kaisipan.

 Ang dula ay nag-ugat sa salitang Griyego; ang kahulugan nito


ayon sa diksyonaryo ay pampanitikang komposisyon na
nagkukuwento sa pamamagitan ng wika at galaw ng mga aktor.
Sitwasyong Pangwika: Dula
 Ang tunay na drama ay nagsimula sa unang taon ng pananakop
ng mga Amerikano. Dagdag pa na ang drama ay binubuo ng
tanghalan, iba’t ibang kasuotan, iskrip, “characterization” , at
“internal conflict.” Ito ang pangunahing sangkap ng tunay na
drama ayon sa banyagang kahulugan. Sa kabilang dako, ayon sa
mga aklat, ang drama ay drama kahit wala ang mga sangkap na
nabanggit. Ito ang dramang Pilipino
Sitwasyong Pangwika: Dula
 Dagdag pa, memises ang pangunahing sangkap ng dulang
Pilipino. Memises ay ang pagbibigay-buhay ng aktor sa mga
pang-araw-araw na pangyayari sa buhay ng mga Pilipino. Ito rin
ang malaking pagkakaiba ng banyaga sa Pilipinong dula.
Inilalarawan sa tunay na Pilipinong dula, ang mga pangarap ng
bansa. Dito ipinapakita ang mga katutubong kultura, paniniwala,
at tradisyon. Ikinukuwento rin ang paghihirap at pagpupunyagi
sa buhay ng mga katutubong Pilipino. Dito rin mamamalas ang
iba’t ibang anyo ng kanilang pamahalaan at uri ng lipunan.
Sitwasyong Pangwika: Dula
 Samakatuwid, ang tunay na dulang Pilipino ay nagbibigay ng
mas malawak na pang-unawa sa kulturang Pilipino at
nagbibigay ng kasagutan sa mga pangangailangan ng mga
Pilipino. Higit sa lahat, ito’y nagsisilbing gabay para sa
kabutihan ng mga mamamayang Pilipino.
Sitwasyong Pangwika: Dula
Sitwasyong Pangwika: Dula
 Sangkap ng dula

 Tagpuan – panahon at pook kung saan naganap ang mga pangyayaring


isinaad sa dula
 Tauhan – ang mga kumikilos at nagbibigay-buhay sa dula; sa tauhan
umiikot ang mga pangyayari; ang mga tauhan ang bumibigkas ng dayalogo
at nagpapadama sa dula
 Sulyap sa suliranin – bawat dula ay may suliranin, walang dulang walang
suliranin; mawawalan ng saysay ang dula kung wala itong suliranin;
maaaring mabatid ito sa simula o kalagitnaan ng dula na nagsasadya sa
mga pangyayari; maaaring magkaroon ng higit na isang suliranin ang isang
dula
Sitwasyong Pangwika: Dula
 Sangkap ng dula

 Saglit na kasiglahan – saglit na paglayo o pagtakas ng mga tauhan sa


suliraning nararanasan
 Tunggalian – ang tunggalian ay maaaring sa pagitan ng mga tauhan,
tauhan laban sa kanyang paligid, at tauhan laban sa kanyang sarili;
maaaring magkaroon ng higit sa isa o patung-patong na tunggalian ang
isang dula
 Kasukdulan – climax sa Ingles; dito nasusubok ang katatagan ng tauhan;
sa sangkap na ito ng dula tunay na pinakamatindi o pinakamabugso ang
damdamin o kaya’y sa pinakakasukdulan ang tunggalian
Sitwasyong Pangwika: Dula
 Sangkap ng dula

 Kakalasan – ang unti-unting pagtukoy sa kalutasan sa mga


suliranin at pagayos sa mga tunggalian

 Kalutasan – sa sangkap na ito nalulutas, nawawaksi at


natatapos ang mga suliranin at tunggalian sa dula; ngunit maaari
ring magpakilala ng panibagong mga suliranin at tunggalian sa
panig ng mga manonood
Sitwasyong Pangwika: Dula
 Elemento ng dula
1. Iskrip o nakasulat na dula/Banghay (Plot) – ito ang
pinakakaluluwa ng isang dula; lahat ng bagay na isinasaalang-
alang sa dula ay naaayon sa isang iskrip; walang dula kapag
walang iskrip. Sa iskrip nakikita ang banghay ng isang dula. Ito
ay ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari at sitwasyon sa
pamamagitan ng mga karakter (aktor) na gumagalaw sa
tanghalan.
Sitwasyong Pangwika: Dula
2. Gumaganap o aktor/ Karakter – ang mga aktor o gumaganap
ang nagsasabuhay sa mga tauhan sa iskrip; sila ang
nagbibigkas ng dayalogo; sila ang nagpapakita ng iba’t ibang
damdamin; sila ang pinanonood na tauhan sa dula. Ang mga
kumikilos at nagbibigay-buhay sa dula; sa tauhan umiikot ang
mga pangyayari; ang mga tauhan ang bumibigkas ng dayalogo
at nagpapadama sa dula
Sitwasyong Pangwika: Dula
3. Dayalogo – ang mga bitaw na linya ng mga aktor na siyang
sandata upang maipakita at maipadama ang mga emosyon.
Nagiging mas maganda at makapangyarihan ang dula kung
may mga malalakas at nakatatagos na mga linyang binibitiwan
ng mga aktor.
4. Tanghalan – anomang pook na pinagpasyahang pagtanghalan
ng isang dula ay tinatawag na tanghalan; tanghalan ang tawag
sa kalsadang pinagtanghalan ng isang dula, tanghalan ang silid
na pinagtanghalan ng mga mag-aaral sa kanilang klase.
Sitwasyong Pangwika: Dula
5. Tagadirehe o direktor – ang direktor ang nagpapakahulugan sa
isang iskrip; siya ang nag-i-interpret sa iskrip mula sa pagpasya sa
itsura ng tagpuan, ng damit ng mga tauhan hanggang sa paraan ng
pagganap at pagbigkas ng mga tauhan ay dumidipende sa
interpretasyon ng direktor sa iskrip
6. Manonood – hindi maituturing na dula ang isang binansagang
pagtanghal kung hindi ito napanood ng ibang tao; hindi ito
maituturing na dula sapagkat ang layunin ng dula’y maitanghal; at
kapag sinasabing maitanghal dapat mayroong makasaksi o
makanood.
Sitwasyong Pangwika: Dula
7. Tema – ang pinakapaksa ng isang dula. Naiintindihan ng mga
manonood ang palabas base na rin sa tulong ng pagtatagpi-
tagpi ng mga sitwasyon at pagkakasunud-sunod ng mga
pangyayari at pag-aarte ng mga aktor sa tanghalan. Naililitaw
ang tunay na emosyon ng mga aktor sa tulong ng paglinaw ng
tema ng dula.
GAWAIN:
PANUTO: Isulat ang pagkakaiba ng pelikula at dulang napanood.

PAGKAKAIBA NG PELIKULA AT DULA


Lugar na Pinagdarausan

PELIKULA DULA
PAGKAKAIBA NG PELIKULA AT DULA
Paraan ng Presentasyon/ Paglikha

PELIKULA DULA

PAGKAKAIBA NG PELIKULA AT DULA


Gamit ng wika

PELIKULA DULA

You might also like