You are on page 1of 14

Sitwasyong Pangwika

(DULA AT PELIKULA)
Sitwasyong Pangwika sa
Pelikula
Ang Pelikula ay kilala bilang sine at pinilakang tabing. Ito
ay isang larangan na sinasakop ang mga gumagalaw na
larawan bilang isang anyo ng sining o bilang bahagi ng
industriya ng libangan. Ang pelikula ay nilikha sa
pamamagitan ng pagrekord ng “totoong” tao at bagay
(kabilang ang pag-arte sa kamera at/o sa pamamagitan ng
kartun). Anoman ang pelikulang tinatangkilik, tiyakin na
may kapupulutan ng aral na isang obrang pansining na
nakikitaan ng galing, tradisyon, kultura, kaugalian,
saloobin, at pagpapahalaga ng tao/bansang pinagmulan
nito. Ang bawat pelikulang napapanood ay sumasalamin
sa bayan
na pinagmulan ng isang pelikula kaya at
malaki rin ang epekto nito sa pag-iisip ng
mga manonood
Mas marami man ang banyagang local na
pelikula ang naipalabas kaysa
sa local na pelikula sa ating bansa ay
Filipino pa rin ang midyum na ginagamit
dito upang ito ay mauunawaan ng bawat
mamamayang Pilipino.
Mga Jargon na mga salita:

Montage - isang paraan kung saan hinahati ang parte ng


isang pelikula at ito ay pinipili, inaayos, binabago para
makagawa ng mas magandang seksyon ng pelikula.
Sequence Iskrip – Pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari sa isang kuwento sa pelikula. Ipinamamalas
nito ang tunay na layunin ng kuwento.
Sinematograpiya – Pagkuha sa wastong anggulo upang
maipakita samanonood ang tunay na pangyayari sa
pamamagitan ng wastong timpla ng ilaw at lente ng
kamera.
Sitwasyong Pangwika sa Dula
Ang dula ay isang akdang pampanitikan na ang
pinakalayunin ay itanghal
sa entablado. Karamihan sa mga itinatanghal na dula
ay hango sa tunay na buhay maliban na lamang sa
iilang dulang likha ng malikhain at malayang
kaisipan. Ang dula ay nagugat sa salitang Griyego;
ang kahulugan nito ayon sa diksyonaryo ay
pampanitikang komposisyon na nagkukuwento sa
pamamagitan ng wika at galaw ng mga aktor.
Ayon kay Sebastian ang tunay na drama ay nagsimula sa unang taon
ng pangungupkop ng mga Amerikano. Idinagdag pa ni Tiongson na
ang drama ay binubuo ng tanghalan, iba’t ibang kasuotan, skripto,
“characterization” , at “internal conflict.” Ito ang pangunahing
sangkap ng tunay na drama ayon sa banyagang kahulugan. Sa
kabilang dako, ayon sa mga aklat, ang drama ay drama kahit wala ang
mga sangkap na nabanggit. Ito ang dramang Pilipino. Ayon pa rin kay
Tiongson, memises ang pangunahing sangkap ng dulang Pilipino.
Memises ay ang pagbibigay buhay ng aktor sa mga pang-araw-araw
na pangyayari sa buhay ng mga Pilipino. Ito rin ang malaking
pagkakaiba ng banyaga sa Pilipinong dula.Inilalarawan sa tunay na
Pilipinong dula, ang mga pangarap ng bansa. Dito ipinapakita ang mga
katutubong kultura, paniniwala, at tradisyon. Ikinukuwento rin ang
paghihirap at pagpupunyagi sa buhay ng mga katutubong Pilipino.
Dito rin mamamalas ang iba’t ibang anyo ng kanilang
pamahalaan at uri ng lipunan. Samakatuwid, ang
tunay na dulang Pilipino ay nagbibigay ng mas
malawak na pangunawa sa kulturang Pilipino at
nagbibigay ng kasagutan sa mga pangangailangan ng
mga Pilipino. Higit sa lahat, ito’y nagsisilbing gabay
para sa
kabutihan ng mga mamamayang Pilipino.
Sangkap ng dula
Tagpuan – panahon at pook kung saan naganap ang mga pangyayaring
isinaad sa dula
Tauhan – ang mga kumikilos at nagbibigay-buhay sa dula; sa tauhan
umiikot ang mga pangyayari; ang mga tauhan ang bumibigkas ng
dayalogo at nagpapadama sa dula
Sulyap sa suliranin – bawat dula ay may suliranin, walang dulang walang
suliranin; mawawalan ng saysay ang dula kung wala itong suliranin;
maaaring mabatid ito sa simula o kalagitnaan ng dula na nagsasadya sa
mga pangyayari; maaaring magkaroon ng higit na isang suliranin ang
isang dula
Saglit na kasiglahan – saglit na paglayo o pagtakas ng mga tauhan sa
suliraning nararanasan
Tunggalian – ang tunggalian ay maaaring sa pagitan ng mga tauhan,
tauhan laban sa kanyang paligid, at tauhan laban sa kanyang sarili;
maaaring magkaroon ng higit sa isa o patung-patong na tunggalian ang
isang dula
Kasukdulan – climax sa Ingles; dito nasusubok ang
katatagan ng tauhan; sa sangkap na ito ng dula tunay
na pinakamatindi o pinakamabugso ang damdamin
o kaya’y sa pinakakasukdulan ang tunggalian
Kakalasan – ang unti-unting pagtukoy sa kalutasan
sa mga suliranin at pagayos sa mga tunggalian
Kalutasan – sa sangkap na ito nalulutas, nawawaksi
at natatapos ang mga suliranin at tunggalian sa dula;
ngunit maaari ring magpakilala ng panibagong mga
suliranin at tunggalian sa panig ng mga manonood
Elemento ng Dula
1. Iskrip o nakasulat na dula/Banghay (Plot) – ito ang pinakakaluluwa ng
isang dula; lahat ng bagay na isinasaalang-alang sa dula ay naaayon sa
isang iskrip; walang dula kapag walang iskrip. Sa iskrip nakikita ang
banghay ng isang dula. Ito ay ang pagkakasunud-sunod ng mga
pangyayari at sitwasyon sa pamamagitan ng mga karakter (aktor) na
gumagalaw sa tanghalan.
2. Gumaganap o aktor/ Karakter – ang mga aktor o gumaganap ang
nagsasabuhay sa mga tauhan sa iskrip; sila ang nagbibigkas ng dayalogo;
sila ang nagpapakita ng iba’t ibang damdamin; sila ang pinanonood na
tauhan sa dula. Ang mga kumikilos at nagbibigay-buhay sa dula; sa
tauhan umiikot ang mga pangyayari; ang mga tauhan ang bumibigkas ng
dayalogo at nagpapadama sa dula.
3. Dayalogo – ang mga bitaw na linya ng mga aktor na siyang sandata
upang maipakita at maipadama ang mga emosyon. Nagiging mas
maganda at makapangyarihan ang dula kung may mga malalakas at
nakatatagos na mga linyang binibitiwan ng mga aktor.
4. Tanghalan –anomang pook na pinagpasyahang
pagtanghalan ng isang dula ay tinatawag na
tanghalan; tanghalan ang tawag sa kalsadang
pinagtanghalan ng isang dula, tanghalan ang silid na
pinagtanghalan ng mga mag-aaral sa kanilang klase.
5. Tagadirehe o direktor – ang direktor ang
nagpapakahulugan sa isang skrip; siya ang nag-i-
interpret sa iskrip mula sa pagpasya sa itsura ng
tagpuan, ng damit ng mga tauhan hanggang sa
paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan ay
dumidipende sa interpretasyon ng direktor sa iskrip
6. Manonood – hindi maituturing na dula ang isang
binansagang pagtanghal kung hindi ito napanood ng
ibang tao; hindi ito maituturing na dula sapagkat ang
layunin ng dula’y maitanghal; at kapag sinasabing
maitanghal dapat mayroong makasaksi o makanood.
7. Tema – ang pinakapaksa ng isang dula. Naiintindihan
ng mga manonood ang palabas base na rin sa tulong ng
pagtatagpi-tagpi ng mga sitwasyon at pagkakasunud-
sunod ng mga pangyayari at pag-aarte ng mga aktor sa
tanghalan. Naililitaw ang tunay na emosyon ng mga
aktor sa tulong ng paglinaw ng tema ng dula.
THANK YOU VERY MUCH
WISDOM !!

You might also like