Professional Documents
Culture Documents
ANG DULA
Ang daigdig daw ay isang malaking dulaan ng buhay, at ang Panahon ang umaakda ng
mga pangyayaring itinatanghal sa araw-araw at tayong lahat na nalikha sa ibabaw ng daigdig
ang mga tauhang kumikilos at gumagalaw sa malaking dulaang iyon. Kung ibig nating makilala
at mapag-aralan ang kabuhayan, pag-uugali, hilig, kabihasnan, kalinangan o kultura ng isang
bayan o lahi ay pumasok tayo sa kanilang dulaan at doon natin makikilala, di lamang ang
kasalukuyan, kundi ang kahapon at ang bukas ng bayan o lahing iyan, palibhasa'y ang dulaan
ay siyang tanghalan ng mga bagay na nangyari, nangyayari at mangyayari sa isang kapookan,
bayan o lahi.
- Julian C. Balmaseda
Ang dulang Pilipino ay nagmula sa ritwal, tulad din ng pinagmulan ng lahat ng dula. Ang
mga seremonya na nagpapakita ng simula at wakas ng buhay sa tribo kapanganakan, binyag,
pagbibinata/pagdadalaga, pagtuli, panliligaw, pagpapakasal, kamatayan; pagkakasakit at
pagpapagaling; pagtatanim at pag-aani; pakikipaglaban at pananagumpay lahat ng mga ito
kalimitan ay may kalikasan ng mimesis o panggagagad at pananagisag. Isinasakilos ng mga
katutubong Pilipino ang pagpepetisyon at pag-aalay ng mga regalo upang mapaglabanan at
mapagwagian ang mga puwersang super-natural; iminumuwestra ang pakikihamok sa
masasamang ispiritu upang mapangalagaan ang babae sa kanyang panganganak; ginagaya
ang pagbulusok ng uwak sa paghuli sa kanyang kalaban bilang metapora sa pag-aasawa o
pagpapakasal; nililikha ang simbolo ng mababait na ispiritu sa pagpu-prusisyon para sa isang
masaganang pag-aani. Itinutula pa rin niya sa mga burol o paglalanmay sa patay at sa mga
pistahan ang iba't ibang sitwasyon sa buhay bilang isang uri ng pagtatanghal; isinasayaw at
isinasaawit rin niya ang kalakhan ng kanyang mga hinaing, pangarap at pala-palagay tungkol sa
buhay, maging sa giyera o sa katahimikan man, ay gayundin ang iba pang mga gawaing
kinakailangan upang ang tao ay mabuhay.
Ang masining na pagpapahayag ng mga katangian ng iba't ibang yugto ng ating
kasaysayan at pagkabuhay, ang mga tradisy ong pampanitikan na tulad ng mga kuwentong
bayan, bugtong, salawikain, bersong panritwal, alamat, epiko, at iba pang anyo ay nagmula sa
makataong karanasan ng bawat tribo, sa kanilang makaliping kalikasan at hinagap, sa kanilang
sama-samang paggawa, at sa kanilang mga partikular na prosesong panlipunan. Sa kabuuan,
ang mga anyong etnikong ito ang bumubuo sa isang katutubong tradisyong pampanitikan; sa
isang katutubong dulang Pilipino na base sa komunidad at may oryentasyong para sa
komunidad; lahat ay tagapagtanghal at manonood, walang anumang uri ng paghihiwalay.
Ang dula, kung gayon, ay dula hindi dahilan sa entablado, kagamitan, iskrip o teksto,
tauhan, tunggalian, at diyalogo kundi dahilan sa pangunahing elemento nito ng mimesis ang
panggagagad at pananagisag ng isang aktor sa mga kilos na nangyayari sa tunay na buhay.
Ang representasyong ito ng kilos o aksiyon o galaw ang katangiang nagbubuklod sa
pinakasimple mang dula at sa pinakamarangya mang produksiyong pandulaan. Ang mimesis
ang nagtatakda na mapabilang na dula ang iba't ibang katutubong pagtatanghal na hubad sa
mga panloob at panlabas na mga katangian ng Kanluraning dulaan.
Higit na mauunawaan at mabibigyang kabuluhan ang dula kung ito ay babasahin,
susuriin at maingat na tatayain ayon sa kanyang kapaligiran saan ito nagmula, sino ang sumulat
nito, bakit ito isinagawa, at ano ang kalalagayan nito sa ating pampanitikang tradisyon.
Nararapat ring maisaalang-alang sa pagsusuri ang naging bisa ng dula sa kanyang
mambabasa o manonood. Ibig sabihin, ang tagumpay ng isangdula ay nasa pagkuha at
pagpapanatili ng kawilihan ng mga manonood o mambabasa nito kaalinsabay ng pag-aangat ng
antas ng kanilang pag-unawa at ng kalidad ng kanilang damdamin at paniniwala. Sa punto
naman ng kalamnan ng dula, ang tagumpay nito ay makikita sa bigat ng nagging kabuluhan sa
buhay ng mga mambabasa o manonood. Sa kabuuan, ang pinakamatibay na saligan ng
tagumpay ng isang dula ay masusukat sa muli at muling pagbasa o panonood rito, sa paulit-ulit
na paglikha ng karanasang naipadama at naipaabot nito sa kanyang mambabasa o manonood.
Ang dula ay isang uri ng panitikan. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo.
Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado. Ang tagpo sa
dula ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan. Ang mga taong dalubhasa sa
larangan ng pagsusulat ng mga dulang itinatanghal ay tinatawag na
mga mandudula, dramatista, o dramaturgo.
Ang dula ay mayroon ding mga bahagi. Ito ay ang simula, ang gitna, at ang wakas.
2. Tauhan. Sila ang gumaganap at sa buhay nila umiinog ang mga pangyayari sa
kuwento. Sila ang nagsasagawa ng kilos na ipinahihiwatig ng kanilang mga dayalogo.
Sa kanilang pagsasalita lumilitaw ang mga butil ng kaisipang ibig palutangin ng sumulat
at sa kanilang mga kilosnaipadarama ang damdamin at saloobin. Inuuri ang mga tauhan
ng dula batay sa kanilang tungkulin sa paglinang ng kwento.
3. Kwento ng Dula. Ito ay maaaring bungang isip lamang o hango sa totoong karanasan.
Sa kasalukuyan, maaaring pagbatayan ang Isang maikling katha o kaya ay nobela.
Mayroon din namang pagkakataon na ang orihinal na dula,maikling kwento o kaya ang
nobela ay nagiging batayan ng pelikula o kaya'y dulang pantelebisyon.
5. Saynete - Ang layunin nito ay magpatawa ngunit ang mga pangyayari ay karaniwan
lamang. Ang mga gumaganap ay tau-tauhan at nasa likod ng telon ang mga taong
nagsasalita. Ito'y mayroon awitin.
Fb messenger
SEDI
Google Classroom
Google meet
Youtube
DZRH/ 89.3 Campus Radio
Pagtataya
1. Pagsusuri sa mga sangkap ng dula sa panonooring palabas sa telebisyon
2. Panonood sa mga uri dula at pagsusuri sa kombensyon nito
3. Pakikinig ng dula sa radio at pagbuo ng iskrip nito.
89.3 Campus Radio
Sanggunian (References)
Arogante Jose. 2000. Malikhaing Pagsulat. Great Books Trading
Arogante Jose. 2007. Retorika: Masining na Pagpaphayag. National Bookstore