You are on page 1of 6

Aralin 7 ANG PAGSUSULiT

Ang pagsusulit ay isang kagamitang sumusukat kung gaano ang natutuhan ng isang mag-
aaral. Sa pamamagitan ng pagsusulit, malalaman ng guro kung aling mga kasanayan ang dapat
pang bigyang diin sa pagtuturo, kung tama o hindi ang pamamaraan pang pagtuturo, at kung
paano ang pagsasaayos o paglalahad ng paksang-aralin. Ginagamit din ito upang gawing batayan
sa pagmamarka.

Ang pasusulit ay maaaring magsilbing pangganyak upang ang mag-aaral ay makinig sa


aralin, lalo pa at alam niyang sa katapusan ng leksyon ay bibigyan siya ng pagsusulit. Sa
pamamagitan din ng pagsusulit ay natutuklasan ng mag-aaral ng kanyang mga kagalingan
(strengths) at mga kahinaan (weaknesses) at kung paano niya mapapabuti ang sarili.

Ang mga kalakaran sa pasusulit ay kaugnayan sa mga kalakaran sa pagtuturo. Ang


pagsusulit bilang isang paraan ng pagtataya sa kasanayan ng mag-aaral ay inaayos sa layunin at
pamamaraan ng pagtuturo. Nangangahulugang nakamit ang layunin sa pagtuturo at naging
epektibo ang pamamaraan ng pagtuturo kung maganda ang resulta ng pagsusulit ng mga mag-
aaral. Makikita sa dayagram ang pag-uugnayang ito:

Mga Layunin

Mga Karanasan Pagsusulit


sa Pagkatuto

 Paksang-Aralin
 Pamamaraan ng Pagturo
 Mga Kagamitan

ANG PAGSUSULIT SA PAGTUTURO AT PAGKATUTO NG MGA MAG-AARAL

Magagamit ang pagsusulit sa sumusunod:

a. Pagpapasaya ukol sa kakayahan sa pagkatuto


b. Nasusukat ang bahagdan ng natutuhan ng mag-aaral sa mga araling natalakay
c. Nalalaman ang kahinaan o kahusayan ng mag-aaral
d. Natutuklasan ang mga bahagi ng araling nangangailangan ng muling pagtuturo
at puspusang pagsasanay.
e. Pagtuklas sa mga balakid ng pagtuturo
f. Pagpapabuti ng mga paraan sa pagtuturo
g. Ang kinalabasan sa pagsusulit ay maaaring gamiting batayan sa paghahanda ng
mga kagamitang panturo
KATANGIAN NG MABISANG PAGSUSULIT

1. Kabisaan (Validity). Mabisa o balido ang pagsusulit kung ito’y sumusukat sa talagang
layuning ibig matamo.

a. Ang mga tanong ay nakatuon sa pahiisang bagay lamang kundi kailangang ang
mga ito ay ikinalat nang maayos sa paksang napag-aralan.
b. Sumusukat sa kaalamang natamo, ang pang-unawa at ang paggamit sa
kaalamang ito.
c. Angko ang pagsubok sa antas ng kakayahan at kasanayan ng mag-aaral.
d. Gumagamit ng ibat’t-ibang uri ng pagsusulit upang mataya ang kasanayan ng
mga mahihina at mahuhusay na mag-aaral.

2. Mapanghahawakan (Reliability). Kapani-paniwala ang isang pagsusulit kung ang


bawat mag-aaral ay nananatili sa kanyan kinalalagyan o ranggo tueing ibibigay ang
pagsusulit na ang kaalaman o kasanayang nilalaman ay halos iisa o magkatulad.

3. Maisasagawa (Usability). Kung ang pagsusulit ay maibibigay ng mga guro at


maisasagawa ng mga mag-aaral sa isang matagumpay na paraan. Ito’y madaling
maibigay at sa maisagawa ng mga mag-aaral, madaling iwasto at maingat ang
pagkakabuo at pagkakaayos ng mga tanong.

4. Katiyakan (Specificity). Nakapaloob dito ang pamantayan sa pagbibigay ng puntos sa


pagsusulit sa pagpapakahulugan sa mga iskor na nakuha ng mga mag-aaral. Dito
iniiwasan ng mga element ng pansariling kapasyahan (personal judgment).

5. Discriminating Power. Sa pamamagitan ng pagsusulit, natutukoy o nakikilala ang iba’t


ibang antas ng katalinuhan ng mga mag-aaral.

MAG KATANGIAN NG MABUTING TANONG

1. Tiyak
2. Maikli at tuwirin (hindi malingoy)
3. May sapat na kahirapan upang hamunin ang kakayahan ng mga mag-aaral
4. Hindi nasasagot ng “Oo” o “Hindi” o open ended questions
5. Hindi nasasagot sa tiyak na pananalita ng pagkakahayag sa aklat
6. Nakalilinang ng kakayahang makapagtimbang-timbang
7. May sapat na kalinawan
8. Nagsisimula sa “Bakit” “Paano”, o mga tanong na nakatutulong sa paglinang ng
kakayahang magpaliwanag, matuwid, o magbigay ng palagay o opinion.
9. Nakapupukaw ng pag-iisip at nakagigising ng kawilihan.

MGA HAKBANG SA PAGBUO NG PAGSUSUSULIT

I. Pagpaplano o Pagsusulit

A. Tukuyin ang layunin ng pagsusulit


1. Sukatin ang kasanayang natutuhan o hindi natutuhan sa loob ng isang semester
o taon.
2. Matukoy kung alam nan g mga mag-aaral ang mga kinakailangang kasanayan o
bago simulan ang isang kurso.
3. Matukoy kung alin sa mga kasanayan sa isang aralin ang alam ng mag-aaral at
hindi na kailangang ituro pa.
4. Matiyak kung mabisa ang pamamaraan ng pagturo.
5. Matiyak kung mabisa ang mga aklat na ginagamit .

B. Tukuyin ang mga kasanayang susukatin ng pagsusulit

Ang mga kasanayan ay nasasaad sa talaan ng mga kasanayan na nasa


Elementary Learning Competencies para sa Elementarya at Philippines
Secondary Schools Learning Competencies para sa mataas na paaralan, o mga
silabus.

Halimbawa ng mga kasanayan:


Wika: Nagagamit nang angkop at wasto sa pangungusap ang mga bahagi ng
panalita
Pagbasa: Naibibigay ang pangunahing kaisipang idea o paksa ng binasa.

C. Paghahanda ng Talahanayan ng Ispesipikasyon

Ang talahanayan ng ispesipikasyon ay isang kagamitang nagpapakita ng isang


masistematikong pamamaraan ng pagtatakda ng lawak ng paksang sasaklawin
ng pagsususlit at ng bilang ng mga aytem na gagawin para sa bawat kasanayang
susukatin.

Dalawang Uri ng talahanayan:

1. Isahang hanay (one-way grid)- Karaniwang ginagamit sa mga


asignaturang pangkasanyan, “skill subject”, gaya ng pagsusulit sa wika at
kung minsan ay sa Matematika.

2. Dalawahang hanay(two-way grid)- Karaniwang ginagamit sa mga


signaturang naglilinang ng hindi lamang kaalaman sa paksa o nilalaman ng
kurso kundi maging mga kasanayan sa Agham, Aralin g Panlipunan at
Panitikan.

Paghahanda ng TAlahanayan ng Ispesipikasiyon:

1. Isulat ang mga layuning pangkagawian (behavioral objectives) batay sa mga kasanayang
susulitin.

2. Pagpasyahan kung alin sa mga layunin ang bibigyan ng diin ayon sa kahalagahan ng mga
ito.Ipakilala ang pabibigay diin sa pamamagitan ng pagbabahagdan (percentage). Batay
sa bahagdang iniatas sa mga layunin o kasanayan, tukuying ang bilang o dami ng mga
aytem.

3. Pagpasyahan kung anong uri ng pagsusulit ang gagamitin.

Halimbawa ng Isahang Hanay (One-way grid)

Mga Layunin Bahagdan Dami ng Aytem Bilang ng Pagsususlit

A. Talasalitaan 10%
1. Napipili ang
salitang 5% 5 I. (1-5)
magkasalungat
2. Napipili ang mga
salitang magkasing- 5% 5 II. (6-10)
kahulugan
B. Wika 70%
1. Nagagamit nang
wasto ang mga 10% 10 III. (1-10)
pangngalan
2. Nagagamit nang
wasto ang 20% 20 IV. (1-20)
panghalip
3. Nagagamit nang uri
ng pangungusap
20% 20 V. (1-20)
ayos sa iba’t ibang
sitwasyon
4. Nagagamit nang
wasto ang mga 20% 20 VI. (1-20)
pangatnig
C. Pagsulat 20% 20% VII.
1. Nakasusulat ng
talatang
nagsasalaysay
Kabuuan 100% 100
Halimbawa ng Dalawang Hanay (Two-way grid)

Pagsunod-
Pagkilala sa
Talasalit sunod ng Paghihinu
Kasanayan/Paksa pangunahin Kabuuan %
aan mga ha
g kaisipan
pangyayari
Yunit I
Ang Panitikan ng
Pilipinas sa
Sinaunang Panahon
1. Kung Paano
Kami Naging 2 5 3 10
Ilongot
2. Hudhod ni
2 3 5 10
Aliguyon
3. Tuwaang 2 3 5 10
4. Biag ni Lam-
2 3 5 10
ang
5. Indara-patara
2 5 3 10
at Sulayman
Kabuuan 10 10 15 15 50 100
% 20% 20% 30% 30% 100%

II. Paghahanda ng Pagsusulit

A. Isulat ang mga aytem


Gamitin ang talahanayan ng ispesipikasyon bilang patnubay. Makabubuting
sumulat ng higit na maraming aytem kaysa nakasaad sa talahayan ng ispesipikasyon
upang may ipalit sa mga aytem na may kahinaan. Isulat ang bawat kasanayan sa isang
pape. Sa ibaba nito, sumusulat ng iba’t ibang uri ng aytem ayon sa nagpagpasyahan.

B. Suriin ang mga aytem na isinulat


Makabubuti kung ipasuri ng isa o dalawang kaguro ang mga aytem.
Makabubuting masubok ang mga aytem sa ilang mag-aaral upang malaman kung
malinaw ang panuto at ang mismong aytem kung mapang-akit ang mga distraktor, at
kung may aytem na napakadali o napakahirap.

Tiyakin na:

1. Sinusubok ng bawat aytem ang isang kasanayan sa talahanayan ng


ispesipikasyon
2. Akma sa sinusubok na kasanayan ang bawat uri ng aytem
3. Malinaw na nakasaad ang hinihingi ng aytem
4. Tama ang kahirapan ng aytem sa mga kukuha ng pagsusulit
5. Walang mga hindi kailangang salita o pahiwatig ang aytem
6. Walang kinikilingang isang kultura o relihiyon ang aytem
7. Hindi kinuha ang mga aytem sa aklat o aklat-sanayan
8. May sapat na dami ng aytem sa bawat layunin sa talahanayan ng ispesipikasyon
C. Ayusin ang mga aytem sa pagsusulit
1. Pagsama-samahin ang mga aytem na magkakauri

2. Ayusin ang mga aytem ayon sa kahirapan; mauuna ang madadaling uri ng aytem
bago ang mahihirap; halimbawa, ang pagsusulit na may pinagpipiliang sagot ay
dapat mauna sa pagsusulit na pagpupuno sa patlang. Ang mga aytem sa bawat
uri ng pagsusulit ay dapat ding ayusin.

D. Ihanda ang mga panuto


Gawing simple at maikli ang mga panuto.

Kung mahaba ang pagsusulit na binubuo ng iba’t ibang uri ng aytem, sumulat ng
panlahat na panuto bukod sa mga tiyak na panuto paara sa bawat uri ng pasusulit
(subtest). Ang panlahat na panuto ay dapat magbigay ng sumusunod na impormasyon.

1. ang layunin ng pagsusulit


2. ang mga bahagi ng pagsusulit
3. paano ang pagsagot sa mga aytem
4. ang panahong nakalaan sa pagsagot ng pagsusulit

E. Ihanda ang mga sagot sa pagsusulit. Tiyaking isa lamang ang tamang sagot sa bawat
aytem.

III. Pagbibigay ng pagsusulit


IV. Pagwawasto ng mga papel
V. Pagpapahalaga ng pagsusulit

You might also like