You are on page 1of 21

Mga Batayang Kaalaman,

Teorya at Simulain sa
Paghahanda ng Pagsusulit
Ang Pagsusulit
 AngPagsusulit ay isang paraan upang makakuha ng
impormasyon na magagamit sa ebalwasyon.

 Sa pamamagitan ng pagsusulit malalaman ng guro


kung aling mga kakayahan ang dapat na bigyan diin sa
kanyang pagtuturo, kung tama o hindi ang
pamamaraan ng pagtuturo at mga kagamitan, at kung
paano ang pagsasaayos o paglalahad ng paksang aralin.

 Karaniwang ginagamit ang pagsusulit upang matiyak


kung natutuhan ang itinuro at upang gawing batayan sa
pagbibigay ng marka sa mga mag – aaral.
Ang mga kalakaran sa pagsusulit – wika ay
sinasabing kaugnay o sumusunod sa mga kalakaran sa
pagtuturo ng wika (Upshur 1978).

 Ang pagsusulit bilang isang paraan ng pagtataya sa


kasanayan sa wika ay iniaayon sa layunin at
pamamaraan ng pagtuturo.

 Ginagawa ito upang malaman kung natutuhan ng mga


mag – aaral ang aralin at kung natutuhan ito,
nangangahulugang nakamit ang layunin sa pagtuturo at
naging epektibo ang pamamaraan ng pagtuturo
Ang pangunahing layunin ng
pagsusulit ay ang ebalwasyon ng
pagkatuto ng mga mag-aaral. Ang
pagsusulit bilang isang panukat
sa mga kaalaman at kasanayang
natututunan ng mga mag-aaral ay
dapat na kaugnay ng layunin at
pamamaraan ng pagtuturo.
Mga Layunin

Mga Karanasan Pagsusulit


sa pagkatuto
- Paksang Aralin
- Pamamaraan ng Pagtuturo
- Mga Kagamitang Panturo

 Ang Pagsusulit ay maaaring magsilbing pagganyak


upang ang mag – aaral ay makinig sa aralin laluna’t alam
niyang sa katapusan ng leksyon ay bibigyan siya ng
pagsusulit.
 Sa pamamagitan din ng pagsusulit ay natutuklasan
ng mag – aaral ang kanyang mga kagalingan
(strengths) at mga kahinaan (weaknesses) at kung
paano niya mapapabuti ang sarili.

 Para sa mga tagapangasiwa ng mga paaralan, ang


pagsusulit ay mapagkukunan ng impormasyon tungkol
sa kagalingan o kahinaan ng kurikulum, at inilaman
kung sinu – sino ang maaaring magpatuloy sa kolehiyo
o sa isang partikular na kurso sa unibersidad.
 Ginagamit ang pagsusulit sa pagpapangkat – pangkat ng mga
mag – aaral nang ayon sa kanilang kakayahan (ability
grouping).

 Maaari ring gamitin ang pagsusulit sa pagpapahalaga ng


isang bagong istratehiya sa pagtuturo, mga layunin, at mga
bagong aklat.

 Ang pagsusulit na mahusay ang pagkakagawa ay malaki ang


maitutulong sa bata upang nakararamdam ng katuparan ang
mga mag – aaral sa pagsisikap niya sa pag – aaral.

 Nagiging daan ang pagsusulit sa lubusang pagkatuto ng


wika. Natututo ang mga mag – aaral habang nag – aaral sila
para sa pagsusulit at kapag nawastuan na ang kanilang papel.
Mga Lapit o Pagdulog sa Pagsusulit Wika

Ang mga pagsusulit – wika ay maaaring mapangkat


sa apat na pangunahing lapit o pagdulog sa pagbibigay
ng pagsusulit:
1. Ang lapit na pagsasalin (essay – translation
approach)
2. Ang lapit na istruktural (strukturalist approach)
3. Ang integratibong lapit (integrative approach)
4. Komunikatibong lapit ( communicative approach)
Lapit o Pagdulog na Pagsasalin

 Ang lapit o pagdulog na ito ay karaniwang tinatawag na


panahon bago mag sayantipiko sa pagsusulit wika.

 Walang natatanging kasanayan o kakayahan sa pagbibigay ng


pagsusulit ang kailangan para sa guro.

 Ang sabhektibong pagtataya ng guro ang mahalaga.

 Ang mga pagsusulit sa lapit na ito ay binubuo ng pagsulat ng


sulatin o komposisyon, pagsasalin at pag – aanalisa ng grammar
(na kadalasan ay mga komento tungkol sa wika na pinag –
aralan)

 Ang mga pagsusulit ay kakikitaan din ng bias o pagkiling sa


literari
 Lapit na Istruktural

 Ang lapit na ito ay naaayon sa pananaw na ang pagkatuto ng


wika ay nauukol lamang sa sitematikong pagkakaroon ng mga
batayang pag – uugali.

 Kaugnay ito ng mga ginagawa ng mga nasa istruktural na


linggwistika, partikular sa kahalagahan ng kontrastibong pag –
aanalisa ng wika at ang pagtukoy at pagtataya sa kasanayan ng
mag – aaral sa magkakahiwalay na elemento ng target na wika
tulad ng ponolohiya, bokabularyo at grammar.

 Ang kasanayang ito ay sinusubok gamit ang mga salita,


pangungusap na hiwalay sa konteksto. Ang mga kasanayan sa
pakikinig, pagsasalita, pagbasa at pagsulat ay hiwa – hiwalay
rin na sinusubok sa dahilang layunin na masubok ang mga ito
nang isa – isa.
Lapit na Integratibo
Sa lapit na ito binibigyang pansin ang pagsusulit ng
wika ayon sa konteksto at kahulugan at sa kabuuang
pangkomunikatibong epekto ng diskurso o pahayag.
Ang pagsusulit na integratibo ay hindi naglalayong
ihiwalay ang bawat kasanayan sa wika.
Ang pagsusulit na integratibo ay nauukol sa
pagkakaroon ng global o kabuuang kakayahan sa
wika gayundin sa pagiging fanksyunal ng wika.
Lapit na Komunikatibo

Ang lapit na komunikatibo sa pagsusulit –


wika ay minsan iniuugnay sa lapit na
integratibo.
Ang mga pangkomunikatibong pagsusulit ay
nagbibigay diin unang-una sa kung paano
ginagamit ang wika sa komunikasyon.
Mga Uri ng Pagsusulit na Ibinibigay ng
Guro
A.Ayon sa layon
B.Ayon sa Kaanyuan
C.Ayon sa Kakayahang Sinusubok
D.Ayon sa Dami ng Sinusukat na
Kasanayan
E.Ayon sa Gamit ng Kinalabasan ng
Pagsusulit
F.Ayon sa Paraan ng Pagmamarka
A. Ayon sa Layon
1. Pagsusulit sa Natamong Kabatiran
->batay sa mga kakayahang itinuro na napapaloob sa silabus
-> pagsusulit na pangwakas
-> nilalayong malaman ang hangganan ng pagkatutong natamo ng mga
mag-aaral, sa mga layuning itinakda para sa isang tiyak na panahon

2. Panuring Pagsusulit o Diagnostic Test


-> ibinibigay bago simulant ang pagtuturo ng isang kasanayan upang
matiyak kung taglay na ng mga mag-aaral ang mga panimulang kakayahan

3. Pagsusulit sa Kahusayan o Proficiency Test


->naglalayong malaman ang kakayahan ng isang tao sa isang wika na
hindi isinasaalang-alang ang anumang kasanayan na taglay niya sa wika

4. Pagsusulit sa Aptityud o Aptitude Test


-> nagsasabi kung kakayaning matutuhan ng isang mag-aaral ang isang
wika
-> sinusukat ang kakayahan o interes ng mag-aaral ng isang lawak
B. Ayon sa Dami ng Kakayahang sinusubok

1. Pagsusulit na Diskrito
 Ang mga pagsusulit na diskrito ay sumusulit
lamang sa isang tiyak na elemento o bahagi ng
wika(tunog, gramar, talasalitaan), sa isang kasanayan
sa wika (pakikinig, pagsasalita, pagbasa, pagsulat).

 Layunin ng pagsusulit na ito na masuri o mataya


ang mga kagalingan at kahinaan ng mag-aaral sa
mga bahagi at kasanayan ng wika na naituro.
2. Pagsusulit na Integratibo

 Ang mga pagsusulit na integratibo ay sumusulit


sa ilang kasanayan at elemento ng wika nang
sabay- sabay.

 Ang pagsusulit na pragmatic ay nabibilang sa


integratibong pagsusulit.

Ang mga pagsusulit na ito ay nangangailangan


ng paggamit ng mga konteksto at makahulugang
mga sitwasyon sa pakikipagtalastasan.
Mga Katangian ng Pagsusulit na ito ay:
a. Madaling ihanda at nagbibigay ng higit na
mapananaligang impormasyon tungkol sa kahusayan ng
mga mag – aaral sa wika.
b. Nangangailangan ng panahon sa pagsagot sa parte ng
mga mag – aaral.
c. Nangangailangan ng maraming papel sa pagsagot.
HALIMBAWA NG PAGSUSULIT NA
INTEGRATIBO
1. Pagsusulit na Cloze Test.

 Ito ay susukat sa pangkalahatang kasanayan sa wika.


Ang kaalaman sa kayarian ng wika o gramar, pag –
uugnayan ng mga salita sa teksto at kabuang pag –
unawa ng mga mag – aaral ang sinusukat sa pagsusulit
na Cloze.

 Ito ay isang tekstong kinaltasan ng mga salita. Ang


teksto ay maaaring kunin sa aralin o aklat.
Mga Hakbang sa Paggawa ng Cloze Test

1. Pumili ng tekstong akma sa mga mag – aaral.


2. Pagpasiyahan ang pagkaltas ng salita kung tuwing ikalima,
ikaanim o ikasampung salita.
3. Isulat ang mga panuto at maghanda ng halimbawa.

Mga Dapat Iwasan sa Pagpili ng teksto:

4. Iyong nakaaantig sa damdamin ng mag – aaral.


5. Iyong mga tumatalakay sa mga paksang kontrobersyal tulad ng
politika, relihiyon, at mga suliraning pang ekonomiya.
6. Iyong maraming katawagang teknikal, mga bilang, petsa at
pangngalang pantangi.
2. Pagsusulit na Idinidikta o Dictation Test
- sinusubok nito ang kakayahan sa pakikinig, sa talasalitaan, sa kayarian at
maaari ring sa pagbabaybay at wastong paggamit ng malaking titik at ng
bantas

C. Ayon sa kakayahang sinusubok


a. Pakikinig c. Pagsasalita
b. Pagsulat d. Pagbasa

D. Ayon sa Gamit ng Kinalabasan ng Pagsusulit

1. Norm-Referenced
2. Criterion referenced

E. Ayon sa Paraan ng Pagmamarka

3. Pagsusulit na Obhetibo
4. Pagsusulit na Subhektibo
Pagsusulit na
Pagsusulit na Obhetibo
Subhektibo

Maramihang Pamimili (Multiple Pagsulat ng sanaysay (ESSAY


Choice) Type)

Pagtatapat (Matching type) Pagsasalin (Translation)


Pagpupuno sa patlang /puwang
Tanong na walang limitasyon ang
sagot

You might also like