You are on page 1of 33

CHAPTER 2 – 2.

Mga Klasikong Metodo


sa Pagtuturo
Richard B. Magalzo
Terminolohiya Pagtuturo ng Wika sa Nakaraang Dekada Designer Methods ng Dekada ‘70
Tagapag-ulat

Layunin:
• ANG METODOLOHIYA SA PAGTUTURO NG WIKA
o Natutukoy ang kaibahan ng dulog, • ANG MGA PANGUNAHING PAMAMARAAN NG DEKADA ‘70
pamamaraan, teknik at;
o Nakikilala ang mga Klasikong Metodo sa
Katapusan
Pagtuturo ng Wika sa nagdaang mga Dekada.
MGA KLASIKONG METODO SA PAGTUTURO
TERMINOLOHIYA
METODOLOHIYA:
• LARSEN-FREEMAN – isang tatsulok na ang bawat anggulo nito ay kumakatawan
sa isang batayang lawak sa pagtuturo at pagkatuto ng wika.
PAGTUTURO NG
WIKA/GURO

PAGKATUTO NG WIKA/KULTURA
WIKA/MAG-AARAL

BALIK SUSUNOD
MGA KLASIKONG METODO SA PAGTUTURO
TERMINOLOHIYA
DULOG, PAMARAAN TEKNIK:
• EDWARD ANTHONY (1963) – Ang DULOG ay isang set ng mga pagpapalagay
hinggil sa kalikasan ng wika, pagkatuto, at pagtuturo. Ang PAMARAAN ay isang
panlahat na pagpapaplano para sa isang sistematikong paglalahad ng wika at
batay ito sa isang dulog. Ang TEKNIK ay mga tiyak na Gawain na malinaw na
makikita sa pagtuturo at konsistent sa isang pamaraan at katugong dulog.

BALIK
MGA KLASIKONG METODO SA PAGTUTURO
PAGTUTURO NG WIKA SA NAKARAANG DEKADA

Pamamaraang Grammar Translation

Series Method

Pamaraang Direct

Ang Pamamaraang Audio-Lingual

BALIK
MGA KLASIKONG METODO SA PAGTUTURO
PAGTUTURO NG WIKA SA NAKARAANG DEKADA
PAMAMARAANG GRAMMAR TRANSLATION (Pamaraang Klasiko):
• MITHIIN (Goals) –
• Mabasa ang literature ng target na wika.

• Maisaulo ang mga tuntuning balarila at talasalitaan ng target ng wika.

BALIK SUSUNOD
MGA KLASIKONG METODO SA PAGTUTURO
PAGTUTURO NG WIKA SA NAKARAANG DEKADA
PAMAMARAANG GRAMMAR TRANSLATION (Pamaraang Klasiko):
• MGA KATANGIAN –
• Ginagamit sa pagtuturo ang katutubong wika at bihirang gamitin ang target na
wika.

• Hiwalay na ginagawa ang paglinang ng talasalitaan.

• Binibigyang diin ang pagbasa at pagsulat at halos hindi na nalilinang ang pakikinig
at pagsasalita.

BALIK SUSUNOD
MGA KLASIKONG METODO SA PAGTUTURO
PAGTUTURO NG WIKA SA NAKARAANG DEKADA
PAMAMARAANG GRAMMAR TRANSLATION (Pamaraang Klasiko):
• MGA KATANGIAN –
• Pabuod na itinuturo ang balarila. Ilalahad ang tuntunin, pag-aaralan, at
pagkatapos ay magkakaroon ng maraming pagsasanay at pagsasalin.
• Hindi isinasaalang-alang kahandaan ng mag-aaral sa pagbabasa ng mahihirap na
teksto.
• Kawastuhan sa salita ang mahalaga. Inaasahan na magaling sa pagsasalin ang mga
mag-aaral mula sa target na wika.

BALIK
MGA KLASIKONG METODO SA PAGTUTURO
PAGTUTURO NG WIKA SA NAKARAANG DEKADA
SI GOUIN AT ANG SERIES METHOD:
• Si Francis Gouin
• isa sa mga haliging bato sa pagtuturo ng wika.
• tagapagtatag ng metodolohiya sa pagtuturo ng wika.
• Ang Series Method ay isang pamaraan sa pagtuturo na kung saan ang target na wika ay
itinuturo ng tuwiran (walang pagsasalin) at isang serye ng magkakaugnay na
pangungusap ay inilalahad sa isang konsepto na madaling mauunawaan ng mag-aaral.
Walang pagpapaliwanag sa tuntuning balarila bagama’t maaaring mayroong balarila na
nakapaloob sa mga pangungusap ang dapat linawin.

BALIK SUSUNOD
MGA KLASIKONG METODO SA PAGTUTURO
PAGTUTURO NG WIKA SA NAKARAANG DEKADA
SI GOUIN AT ANG SERIES METHOD:
• Ang pamaraang ito’y naniniwala sa kaisipang ang pagkatuto ng wika ay ang
transpormasyon ng mga pananaw sa wika sa isang konsepto na madaling
maintindihan.
• Halimbawa:
• Papunta ako sa pintuan. Papalapit na ako sa pintuan. Nasa may pintuan na ako. Huminto ako sa
may pintuan. Inabot ko ang door knob. Inikot ko ang door knob. Binuksa ko ang pinto. Itinulak ko
ang pinto. Gumalaw ang pinto. Bumukas ang pinto. Binitiwan ko na ang door knob.

BALIK
MGA KLASIKONG METODO SA PAGTUTURO
PAGTUTURO NG WIKA SA NAKARAANG DEKADA
ANG PAMARAANG DIRECT:
• Pangunahing saligan ni Berlitz ay ang Series Method ni Gouin at nanalig din ito sa
kaisipang ang pagkatuto ng pangalawang wika ay kailangang katulad din ng
pag-aangkin ng unang wika- may interaksyong pasalita, natural na gamit ng wika,
walang pagsasalin sa pagitan ng una at pangalawang wika, at halos walang
pagsusuri sa mga tuntuning pambalarila.

BALIK SUSUNOD
MGA KLASIKONG METODO SA PAGTUTURO
PAGTUTURO NG WIKA SA NAKARAANG DEKADA
ANG PAMARAANG DIRECT:
• Narito ang lagom ng mga simulain:
1. Target na wika lamang ang ginagamit.

2. Pang-araw-araw na bokabularyo at pangungusap ang itinuturo.

3. Ang kasanayang pasalita ay nalilinang sa pamamagitan ng palitan ng tanong at sagot sa


pagitan ng guro at mag-aaral.

4. Ang ilang tuntuning pambalarila ay itinuturo sa paraang pabuod.

5. Ang bagong aralin ay itinuturo sa pamamagitan ng pagmomodelo at pagsasanay.

BALIK SUSUNOD
MGA KLASIKONG METODO SA PAGTUTURO
PAGTUTURO NG WIKA SA NAKARAANG DEKADA
ANG PAMARAANG DIRECT:
• Narito ang lagom ng mga simulain:
6. Ang mga karaniwang bokabularyo ay itinuturo sa pamamagitan ng mga tunay na bagay at
mga larawan samatalang ang mga abstraktong bokabularyo ay itinuturo sa pag-uugnay ng
mga ideya.

7. Parehong binigyang-diin ang kasanayan sa pagsasalita at pakikinig.

8. Binibigyang-diin ang wastong pagbigkas at balarila.

BALIK
MGA KLASIKONG METODO SA PAGTUTURO
PAGTUTURO NG WIKA SA NAKARAANG DEKADA
ANG PAMARAANG AUDIO-LINGUAL (ALM):
• Ang ALM ay batay sa mga teoryang sikolohikal at linggwistik.
• Katangian ng ALM:
1. Ang mga bagong aralin ay inilalahad sa pamamagita ng dayalog.
2. Pangunahing istratehiya sa pagkatuto ay ang panggagaya, pagsasaulo ng mga parirala, paulit-ulit na
pagsasanay.
3. Ang mga kayariang balangkas ay itinuturo sa paggamit ng mga paulit-ulit na pagsasanay.
4. Halos walang pagpapaliwanag sa mga tuntuning pambalarila. Itinuturo ito sa tulong ng mga paulit-ulit
na pagsasanay.

BALIK SUSUNOD
MGA KLASIKONG METODO SA PAGTUTURO
PAGTUTURO NG WIKA SA NAKARAANG DEKADA
ANG PAMARAANG AUDIO-LINGUAL (ALM):
• Katangian ng ALM:
5. Limitado ang paggamit ng bokabularyo at itinuturo ito ayon sa pagkakamit sa pangungusap.

6. Malaki ang pagpapahalaga sa pagbigkas at isinasagawa ito sa language labs at mga pagsasanay na
pares minimal.

7. Ang katutubong wika ay hindi ginagamit ng guro sa pagkaklase.

8. Ang mga tamang tugon sa mga tanong/pagsasanay ay agad na pinagtitibay.

9. Sinisikap ng guro na gamitin ng mag-aaral ang wika nang walang kamalian.

BALIK SUSUNOD
MGA KLASIKONG METODO SA PAGTUTURO
PAGTUTURO NG WIKA SA NAKARAANG DEKADA
ANG PAMARAANG AUDIO-LINGUAL (ALM):
• Bukambibig ang ALM ng maraming guro sa loob ng mahabang panahon, subalit
naglaho rin ang popularidad nito noong 1964 sa pamumuno ni Wilga Rivers.
Pinatunayan ni Rivers at mga kasama na ang pagkatuto ng wika ay hindi
natatamo sa pamamagitan ng maraming pag-uulit at pagsasanay, na ang
pagkakamali ay bahagi ng pagkatuto at hindi itinakda ang wikang dapat
matutuhan.

BALIK
CHAPTER 2 – 2.3

Mga Klasikong Metodo


sa Pagtuturo
Divina Chello Mariablanca
Kahalagahan Designer Methods ng Dekada ‘70 Pagtuturo ng Wika sa Nakaraang Dekada
Tagapag-ulat

Layunin:
• ANG METODOLOHIYA SA PAGTUTURO NG WIKA
o Natutukoy ang kaibahan ng dulog, • ANG MGA PANGUNAHING PAMAMARAAN NG DEKADA ‘70
pamamaraan at teknik at;
o Nakikilala ang mga Klasikong Metodo sa
Katapusan
Pagtuturo ng Wika sa nagdaang mga Dekada.
MGA KLASIKONG METODO SA PAGTUTURO
DESIGNER METHODS NG DEKADA ‘70
Kahalagahan:
• Ang dekada ‘70 ay makahulugan sa kasaysayan ng pagtuturo ng wika sa dalawang
kadahilanan:
1. Sumigla ang pagkatuto ng wika sa loob at labas ng klasrum;

2. Nabuo ang ilang inobasyon kung hindi man mga “rebolusyonaryong” paraan sa
pagtuturo.

• Ang mga designer methods ay ibinahagi sa maraming guro bilang pinakabago at


pinakamahalagang bunga ng pananaliksik pangwika.

BALIK
MGA KLASIKONG METODO SA PAGTUTURO
DESIGNER METHODS NG DEKADA ‘70
Community Language Learning

LIMANG
Ang Suggestopedia
PANGUNAHING
MGA
PAMARAAN Ang Silent Way
NOONG
DEKADA ‘70
Ang Total Physical Response (TPR)

Ang Natural Approach

BALIK
MGA KLASIKONG METODO SA PAGTUTURO
DESIGNER METHODS NG DEKADA ‘70
ANG COMMUNITY LANGUAGE LEARNING:
• Sa pamaraang ito, ang pagkabahala ay nababawasan dahil sa ang klase ay isang
komunidad ng mag-aaral na laging nag-aalalayan sa bawat sandal ng pagkaklase.

• Ang guro ang tumatayong tagapayo at laging handa sa anumang pangangailangan ng


mag-aaral.

• Ang pamamaraang ito ay ekstensyon ng modelong Counseling-Learning ni Charles A.


Curran na nagbibigay-diin sa pangangailangan ng mga mag-aaral-kliyente na nagsama-
sama bilang isang komunidad na binibigyan ng kaukulang tagapapayo.

BALIK SUSUNOD
MGA KLASIKONG METODO SA PAGTUTURO
DESIGNER METHODS NG DEKADA ‘70
ANG COMMUNITY LANGUAGE LEARNING:
• MGA KATANGIAN –
1. Isinasaalang-alang ang balarila, pagbigkas, at bokabularyo ayon sa pangangailangan.
Binibigyang-diin ang pagkaunawa at pagsasalita.
2. Isinasanib sa pagkatuto ng wika ang mga aspekto ng kultura.
3. Walang tiyak na paraan ng pagtataya. Ginagamit ang mga interaktibong pagsusulit kaysa sa
mga obhektibo o tiyak.
4. Hinihikayat ang sariling pagtataya upang mabatid ng mga mag-aaral ang kanilang pag-
unlad.

BALIK
MGA KLASIKONG METODO SA PAGTUTURO
DESIGNER METHODS NG DEKADA ‘70
ANG SUGGESTOPEDIA:
• Mula sa paniniwala ni George Lozanov (1979), isang sikologong Bulgarian, na ang utak ng
tao ay may kakayahang magproseso ng malaking dami ng impormasyon kung nasa
tamang kalagayan sa pagkatuto, katulad halimbawa ng isang relaks na kapaligiran at
ipinauubaya lahat sa guro ang maaring maganap sa pagkaklase.
• Mahalaga sa pamaraang ito ang musika na tinaguriang Baroque ng isang “relaks na
kaligiran” at nagbubunga ng isang pagkatuto na lagpas sa inaasahan. Ayon kay Lozanov,
habang nakikinig ang isang mag-aaral sa musikang Baroque, nagagawa niyang
makapagtamo ng maraming impormasyon dahil sa pagbilis ng alpha brain waves at
pagbaba ng presyon ng dugo at pulso.
BALIK SUSUNOD
MGA KLASIKONG METODO SA PAGTUTURO
DESIGNER METHODS NG DEKADA ‘70
ANG SUGGESTOPEDIA:
• MGA KATANGIAN –
1. Ginagamit ang lakas ng pagmumungkahi upang matulungan ang mga mag-aaral na maging
panatag ang kalooban.

2. Nasa isang komportable at maayos na kapaligiran ang pagkatuto at may maririnig na


mahinang tugtugin.

3. Inilalahad ang gramatika at bokabularyo ngunit di tinatalakay nang komprehensibo.

4. Napalilinaw ang mga kahulugan sa pamamagitan ng pagsasalita sa katutubong wika.

BALIK SUSUNOD
MGA KLASIKONG METODO SA PAGTUTURO
DESIGNER METHODS NG DEKADA ‘70
ANG SUGGESTOPEDIA:
• MGA KATANGIAN –
5. Nangyayari ang komunikasyon sa dalawang dimensyon: ang may kamalayan (conscious)
kung saan nakikinig sa isang binabasang diyalogo at ang kawalang-kamalayan (sub-
conscious) kung saan ang musikang maririnig ay nagpapahiwatig na ang pagkatuto ay
madali.

6. Isinasanib sa pagtuturo ang mga sining tulad ng musika, awitin, at drama.

7. Bahagi ng ginagawa ng mag-aaral sa klase ang ebalwasyon; walang pormal na pagsubok na


ibinibigay.
BALIK
MGA KLASIKONG METODO SA PAGTUTURO
DESIGNER METHODS NG DEKADA ‘70
ANG SILENT WAY:
• Nanghahawakan sa paniniwalang mabisa ang pagkatuto kung ipinauubaya sa
mga mag-aaral ang kanilang pagkatuto.

• Richard at Rogers (1986) – naglahad na isang lagom hinggil sa teorya ng pagkatuto


na pinagbatayan ng Silent Way.
1. Mas mabilis ang pagkatuto kung ang mga mag-aaral ay tutuklas o lilikha ng mga
sariling Gawain sa halip ipasaulo o ipaulit nang maraming beses kung ano ang
natutuhan.

BALIK SUSUNOD
MGA KLASIKONG METODO SA PAGTUTURO
DESIGNER METHODS NG DEKADA ‘70
ANG SILENT WAY:
2. Napadadali ang pagkatuto sa tulong ng mga kagamitang panturo tulad ng mga bagay na
nakikita at nahahawakan ng mga mag-aaral.

3. Napadali ang pagkatuto sa pamamagitan ng mga araling kinapapalooban ng mga Gawain


na may suliraning tutuklasin ang mga mag-aaral.

• Ang pamaraang Silent Way ay namuhunan sa mga hakbang na pagtuklas sa pagkatuto.

• Gattegno (1972) na dapat mayroong tiwala sa sarili ang mag-aaral at naroroon din ang
pagiging may pananagutan sa kanyang sariling pagkatuto.

BALIK SUSUNOD
MGA KLASIKONG METODO SA PAGTUTURO
DESIGNER METHODS NG DEKADA ‘70
ANG SILENT WAY:
• Ang mga nag-aaral sa isang klasrum na Silent Way ay nagtutulungan sa proseso ng pagtuklas ng
mga kasagutan sa mga suliraning pangwika. Sa ganitong kalagayan, nananatiling tahimik ang
guro kaya ang katawagan ay Silent Way.
• Kinakailangang paglabanan ng guro ang pagtulong sa sandaling humingi ng tulong ang mga mag-
aaral at kung maaari ay lumabas ang guro habang bumubuo ng solusyon sa isang suliranin ang
buong klase.
• May kahirapan ang pamaraang ito lalo’t higit sa mga mahihinang mag-aaral. May mga aspekto sa
pag-aaral na kailangang ipinaliliwanag sa mga mag-aaral upang hindi sila mag-aksaya ng oras sa
pagtuklas kung paano ang pagkatuto nito.

BALIK SUSUNOD
MGA KLASIKONG METODO SA PAGTUTURO
DESIGNER METHODS NG DEKADA ‘70
ANG SILENT WAY:
• MGA KATANGIAN –
1. Pangalawa lamang ang pagtuturo sa pagkatuto. Pananagutan ng mag-aaral ang sarili nilang
pagkatuto.

2. Tahimik ang guro ng maraming oras ngunit aktibo sa pagbibigay ng sitwasyon at pakikinig sa
mga mag-aaral; nagsasalita lamang siya upang magbigay hudyat (clues), pinapayagan ang
interaksyong mag-aaral-mag-aaral.

3. Di ginagamit ang pagsasalin ngunit ang unang wika ay itinuturing na pinagmulan ng


kaalaman ng mag-aaral.
BALIK
MGA KLASIKONG METODO SA PAGTUTURO
DESIGNER METHODS NG DEKADA ‘70
ANG TOTAL PHYSICAL RESPONSE (TPR):
• Dinebelop ni JOHN ASHER (1977). Ang pamaraang ito’y humango ng ilang kaisipan sa
Series Method ni Gouin na nagsabi na ang pagkatuto ay epektibo kung may kilos na
isinagawa kaugnay ng wikang pinag-aralan.

• Naniniwala si ASHER na ang isang klasrum sa wika ay hindi dapat kabakasan ng


pagkabahala at ang mga mag-aaral ay masisigla at nagagawa ang gustong gawin sa
ilalim ng mabuting pamamatnubay ng guro.

BALIK SUSUNOD
MGA KLASIKONG METODO SA PAGTUTURO
DESIGNER METHODS NG DEKADA ‘70
ANG TOTAL PHYSICAL RESPONSE (TPR):
• Ang tipikal na TPR ay gumagamit ng maraming kayarian sa pagsasalita na nag-uutos. Ito’y
mabisang paraan upang ang mga mag-aaral ay kumilos at gumalawa nang may
kawilihan: Isara mo ang bintana, Tumayo, Umupo, Kunin mo ang libro atbp. Hindi
kinakailangan sa ganitong mga Gawain ang mga pasalitang sagot.

• MGA KATANGIAN –
1. Nagsisimula ang mga aralin sa pamamagitan ng mga utos mula sa titser na isinasagawa ng
mga mag-aaral.
2. May iteraksyong guro-mag-aaral o sa kapwa mag-aaral.

BALIK SUSUNOD
MGA KLASIKONG METODO SA PAGTUTURO
DESIGNER METHODS NG DEKADA ‘70
ANG TOTAL PHYSICAL RESPONSE (TPR):
• MGA KATANGIAN –
3. Binibigyang-diin ang komunikasyong pasalita; isinasaalang-alang ang kultura ng mga
katutubong tagapagsalita sa pagkatuto ng pangalawang wika.

4. Pinalilinaw ang mga kahulugan sa pangalawang wika sa pamamagitan ng mga kilos.

5. Inaasahang magkakamali ang mga estudyante sa pagsisimula nilang magsalita; mga


kamaliang global lamang ang iwawasto.

BALIK
MGA KLASIKONG METODO SA PAGTUTURO
DESIGNER METHODS NG DEKADA ‘70
ANG NATURAL APPROACH:
• Dinebelop ni TRACY TERREL mula sa pananaw ni STEPHEN KRASHEN. Naniniwala sila
na kailangang komportable at relaks ang mga mag-aaral sa isang klasrum pangwika.

• Nakikita nila ang pagsasaisang-tabi muna ng pagsasalita sa wikang pinag-aralan


hanggang sa sumapit ang panahong naroon ang intension at pagkukusa sa pagsasalita.

• Nilalayon ng Natural Approach na malinang ang mga personal na batayang kasanayang


pangkomunikasyon tulad ng gamiting wika para sa mga pang-araw-araw na sitwasyon
gaya ng pakikipag-usap, pamimili, pakikinig sa radio atpb.

BALIK SUSUNOD
MGA KLASIKONG METODO SA PAGTUTURO
DESIGNER METHODS NG DEKADA ‘70
ANG NATURAL APPROACH:
• Ayon kina KRASHEN AT TERREL, sa Natural Approach, ang mag-aaral ay dumaraan sa
tatlong yugto ng pagkatuto.
1. Yugtong Preproduction – nililinang ang mga kasanayan sa pakikinig.
2. Yugtong Early Production – na kakikitaan ng mga pagkakamali habang nagpupumilit ang
mga bata sa paggamit ng wika.
3. Ekstensyon ng Production - nakapaloob dito ang mas mahihirap na laro, role play, dayalog,
talakayan, at pangkatang Gawain. Layunin sa yugtong ito ang katatasan sa pagsasalita,
inaasahan na mangilan-ngilan lamang o kaunti lamang ang mga pagwawasto sa kamalian.

BALIK SA UNANG PAHINA BALIK KATAPUSAN


MGA KLASIKONG METODO SA PAGTUTURO

Maraming
Salamat Po!
BALIK

You might also like