You are on page 1of 2

PAGSUSULIT SA FILIPINO 7

IKALAWANG KWARTER, IKA-APAT NA LINGGO

PANUTO: Basahin at unawain nang mabuti ang mga katanungan sa ibaba. Bilugan ang titik ng tamang
sagot.

1. Ito ay ang tiyak at literal na kahulugan ng salita. ito ang mga kahulugang nakikita sa diksyunaryo.
A. Denotasyon B. Idyoma C. Konotasyon D. Pagkiklino
2. Ito ay mga pahiwatig na pang-emosyonal o pangsaloobin na kinakapit ng tagapagsalita o
tagapakinig bukod sa tiyak na kahulugan ng isang salita.
A. Denotasyon B. Idyoma C. Konotasyon D. Pagkiklino
3. Ito ang tawag sa pagbibigay-kahulugan ayon sa intensidad o tindi ng kahulugang nais ipahiwatig sa
pahayag.
A. Denotasyon B. Idyoma C. Konotasyon D. Pagkiklino

Para sa bilang 4-10, suriing mabuti ang mga idyomatikong pahayag sa bawat pangungusap, at bilugan
ang katumbas na kahulugan.

4. Madali siyang napakagat sa pain kaya sa huli ay iniwan at pinaasa.


A. Naloko B. Napakain C. Napahanga D. Napaniwala
5. Madali nilang nakamit ang rurok ng tagumpay, magkataling-puso kasi sila.
A. Magkaibigan B. Magkasundo C. Mag-asawa D. Magkakilala
6. Hindi niya matanggap ang kasawiang-palad na dumating sa kanyang pamilya.
A. Aksidente B. Kamalasan C. Naputulan ng kamay D. Nawalan ng suwerte
7. Magkasundung-magkasundo sila sa lahat ng bagay, paano’y kumakain sila sa iisang pinggan.
A. ayaw maghugas ng pinggan C. Magkaibigan
B. Iisang pinggan ang ginagamit D. Magkasalong palagi
8. Halos araw-araw umuuwi ang mga guro galing sa trabaho na parang lantang bulaklak.
A. Hinang-hina B. Nanlalata C. Nawalan ng puri D. Walang lakas
9. Hindi dapat silang magsama para kasi silang langis at tubig.
A. Mainit ang dugo B. Nag-aasaran C. Nag-aaway D. Nagsusutukan
10. Si Jessa ay palaging nagsusunog ng kilay tuwing gabi para makamit niya ang kanyang pangarap.
A. Masipag magluto B. Nag-aahit ng kilay C. Nag-aaral ng mabuti D. Nagsunog ng kilay

Para sa bilang 11-15, suriing mabuti ang mga pangungusap kung ito ba ay nagtataglay ng
DENOTASYON o KONOTASYON na pagpapakahulugan.

11. Napakabango naman ng rosas na iyan.


A. Denotasyon B. Konotasyon C. Lahat ng nabanggit D. Wala sa nabanggit
12. Ang kapal naman kasi ng mukha mo para lukuhin mo ako at paglaruan.
A. Denotasyon B. Konotasyon C. Lahat ng nabanggit D. Wala sa nabanggit
13. Kaya hindi umuunlad ang bansa natin kasi maraming buwayang nakaupo sa pamahalaan.
A. Denotasyon B. Konotasyon C. Lahat ng nabanggit D. Wala sa nabanggit
14. Kinabog ni Catriona Gray ang 94 na kandidata sa kanyang kahandaan sa larangan ng pagrampa at sa
magarbong kasuotan.
A. Denotasyon B. Konotasyon C. Lahat ng nabanggit D. Wala sa nabanggit
15. Ano ang nagyari sa tapang ni Jona, umurong ba? 
A. Denotasyon B. Konotasyon C. Lahat ng nabanggit D. Wala sa nabanggit
SUSI SA PAGWAWASTO:
1. A
2. C
3. D
4. A
5. A
6. B
7. C
8. A
9. C
10. C
11. A
12. B
13. B
14. A
15. B

You might also like