You are on page 1of 6

Granada National High School - Ballesteros Campus

Gabi, South Gigantes, Carles, Iloilo

Ikatlong Markahan

Pangalan:___________________________________________________________ Baitang:_______________________

I. Unawain ang mga sumusunod na mga katanungan. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

_____1. Ito ay isang halimbawa ng karunungang bayan na ang layunin ay ang mambuska.

A. Tugmang de-gulong B. Palaisipan C. Tulang panudyo D. Bugtong

_____2. Ito ay nagsisilbing paalala sa mga pasahero.

A. Tugmang de-gulong B. Palaisipan C. Tulang panudyo D. Bugtong

_____3. Tinatawag ding pahulaan o patuturan na may doble o nakatagong kahulugan na nilulutas bilang isang palaisipan.

A. Tugmang de-gulong B. Palaisipan C. Tulang Panudyo D. Bugtong

_____4. Ito ay isang suliraning uri ng bugtong na sinusubok ang katalinuhan ng lumulutas nito.

A. Tugmang de-gulong B. Palaisipan C. Tulang Panudyo D. Bugtong

_____5. Ang kantang “Chit Chirit Chit” ay isang halimbawa ng ____________?

A. Tulang Panudyo B. Bugtong C. Palaisipan D. Tugmang de-gulong

_____6. Isang maikling komposisyon na kalimitang naglalaman ng personal na opinyon ng may-akda.

A. Alamat B. Sanaysay C. Maikling Kuwento D. Tula

_____7. Uri ng sanaysay na nagbibigay impormasyon sa pamamagitan ng pagtatalakay sa mga paksang karaniwan, pang-
araw-araw, at personal.

A. Karaniwan B. Di-pormal C. Pormal D. Di-karaniwan

_____8. Uri ng sanaysay na naghahatid ng mahahalagang kaalaman o impormasyon, kaisipang makaagham, at lohikal na
pagkakasunod-sunod ng mga ideya.

A. Karaniwan B. Di-Pormal C. Pormal D. Di-karaniwan

_____9. Ito ay kadalasang ginagawa ng isang matalinong mambabasa upang mabatid ang kahihinatnan ng mga
sitwasyon sa isang akda.

A. Paghihinuha B. Pagsasalaysay C. Paglalarawan D. Pagsasadula

_____10. Ano ang pagkakaiba ng bugtong sa palaisipan?

A. Ang bugtong ay higit na mahaba kaysa sa palaisipan.

B. Ang bugtong ay may sukat at tugma samantalang ang palaisipan ay wala.

C. Ang palaisipan ay may sukat at tugma samantalang ang bugtong ay wala.

D. Ang bugtong ay kadalasang nagbibigay ng kasanayang lohikal di tulad sa palaisipan.

_____11. Ano ang pagkakaiba ng tulang panudyo at tugmang de-gulong?

A. Ang tulang panudyo ay kadalasang makikita sa mga pampublikong sasakyan.

B. Ang tulang panudyo ay kadalasang nangbubuska.

C. Ang tugmang de-gulong ay may layuning mambuska o manudyo sa mga pasahero.

D. Ang tugmang de-gulong ay kadalasang may sukat at tugma.

_____12. Alin sa sumusunod ang hindi katangian ng palaisipan.

A. Sinusubok ang katalinuhan ng lumulutas nito.

B. Mga tanong na kadalasang nakalilito sa mga tagapakinig.

C. Nagpapatalas ng isip at kadalasang nagbibigay ng kasanayang lohikal sa mga tagapagsagot.

D. Binubuo ng isa o dalawang taludtod na maikli na may sukat at tugma.

_____13. Ang sumusunod ay mga katangian ng isang pormal na uri ng sanaysay, maliban sa isa.

A. Ang tono ay seryoso at di nagbibiro C. Tinatawag ding impersonal sa ibang aklat

B. Maingat na pinipili ang mga salitang ginagamit D. Gumagamit ng mga salitang sinasambit araw-araw

_____14. Sa pormal na uri ng sanaysay, ano ang pakay o motibo ng may-akda?

A. Para ma-aliw ang mambabasa C. makapaghatid ng karaniwang kaalaman

B. Maibahagi ang sariling pananaw hinggil sa paksa D. makapaghatid ng mahalagang kaalaman

_____15. “Pinalaki tayo sa kasinungalingan. Bata pa lang tayo, sinanay na tayo sa mga nilalang na hindi naman natin
nakikita - kapre, tikbalang, manananggal, tiyanak, multo, at mangkukulam. Mga lamang-lupa raw ang tawag dito.
Nagtataka ako kung bakit hindi isinama ang kamote, sibuyas, at luya. Mga lamang-lupa rin naman iyon.”

Batay sa anyo at paraan ng pagpapahayag, anong uri ng sanaysay ito?

A. Pormal B. di-pormal C. Karaniwan D. Di-karaniwan

_____16. Ngunit sinasabi nilang naroroon pa siya sa dating pinagtuturuan, sa walang pintang paaralang una kong
kinakitaan sa kanya. Ano ang inilalarawan sa pangungusap na ito?

A. Tauhan B. Tagpuan C. Banghay D. Kakintalan

_____17. Mula sa kaniyang pananamit hanggang sa paraan ng pagdadala niya ng mga panunugutan sa paaralan, walang
masasabing anumang pangkaraniwan sa kanya. Ano ang inilalarawan sa pangungusap na ito?

A. Tauhan B. Tagpuan C. Banghay D. Kakintalan

_____18. Ito ay nagsisilbing daan upang magkaroon ng kuwenta ang kuwento.

A. Tagpuan B. Banghay C. kakintalan D. Tauhan

_____19. Siya ang sumulat ng kuwentong Si Mabuti.

A. Pat V. Villafuerte B. Dr. Jose Rizal C. Genoveva Matute D. W.M. Reyes

_____20. Isang maikling salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may
iisang kakintalan lamang.

A. Maikling kuwento B. Alamat C. Tula D. Pabula

_____21. Isa sa mga elemento ng maikling kuwento kung saan ito ay mga mensahe/aral na makukuha sa kuwento.

A. Tagpuan B. Banghay C. Tauhan D. Kakintalan

_____22. Karaniwang tinatalakay ang mga diyos at nagbibigay ng mga paliwanag hinggil sa mga likas na kaganapan.

A. Alamat B. Mito C. Pabula D. Kuwentong Bayan

_____23. Isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig.

A. Alamat B. Mito C. Pabula D. Kuwentong Bayan

_____24. Mga salaysay hinggil sa mga likhang-isip na mga tauhan na kumakatawan sa mga uri ng mamamayan.

A. Alamat B. Mito C. Pabula D. Kuwentong Bayan

_____25. Ang kuwentong Si Malakas at Si Maganda ay isang halimbawa ng __________?

A. Kuwentong Bayan B. Mito C. Alamat D. Pabula

_____26. Sa pangungusap na, “Siya ay maganda, si Ana ay tunay kong kaibigan”. Ang salitang siya ay ____?

A. Naglalarawan sa tinutukoy C. pantulong na salita

B. Tinutukoy D. simuno

_____27. Sa pangungusap sa bilang 26, ang salitang Ana ay ______?

A. Naglalarawan sa tinutukoy C. pantulong na salita

B. Tinutukoy D. Simuno

_____28. Alin sa sumusunod na pangungusap ang nasa anyong anaporik?

A. Nakiusap ang pangulo sa kanila, pumayag naman ang mga pulis at sundalo.

B. Dito naganap ang isang himala, tunay na natatangi ang Simbahan ng Lourdes.

C. Mamamayan ang buhay ng isang bansa kaya’t tayo’y nagsisipag sa paghahanap-buhay.

D. Matutuwa sila dahil higit na pinagbubuti ang kurikulum para sa mga mag-aaral.

_____29. Nagwika _____ na “Kabataan ang Pag-asa ng Bayan”, ipinaliwanag ni Jose Rizal ang tungkuling ginagampanan
ng mga kabataan sa lipunan. Anong kohesiyong gramatikal ang angkop upang mabuo ang pangungusap?

A. Sila B. ito C. Siya D. dito

_____30. Ang pagmamahal ng guro sa kaniyang mag-aaral ay hindi mapasusubalian, ____ ay taglay niya hanggang
kamatayan. Anong kohesiyong gramatikal ang angkop upang mabuo ang pangungusap?

A. Ito B. siya C. doon D. tayo

_____31. Nasa unahan ang tinutukoyn at nasa hulihan ang naglalarawan sa tinutukoy.

A. Anaporik B. Kataporik C. pormal D. Di-pormal

_____32. Nasa hulihan ang tinutukoy at nasa unahan ang naglalarawan sa tinutukoy.

A. Anaporik B. Kataporik C. Pormal D. Di-pormal

_____33. Ang sumusunod ay mga pangatnig na ginagamit sa panimula maliban sa ____.

A. Noon B. Una C. Sa pagsisimula D. Kasunod

_____34. Ito ay nagsisilbing daan ng pagsasalaysay ng paksa ng akda.

A. Pangwakas na talata B. Gitnang talata C. Panimulang talata D. Kasukdulan

_____35. Ito ay ginagamit upang maging maayos ang pagsasalaysay ng isang kuwento.

A. Pang-angkop B. pangatnig C. pang-abay D. Pandiwa

_____36. Noong araw, si Mariang Sinukuan ang reyna sa bundok ng Arayat. Ang pangungusap na ito ay nagpapakita na
ito ay matatagpuan sa ________ ng kuwento.

A. Panimula B. Gitna C. Wakas D. Kasukdulan

_____37. Bakit mahalagang gumamit ng mga pangatnig na noon, simula, etc. sa pagsulat ng isang kuwento?

A. Upang ito ay magandang pakinggan C. maging kawili-wiling basahin

B. Maging maayos ang pagsasalaysay ng kuwento D. Madaling maunawaan ang kuwento

_____38. Natakot si Lamok na maparusahan uli kaya nang makalaya ay hinding-hindi na nagdala ng gulok. Pero patuloy
pa rin siya sa kanyang paghahanap sa kalabang Talangka. Si Talangka naman ay lagi nang nasa butas at nagtatago kay
Lamok. Kaya ngayon, pag may aali-aligid at bubulong-bulong na kulisap sa iyon tenga, si Lamok iyon, At akala ay butas ni
Talangka ang butas ng iyong tenga.

Ang talatang nasa itaas ay nasa anong bahagi ng kuwento?

A. Panimula B. Gitna C. Kasukdulan D. Wakas

_____39. Alin sa sumusunod ay na mga salita ang magkasalungat?

A. Parusa - multa B. wasiwas - pag-iling C. balisa - takot D. palayaw - taguri

_____40. Ano ang ibig sabihin ng balisang nagmamasid?

A. Nag-aalala B. natutuwa C. natatakot D. nalulungkot

_____41. Paano mapapatunayan na ang isang akda ay isang halimbawa ng alamat?

A. Kung ito ay nagkukuwento tungkol sa mga diyos o diyosa

B. Kung ito ay naglalahad ng mga pinagmulan ng mga bagay sa daigdig

C. Kung ito ay tinatampukan ng mga hayop bilang tauhan

D. Kung ito ay naglalaman ng mga personal na opinyon ng may akda.

_____42. Paano maihalintulad ang mito sa alamat?

A. Pareho silang may sukat at tugma

B. Parehong mga hayop ang mga tauhan

C. Parehong nagsasalaysay o nagpapaliwanag sa mga karaniwang likas na panyayari

D. Parehong nagtatalakay sa kabayanihan ng pangunahing tauhan

_____43. Alin sa sumusunod ang naglalarawan sa katangian ng isang mito?

A. Nagsasalaysay sa pinagmulan ng mga bagay-bagay. C. Mga diyos o diyosa ang karaniwang tinatalakay

B. Karaniwang mga hayop ang mga tauhan D. Lahat ay tama

_____44. Ano ang pagkakaiba ng alamat sa iba pang uri ng akdang pampanitikan?

A. Ang alamat ay kadalasang may sukat at tugma

B. Kadalasang inaawit ang alamat

C. Mga hayop ang pangunahing tauhan sa alamat

D. Nagsasalaysay sa pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig

_____45. .”Noong unang panahon, may magkapatid na ulila na naninirahan sa isang ilang na baryo sa Laguna”. Ang
salitang may salungguhit ay nangangahulugang ___?

A. Wala nang mga magulang C. malayo sa mga magulang

B. Tanging ina lang ang kasama D. May ibang pamilya na ang mga magulang

_____46. “Sa pag-aalala sa kapatid ay sumunod si Perla at kitang-kita niya nang mahulog si Amaparo sa ilog.”

“Habang balisang nagmamasid ang mga tao sa ilog, ay may isang bulaklak ang lumutang sa kinahulugan ni Amparo.”

Sa mga pangungusap sa itaas, alin sa sumusunod na mga salita ang nagpapakita ng magkasingkahulugan?

A. Kapatid - bulaklak B. nahulog-ilog C. kitang-kita - lumutang D. pag-aalala-balisa

47-50.
Sumulat ng isang buod ng isang mito/alamat/kuwentong bayan na napag-aralan na may maayos na pagkakaugnay-
ugnay ng bawat pangyayari.

__________________________________________________________________________________________________

Inihanda ni:

CHRISTINE A. ALMINAZA

Guro sa Filipino

You might also like