You are on page 1of 6

Quiz #1

Filipino 7 Ikaapat na Markahan

I. Isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Siya ang pangalawang anak ni Haring Fernando.

A. Don Juan B. Don Pedro C. Don Diego D. Donya Juana

2. Siya ang naging asawa ni Prinsesa Leonora.

A. Don Fernando B. Don Pedro C. Don Juan D. Don Diego

3. Siya ang gumagamit ng itim na mahika.

A. Don Pedro B. Haring Fernando C. Don Diego D. Haring


Salermo

4. Ang nagbabantay kay Donya Leonora.

A. Serpyente B. higante C. lobo D. agila

5. Ang nagbabantay kay Donya Juana.

A. Serpyente B. higante C. lobo D. agila

6. Siya ang sinakyan ni Don Juan papuntang Reyno Delos Cristales.

A. Serpyente B. higante C. Lobo D. agila

7. Siya ang tumulong kay Don Juan sa kanyang mga sugat.

A. Ermitanyo B. leproso C. lobo D. agila

8. Unang natagpuan ni Don Juan sa mahiwagang balon.

A. Donya Leonora B. Donya Juana C. Donya Maria Blanca D. Leproso

9. Siya ang tumulong kay Don Juan papunta sa Piedras Platas.

A. Leproso B. agila C. Lobo D. ermitanyo

10. Ang nagpagaling sa sakit ni Don Fernando.

A. Manggagamot B. Ibong Adarna C. Leproso D. lobo

11. Siya ang reyna ng Berbanya.

A. Donya Valeriana B. Donya Maria Blanca C. Donya Juana D. Donya Leonora

12. Gumagamit ng puting mahika.

A. Donya Valeriana B. Donya Maria Blanca C. Donya Juana D. Donya Leonora


13. Hari ng Berbanya

A. Salermo B. Fernando C. Pedro D. Juan

`14. Nakahuli sa Ibong Adarna.

A. Juan B. Pedro C. Diego D. Salermo

15. Naging asawa ni Don Pedro.

A. Juana B. Leonora C. Maria Blanca D. Valeriana

16. Siya ang nagbibigay ng desisyon. Kasunod sa hari.

A. Ermitanyo B. manggagamot C. Haring Salermo D. Arsobispo

17. Siya ang tumulong kay Don Juan upang hulihin ang Ibong Adarna.

A. Leproso B. Unang Ermitanyo C. 2 Ermitanyo D. 3 Ermitanyo

18. Siya ang tumulong kay Don Juan papunta sa Delos Cristales sa likod ng agila.

A. Leproso B. 1 Ermitanyo C. 2 Ermitanyo D. 3 Ermitanyo

19. Dito naninirahan ang Ibong Adarna.

A. Berbanya B. Tabor C. Mahiwagang Balon D. Reyno Delos Cristales

20. Kaharian ng Dalawang Prinsesa.

A. Berbanya B. Reyno Delos Cristales C. Tabor D. Mahiwagang Balon

II. Tama o Mali. Isulat ang T kung ang pahayag ay tama at M kung mali.

_____ 1. Ang Ibong adarna ay isang halimbawa ng awit.

_____2. Si Jose Dela Cruz ang sumulat ng Ibong Adarna.

_____ 3. Ang mga tauhan sa korido ay may kapangyarihang supernatural.

_____ 4. Ang korido ay inaawit na may himig na mabagal o banayad.

_____ 5. Ang tulang Romansa ay tulang pasalaysay tungkol sa pakikipagsapalaran at kabayanihan na karaniwang
ginagalawan ng mga prinsipe at mga mahal nito.
Quiz #2

Filipino 7

Ikaapat na Markahan

I. Isulat ang sagot sa papel.

1. Ilan ang anak ng hari ng Berbanya?

2. Ilan ang maaaring magkamit ng trono ng hari?

3. Bakit namayani ang inggit sa puso ni Don Pedro?

4. Dahilan ng malubhang karamdaman ng hari.

5. Tanging lunas sa sakit ng hari.

6. Ano ang masamang panaginip ng hari?

7. Bakit sa gabi lang matatagpuan ang ibon na nakadapo sa Piedras Platas?

8. Ilang buwan ang paglalakbay ni Don Pedro papunta sa Bundok Tabor?

9. Bakit naging bato si Don Pedro?

10. Ilang beses pumapalit ng balahibo at umaawit ang ibong Adarna?

11. Saan dumarapo ang Ibong Adarna?

12. Ilang buwan ang paglalakbay ni Don Diego papuntang Bundok Tabor?

13. Ano ang hiningi ni Don Juan sa kanyang ama upang payagan ito na hanapin ang dalawang kapatid at ang
ibong Adarna?

14. Sino ang humingi ng limos kay Don Juan at binigyan niya ito ng tinapay.

15. Ano ang ginamit ni Don Juan upang mahuli ang Ibong Adarna?
Quiz #3

Filipino 7

I. Isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Bakit lalong lumubha ang sakit ng hari gayong nadala naman ng dalawang prinsipe ang Ibong Adarna sa
palasyo?

A. Dahil mali ang nadala nilang ibon sa palasyo

B. Dahil patay na ang ibon nang dumating sa palasyo

C. Dahil wala si Don Juan at naalala naman ng hari ang kanyang panaginip

D. Lahat ay tama

2. Bakit ayaw kumanta ng ibon?

A. Dahil wala ang tunay na nagmamay-ari sa kanya

B. Dahil hindi naman kumakanta ang ibon

C. Dahil sinabihan siya ni Don Pedro na huwag umawit upang siya na ang susunod na hari

D. Dahil namatay si Don Juan

3. Ano ang tanging pag-asa ni Don Juan upang siya’y mabuhay?

A. Pagiging matapang sa pagharap ng pagsubok

B. Panalangin sa Mahal na Birhen

C. Taong makakatulong sa kanya

D. Mga pagkain at gamot upang manumbalik ang kanyang lakas

4. Sino ang nakakita kay Don Juan na walang malay at nakahandusay sa lupa?

A. Leproso B. Binatang Ermitanyo C. Lobo D. Matandang


Ermitanyo

5. Bakit pinarusahan ang dalawang kapatid ni Don Juan?

A. Dahil mali ang nadala nilang ibon sa palasyo

B. Dahil sa pagtataksil nila kay Don Juan

C. Dahil hindi nila nagawang pakantahin ang ibon

D. Dahil hindi sila mahal ng hari


6. Ano ang naging kaparusahan ng dalawang magkakapatid na Don Pedro at Don Diego?

A. Parusang kamatayan C. tagapagbantay ng ibon

B. Maging alipin sa palasyo D. ipatapon sa labas ng palasyo

7. Bakit nainis si Don Pedro sa pasya ng hari na bantayan nila ang ibon?

A. Dahil hindi namn siya ang nakahuli sa ibon

B. Dahil ayaw niyang magpuyat sa pagbabantay ng ibon

C. Dahil ayaw niyang maging tagapagbantay ng ibon gayong isa siyang prinsipe

D. Dahil gusto niyang siya lamang ang magbabantay at hindi si Don Juan

8. Sino sa magkakapatid ang madaling antukin at naiinip sa bagal ng oras habang nagbabantay?

A. Don Diego B. Don Juan C. Don Pedro D. walang


tama

9. Ano naman ang ginawang kataksilan ni Don Pedro sa kay Don Juan?

A. Nilagyan niya ng pampatulog ang inumin ni Don Juan

B. Pinakawalan niya ang ibon nang nakatulog si Don Juan

C. Pinatay niya ang ibo sa oras na si Don Juan ang nagbabantay

D. Nilason niya si Don Juan upang mamatay ito

10. Bakit nakatulog si Don Juan habang nagbabantay sa ibon?

A. Dahil sa labis na puyat at pagod C. dahil nainip siya sa pagbabantay sa ibon

B. Dahil pinainom siya ng pampatulog D. dahil naiinis siya tuwing nagbabantay


sa ibon

11. Bakit lumisan sa palasyo si Don Juan?

A. Dahil nabatid niya ang naging pagkakamali at kailangan niyang magtago

B. Dahil kailangan niyang hanapin ang ibon

C. Dahil gusto niyang puntahan ang mahiwagang balon sa bundok ng Armenya

D. Dahil napanaginipan niya ang ermitanyo at pinababalik siya sa Bundok Tabor

12. Saan natagpuan ng dalawang prinsipe si Don Juan?

A. Sa Bundok Tabor C. Reyno Delos Cristales

B. Kabundukan ng Armenya D. loob ng mahiwagang balon


13. Ano ang tunay na dahilan bakit napagpasyahan ni Don Juan na manirahan nalang sa kabundukan?

A. Para mamuhay ng mapayapa at malayo sa mga taksil na kapatid

B. Upang pagtakpan at huwag maparusahan ang tunay na may sala

C. Dahil nagandahan siya sa lugar at masagana ito sa mga prutas at hayop

D. Para makahanap ng iibigin niya

14. Ano ang nakita ng tatlong magkakapatid sa kabundukan at sila’y namangha rito?

A. Isang usang may mga gintong sungay

B. Isang palasyo na napapalibutan ng ginto’t pilak

C. Isang balon na may makikinis na batong marmol at gintong nakaukit

D. Isang higante serpyenteng pito ang ulo

15. Bakit hindi nagawang marating nina Don Pedro at Don Diego ang pinakadulo ng balon?

A. Dahil sa labis na kadiliman ng balon

B. Dahil sa wala na itong madaanan pa

C. Dahil kulang ang lubid para marating ang pinakadulo ng balon

D. Dahil gusto nila na si Don Juan ang sumubok para mapahamak ito

You might also like