1. Ano ang ginagawa ni Donya Leonora kapag dumadalaw si Don Pedro?
a. kinakausap niya nang maayos c. Hinahamak si Don Pedro b. Hindi pinagbubuksan ng pinto d. Binibigyan ng pagkain 2. Ano ang nararamdaman ni Don Pedro kapag umiiyak at tinatawag ni Donya Leonora si Don Juan? a. parang mawawasak ang dibdib ni Don Pedro c. Isinusumpa niya si Donya Leonora b. galit na galit siya kay Don Juan d. Naaawa siya sa pag-iyak ni Donya Lenora 3. Sino ang larawang sinasamba ni Donya Leonora? a. Diyos b. Don Pedro c. Don Diego d. Don Juan 4. Kung hindi lang daw kagaspangan ng pag-uugali, ano sana ang gagawin ni Don Pedro? a. sisirain niya ang larawan ni Don Juan c. Ibubunton niya ang galit sa larawan ni Don Juan b. sasaktan niya si Donya Leonora d. Susunugin niya ang larawan ni Don Juan 5. Ano ang malimit na ipinaghihimutok ni Don Pedro? a. ang katigasan ng kalooban ni Don Juan c. Ang kadakilaan ng kanyang pag-ibig b. ang katigasan ng puso ni Donya Leonora d. Ang pamana ng hari kay Don Juan 6. Ano ang turing ni Donya Leonora kay Don Pedro? a. isang maharlikang tao c. Isang matapat na tao b. isang taksil na tao d. Isang mabuting na tao 7. Ilang taon na naghihintay si Donya Leonora kay Don Juan? a. dalawang taon b. Tatlong taon c. Apat na taon d. Pitong taon 8. Sino ang kasabay ni Don Juan na nawala na rin? a. kapatid ni Donya Leonora c. Matandang ermitanyo b. ang lobo d. Matandang leproso 9. kung hindi pa rin daw darating si Don Juan, ano ang mangyayari kay Donya Leonora? a. hindi na aabutang buhay si Donya Leonora c. Lalayas na sa palasyo si Donya Leonora b. pakakasal na siya kay Don Pedro d. Mag-aalsa balutan sa ibang kaharian 10. Ano ang sinasabi ni Don Pedro bago lumisan sa silid ni Donya Leonora? a. kalilimutan na niya si Donya Leonora c.Hihintayin niya ang araw na matatapos ang panata b. lalayo na siya sa palasyo d. Ibibigay ang kanyang kayamanan 11. Nagtungo si Don Juan sa bahay ng _________para humingi ng tulong kung paano mahuhuli ang Ibong Adarna. a. lobo b. Matanda c. Leproso d. Manghuhula 12. Nagtaka si Prinsipe Juan nang makita niya ang _________na ibinigay niya sa matandang leproso sa bahay ng ermitanyo. a. panyo b. Lubid c. Labaha d. Tinapay 13. Inihambing ni Don Juan ang ermitanyo kay ____________. a. Hesukristo b. Pari c. Pastor d. Matandang leproso 14. Sinabi ni Don Juan sa ermitanyo na ituring na siyang ____________nito. a. kaibigan b. Kamag-anak c. Anak d. Kaaway 15. Ayon sa Prinsipe, lahat ng ___________ay tiniis niya para mahuli lamang ang Ibong Adarna a. paraan b. Hirap c. Ginhawa d. Biyaya 16. Sinabi ng ermitanyo na mahihirapan si Don Juan na mahuli ang Ibong Adarna sapagkat may______itong taglay. a. nagbabantay b. Kapangyarihan c. Agimat d. Engkanto 17. Itinuro ng ermitanyo kung saang punongkahoy ________ang Ibong Adarna. a. lumilipad b. Umaawit c. Namamahay d. Nagtatago 18. Sinabi ng ermitanyo na __________awit na magaganda at iba’t ibang balahibong hitsura ang ilalabas ng Ibong Adarna. a. pitong b. Walong c. Siyam d. Sampung 19. Binigyan ng ermitanyo si Don Juan ng _______at pitong dayap para malabanan ni Don Juan ang kanyang antok. a. blade b. Labaha c. Gunting d. Kutsilyo 20. Binilinan ng ermitanyo si Don Juan na umiwas itong maging isang _______pagkatapos na umawit ng Ibong Adarna. a. bato b. Ibon c. Patay d. Pulubi 21. Nabatid ni Haring Fernando ang katksilang ginawa kay Don Juan sa pamamagitan ng kanyang a. tauhan b. Radar c. Panaginip d. Ibong Adarna 22. Nakita ni Haring Fernando na si Don Juan ay: a. itinulak sa bangin c. Nagkalasug-lasog ang katawan sa bangin b. Kinidnap ng mga terorista d. Tinutulungan ng isang ermitanyo 23. Sinabi ni Haring Fernando na si Don Juan ay: a. masamang anak b. Masipag na anak c. Uliran sa kabaitan d. Huwaran sa kapatangan 24. Natanawan ni Haring Fernando ang kanyang: a.anak na pangalawa na may kasamang magandang dilag b. panganay na anak na may ksamangmagandang dilag c. asawa na kasama si Don Juan d. mga alagad na kasama ang kanyang mga anak 25. Isinalaysay nina Don Pedro na nahalughog na nila ang lahat ngunit hindi nila: a. nakaya ang hirap sa bundok c. Nailigtas sa kapahamakan si Don Juan b. nakita ang kapatid ni Donya Leonora d. Natagpuan si Don Juan 26. Ibinalita pa nina Don Pedro na nakalaban nila ang: a. higante at serpyenteng ubod ng bagsik c. Lobo na alaga ni Donya Leonora b. ermitanyo na may kakaibang kapangyarihan d. Mga sundalo na nagbabantay sa kaharian 27. Kinausap ni Don Pedro si Haring Fernando tungkol sa : a. kalayaan ni Don Pedro c. Pagpapaunlad ng kaharian b. pagpapakasal nila ni Don Diego sa 2 binibini d. Katamaran ng kanilang tauhan 28. Nakiusap si Donya Leonora kay Haring Fernando na: a. madaliin ang pagpapakasal nila ni Don Diego b. ipagpaliban muna ang pagpapakasal niya kay Don Pedro c. hihintayin muna niya ang pagdating ni Don Juan d. ikulong si Don Pedro sa kataksilang ginawa nito kay Don Juan 29. Ibinigay na dahilan ni Donya Leonora kay Haring Fernando na: a. ibig muna niyang mamuhay na mag-isa b. naghihintay ang kaniyang ina sa palasyo c. may panata siyang pitong taon na mamumuhay na mag-isa d. magnonobena muna siya ng pitong taon 30. Kinausap ni Haring Fernando si Don Pedro na: a. payagan muna si Donya Leonora na maipagpatuloy ang panata nito b. hintayin muna ang pagbabalik ng kapatid niyang bunso c. huwag silang magsabay ng pagpapakasal ni Don Diego d. ligawan muna si Donya Leonora B. Basahin at unawaing mabuti ang kahulugan ng salitang nakasalungguhit. 31. Hindi matarok ng hari ang kahulugan ng kanyang panaginip. a. mahukay b. Maalala c. Malaman d. Magunita 32. Pinangangaralan niya ang anak upang hindi malihis ang landas. a. maligaw b. Matuwid c. Magkaroon d. Tumino 33. Napaglining niya na mali ang ginawa niyang pagpapabaya sa kanyang pag-aaral. a. nakilala b. Nasabi c. Naunawaan d. Nagising 34. Ang mga tampalasan sa kaharian ay binigyan ng kaukulang parusa. a. tamad b. Salbahe c. Taksil d. Walang paggalang 35. Ang tatlong prinsipe na anak ni Haring Fernando ay pawang magigilas. a. malalakas b. Makikisig c. Maliliksi d. Malulusog 36. Nililimi pa ng kanilang magulang kung ano ang parusang igagawad sa kanila a. pinag-iisipan b. Tinatantiya c. Sinusuri d. Tinitimbang 37. Pinag-aral ni Haring Fernando ang mga anak upang maiwasan ang pagkutya sa kanila. a. pagpuri b. Panunukso c. Pang-iinsulto d. Paghamak 38. Alam din ng hari na kapag hungkag din ang ulo ng kanyang mga anak ay wala ring mangyayaring sa kanilang kaharian. a. bobo b. Matalino c. Mahina d. Walang alam 39. Araw at gabi’y may bagabag na nararamdaman si Haring Fernando a. nag-alala b. Ninerbyos c. Di-makatulog d. Nasasaktan 40. Ang tatlong prinsipe na anak ni Haring Fernando ay pawang magigilas. a. malalakas b. Makikisig c. Maliliksi d. malulusog