You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of education
CARAGA Region
Division of Agusan del Sur
LOS ARCOS NATIONAL HIGH SCHOOL

Unang Markahang Pagsusulit


Filipino 9

Pangalan: _____________________________________ Petsa: ___________ Iskor: ______/50

Baitang/Pangkat: ____________________________ Iniwasto ni: ________________________

I. MARAMIHANG PAGPIPILI
Panuto: Isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot.

______ 1. Sino ang nagsalin sa Filipino ng isang alamat na pasalin-salin sa iba’t ibang panahon
ng Ayutthaya at nagbigay inspirasyon kay Harig Rama V ng Thailand.
A. Mauro R. Avena C. Dr. Romulo N. Peralta
B. Pat V. Villafuerte D. Corazon de Jesus
______ 2. Kung ang sanaysay na di-pormal ay tinatawag na personal na sanaysay, ang
sanaysay na impersonal naman ay____.
A. naglalarawan C. nangungutya
B. pormal D. nang-aaliw
______ 3. Saan ibinatay ni Dr. Romuo N. Peralta ang kanyang isinulat na “Nang Minsang
Naligaw si Adrian”?
A. Palabas C. Text Message
B. Liham D. Talambuhay
______ 4. Isang bahagi ng liham ng isang Prinsesang Javanese mula sa Indonesia na isinalin
sa Filipino ni _________________.
A. Ruth Elynia S. Mabanglo C. N.P.S. Toribio
B. Pat V. Villafuerte D. Ferdinand Pisigan Jarin
______ 5. Sa pangungusap na, Si Sitti Nhuraliza ay may ginintuang tinig at ginintuang
puso, ang salitang ginintuan ay ____.
A. nangangatuwiran C. nag-uugnay
B. naglalarawan D. nagsasalaysay
______ 6. Ang “Ang Ama” ay isang uri ng kuwentong ______________ na nakatuon sa
pagkakabuo ng mga pangyayari.
A. kababalaghan C. pangtauhan
B. katutubong kulay D. makabanghay

Para sa bilang 7-8

Tinuyo ng nagdadalamhating ama ang kaniyang mga luha at saka tumayo. Mayroon siyang
naisip. Mula ngayon, magiging mabuti na siyang ama. Dinukot niya sa bulsa ang perang
ibinigay ng kaniyang amo sa asawa (na kiming iniabot naman ito agad sa kanya, tulad ng
nararapat).

______ 7. Mahihinuhang ang ama ay magiging:


A. matatag C. matapang
B. Mabuti D. masayahin

______ 8. Ipinahihiwatig ng teksto na ang ama ay ____.


A. maawain C. matulungin
B. mapagmahal D. maalalahanin
______ 9. Anong pangyayari sa kwento ang nakapagpabago sa di-mabuting pag-uugali ng ama?
A. Natanggal sa trabaho.
B. Namatayan ng anak.
C. Hiniwalayan ng asawa.
D. Wala nang perang pambili ng alak,
______ 10.“Ang ngiti ni Ina ay patak ng ulan kung tag-araw,
Aang bata kong puso ay tigang na lupang uhaw na uhaw...”
Ang sinalungguhitang pahayag ay nagpapahiwatig ng _________.
A. pagdurusa C. kalutasan
B. kaligayahan D. kalungkutan
______ 11. Lumaki siyang puno ng pagmamahal mula sa kaniyang mga magulang at mga
kapatid na nakapag-asawa rin nang makapagtapos at pumasa ng abogasya.
A. Mui-mui C. Rebo
B. Prahnbun D. Adrian
______ 12. Nagbibigay ito ng kasiyahan sa pamamagitan ng pagtalakay sa mga karaniwan at
pang-araw-araw na paksa.
A. di-pormal C. nangungutya
B. pormal D. naglalarawan
______ 13. Saang bansa nagmula ang liham ng isang Prinsesang Javanese?
A. Thailand C. Singapore
B. Idonesia D. Laos
______ 14. Ito ay isang babaeng kalahating sisne, kalahating tao ng Timog-Silangang Asya.
A. panarasi C. jantakinnare
B. kinnaree D. ayutthaya
______ 15. Masayang dumadalaw sa lawa ang mga prinsesa lalo na sa araw ng Panarasi. Ano
ang ibig sabihin ng sinalungguhitang salita.
A. tagsibol C. kalakihan ng buwan
B. kapistahan D. taglamig
______ 16. Sa pangungusap na, Si Sitti Nhuraliza ay may ginintuang tinig at ginintuang puso,
ang salitang ginintuan ay ____.
A. nangangatuwiran C. nag-uugnay
B. naglalarawan D. nagsasalaysay
______ 17. Ito ay alamat mula sa Laos ng Timog-Silangang Asya na isinalin ni Dr. Romulo N.
Peralta.
A. Ang Buwang Hugis Suklay C. Alamat ni Prinsesa Manorah
B.Tiyo Simon D. Ang Ama
______ 18. “Bakit ka nagdala ng mia noi? Ito’y isang pag-aalipusta!” Ang ibig sabihin ng
salitang “mia noi” sa salitaong Lao ay.
A. anak sa labas C. alagang hayop
B. pangalawang asawa D. lumang gamit
______ 19. Ano ang bagay pinagbasehan ng asawa upang hindi makalimutan ng mangingisda
ang kanyang ipapabili?
A. Unan B. Halaman C. Dagat D. Buwan
______ 20. Bakit mangyaring salamin ang nabili ng mangingisda sa halip ay suklay para sa
kanyang asawa?
A. Dahil sa bilog na ang buwan pagkarating ng mangingisda sa kabayanan.
B. Dahil nagmamadali na ang mangingisda upang makauwi kaagad.
C. Dahil ito ang gustong ibigay ng tindero.
D. Dahil mas mura ito kesa sa suklay.

II. PAGSUSURI
A. Panuto: Salungguhitan ang pang-abay na pamanahon sa pangungusap. Bilugan ang
pandiwa na inilalarawan ng pang-abay na ito.

21. Binabasa ni Liza ang mga bagong aralin gabi-gabi.


22. Manonood kami ng sine sa darating na linggo.
23. Araw-araw siyang nakikinig sa radyo.
24. Hiniram ni Mang Berting ang diyaryo natin kahapon.
25. Aalis mamaya ang bus na papuntang Bikol.

B. Piliin sa loob ng panaklong ang angkop na transitional device upang mabuo ang pahayag.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.

______ 26. Lubusan niyang ikinalungkot ang trahedyang naganap sa Bohol at Cebu, (kaya,
sa lahat ng ito) hindi niya lubos maisip kung paano niya ito haharapin.
_______ 27. (Datapwat, subalit) nasasabi niyang siya’y nakakaraos sa buhay, (subalit,
kaya) hindi pa rin maipagkakaila ang lungkot na kaniyang nararamdaman.
_______ 28. Siya’y nahimasmasan (sa wakas, saka) naisip niyang dapat siyang
magpatuloy sa buhay.
______ 29. Napakarami na niyang napagtagumpayang problema (kaya, sa lahat ng ito),
hindi na niya alintana ang mga darating pa.

III. PANDAGDAG
A. Panuto: Para sa bilang 30-35. Gamit ng isang grapikong pantulong, ang timeline, ilahad ang
pagkakasunod-sunod ng kwento na naayon sa timeline.

Anim na Sabado ng Beyblade

Sabado 1 Sabado 2 Sabado 3

Sabado 4 Sabado 5 Sabado 6

B. Panuto: Hanapin sa kahon na nasa itaas ang mga tamang sagot at isulat sa patlang na
nakalaan.

matayog Tiyo Simon tulad ng dahil sa


bukod-tangi Boy kahit na na
palibhasa matingkad ng Mabagal

__________ 36. Balang-araw maaaring lumuwag ang tali at kami’y pakawalan ______
malayo pa ang panahong iyon.
__________ 37. Alam kong para sa aking sarili’y magagawa kong iwasan on putulin ang
mga ito ______ may mga buklod na matibay pa sa alinmang lumang tradisyon
na pumipigil sa akin.
__________ 38. Nabuksan ang mga pintong mahigpit na nakasara, kusa ang iba, ang iba
nama’y pilit at bahagya lamang ______ bumukas pa rin at pinapasok ang mga
di-inanyayahang panauhan.
__________ 39. Wala akong ibig gawin kundi ang ipagkaloob ang sarili sa mga
nagtatrabaho’t nagsisikap na bagong kababaihan ng Europe ______
pahihintulutan lamang ng mga batas ng aking bayan.
__________ 40. Paano nga ba hindi magkakaganoon ________ ginawa lamang para sa
lalaki ang mga batas.
__________ 41. Isang taong nasa katanghalian ag gulang, may kapansanan ang isang paa
at may paniniwala sa buhay na hindi mauunawaan ng kaniyang hipag na
relihiyosa.
__________ 42. Pipituhing taong gulang na bata.
__________ 43. Napakasakit sa balat ng _________ na sikat ng araw.
__________ 44. Hindi naging ________ ang pagkilos ni Sitti Nurhaliza sa pagbibigay ng
tulong sa mamamayan bilang balik-biyaya sa kaniyang mga natanggap.
__________ 45. Hindi masamang magkaroon ng _______ na pangarap katulad ng ginawa
ni Sitti Nurhaliza.
V. PAGPAPALIWANAG (5PTS.)

46-50. Sa KULTURA: Ang Pamana ng Nakaraan, Regalo ng Kasalukuyan, at Buhay ng


Kinabukasan, bakit sa tingin ninyo paglalarawan ang naging istilo ng may-akda sa
pagsasalaysay ng kanyang akda? Ano ang naging Epekto nito sa mga mambabasa?

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

Inihanda ni:

MIKEE T. CIMAFRANCA
Guro sa Filipino

You might also like