You are on page 1of 2

“Si Stella At Ang Mga Kaibigan Niya Sa Araw ng Pasko”

Anak-mayaman si Stella subalit hindi siya katulad ng ibang lumaki sa karangyaan na walang ginawa kung
hindi ay mamasyal sa kung saan-saan at magpakasarap sa buhay.

Kahit ang ama niya, si Don Manuel, at ang ina niya, si Señora Faustina, ay lubos ang pasasalamat sa
mabuting loob ng kanilang nag-iisang anak. Kakaiba ang kabutihan na ipinapakita nito lalong-lalo na sa
mga mahirap na tao.

Tuwing Pasko, niyayaya ni Stella ang mga kaibigan niya na pumunta sa bahay-ampunan sa Marga Hera.
Namimigay sila ng mga laruan, pagkain, at iba pang mga regalo sa mga bata doon.

“Stella, matanong ko lang, bakit dito tayo pumupunta tuwing Pasko?” tanong ni Fey, isa sa mga matalik
na kaibigan ng dalagita

“Malapit kasi ang puso ko sa mga bata sa bahay-ampunan. Gusto ko na kahit isang beses lang sa isang
taon ay mapasaya ko sila,” paglalahad ng dalagita.

“Hindi isang beses sa isang taon bes, isang beses sa dalawang linggo. Swerte nila sa’yo friend,” sabi ni
Bea sa kaibigan.

Masayang-masaya ang mga bata sa ampunan noong araw na iyon. Dinalhan sila nina Stella ng piniritong
manok, spaghetti, sandwich, hotdog, at salad. Marami rin silang bagong laruan at may mga hindi pa
nabubuksan na mga regalo.

Maikling Kwento

Habang sumasakay sa auto ang tatlong magkakaibigan, biglang ikinuwento ni Stella ang tunay na dahilan
kung bakit malapit ang loob niya sa bahay-ampunan sa Marga Hera.
“Alam niyo, nais ko silang mapasaya dahil talagang ibang-iba ang buhay natin sa kanila. Maswerte tayo at
lumaki tayo kasama ang pamilya natin.

E, sila, doon na sila bumuo ng pamilya dahil marami sa kanila ay wala nang ama at ina. Sa tuwing
tinititigan ko nga ang iba sa kanila, ramdan ko ang pangungulila nila sa mga magulang nila,”
pagpapaliwanag ni Stella.

Hindi naka-imik sina Bea at Fey sa narinig nila. Nagpatuloy si Stella sa pagsasalita at doon nila lubusang
naintindihan ang kanilang kaibigan.

“Laking-ampunan si Mommy pero marami ang hindi alam iyon. Noong bata pa ako, palagi niyang
kinukwento ang mga naging karanasan niya.

Mahirap raw ang lumaki na walang mga magulang pero nagpapasalamat siya at may mga mabubuting
tao na nag-aalaga sa kanila roon,” sabi ni Stella.

Simula noong narinig nila ang mga sinabi ni Stella, ni minsan ay hindi na uli nagtaka sina Bea at Fey sa
kabutihang ipinapakita ng kaibigan nila sa mga bata. Lubos nilang naunawaan na labis ang natutunan
niya sa karanasan ng kanyang ina.

You might also like