You are on page 1of 18

Ang aking Pamilya

Tula ni Julie Ann F. Rosario

Sa mundong ito, simula nang ako’y mabuhay,


Ang mga magulang ko ang aking taga gabay.
Sa mundong puno ng lungkot at problema,
Hindi nila ko hinayaang mag-isa at walang kasama.

Sa loob ng labing-anim na pagkabuhay ko sa mundo,


Nagpapasalamat ako sa mga magulang ko.
Mula sa araw ng aking pagsilang, sila’y nasa tabi.
Hindi nila ko hinayaan hanggang sa ako’y lumaki.

Laking pasasalamat ko sa kanilang pag-aalaga


Pagkat ako’y lumaki nang maayos at may kwenta.
Kapag may problema, laging nariyan para umalala
Dahil sa ako’y mahal at anak nila.

Bilang isang anak, hindi man ako perpekto.


Ayos lang dahil sila nama’y mahal ko.
Hindi ko man ipakita ang pagmamahal na ito
Alam kong nararamdaman ito ng kanilang puso.

Salamat sa inyo, aking ama’t ina.


Sa walang sawa niyong pagsuporta.
Alay ko sa inyo ang matatanggap na medalya,
Kapalit ng inyong maayos na pag-aaruga.
Isang Tula Para sa Aking Pamilya
Tula ni Marlyn Adame Autor

Mula ng ako ay isilang


ako ay nagkaroon ng muwang
upang paglaki ko’y
makapagpasalamat sa aking magulang…

Sa aking AMA na siyang dahilan


kung bakit ako ay may pangalan
salamat sa iyo
ako ay naging tao…

Sa aking INA na siyang nagpalaki


upang pagtanda ko’y maipagmalaki
salamat sa’yo
nagkaroon ako ng magandang mundo…

Sa aking mga KAPATID na mahal ako


salamat sa inyo lumaki ako
binihisan ako para maging katulad nyo
at maipagmalaki pati ng ibang tao…

Hindi man ako perpekto


minsan may pusong bato
pero alam ko dito sa puso ko
walang makakapantay sa inyo…

Ipinagmamalaki ko kayo
dahil ako’y minahal nyo
ng walang kapalit kahit ano
kahit pa madalas selfish ako…

Hindi nyo ako iniwan


sa ano man laban
kasama ko kayo
matalo manalo man ako…

Kung lumaki man ako


sa paraang hindi nyo gusto
pasensya na kayo
dahil may sariling desisyon din ako…

Ssahan nyong sa dulo ng buhay ko


ay mayroon ding pangarap ang katulad ko
nasaktan o nasugatan ko man ang puso nyo
patawad ang pagsamo ko…

Sa aking mga magulang at kapatid


asahan nyong ating pisi ay di mapapatid
dahil sila, kayo at ako ay magiging isa
para magbuklod at maging isang masayang pamilya…

Mahal ko kayo
gumuho man ang mundo
matuyo man ang dagat
kayo pa rin ang hahanapin ko…

Upang paglingkuran lahat kayo


ako ay magbabago
ng pagdating sa dulo
sama-sama pa rin tayo…
Regalo sa Guro
Nalulungkot si Ben. Nang itanong ng ina kung ano ang dinaramdam niya ang
kanyang sagot ay, “kasi po ang mga kamag-aral ko ay may papasko para sa
aming guro. Ako lang po ang wala.”

Alam ng butihing ina na ang bagay na ito ay mahalaga sa anak dahil mahal
nito ang kanyang guro. Sa palagay naman niya, mauunawaan ng guro na sila’y
dukha, at sa totoo lang, alam naman niyang hindi naghihintay ang guro ng
regalo kahit kanino.

“Halika anak, at may ikukuwento ako sa iyo. Kuwento ito ng manunulat na si


Pablo Cuasay. Kapag narinig mo ay malalaman mo rin ang dapat mong
gawin.” At nagkuwento ang ina.

Dalawa na lamang araw at ipipinid na ang pinto ng paaralan dahil sa pasko. Sa


paaralan ay may punong-kahoy na pamasko na puno ng palamuti at mga ilaw.
Ito’y puno ng mga alaalang laan ng mga bata sa kanilang mga guro at kamag-
aaral.

Ang lahat ay maligaya. Ang buong daigdig ay nadaramtan ng kaligayahan.


Malapit nang isilang ang Mananakop. Ang lahat ay may ngiti sa labi – may
awit sa papawirin.

Ngunit may kaawa-awang nilalang na nalulungkot. Siya’y si Nestor. Bakit? Ang


lahat niyang kamag-aral ay may alaala sa pinakamamahal na guro subalit
siya’y wala. Paanong di gayo’y si Nestor ay ulila sa ama at ang ina ay maralita.
Ang ina’y walang kaya upang isunod sa kagustuhan ng kanyang bunsong
anak.

“Inang,” ang hikayat ni Nestor, “Ako lamang ang walang alaala kay Bb. Mirasol.
Ang lahat – sina Ador, Florante, Ramon at Orlando – ang bawat isa sa kanila ay
may pamasko sa aking guro. Ako ay bukod-tanging wala.”
“Nestor,” ang butihing ina ay sumagot, “makinig ka. Alam ng iyong guro na
tayo’y dukha. Siya’y di naghihintay ng alaalang galing sa iyo. Huwag mong
ikalungkot iyan. Talos kong si Bb. Mirasol ay nakauunawa sa ating kalagayan.”

Si Nestor ay walang kibo. Maaga siyang nahiga ngunit hindi makatulog. Siya’y
nag-iisip. Kung mayroon lamang siyang pagkakakitaan, kahit kaunting salapi
upang ibili ng kanyang papasko! Katapusang araw na kinabukasan.

Si Nestor ay nag-isip nang nag-isip. May gumuhit sa kanyang gunita. Mayroon


siyang naisip na maiaalay na alaala kay Bb. Mirasol. Ito kaya ay kasiya-siya?
Magustuhan kaya ng kanyang guro?

Siya’y bumangon. Tinungo ang munting hapag sa silid at sa malamlam na


ilawan ay isinulat sa malinis na papel ang kanyang papasko. Pinagbuti niya
ang kanyang pagsulat, ulit-ulit na binasa at pagkatapos ay tiniklop at
ipinaloob sa sobre. Sinarhan niya ito, ipinaloob sa isang aklat at nahigang
muli. Mayroon na siyang alaala. Anong tuwa niya! At nakatulog siya ng
mahimbing.

Kinaumagahan siya’y pinukaw ng ina, “Nestor, bangon na. Tatanghaliin ka sa


pagpasok.”

Si Nestor ay nagmamadaling nagbihis, kumain at tumungo sa paaralan. Hindi


niya nalimutang dalhin ang kanyang papasko sa kanyang guro.

Sa lansangan ay gayon na lamang ang kanyang tuwa! Mayroon na siyang


papasko! Ito kaya ay mabuting alaala? Iyan lamang ang kanyang nakaya at
galing sa kanyang puso. Nang dumating siya sa silid-aralan ay kaydami nga ng
batang nanonood sa Christmas tree. Buong-ingat na ibinitin ni Nestor ang
kanyang papasko sa guro.

Nakinig siya sa lahat ng bilang ng palatuntunan ngunit ang laging umuukilkil


sa kanya ay ang tanong na, “Maibigan kaya ni Bb. Mirasol ang aking alaala?”

Ang katapusang bilang ng palatuntunan ay pamumudmod ni Santa Claus ng


mga papasko. Sumasal ang puso ni Nestor nang katapusa’y ibinigay ni Santa
ang sobre niya kay Bb. Mirasol. Tila kilala ni Bb. Mirasol ang kayang sulat.
Tinitigan ang mga titik bago binuksan ang liham. Samantalang binabasa ang
liham, si Nestor ay nagmamasid.

Matapos ang palatuntunan umalis na si Santa, pati lahat ng mag-aaral na


nagpaalam kay Bb. Mirasol. Ang kahuli-huliha’y si Nestor na tinawag ng guro.
“Nestor, pumarito ka. Ako’y may sasabihin sa iyo.”

“Nakita mo ba kung gaano karami ang mga alaalang tinanggap ko? Ako’y
galak na galak pagkat iya’y tagapagpakilala na ako’y minamahal ng aking mga
tinuturuan. Sa pumpon ng mga alaala ay bukod at tangi ang iyo na
pinakamahalaga sa lahat. Ang iyong alaala ay di pangkaraniwan. Iya’y
nagbigay sa akin ng labis na kagalakan.”

Namangha si Nestor, di yata’t ang kanyang alaala ang pinakamahalaga sa


lahat! Ito ang sabi ng kanyang guro. “Salamat po, at maligayang pasko.” ang
sabi ni Nestor bago siya umalis. Siya ay tuwang-tuwa.

Dahil sa labis na kaligayahan ni Bb. Mirasol, kanyang binasa muli ang liham.

“Minamahal kong Guro:

Inyo pong pakaasahang ako’y magpapakabuti. Susundin ko po ang inyong


mga utos. Ako’y mag-aaral ng leksyon tuwina. Pagpipilitan ko pong ako ay
maging pangunahing mag-aaral sa inyong klase. Ito pong pangakong ito ang
papasko ko sa inyo.

Nagmamahal, Nestor”

“Ang ganda Nanay ng kuwento ninyo. Ngayon po ay alam ko na rin kung ano
ang dapat kong iregalo kay Bb. Padilla.”

Tuwang-tuwa rin ang ina sa katalinuhan at kagalingan sa pag-unawa ng anak.


Habang tinatanaw niya ang bata na naglalakad patungo sa paaralan,
nagpapasalamat siya sa Maykapal sa pagkakaroon ng isang mabait at
maunawaing anak.
Aral:

 Ang pagiging mabuting mag-aaral ang pinaka-mainan na regalong maari


mong ibigay sa iyong guro.
 Hindi mahalaga kahit gaano pa kamahal ang regalong ibibigay mo sa isang
tao. Ang pinakamahalaga ay bukal sa iyong puso ang pagbibigay mo ng
regalong iyon sa taong tatanggap.
 Matutong mangapa sa sitwasyon ng pamilya bago mag-isip ng mga bagay
na pansarili o ibibigay sa iba.
 Karangalan sa mga magulang ang batang marunong sa buhay.
Ang Inapi
Isa sa walong magkakapatid si Rona na dahil sa kahirapan ay nanuluyan sa
kanyang tiyahin sa Metro Manila. Labing-tatlong taong gulang lamang siya
noon ngunit ipinasa na sa kanya ang halos lahat ng mga gawaing bahay:
paglilinis, paghuhugas ng pinggan, pagsasaing, paglalaba, pamamalantsa,
pamamalengke at kung anu-ano pa.

Lima ang anak ng tiyahin, isang babae at apat na lalaki na animo’y senyorita at
senyorito mula nang pumisan sa kanila si Rona. Ang panganay na si Evelyn,
gayong dalawampung taong gulang na, ay nagpapahilod pa ng kili-kili at
likod tuwing maliligo. Pati sarili nitong underwear ay si Rona pa ang naglalaba.
Ang tatlong lalaki naman, maliban sa isa, ay gayon na lamang kung mag-utos,
laging pasigaw o pagalit. Kapag naglilinis ng sahig si Rona ay di man lamang
mag-alis ng sapatos ang mga pinsan kapag dumarating. Animo’y nang-iinis pa
na dadaan sa harapan ng nakaluhod at nakayukong si Rona na nagpapahid ng
floor wax. Kadalasan ay pabalibag pang ihahagis ang pantalong de maong kay
Rona at pasigaw na “O, labhan mo ‘yan! Pag natuyo, plantsahin mo ha?!!

Bakasyon noon.

Halos araw-araw ay ganyan ang gawain ni Rona: linis, saing, laba, plantsa. Ang
bibigat pa mandin ng mga pantalong de maong ng mga pinsan. Ginawa
siyang taga-laba ng mga ito.

Si Rona ay hindi itinuring na kamag-anak. Kapag may mga dumadalaw na


kaibigan ang mga pinsan, atsay o katulong ang pakilala sa kanya.

Sa hapag kainan, si Rona ang taga-silbi. Hindi siya isinasabay sa pagkain,


laging huli, gayong mahaba naman ang mesang kainan. Kung ano ang matira
ay iyon lang ang makakain niya. Apat na beses sa isang linggo ay tinapang
isda ang ulam nila. Ulo lamang ng tinapa ang pwedeng kainin ni Rona. Iyon
ang laging itinitira sa kanya ng tiyahin.
Sa murang katawan ni Rona, ang hirap ng trabaho at salat na pagkain sa piling
ng tiyahin ay hindi niya inalintana. Siya ay alilang-kanin. Ang mahalaga’y
patuloy siyang nakapag-aaral sa Pasig High School. Lagi niyang nilalakad
pauwi ang Pasig at Pateros na halos ay apat na kilometro ang layo. Wala
siyang pocket-money, walang snack, laging nagugutuman. Pagdating ng
bahay, kahit pagod at gutom, kailangan niya munang maghugas ng mga
kaldero’t pinggan na nakatambak sa lababo bago siya makakakain. Kadalasan,
matutulog na lang siya ay pasigaw pa siyang uutusan ng mga pinsan.

“Hoy, plantsahin mo muna yung maong! ‘yung polo!”

Dalawang taon nahirahan at nanilbihan si Rona sa tiyahin. Nang makatapos ng


high school ay kinuha siya ng kapatid at dinala sa Cebu City. Nagpatuloy ng
pag-aaral si Rona, naging academic scholar at nagtapos ng edukasyon nang
may karangalan – Magna cum laude. Muli siyang nag-aral tatlong kurso ang
natapos niya at naging Doctor of Education. Nakapag-asawa siya ng isang
abogado.

Ngayon ay isa nang matagumpay na educator at businesswoman si Rona. Isa


na siyang milyonarya at maligaya sa piling ng tatlong anak at mapagmahal na
kabiyak.

Sino ang mag-aakalang ang dating inapi ay isa nang matagumpay, at


respetadong tao sa mataas na lipunan? Ang mga pinsan nasa kanya ay nang-
api ay walang natapos na pinag-aralan, ganoon pa rin ang buhay hindi
umasenso. Ang iba ay nakapag-asawa ng mga hirap din ang buhay.

Aral:

 Maging matiyaga at sikaping makapagtapos ng pag-aaral anuman ang


kalagayan sa buhay.
 Ang taong masipag at nagsusumikap sa buhay ay may matagumpay na
hinaharap.
 Huwag gantihan ang gumagawa sa iyo ng hindi maganda. Ipagpasa-Diyos
na lamang sila at magpatuloy ka sa iyong buhay.
Ang Batang Maikli ang Isang Paa
Mula sa kanyang pagsilang ay maliit na ang isang paa ni Mutya. Malambot
iyon at nakabaluktot. Nang siya ay lumaki-laki, pinasuri siya ng kanyang mga
magulang sa mahuhusay na mga doctor. Ang sabi ng mga doctor ay wala na
iyong remedyo. Habambuhay na raw magiging lumpo si Mutya. Labis na
nalungkot at naawa sa kanya ang mga magulang.

Lumaki si Mutya na laging tinutukso ng mga kalaro. Lalo siyang naging


tampulan ng panunukso nang magsimula na siyang mag-aral.

“O, hayan na si Pilantod! Padaanin ninyo!” tukso ng mga pilyong bata kay
Mutya.

Sa kabila ng lahat, hindi napipikon si Mutya. Hindi siya umiiyak sa panunukso


sa kanya. Lumaki siyang matapang at matatag. Pinalaki kasi siya ng kanyang
ina na madasalin. Mayroon siyang malaking pananalig sa Diyos kaya naman
nagawa niyang tanggapin ang kalagayan nang maluwag sa loob niya.

Habang nagdadalaga ay nahihilig si Mutya sa musika. Nakakatugtog siya ng


iba’t ibang instrumento. Marami ang humahanga sa taglay niyang galing sa
pagtugtog.

Upang lalo pa siyang naging mahusay, pinag-aral siya ng kanyang ina ng


pagtugtog ng piyano. At natuklasan ni Mutya na kulang man siya ng paa,
sobra naman siya sa talino sa musika. Maraming mga guro sa musika ang
humanga sa kanya. Lahat ay gusto siyang maging estudyante.

Pagkaraan pa ng ilang taon, ibang-iba na si Mutya. Isa na siyang kilalang


piyanista. Nakarating na siya sa ibang bansa tulad ng Amerika at Espanya.
Tumugtog siya doon. Naanyayahan pa nga siya sa palasyo ng hari ng Espanya
para tumugtog sa hari. Hindi na siya tinutukso ngayon. Hindi na
pinagtatawanan. Sa halip, siya ay hinahangaan na dahil lahat ay nagkakagusto
sa kanyang pambihirang kakayahan sa pagtugtog.
Aral:

 Anuman ang iyong kalagayan sa buhay, matutong manalig at tumawag sa


Panginoon.
 Huwag makinig sa negatibong sinasabi ng iba tungkol sa’yo. Huwag mo na
lang pansinin ang pangit na sinasabi nila, sa halip ay ipagpatuloy na
linangin ang iyongb kakayahan upang makamit ang iyong pangarap.
 Ang bawat tao ay may angking kakayahan na kung pagsusumikapan ay
maaring maging mahusay ka sa larangang ito.
Ang Mag-anak na Langgam
“Narinig ng mga sisiw ang sinabi ng magsasaka at dali-daling iminungkahi sa
kanilang ina. Ngunit muli, hindi nabahala ang inahing manok at sinabing,
“kung sa mga kamag-anak lamang siya aasa hindi magsisipag-sunod ang mga
iyon! May mga trabaho ring dapat asikasuhin ang mga iyon at tiyak na hindi
maasahan. May panahon pa tayo para manirahan dito mga anak!”

Kinabukasan nga’y tama uli ang sinabi ni inahing manok. Walang kamag-anak
na dumating ang magsasaka upang tulungan siya sa pag-ani sa maisan.

Dahil dito, napilitan ang magsasakang tawagin ang kanyang anak at sinabing,
“bukas na bukas din, tayong dalawa na lamang ang aani sa ating pananim.
Wala tayong ibang maaasahan kundi ang ating mga sarili!”

Nang marinig iyon ng mga sisiw, dali-dali silang nagtungo sa kanilang ina at
iminungkahi rito ang sinabi ng magsasaka.

Noon nagdesisyon ang inahing manok na lumisan sila sa lugar na iyon, at


sinabing, “kung sinabi ng magsasaka na siya na ang gagawa ng pag-ani, dapat
tayong maniwala! Sapagkat totoong walang sinuman siyang maaasahan kundi
ang kanyang sarili!”

Aral

 Kung nais mong magtagumpay sa isang bagay o larangan, pagsikapan mo


iyon ng hindi umaasa sa iba. Walang ibang tutulong sayo sa iyo para
makamit ang tagumpay kung hindi ang sarili mo lamang.
Ang Masamang Kalahi
“Malaki po ang aming nakitang palaka”, wika ng maliit na palaka. “Higit po
siyang malaki kaysa sa inyo.”

Muling huminga nang huminga ang Inang Palaka upang madagdagan ang
kanyang laki. At kanyang muling tinanong ang maliliit na palaka.

“Malaki na ako ngayon kaysa sa kanya, hindi ba?”

“Hindi po, Ina”, sabay-sabay na namang sagot ng mga anak na palaka. “Ang
laki po niya kaysa sa inyo.”

“A, hindi! Ako ang pinakamalaking palaka. Tingnan ninyo ako”, wika ng Inang
Palaka at ubos-lakas siyang huminga nang huminga.

Bog! narinig na putok ng mga anak ng palaka. At nakita nilang pumutok ang
tiyan ng mahal nilang ina.

“Kaawa-awa naman si Inang Palaka!” wika ng mga anak na palaka. “Ayaw


niyang mahigitan ng iba kaya siya nagdusa.”

Aral:

 Nakamamatay ang kayabangan. Mas marami ang nalulugod sa taong


mapagpakumbaba kaysa taong ubod ng yabang at puro salita.
 Walang masama kung may taong nakahigit sa kakayahan mo. Maluwag na
tanggapin ang pagkatalo at iwasan ang sama ng loob.
TULA
KWENTO
PABULA
URI NG
KASUOTAN

You might also like