You are on page 1of 3

Regalo sa Guro

Nalulungkot si Bob. Nang itanong ng ina kung ano ang nararamdaman niya ang
kanyang sagot ay, Kasi po ang mga kamag aral ko ay may papasko para sa aming
guro. Ako lang po ang wala.
Alam ng butihing ina na ang bagay na ito ay mahalaga sa anak dahil mahal nito ang
kanyang guro. Halika, anak, at may ikukuwento ako sa iyo. At nagkwento ang
ina
Dalawang araw na lamang at ipipinid na ang pinto ng paaralan dahil sa pasko.
Ang lahat ay maligaya. Ngunit may kaawa-awang nilalang na nalulungkot. Siyas si
Nestor. Bakit?
Ang lahat niyang kamag-aral ay may regalo sa pinakamamahal na guro subalit
siyay wala. Paanong di gayoy si Nestor ay ulila sa ama at ang ina ay maralita.
Inang, ang hikayat ni Nestor, Ako lamang ang walang alaala kay Bb. Mirasol. Ang
bawat isa sa kanila ay may pamasko sa aking guro. Ako ay bukod-tanging wala.
Nestor, makinig ka. Alam ng iyong guro na tayoy dukha. Siyay di naghihintay ng
alaalang galing sa iyo. Huwag mong ikalungkot iyan.
Si Nestor ay walang kibo. Maaga siyang nahiga ngunit hindi makatulog. Kung
mayroon lamang siyang pera, kahit konti upang ibili ng kanyang papasko!
Si Nestor ay nag-isip nang nag-isip. May gumuhit sa kanyang gunita. Mayroon
siyang naisip na maiaalay na alaala kay BB. Mirasol
Siyay bumangon. Tinungo ang munting hapag sa silid at sa malamlam na ilawan ay
isinulat sa malinis na papel ang kanyang papasko. Pinagbuti niya ang kanyang
pagsulat, ulit-ulit na binasa at pagkatapos ay tiniklop at ipinaloob sa sobre. Mayroon
na siyang alaala. Anong tuwa niya! At nakatulog siya ng mahimbing.
Kinaumagahan siyas pinukaw ng ina, Nestor, bangon na.
pagpasok.

Tatanghaliin ka sa

Si Nestor ay nagmamadaling nagbihis, kumain at tumungo sa paaralan. Hindi niya


nalimutang dalhin ang kanyang papasko sa kanyang guro.
Nang dumating siya sa silid-aralan ay kay daming mga batang nanonood sa
Christmas tree. Buong ingat na ibinitin ni Nestor ang kanyang papasko sa guro.
Nakinig siya
sa palatuntunan, ang katapusang bilang ng palatuntunan ay
pamumudmod ni Santa Claus ng mga papasko. Sumasal ang puso ng Nestor nang
katapusay ibinigay ni Santa ang sobre niya kay Bb. Mirasol. Tila kilala ni Bb. Mirasol
ang kayat sulat. Tinitigan ang mga titik bago binuksan ang liham. Samantalang
binabasa ang liham, si Nestor ay nagmamasid.
Matapos ang palatuntunan umalis na si Santa, pati lahat ng mag-aaral.. Ang kahulihulihay si Nestor na tinawag ng guro. Nestor, pumarito ka.
Nakita mo ba kung gaano karami ang mga alaalang tinanggap ko? Sa pumpon ng
mga alaala ay bukod-tangi ang iyo ang pinakamahalaga sa lahat. Ang iyong alaala
ay di pangkaraniwan. Iyay nagbigay sa akin ng labis na kagalakan.
Namangha si Nestor, di yatat ang kanyang alaala ang pinakamahalaga sa lahat
Salamat po, at maligayang pasko. Ang sabi ni Nestor bago siya umalis. Siya ay
tuwang-tuwa.
Dahil sa labis na kaligayahan ni Bb. Mirasol, kanyang binasa muli ang liham.
Minamahal kong Guro:
Inyo pong pakaasahang akoy magpapakabuti. Susundin ko po ang inyong mg utos.
Akoy mag-aaral ng leksyon. Ito pong pangakong ito ang papasko ko sa inyo.
Nagmamahal, Nestor
Ang ganda, nanay, ng kwento ninyo. Ngayon po ay alam ko na rin kung ano ang
dapat kong iregalo kay Bb. Padilla.

Tuwang-tuwa rin ang ina sa katalinuhan at kagalingan sa pag-unawa ng anak.


Nagpapasalamat siya sa Maykapal sa pagkakaroon ng isang mabait at maunawaing
anak.

Natutuhan :

Ang pagpapasiya sa tao ay di lamang makikita sa pagbibigay


ng materyal na bagay, kundi ang pagbibigay ng abot sa
makakaya at taos sa puso.

You might also like