You are on page 1of 4

MAIKLING KWENTO: Regalo sa Guro

Dalawang araw na lamang at isasarado na ang pinto ng Kinaumagahan siya'y pinukaw ng ina, "Nestor, bangon
paaralan dahil sa Pasko. Sa paaralan ay may punong-kahoy na. Tatanghaliin ka sa pagpasok."
na pamasko na puno ng palamuti at mga ilaw. Ito'y puno
ng mga alaalang laan ng mga bata sa kanilang mga guro at Si Nestor ay nagmamadaling nagbihis, kumain, at
kamag-aaral. tumungo sa paaralan. Hindi niya nalimutang dalhin ang
kanyang papasko sa kanyang guro.
Ang lahat ay maligaya. Ang buong daigdig ay nadaramtan
ng kaligayahan. Malapit nang isilang ang Mananakop. Ang
Sa lansangan ay gayon na lamang ang kanyang tuwa!
lahat ay may ngiti sa labi - may awit sa papawirin.
Mayroon na siyang papasko! Ito kaya ay mabuting
Ngunit may kaawa-awang nilalang na nalulungkot. Siya'y alaala? Iyan lamang ang kanyang nakaya at galing sa
si Nestor. Bakit? Ang lahat ng kanyang kamag-aral ay may kanyang puso. Nang dumating siya sa silid-aralan ay
alaala sa pinakamamahal na guro, subalit siya'y wala. kay-daming mga batang nanonood sa Christmas tree.
Paanong di gayo'y si Nestor ay ulila sa ama at ang ina ay Buong-ingat na ibinitin ni Nestor ang kanyang papasko
maralita. Ang ina'y walang kaya upang isunod sa sa guro.
kagustuhan ng kanyang bunsong anak.
Nakinig siya sa lahat ng bilang ng palatuntunan ngunit
"Inang," ang hikayat ni Nestor, "Ako lamang ang walang ang laging bumabagabag sa kanya ay ang tanong na,
alaala kay Bb. Mirasol. Ang lahat - sina Ador, Florante, "Maibigan kaya ni Bb. Mirasol ang aking alaala?"
Ramon at Orlando - ang bawat isa sa kanila ay may
pamasko sa aking guro. Ako ay bukod-tanging wala." Ang katapusang bilang ng palatuntunan ay
pamumudmod ni Santa Claus ng mga papasko. Sumasal
"Nestor," ang butihing ina ay sumagot, "Makinig ka. Alam ang puso ni Nestor nang katapusa'y ibinigay ni Santa
ng iyong guro na tayo'y dukha. Siya'y di naghihintay ng ang sobre niya kay Bb. Mirasol. Tila kilala ni Bb.
alaalang galing sa iyo. Huwag mong ikalungkot iyan. Mirasol ang kayang sulat. Tinitingan ang mga titik bago
Talos kong si Bb. Mirasol ay nakauunawa sa ating binuksan ang liham. Habang binabasa ang liham, si
kalagayan." Nestor ay nagmamasid.
Si Nestor ay walang kibo. Maaga siyang nahiga ngunit
Matapos ang palatuntunan umalis na si Santa, pati lahat
hindi makatulog. Siya'y nag-iisip. Kung mayroon lamang
ng mag-aaral na nagpaalam kay Bb. Mirasol. Ang
siyang pagkakakitaan, kahit kaunting salapi upang ibili ng
kahuli-huliha'y si Nestor na tinawag ng guro. "Nestor,
kanyang papasko! Katapusang araw na kinabukasan.
pumarito ka. Ako'y may sasabihin sa iyo."
Si Nestor ay nag-isip nang nag-isip. May gumuhit sa
kanyang gunita. Mayroon siyang naisip na maiaalay na "Nakita mo ba kung gaano karami ang mga alaalang
alaala kay Bb. Mirasol. Ito kaya ay kasiya-siya? tinanggap ko? Ako'y galak na galak pagkat iya'y
Magustuhan kaya ng kanyang guro? tagapagpakilala na ako'y minamahal ng aking mga
tinuturuan. Sa pumpon ng mga alaala ay bukod at tangi
Siya'y bumangon. Tinungo ang munting hapag sa silid at ang iyo na pinakamahalaga sa lahat. Ang iyong alaala
sa malamlam na ilawan ay isinulat sa malinis na papel ang ay hindi pangkaraniwan. Iya'y nagbigay sa akin ng
kanyang papasko. Pinagbuti niya ang kanyang pagsulat, labis na kagalakan."
ulit-ulit na binasa at pagkatapos ay tiniklop at ipinaloob sa
sobre. Sinarhan niya ito, ipinaloob sa isang aklat at Namangha si Nestor, di yata't ang kanyang alaala ang
nahigang muli. Mayroon na siyang alaala. Anong tuwa pinakamahalaga sa lahat! Ito ang sabi ng kanyang guro.
niya! At nakatulog siya nang mahimbing. "Salamat po, at maligayang pasko." ang sabi ni Nestor
Dahil sa labis na kaligayahan ni Bb. Mirasol, kanyang bago siya umalis. Siya ay tuwang-tuwa.
binasa muli ang liham.

"Minamahal kong Guro:

Inyo pong pakaasahang ako'y magpapakabuti.

Susundin ko po ang inyong mga utos. Ako'y mag-aaral
ng leksyon tuwi na. Pagpipilitan ko pong ako ay maging
pangunahing mag-aaral sa inyong klase. Ito pong
pangakong ito ang papasko ko sa inyo.

Nagmamahal, Nestor"
Bilugan ang letra ng kasingkahulugan ng salitang nakasalungguhit.

1. Si Nestor ay ulila sa ama, at ang ina naman niya ay maralita, kaya hindi niya mabigyan ng
papasko ang kanyang guro.

A. magaling
B. mahirap
C. maunawain
D. mayaman

2. Habang binabasa ni Bb. Mirasol ang liham, si Nestor ay nagmamasid.

A. kumakain
B. lumalayo
C. nag-iingay
D. nanonood

3. Si Bb. Mirasol ay galak na galak sa liham na natanggap niya mula kay Nestor.

A. bilib na bilib
B. gulat na gulat
C. inip na inip
D. tuwang tuwa

Bilugan ang letra ng kasalungat ng salitang nakasalungguhit.

1. Alam daw ng guro ni Nestor na siya at ang kanyang pamilya ay dukha, kung kaya’t hindi
naghihintay ng regalo ang guro mula kay Nestor.

A. mahirao
B. masipag
C. matalino
D. mayaman

2. Ang regalo ni Nestor sa kanyang guro ay hindi pangkaraniwan, kaya siya ay galak na galak
nang matanggap at mabasa niya ito.

A. magaan
B. mura
C. naiiba
D. sikat

Bilugan ang letra ng sagot sa bawat tanong.

1. Ano ang mahalagang aral ng maikling kuwento?

A. Laging makinig sa payo ng nanay.
B. Maging malikhain, lalo na’t kung walang perang panggastos.
C. Dapat ay magbigay ng regalo sa guro kahit na walang pambili.
D. Higit ang pagiging taos-puso at masunurin kaysa sa ano pa mang material na bagay.

2. Nakatulog _______ mahimbing si Nestor pagkatapos niyang isulat ang kanyang pamasko
kay Bb. Mirasol. Ano ang tamang salita upang makumpleto ang pangungusap?

A. na
B. nang
C. ng
D. noong

3. 3. Binigyan ni Nestor ang kanyang guro _______ isang taos-pusong liham. Ano ang tamang
salita upang makumpleto ang pangungusap?

A. na
B. nang
C. ng
D. noong

Ano ang tunggalian ng maikling kuwentong nabasa? Ipaliwanag ang sagot.

 tao laban sa sarili

 tao laban sa tao
 tao laban sa lipunan
 tao laban sa kalikasan
_________________________________________________________________________________

Mag-isip ng tatlong salitang pinakaangkop para mailarawan si Nestor, ang pangunahing tauhan ng
kuwento. Bakit angkop ang mga ito sa iyong palagay? Ipaliwanag ang bawat isa gamit ang ebidensya
mula sa teksto.

You might also like