You are on page 1of 25

TEKSTONG DESKRIPTIBO

Awit Suri

 Pakinggang mabuti ang awiting Bahay.


Ang Ginto sa ating kapaligiran

May mga bagay na hindi natin napapansin na


mahalaga sa ating pamumuhay at sa pang araw-
araw. Mga bagay na ating napagkukunan ng
enerhiya, hangin, at pagkain. Mga bagay na
matatagpuan natin sa ating paligid na nagsisilbing
ginto saating mga tao. Kapag sinabing ginto, ang
pumapasok sa ating isipan ay maaaring ito ay
mahiwaga, mahal, mabigat, at makinang. Ngunit
hindi lahat ng ginto ay makinang, mahal, at mabigat,
ang ilan ay narito lamang sa ating kapaligiran
Ang mga punong kahoy, na nagbibigay
saatin ng napaka sarap na simoy ng
hangin, at bumubuo sa sangkap na
kailangan sa paggawa ng ating mga
tahanan. Mga punong kahoy na may mga
malalapad at matangkad, na nagbibigay
saatin ng iba’t-ibang kabuhayan at
mapagkaki-kitaan.
Isa rin na nag sisilbing ginto sa ating
buhay ay ang mga munting gulay na ating
kinakailangan sa pang araw-araw dahil ito
ay nagbibigay saatin ng pagkain. Mga
gulay na masustansya, nangungulay
berde, ang iba ay kulay lila, kulay dilaw, at
kulay pula. Mga gulay na bilog na bilog na
parang hugis bola, mga gulay na walang
kasing sarap dahil ito ay walang katulad
at natural ang pagtubo.
Ang isa rin na ginto na matatagpuan sa
ating kapaligiran ay ang tubig na malayang
umaagos. Tubig na nagbibigay inumin
kapag tayo ay nauuhaw, ang tubig ay
minsa’y malinaw na kasing linaw ng
paningin natin at minsa’y kulay asul na nag
papahiwatig na ito ay malalim.
Ang mga ginto na ito ay napakaganda
tingnan dahil sa magagandang katangian
nito, ang mga kulay berde na dahon, ang
mga gulay na nagsisigandahan ang kulay, at
ang dagat na nagdadagdag kagandahan sa
paligid.
At ang pinaka-magandang ginto sa ating
kapaligiran ay ang ating nasisilayan sa
oras ng pagmulat ng ating mga mata, ang
araw – na nagbibigay saatin ng liwanag,
ang araw na bilog na mas malaki pa sa
ating planeta, araw na nagbibigay sa atin
ng buhay at pag-asa sa araw-araw.
TEKSTONG DESKRIPTIBO

 Ang tekstong deskriptibo ay isang


tekstong naglalarawan .
Ito ay naglalaman ng mga
impormasyong may kaugnayan sa
mga katangian ng tao,bagay, lugar at
pangyayaring madalas nasasaksihan
ng tao sa paligid.
TAO

BAGAY
DESKRIPTIBO
LUGAR

PANGYAYARI
PAGLALARAWAN SA KATANGIAN NG TAO

 Ang Pilipino ay matitiyaga sa


anumang trabahong ginagawa.
PAGLALARAWAN SA BAGAY

 Ang mga produktong gawa ng


Pilipino ay magaganda at
matitibay .
PAGLALARAWAN SA LUGAR
 Isa ang siyudad ng baguio sa
may pinakamalamig na klima
sa bansa .
KATANGIAN

 Umaasa ang lahat na magiging


mapayapa ang darating na
eleksyon.
Katangian ng Tekstong Deskriptive

1. Ang tekstong Deskriptive ay isang


malinaw at pangunahing impresyon na
nililikha sa mga mambabasa.
2.Maaaring Obhetibo o Subhetibo ang
paraan ng paglalarawan
3.Ang tekstong Deskriptibo ay mahalagang
maging espisipiko at maglaman ng mga
konkretong Detalye.
Uri ng Tekstong Deskriptibo

 Teknikal –Naglalayon itong


maglarawan sa detalyadong
pamamamaraan.
Halimbawa
1.Ang ngiting matipid ay bahagya lamang
ang pagkibot ng bibig.
2.Ang ngiting mapagbigay ay laging
nakangiti.
Deskripsyong Impresyonistiko

 Naglalayon itong maglarawan ayon


sa pansariling pananaw o personal na
saloobin
 Halimbawa
1.Ang matamis na ngiti ay maaaring
maghatid ng kasiyahan at maging simula
ng magandang pagkakaibigan
Dalawang Anyo ng Tekstong Deskriptibo

 Obhetibo (Karaniwan)- Ito ay isang


paglalarawang hindi sangkot ang
damdamin.
 Sa ganitong anyo ang paglalarawan ay
ayon sa nakikita ng mata.
Halimbawa.
Ang Pilipinas ay isa lamang sa bansang
napaliligiran ng mga karagatan
Subhetibo /Masining

Ito ay isang paglalarawang naglalaman ng


damdamin at pananaw ng taong
naglalarawan.
 Naglalayon itong pukawin ang guniguni ng
mambabasa
Halimbawa.
1. Patuloy siya sa paglakad nang pasagsag
habang pasan ang kaniyang anak na maputla
pa ang kulay sa isang papel
Mahahalagang Kaalaman

Ang tekstong deskriptibo ay


naglalarawan ng tao, bagay, lugar at
pangyayari.
Ang dalawang uri nito ay teknikal at
masining
Karaniwan at masining naman na
paglalarawan ang dalawang anyo nito.
Piliin ang titik ng tamang sagot.

1.Anong teksto ang may layuning maglarawan


ng tao, bagay, kugar at pangyayari?
A. Deskriptibo B. Argumentatibo
C. Naratibo
2.Ano ang detalyadong paglalarawan ng
teksto?
A. Impresyonistiko B. Karaniwan
C. Teknikal
3.Ito ay subhetibo dahil sangkot dito ang
saloobin ng manunulat. Ano ito
A. Impresyonistiko B. Karaniwan
C. Teknikal

4. Para sa bilang 4-7. Tukuyin kung anong


gamit na katangian sa tesktong deskriptibo?
A.Masining
B.Teknikal
C.Karaniwan
4.Ang mahaba niyang buhok, mabining
paglalakad at mahusay na pagsagot ang
nagdala kay Pia Wurtzbach sa tagumpay.
5.Nakakatuwa ang masisipag na mag-aaral
ng kanilang paaralan dahil sila ay pawang
kabataang patuloy na nagsusunog ng kilay
upang makuha ng mataas na marka.

6. Napakahirap talaga ang mag-apply


ngayon ng trabaho. Napakahaba ng pila ng
mga aplikante sa labas ng gusali ng
kompanya.Napakainit pa naman ang sikat
ng araw.
7. Nakita ko ang unti – unting pagkibot ng
kanyang labi at unti unti ring pagsungaw ng
luha sa kaniyang mga mata,hanggang sa hindi
na niya naitago ang pinipigil niyang pag-iyak
bunga ng malalim na sugat na nilikha ng
paglayo.
8.Piliin ang pahayag na nagtataglay ng
katangian ng tekstong deskriptibo.
A. Bilog ang mundo.
B. Ang maikling kuwento ay isa sa mga anyo ng
panitikan.
C. Bakit naging mabilis ang pagtaas ng baha.
9.Piliin ang pahayag na nagtataglay ng katangian ng
tesktong deskriptibo.
A. An gaming paaralan ay napiling manguna sa
programang paglilinis ng mga estero.
B. Naging napakalamlam ng kaniyang mga mata
simula nang mawala ang kaniyang ina.
C. Ang Pilipinas ay ang bansang aking sinilingan.
10.Piliin ang pahayag na nagtataglay ng katangian
ng tesktong deskriptibo.
A. tanging pananampalataya lamang sa Panginoon
ang makakapagpalaya sa ating pagkakasala.
B. Ang kaniyang pakikitungo ay nagbago na naging
malamig , sinlamig ng mga niyebe sa lugar na aming
pinaggalingan
10.Piliin ang pahayag na nagtataglay ng
katangian ng tesktong deskriptibo.
A. tanging pananampalataya lamang sa
Panginoon ang makakapagpalaya sa ating
pagkakasala.
B. Ang kaniyang pakikitungo ay nagbago na
naging malamig , sinlamig ng mga niyebe sa
lugar na aming pinaggalingan
C. Kailan ba nangyari ang mga sandaling iyon
na isinumbat niya sa akin.

You might also like