You are on page 1of 3

King’s College of the Philippines

Mala- masusing Banghay- Aralin


Inihanda ni Ericksone Pilando

I. Layunin:

Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. nalilinang ang bokabularyo sa pamamagitan ng pagpuno sa mga patlang


upang mabuo ang kasingkahulugan ng mga salitang ginamit sa akdang
binasa;
b. nasusulat ang binuong pangungusap gamit ang kasingkahulugan ng mga
salita; at
c. nagagamit ang kasingkahulugan ng mga salita sa pagbuo ng
pangungusap.
II. Paksang-Aralin:

Paksa: Tula: Mga Dalit ni Kupido ni Alcomtiser P. Tumangan

Sanggunian: Tumangan A. Sr., Lim D. et. al. Komunikasyon sa Akademikong


Filipino (Filipino 1) 2006. Grandwater Publications

Kagamitan: Kopya ng akda, metacards

Kahalagahan: Nakabubuo ng mga sariling pangungusap gamit ang mga


kasingkahulugan ng mga salita.

III. Pamamaraan:
A. Paghahanda
Pagganyak
Buuin ang mga Letra
GMA LDATI IN PKOUID
Panuto:
1. Papangkatin ang klase sa tatlo.
2. Bubuuin ng bawat pangkat ang mga letra upang mabuo ang pamagat
ng akdang tatalakayin. Paunahan sila sa pagbuo.
2. Pagkatapos mabuo ay isusulat sa pisara.
3. Makatatanggap ang pangkat ng gantimpala kapag ito ay naisagawa
nang wasto.
B. Paglalahad
Ilalahad ng guro ang paksang tatalakayin tungkol sa tulang pinamagatang
Mga Dalit ni Kupido ni Alcomtiser P. Tumangan.
C. Pagtalakay
1. Ipapabasa ng guro ang tula sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng
dugtungang pagbasa.
Panuto:
a. Sisimulan ng unang pangkat ang pagbabasa at susundan ng iba
pang pangkat.
b. Pansinin at unawain ang mga salitang may salungguhit.
2. Pagkatapos basahin ay itatanong ng guro ang mga sumusunod na
tanong upang tiyakin kung naunawaan ang binasa.
a. Sino ang nagsasalita sa tulang ito? Sino si Kupido?
b. Basahin ang ikalawang saknong. Bakit daw duling yata siya?
c. Payag ba kayo sa kanyang akala? Bakit?
D. Paglalahat
Ibubuod ng mga mag-aaral ang natalakay tungkol sa binasang tula.
E. Paglalapat
Basahin muli ang tula at unawaing mabuti ang mga salitang
nasalungguhitan sa loob ng 2 minuto.
IV. Pagtataya o Ebalwasyon:
Panuto:
a. Punan ang mga nawawalang titik sa patlang upang mabuo ang
kasingkalugan ng salitang nakasulat nang pahilig sa parirala.
b. Gamitin sa pangungusap ang mga nabuong kasingkahulugan ng mga
salita.
1. himutok ni Kupido= _ i _ ai _
2. palaso ng pana= _ a_ a
3. inaagasan ng dugo= i_a__u_a_
4. aking matudla= _a_a_a__
5. ipinanghahamig ang bisig= i_i_a_a_a_i_
6. ipinangkaliskis ang bisig= i _ a _ _ i _ _ it

V. Kasunduan:
Panuto: Sa isang kalahating papel, sagutin at ipaliwang ang sumusunod na
tanong:
1. Para sa inyo, alin ang pinakadakilang pag-ibig? Ipaliwanag ang sagot.
Pamantayan sa pagbibigay ng puntos:
A. Nilalaman- 10
B. Organisasyon- 5
15 puntos

You might also like