You are on page 1of 4

Mala-masusing Banghay-Aralin sa Filipino 9

Inihanda ni Darlyn B. Piswec

I. Layunin:
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. naibibigay ang pagkasunod-sunod ng mga pangyayari tungkol sa akdang
binasa;
b. naisasadula sa loob ng sampung minuto ang mga mahahalagang
pangyayari na nakapaloob sa kuwentong binasa; at
c. napangangatwiranan na may pagkakapareho sa kultura o kaugalian ang
bansang Singapore at Pilipinas batay sa mga naimlimbag na panitikan.

II. Paksang-Aralin:
Paksa: Maikling Kuwento: “Ang Ama” (Singapore) isinalin ni M.R. Avena
Uri ng Teksto: Nagsasalaysay
Sanggunian: Belvez, P. Iliscupidez, P., et. al. Panitikan ng Lahi
Pangkolehiyo. Unang Edisyon (2006). Rex Book Store, Inc.
Literatura ng Asya. Ang Ama (Kuwento, Singapore). Nakuha mula sa
http://filipinosiyam.blogspot.com. Nakuha noong ika-21 ng Setyembre, 2017.
Kagamitan: Kahon na naglalaman ng mga tanong, kopya ng akda, dayagram
at larawan ng ama
Kahalagahan: Pagkilala at paggalang sa kultura o kaugalian ng ibang lahi o
bansa.

III. Pamamaraan:
A. Paghahanda
Pagganyak
1. Pagpapasapasahan ng mga mag-aaral ang isang kahon na
naglalaman ng mga tanong kasabay ang saliw ng musika.
2. Kapag huminto ang musika, ang mag-aaral na nakahawak sa kahon
ay bubunot ng isang tanong na kanyang sasagutin.
Mga tanong:
a. Ano ang pinakamahalagang regalo ang natanggap mo mula sa
iyong ama?
b. Ano ang mga pinakagusto mong katangian ng iyong ama?
c. Anong bagay o pangyayari na ginawa sa iyo ng iyong mga
magulang na hindi mo makalimutan.
d. Naranasan mo na bang magalit o magtampo sa iyong ama? Bakit?
B. Paglalahad
Sa pamamagitan ng mga larawan, ilalahad ng guro ang paksang
tatalakayin:
C. Pagtalakay
1. Pagbibigay-kahulugan sa salitang Maikling Kuwento.
Ang maikling kuwento o maikling katha ay sangay ng salaysay na
may iisang kakintalan. Ito ay may mga sariling katangian kabilang ang
mga sumusunod:
a. isang madulang bahagi ng buhay na tinatalakay,
b. isang pangunahing tauhang may mahalagang suliranin,
c. isang mahalagang tagpo o kakauntian nito,
d. mabilis na pagtaas ng kawilihan hanggang sa kasukdulang
madaling sinusundan ng wakas, at
e. may iisang kakintalan

2. Paglinang ng Talasalitaan
a. Padabog-dabog- pagpadyak
b. Masapok- masuntok
c. Galis- nangangati
d. Di-kawasa- di-nakikiayon
e. Bumulwak- lumabas na o naipakita

3. Ipapabasa ng guro ang kuwento sa pamamagitan ng dugtungang


pagbasa.
Panuto:
a. Sisimulan ng mag-aaral na nasa likod mula sa kaliwa ang
pagbabasa. Basahin nang malakas.
b. Pagkatapos niyang basahin ang unang bahagi ay magtatawag ng
susunod na babasa kailangang sumabay rin sa pagbabasa
hanggang sa matapos ang kuwento.
4. Pagkatapos basahin, itatanong ng guro kung naunawaan ang
kuwentong binasa.
Mga tanong:
a. Sinu-sino ang mga tauhan?
b. Anu-ano ang mga pangyayari sa kuwento ang nakakuha sa iyong
atensyon?
c. Bakit pinamagatang “Ang Ama”?
d. Anong kultura o kaugalian ng Singapore ang naipakita sa kuwento
na kapareho sa kulturang Pilipino?
D. Paglalapat
Ipakikilala ng guro ang Group Mapping Activity at magpapakita ng
isang halimbawa upang magkaroon ng ideya ang mga mag-aaral.
Pagkatapos ay papangkatin ang klase sa apat para sa isang gawain.
Panuto:
a. Bumuo o gumawa ng sariling guhit o dayagram na nagpapakita sa
nilalaman o mga mahahalagang pangyayaring naganap sa kuwentong
binasa. Gawin lamang ito sa loob ng sampung minuto.
b. Itataas ang mapa o dayagram na ginawa kapag tapos na at ibabahagi
sa harapan.
E. Paglalahat
Ibubuod ng mga mag-aaral ang natalakay tungkol sa kuwentong
binasa mula sa simula hanggang sa wakas.

IV. Pagtataya o Ebalwasyon


Dula o Pagsasadula
Papangkatin ang klase sa apat.
Panuto:
a. Pumili ng mga pangyayaring nailahad sa kuwentong binasa. Iugnay ito sa
totoong buhay.
b. Isasadula ito sa loob ng limang minuto.
c. Bigyang pansin ang wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.

Pamantayan sa pagbibigay ng puntos:

A. Organisasyon- 15
B. Nilalaman- 15
C. Props/ Kagamitan- 5
35 puntos
V. Takdang Aralin
Panuto: Saliksikin ang Alamat mula sa Thailand na pinamagatang “Ang
Alamat ni Prinsesa Manorah.” Kunin ang kopya ng akda at tatalakayin ito sa
susunod na pagkikita.

You might also like