You are on page 1of 3

Semi-Detalyadong Banghay-Aralin sa Filipino IX

I. Mga Layunin:
Sa loob ng 60 minutong aralin sa Filipino IX, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Natutukoy ang naging problema ng mga tauhan sa binasang kwento, ang
naging solusyon rito, at ang nagging epekto sa kanila ng solusyong ito.
b. Naisusulat muli ang binasang kwento nang may pagbabago sa ilang
pangyayari dito.
c. Nakabubuo ng aral mula sa binasang kwento.

II. Paksan Aralin: Kwento: Maindayog na Pagsasanay


Sanggunian: Filipino 9: Punla p.145 – p.148
Kagamitan: Laptop, slide deck, mga larawan, at Google
Meet

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Pambungad na panalangin
2. Pagtala ng mga lumiban
3. Pagpapaalala sa mga online etiquette.

B. Paglalahad
1. Pagganyak
Tukuyin kung ano ang pangyayari o bagay ang ipinapakita sa bawat
larawang ipalalabas. Bigyan ito tiyak na kahulugan at ihayag sa klase.

2. Pagtalakay
Babasahin at tatalakayin ang panimulang teksto sa Aralin 3 na tungkol
sa buhay ni Mohamed Makhzangi. Pagkatapos ay dadako kami sa
kaniyang kwento na pinamagatan niyang Maindayog na Pagsasanay
na isinalin sa wikang Filipino ni Catherine Olivar.

Sa kasagsagan ng pagtatalakay, magbabato ako ng ilang mga tanong


sa mga mag-aaral upang malaman kung sila ba ay nakasusunod at
nauunawaan ang binabasang kwento.

Mga tanong:
1. Ano sa palagay ninyo ang lugar na kinalalagyan nila?
2. Kaninong mungkahi ang nagwagi at ano ito?
3. Ano sa palagay ninyo ang sitwasyon nila o nangyayari sa lugar nila?
4. Kuntento ka ba sa naging pagtatapos ng kwento?

3. Paglalahat
Isasalaysay ang buod ng binasang kuwento sa klase.

IV. Pagtataya
Google Forms. Sagutin ang mga sumusunod na katanungan batay sa binasang
kwento. Piliin ang titik na tamang sagot.

1. Sino-sino ang mga tauhan sa kwentong binasa?


a. mag-anak
b. pamilya
c. a at b
d. sniper

2. Ano ang suhestiyon ng ama na nagpabago sa kanilang buhay?


a. manood ng Netflix
b. mag-ehersisyo
c. magluto ng pasta
d. maglaro sa kalsada

3. Ano ang ideya o paraan ng pag-eehersisyo ng anak na babae at anak na


lalaki?
a. Pagkakaroon ng Zumba
b. Hiphop Dance Craze
c. Ehersisyo na may ritmo at nangangailangan lang ng kaunting
espasyo.
d. Kumanta

4. Sino ang may-akda ng kwentong “Maindayog na Pag-eehersisyo”?


a. Catherine Olivar
b. Mohamed Makhzangi
c. Edgar Allan Poe

5. Sino naman ang nagsalin nito sa wikang Filipino?


a. Catherine Olivar
b. Mohamed Makhzangi
c. Edgar Allan Poe

6-10. Ibigay ang sariling ideya at gawing makabuluhan ang pagtatapos ng


binasang kuwento. Bumuo ng sariling wakas ng kwento. (5puntos)

V. Takdang-Aralin

Grade 9
March 14, 2022 – 10:40am

You might also like