You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

TARLAC AGRICULTURAL UNIVERSITY


Camiling, Tarlac

COLLEGE OF EDUCATION

Banghay-Aralin sa Filipino (Baitang 1)

Pamantayan sa Pagkatuto: Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang pabula

I. Layunin

Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. nasasagot ang mga tanong tungkol sa pabula;

b. napapahalagahan ang mga aral na napulot sa pabula; at

c. nasusuri ang mga pangyayari sa pabula.

II. Paksang-Aralin

Paksa: Pagsagot sa mga tanong tungkol sa napakinggang Pabula

Sanggunian: https://www.coursehero.com/file/29072305/Banghay-Aralin-sa-

Filipino-20docx/

https://www.FilipinoQ1-Pagsagot sa mga tanong (pabula).

youtube.t.Rachel’s Channel. June 22, 2020

https://pinoycollection.com/pabula-halimbawa/

Kagamitan: presentasyong biswal

palasagutang papel

Pagpapahalaga: pagkabukas-isipan

pagrespeto sa opinyon ng bawat isa

mabuting tagapakinig
III. Pamamaraan

A. Paghahanda

a.1.Balik-aral

a.1.1. Itatanong ng guro sa mga mag-aaral ang mga sumusunod:

Nakapagbasa na ba kayo ng kuwento tungkol sa mga hayop?


Sa mga nabasa o napakinggan niyong kuwento, ano ang pinakapaborito
mo?

a.2. Motibasyon

a.2.1. May ipapakitang larawan ang guro at kaniyang tatanungin ang mga

mag-aaral kung ano ang masasabi nila hinggil sa larawan.

B. Pagganyak

b.1. Aalamin ang mga sumusunod:

Ano nga ba ang pabula?


Nakapagbasa ka na ba ng isang pabula?
C. Pagtalakay

c.1. Gamit ang presentasyong biswal, bibigyang katututuran ang salitang pabula.

c.2. Magbibigay ang guro ng halimbawa ng pabula.

c.3. Maglalaan ang guro ng oras upang bigyang oportuniidad ang mga mag-aaral

na magbigay ng halimbawa ng pabulang kanilang nabasa.

c.4.Babasa ang guro ng isang pabula na pinamagatang “Si Langgam at si

Tipaklong”.

c.5. Magtatanong ang guro sa pagitan ng kaniyang pagkukuwento.

c.6. Iproproseso ng guro ang kasagutan ng mga mag-aaral at magbibigay siya ng

supplementaryo o karagdagang impormasyon.

c.7. Magbibigay ang guro ng aktibiti, na kung tawagin ay “ Gintong aral sa

kuwento, Isiwalat mo!”. Sa aktibiting ito, ibabahagi ng mga mag-aaral ang

kani-kaniyang napulot na aral. Maglalaan ang guro ng sampung minuto upang

isagawa ang nasabing gawain.

D. Paglalahat

Mag-iiwan ang guro ng pakatatandaang aral hinggil sa pabulang binasa.


Pangalan : ____________________ Petsa : ___________

Baitang : _____________________ Marka: ___________

IV. Pagtatataya

I. Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan tungkol sa pabulang iyong

napakinggan.

1. Sino- sino ang tauhan sa kuwento?

2. Sino ang masayang umaawit habang naglalaro?

3. Sino ang nag-iipon ng pagkain para sa nalalapit na tag-ulan?

4. Napilit ba ni tipaklong na maglaro si langgam?

5. Ano ang nangyari kay tipaklong nang dumating ang tag-ulan?

6. Kung ikaw si Langgam tutulungan mo din ba si tipaklong ? Bakit Oo/ Bakit Hindi?
V. Takdang-Aralin

Panuto: Basahin ang pabula sa ibaba. Pagkatapos ay sagutin ang mga sumusunod

na katanungan. (2 puntos)

Ang Kabayo at ang Kalabaw

Isang magsasaka ang nais manirahan sa ibang bayan kaya isang araw ay inipon niya ang
kanyang mga gamit at inilulan sa kanyang alagang kabayo at kalabaw. Maaga pa ay
sinimulan na nila ang mahabang paglalakbay. Makaraan ang ilang oras ay nakaramdam
ng matinding pagod at pang-hihina ang kalabaw dahil sa bigat ng kanyang pasang gamit.

“Kaibigang kabayo, di hamak na mas mabigat ang pasan kong gamit keysa sa iyo. Maaari
bang tulungan mo ako at pasanin mo yung iba?” pakiusap ng kalabaw.

“Aba, yan ang ipinataw sa iyong balikat ng ating amo kaya pagtiisan mo,” anang kabayo
na lalo pang binilisan ang paglalakad.

“Parang awa mo na tulungan mo ako. Di ko na kakayanin ang bigat ng dala ko.


Nanghihina ako. Alam mo namang kailangan kong magpalamig sa ilog kapag ganito
katindi ang init ng araw dahil madaling mag-init ang katawan ko,” pakiusap pa rin ng
kalabaw.

“Bahala ka sa buhay mo,” naiinis na sagot ng kabayo.

Makaraan pa ang isang oras at lalong tumindi ang init ng araw. Hindi nagtagal at ang
kalabaw ay iginupo ng bigat ng kanyang dala at siya’y pumanaw. Nang makita ng
magsasaka ang nagyari ay kinuha niya ang lahat ng gamit na pasan ng kalabaw at inilipat
sa kabayo na bahagya namang makalakad dahil sa naging napakabigat ng kanyang mga
dalahin.

“Kung tinulungan ko sana si kasamang kalabaw ay hindi naging ganito kabigat ang pasan
ko ngayon,” may pagsisising bulong ng kabayo sakanyang sarili.

Mga tanong:

1. Sino ang nakaramdam ng matinding pagod at panghihina?

2. Pinakinggan ba ni Kabayo ang pakiusap ni Kalabaw?

3. Kung ikaw si Kabayo tutulungan mo ba si Kalabaw? Bakit Oo? Bakit Hindi?

4. Ano ang ikinamatay ni Kalabaw?

5. Ano ang aral na iyong napulot sa kuwento?

You might also like