You are on page 1of 4

Name: Jade Lorenz S.

Limpiado

Course: SF11

I. Layunin
Pagkatapos ng aralin, Inaasahan ang mga mag-aaral ay :

1. Matutulong sumulat ng sariling maikling kuwento.


2. Mapakita ang kasanayan sa paggawa ng dula-dulaan gamit ang
kanilang na gawang sariling maikling kuwento.

I. Paksa at Kagamitan

Paksa: PAGSULAT NG MAIKLING KUWENTO

Sanggunian: Pahina 224 hanggang 226, Alamin natin

Kagamitan: Powerpoint Presentation at Animated Video presentation

II. Pamamaraan

A. Panimulang gawain
Gawain 1: Hulaan Mo! # Puzzle Game
Papangkatin ang mag-aaral sa tatlo at pagkatapos
magbibigay ang guro ng larawan, kailangan nila itong buoin sa
pinaka maikling oras, ang mauunang pangkat na makakabuo ay
ang panalo.

B. Pagsusuri

Magpapakita ang guro ng halimbawa ng isang maikling


kuwento gamit Video Presentation. Pagkatapos nito ay magbibigay
ang guro ng mga katanungan.
1. Ano ang iyong napansin sa pinakitang Vidyo?
2. Ang vidyong ito ay isang maikling kuwento? Ipalinawag.
3. Ano ang iyong pagpapakahulugan sa Maikling kuwento?

C. Pagtatalakay
Matapos maunawaan ang aralin, ang guro ay pipili ng limang
mag-aaral at pagkatapos ay pupunta sa harapan ng kanilang
kaklase upang ipabatid ang kanilang natutuhan. Pagkatapos ang
bawat mag-aaral ay gagawa ng kanilang sariling maikling kuwento.

D. Paglilipat , Pangkatang gawain


Ang klase ay hahatiin sa dalawang pangkat, pagkatapos
ang kanilang nagawang maikling kuwento ay kokolektahin ng
tagapanguna sa grupo at pipili sila ng isang maikling kuwento at
isasadula nila ito.
III. Ebalwasyon
Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Bakit kaya ang maikling kuwento ang isa sa mga paboritong basahin
ng mga mambabasa?
2. Bakit naman ito ang isa sa mga uri ng panitikang unang isinusulat ng
mga baguhang manunulat?
3. Bakit kailangang ang isang manunulat ay maging mapagmatyag sa
kanyang paligid? Paano ito makatutulong sa paghahanap ng
mabuting paksa?
4. Bakit mahalagang laging may dalang kuwaderno at lapis o ballpen o
kung hindi ma’y camera (tulad ng mga nasa cell phone) ang isang
manunulat?
5. Paano magagawang makatotohanan ang tauhan?
6. Bakit kailangan kabisado, mapuntahan , o marami nang nalalaman
ang manunulat tungkol sa gagamitin niyang tagpuan?
7. Ano-ano ang uri ng pananaw o paningin na maaring gamitin sa
pagkukuwento?
8. Paano mabubuo ang isang epektibong banghay?

IV. Takdang-Aralin
Ma-godserba sa iyong kapaligiran, makipag-usap tungkol sa
karanasan ng iba at sumulat ng ilang ideyang maaring pagmulan ng
kuwentong iyong susulatin. Itala ang mga ito sa loob ng kahon. May isang
ibinigay bilang halimbawa para sa iyo.

1. Mahimbing kang natutulog isang gabing napakalakas ng ulan


nang magulantang ka sa isang makapanindig balahinong sigaw.
Inihanda ni:

Jade Lorenz S. Limpiado


Gurong Nagsasanay

Binigyan pansin ni:

Michell T. Acala
Gurong Tagasanay

You might also like