You are on page 1of 5

I.

LAYUNIN
 Makabiigay ng iilang paglalarawan sa mga
kagamitang ipapakita.
 Nakatutukoy ng mga ginamit na mga pang-uring
palarawan at ang inilalarawan at ang inilalarawan
sa pangungusap.
 Nakapupuno ng pang-uring panlarawang bubuo sa
diwa ng pangungusap.
II. Paksa: Pang-uring Panlarawan
Kagamitan : Visual aids, mga larawan
Sanggunian: Bagong likha, wika at pagbasa 7,
pp.327-330, Ester V. Raflores

III. Pamamaraan:
A. Pagsasanay: panalangin
B. Nalik-aral:
tatawag ng iilang mag-aaral at itatanong ang
sumusunod:
 Ano ang pandiwa?
 Magbigay ng halimbawa ng pandiwa
 Gamitin sa pangungusap ang mga halimbawang
ibinigay.
C. Bagong Aralin:
I. Magbibigay ang guro ng isang larawan na ipapatukoy
ang mga katangian nito.
Hal.: tsokolate
- ito’y matamis
- hugis parihaba
- kulay kombertidor o brown

II. Paglalahad:
Pagkatapos ng paunang gawain ilalahad ng guro
ang leksyon tungkol sa pang-uring panlarawan:
 Tatawag ng iilang mag-aaral na magbibigay kahulugan o
ideya sa naturang aralin.
 Tatalakayin ang mga sagot ng mga natawag na mag-aaral.
 Ipapagamit ang mga pang-uring naibigay sa pangungusap
at susuriin isa-isa ang mga ito.
III. Paglalapat:
Pangkatang gawain:
- papangkatin ng guro ng tigtatatlo ang klase.
- Bawat pangkat ay mamimili ng isang tagapagsulat at
tagapag-ulat.
- Gamit ang manila paper, gagawa ang bawat pangkat ng
tigtatlong pangungusap. Salungguhitan ang bawat pang-
uring panglarawan at bilugan ang inilalarawan nitong
pangngalan o panghalip sa loob ng 5 minuto.
Hal.: Ang pulang bag ay sira na
- Pagkatapos ng itinakdang oras, iuulat ng tagapag-ulat
- Susuriin ng guro ang bawat ginawa ng bawat pangkat.
IV. Pagtataya:
Punan ng pang-uring panlarawang bubuo sa diwa ng
pagungusap.

1. Ang ________ na manga ay paborito ko.


2. Si Ana _____ kaya’t siya ay naging SK Chairman.
3. Ang babae ay nakasuot ng ____ saya.
4. Ang bulaklak ay _____.
5. Ang orange ay hugis ______.

V. Takdang Aralin:
Gumawa ng % pangungusap gamit ang pang-uring
panlarawan na ang paksa ay ang aming pamilya.

You might also like