You are on page 1of 6

BANGHAY ARALIN SA ASIGNATURANG FILIPINO I

I. Layunin:

Matapos ang 15 minuto talakayan ang mga mag-aaral sa ikaapat na baitang ay


inaasahang.

1. Natukoy at nabigyan kahulugan ang salitang pang-uri.


2. Nakapagbigay ng halimbawang pangungusap na naglalarawan.
3. Nailarawan ang kaklase gamit ang mga pang-uri na salita.

II. Paksang Aralin

Paksa: Pang-uri

Sanggunian: Alab ng Wikang Filipino 1 page. 159-69

Kagamitan: Visual aids, kahon, laptop at mga iba't ibang bagay.

Kakayahan: Malaman at Matuto

Pagpapahalaga: Pagiging matulungin sa gawain

Pamaraan

A. Panimulang Gawanin

1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagtatala ng lumiban
B. Balik-Aral
Pagmasdan ang ipapakita kong larawan. Ano-ano ang mga napansin ninyo sa aking
mga ipinapakitang larawan.

KUMAKAIN

NAGBABASA

Pandiwa ay nagsasaad ng kilos o galaw.

Magbigay ng halimbawa ng pandiwa

C. Pagganyak
Meron ipapanood na video ng kantang "Ako ay May Alaga sa mga bata. Ito ay
sasabayan ng mga bata ang kanta at indak.
D. Paglalahad

1. Tungkol saan ang Kanta?

2. Ano- ano ang katangian ng aso nabanggit sa kanta?

3. Kayo ba ang may mga halagang hayop sa bahay?

4. Pwede nyo bang ilarawan ang inyong alagang hayop?

E. Talakayan

Pang-uri ay paglalarawan sa tao, bagay, hayop o lugar.

Nagsasabi ng hugis, amoy, laki, katangian, kulay, dami, bilang, o lasa.

Halimbawa:

Maganda Makulay

Mataas Maalat

Malaki Mabaho

F. Paglalahat

Ano Ang tawag sa salitang naglalawan Ng tao,bahag, hayop, o lugar?

Tatawag ng guro ng isang estudyante at papaulit Ang kahulugan pang-uri.


Pagkatapos ay pipili ng tatawagin ang kaklase para ulitin ang kanyang sinabi
sa kahulugan ng pang uri. Paulit ulit nilang tatawagin ang kanilang napiling kaklase
hanggang lahat ay matawag.

G. Paglalapat

Hahatiin ng guro sa tatlong grupo ang mga bata

Kailangan nilang pumili ng isang leader.

Ang bawat leader ay bubunot ng isang bagay sa kahon na hawak ng guro.

Gamit angManila Paper ang bawat grupo ay magututulungan na gumawa ng


tatlong pangungusap na naglalarawan sa nabunot ng kanilang leader sa loob ng
5 minuto.

Pagkatapos ng itinakdang oras, iuulat ng bawat grupo ang kanilang gawain,

IV. PAGTATAYA
Panuto: Hanapin sa loob ng kahon ang tamang salitang na naglalarawan sa bawat
patlang.

MATABA MATULIS MAKULAY


PAYAT MABAHO KULOT

1. _________ 4. ____________

2. __________ 5. ________

3. ___________ 6. ________

V. TAKDANG ARALIN

Panuto: Gumawang 10 pangungusap gamit ang pang uring panglarawan sa tao, bagay,
hayop o lugar. Isulat sa kwaderno.
Inihanda ni:
Jessa L. Nobleza

You might also like