You are on page 1of 5

ACTIVITY SHEET

Direksiyon:

Naatasan ang inyong pangkat na kumpletuhin ang


dayagram na nasa kartolina.
Isulat sa bawat bilog na nasa dayagram ang mga
pangungusap na patanong na naaangkop o naaayon sa
sitwasyon.

ACTIVITY SHEET
Direksiyon:

Naatasan ang inyong pangkat na gumawa ng poster.


Kumpletuhin ang poster sa pamamagitan ng
pagsusulat ng mga pangungusap na pautos na
naaangkop o naaayon sa sitwasyon.

ACTIVITY SHEET
Direksiyon:

Naatasan ang inyong pangkat na isadula ang


sumusunod sa pamamagitan ng paggamit ng
pangungusap na padamdam:
1. Nawala ang baon.
2. Nakakita ng ahas habang naglilinis.
3. Biglang sumiklab ang apoy sa inyong kusina.
4. Nanalo sa lotto.
ACTIVITY SHEET
Direksiyon:

Naatasan ang inyong pangkat na sumulat ng


pangungusap na paturol o pasalaysay patungkol sa
larawan na nasa kartolina.
Di – Masusing Banghay Aralin sa Filipino IV

I. Layunin:
1. Nagagamit ang iba’t ibang uri ng pangungusap.
Code: F4WG-Iva-13.1
II. Paksang Aralin:
A. Paksa: Uri ng Pangungusap ayon sa Gamit
B. Sanggunian: Filipino 4 Teachers’ Guide, pahina 262-263
C. Kagamitan: Powerpoint Presentation, activity kits at activity sheets
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
a. Balik-Aral (Elicit): Pagbabalik-tanaw sa kuwentong “Ang Sikretong
Rekado”
b. Pagganyak (Engage):
Magpakita ng mga pangungusap at ipabasa sa mga mag-aaral.
MGA PANGUNGUSAP
 Teo, narinig mo ba ako?
 Isang malaking sombrero! Dapat ang chef, may sombrero!
 Manood ka na lang muna, anak, at maghugas ng plato.
 Gusto ng nanay mong makatiyak na ginagawa niya nang tama ang
lahat para sa ikakaluwalhati ng Diyos.

B. Panlinang na Gawain:
a. Pagsisiyasat (Explore):
Tanungin ang mga mag-aaral sa pagkakaiba ng mga pangungusap na
kanilang binasa.
 Ano ang ipinahihiwatig ng unang pangungusap? Ikalawang
pangungusap? Ikatlong pangungusap? Ikaapat?
 Ano ang ginagamit na bantas sa bawat pangungusap? Paano ito
binigkas?
 Anong uri ito ng pangungusap?

b. Paglalahad/ Pagtatalakay (Explain):


Ngayong araw ay tatalakayin natin ang uri ng pangungusap ayon sa
gamit. May apat na uri ng pangungusap ayon sa gamit, ito ay ang paturol
o pasalaysay, patanong, padamdam at pautos.

URI NG PANGUNGUSAP AYON SA GAMIT


 Paturol o Pasalaysay – pangungusap na nagsasaad o nagsasabi
ukol sa isang paksa. Nagtatapos ito sa bantas na tuldok (.)
 Patanong – pangungusap na naghahanap ng kasagutan.
Nagtatapos ito sa tandang pananong (?)
 Pautos – pangungusap na nagsasabi na gawin ang isang bagay.
Nagtatapos ito sa tuldok (.)
 Padamdam – pangungusap na nagsasaad ng matinding damdamin
gaya ng galit, tuwa o saya, inis o gigil. Nagtatapos ito sa tandang
padamdam (!)

c. Pangkatang Gawain (Paglalapat):


Hatiin ang klase sa apat na pangkat. Bawat pangkat ay may nakalaang
gawain. Bigyan ng panuntunan ang mga bata sa paggawa ng Gawain.

Gawain 1: Isulat sa bawat bilog na nasa dayagram ang mga pangungusap na


patanong na naaangkop o naaayon sa ibinigay na sitwasyon.
Gawain 2: Isadula ang sumusunod sa pamamagitan ng paggamit ng
pangungusap na padamdam:
 Nawala ang baon.
 Nakakita ng ahas habang naglilinis.
 Biglang sumiklab ang apoy sa inyong kusina.
 Nanalo sa lotto.
Gawain 3: Kumpletuhin ang poster sa pamamagitan ng pagsusulat ng mga
pangungusap na pautos na naaangkop o naaayon sa sitwasyon.
Gawain 4: Sumulat ng pangungusap na paturol o pasalaysay patungkol sa
larawan na nasa kartolina.
d. Pagsasanay:
Tukuyin kung paturol o pasalaysay, patanong, padamdam o pautos ang
mga sumusunod na pangungusap.
1. Tulong! Nakagat ako ng aso!
2. Pakipasa ng libro sa harap.
3. Sino siya?
4. Ang batang matulungin ay kinasisiyahan ng lahat.

C. Pangwakas na Gawain:
a. Paglalahat (Elaborate):
Himukin ang klase na ibuod ang mahalagang saloobin at impormasyon
mula sa talakayan at pagbabahagi ng bawat pangkat.
 Anu-ano ang mga Nakita/ nabasa ninyong nakapaskil na gawa ng
iba’t ibang grupo?
 Ano ang iba’t ibang uri ng pangungusap?
Ipabasa ang buod ng kabuuang aralin.

IV. Pormatibong Pagtataya (Evaluate):


Panuto: Isulat kung ang pangungusap ay PASALAYSAY, PATANONG, PAUTOS
o PADAMDAM.

______1. Mahilig ka bang kumain ng junkfood?


______2. Wow, ang sarap naman ngalmusal ngayon ha!
______3. Hindi ako pumapasok sa paaralan nang hindi nag-aalmusal.
______4. Pakiabot mo nga ang minatamis na saging para sa panghimagas.
______5. Sino ang naghanda ng mga iyan?
V. Pagpapahusay sa Gawain (Extend):
Sumulat ng tig-iisang pangungusap na paturol/pasalaysay, patanong, padamdam
at pautos. Gawin ito sa inyong Assignment Notebook.

Inihanda ni:

LYPSPSY C. CERNA
Teacher I

Process Observer:

FE C. FUNA
HeadTeacher II

You might also like