You are on page 1of 10

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon X
Dibisyon ng Bukidnon
Kalilangan National High School
Kalilangan, Bukidnon

MASUSING BANGHAY-ARALIN
FILIPINO 10

Paaralan: Kalilangan National High School Baitang/Antas: Grade 10


Guro: Jean Cathlyn M. Suarez Asignatura: Filipino 10
Oras at Petsa: Walang Tiyak na Oras Markahan: Unang Markahan
(9:00 – 10:00 a.m)

I. LAYUNIN

A. Pamantayang
Nilalaman *Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga
akdang pampanitikan.

B. Pamantayan sa
Pagganap *Ang mag-aaral ay nakabubuo ng kritikal na pagsusuri sa mga
isinagawang critique tungkol sa alinmang akdang pampanitikang
Mediterrranean.

C. Mga Kasanayan sa
Pagkatuto
Layunin:

a. Natutukoy ang pagkakaiba ng angkop na pandiwa bilang Aksiyon,


Karanasan at Pangyayari – (F10WG-Ia-b-57) (Cognitive)

b. Naisusulat ang sariling Mitolohiya gamit ang angkop na pandiwa


bilang Aksiyon, Karanasan at Pangyayari – (F10PU-Ia-b-64)
(Psychomotor)

c. Nakapagpahalaga sa gamit ng angkop na pandiwa bilang Aksiyon,


Karanasan at Pangyayari. (Affective)

II. NILALAMAN
Unang Markahan: Mga Akdang Pampanitikan sa Mediterranean
(Mitolohiya) – Mga Pandiwang Ginagamit sa Pagpapahayag ng
AKSIYON, KARANASAN at PANGYAYARI; Pagsasanib ng Gramatika
at Retorika.

KAGAMITANG
PANTURO

A. Sanggunian
Filipino – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1: Mga Akdang Pampanitikan ng
Mediterranean (MITOLOHIYA)
Unang Edisyon, 2020

1. Mga pahina sa gabay


ng guro ----------------

2. Mga pahina sa
kagamitang pang- 15-20
mag-aaral
3. Mga pahina sa
teksbuk 15-20

4. Karagdagang
kagamitan mula sa ----------------
portal ng Learning
Resources
B. Iba pang Kagamitang
Panturo Mga Biswal na Kagamitang Panturo, Yeso, Marker, Laptop, Speaker

III. PAMAMARAA
N

 Panalangin (May itatalagang mag-aaral ang guro upang mamuno


ng panalangin)
Panimulang Gawain:
 Pagtetsek ng liban at hindi liban sa klase, pagsasaayos ng mga
upuan sa loob ng silid-aralan

 Pagbibigay ng Panuntunan sa loob ng Klasrum/klase:

a. Magsuot ng facemask sa lahat ng pagkakataon


b. Bawal ang Cellphone!
c. Ugaliing magbasa ng mga panuto
d. Itaas ang kanan o kaliwang kamay sa pagsasagot
e. Iwasang makipag-tsismisan sa katabi
f. Huwag masyadong ma-i-stress at mag-enjoy lamang sa mga
gawain.
g. Huwag matulog sa loob ng klase.

 Balik-aral/Balik-tanaw sa nakaraang aralin – TREN NG


KARUNUNGAN (Dagliang Pagtatanong sa mag-aaral ukol sa
mga nakakapananabik na aralin sa nakaraang talakayan. Isa-isang
magbibigay ang mag-aaral ng kanilang mga natutunan sa
nakaraang talakayan gamit ang isang pangungusap lamang.
Magkakasunod ang paglalahad na parang tren.) 5 minuto

A. Aktibi/ Gawain
HULAAN MO! (4 EMOJI’s ONE WORD) 5 minuto

Panuto: Papangkatin sa lima ang klase. Huhulaan ng bawat pangkat/mag-


aaral ang ginagawa o ipinapakita ng emoji’s sa kanila. Ang nabuong salita
ay gagamitin sa pangungusap at ilalahad sa klase. Bago ang paglalahad,
kailangan gayahn muna ng mag-aaral ang kilos na ginagawa ng mga
emoji. (Limang puntos (5) sa nabuong salita, limang (5) sa nabuong
pangungusap at limang (5) puntos sa ekspresyon ng mukha habang
ginagaya ang emoji).
1. Unang Pangkat

Nabuong Salita: TUMATAWA


Nabuong Pangungusap: TUMATAWA ang magkakaibigan sa Plaza.

2. Pangalawang Pangkat

Nabuong Salita: KUMAKAIN


Nabuong Pangungusap: KUMAKAIN ang magkakaibigan sa Plaza.

3. Pangatlong Pangkat
Nabuong Salita: UMIIYAK
Nabuong Pangungusap: UMIIYAK ang magkakaibigan sa plaza

4. Pang-apat na Pangkat

Nabuong Salita: SUMASAYAW


Nabuong Pangungusap: SUMASAYAW ang magkakaibigan sa Plaza.

5. Panlimang Pangkat
Nabuong Salita: UMUULAN
Nabuong Pangungusap: UMUULAN sa plaza habang namamasyal ang
magkakaibigan.

Mga Karagdang Katanungan:

a. Ano-ano ang mga salitang nabuo?


b. Ano-ano ang isinasaad ng bawat isa?

B. Paghahabi ng
Layunin ng Aralin at Layunin:
Paglalahat a. Natutukoy ang pagkakaiba ng angkop na pandiwa bilang Aksiyon,
Karanasan at Pangyayari – (F10WG-Ia-b-57) (Cognitive)

b. Naisusulat ang sariling Mitolohiya gamit ang angkop na pandiwa


bilang Aksiyon, Karanasan at Pangyayari – (F10PU-Ia-b-64)
(Psychomotor)

c. Nakapagpahalaga sa gamit ng angkop na pandiwa bilang Aksiyon,


Karanasan at Pangyayari. (Affective)

SABAY-SABAY NATING TUKUYIN! (Panimulang Pagtatasa) 5


minuto
Panuto: Tukuyin kung ang pandiwang may salungguhit ay ginamit bilang
AKSIYON, KARANASAN at PANGYAYARI. Walang maling sagot.

Bilang Pangungusap
1. _________ Hinahanap ni Psyche si Cupid sa buong kaharian.
_

2. _________ Labis na nanibugho si Venus sa kagandahan ni


_ Psyche.

3. _________ Lumindol na naman sa Davao kahapon.


_

C. Pag-uugnay ng mga
Halimbawa sa MANOOD TAYO! (KRA 1 OBJECTIVE 2)
bagong Aralin Panuto: Panoorin ang bidyu na ipapakita ng guro sa loob ng klase. Narito
ang link sa ibaba.

Mga Karagdagang Katanungan:


a. Ano-ano pagkakaiba ng mga pandiwang nagsasaad ng AKSIYON,
KARANASAN at PANGYAYARI?
D. Pagtalakay ng
Bagong Konsepto at BUUIN NATIN! 5 minuto
paglalahad ng bagong
kasanayan # 1 Panuto: Ngayon ay natutuhan mo na ang pagpapalawak ng pangungusap
(Pinatnubayang sa pamamagitan ng gamit ng pandiwa. Ating suriin ngayon ang mga
Pagsasanay) pangungusap na aking ilalahad upang mas mapalawak pa ang gamit nito.
May tigdadalawang tanong ang bawat pangungusap.

Pangungusap: Tumalima si Pysche sa lahat ng gusto ni Venus.


Tanong: a. Ano ang gamit ng salitang tumalima?
Sagot:____________________________
Tanong: b. Sino ang aktor sa Pangungusap?
Sagot: ____________________________

Pangungusap: Nalungkot ang mga tao nang mabalitaan ang


pangyayari sa kaharian.
Tanong: a. Ano ang gamit ng salitang nalungkot?
Sagot: ____________________________
Tanong: Sino ang aktor sa pangungusap?
Sagot: ____________________________

Pangungusap: Namatay si Kael dahil sa nainom niyang lason.


Tanong: a. Ano ang pandiwang ginamit sa pangungusap?
Sagot: ____________________________
Tanong: b. Ano ang pangyayari sa pangungusap?
Sagot: ____________________________

E. Pagtatalakay ng
Bagong Konsepto at ISULAT MO! Sumulat ng sariling mitolohiya gamit ang angkop na
paglalahad ng bagong pandiwa bilang AKSIYON, KARANASAN at PANGYAYARI. Tiyakin
kasanayan #2 na naglalaman ito ng sariling kultura. Maaaring gamitin ang sariling wika
(Pagpapalawak ng sa pagbubuo, subalit isalin pa rin sa Filipino. Kinakailangang may
Kasanayan) konsepto ito ng inyong estado sa buhay (sosyo-ekonomiko) at sariling
paniniwala o relihiyon. Limitado lamang sa dalawang talata na may tigli-
limang pangungusap ang mitong gagawin. Sundin ang rubriks sa ibaba 10
minuto

Paalala: Maaaring isumite ang gawa sa pamamagitan ng pag-text sa


numerong 09654988042 o pagpasa sa messenger ng guro JEAN
CATHLYN M. SUAREZ (KRA 2 OBJECTIVE 5).

RUBRIKS sa Pagsulat ng MITO

Mga Pamantayan Kailangan


Napakahusay Mahusay Katamtaman pang
pagbutihin
20-16 15-11 10-6
5-1

Nilalaman/ Paksa Angkop ang Angkop ang Angkop ang Hindi angkop
ayon sa konsepto napiling napiling napiling ang paksa,
ng: paksa o tema paksa o paksa o hindi maayos
ng mito. tema at tema, hindi at malinaw
a. Sariling Napakahusay mahusay masyadong ang
Kultura at ang ang maayos at pagkakabuo
wika pagkakabuo pagkakabuo malinaw ang at gamit ng
b. Sariling at wasto ang ng mito at pagkakabuo pandiwa.
Estado sa gamit ng wasto ang at gamit ng
buhay pandiwa. gamit ng pandiwa.
(Sosyo- pandiwa
ekonomik
o)
c. Relihiyon

Pagkakalahad ng Pinakamalina Malinaw ang Hindi Hindi angkop


ideya w ang pagkakalaha gaanong ang
pagkakalahad d ng ideya at angkop ang pagkakalaha
ng ideya at angkop ang pagkakalaha d at ideya sa
angkop ang ginamit na d at ideya sa gamit ng
ginamit na pandiwa. gamit ng pandiwa.
pandiwa. pandiwa

Paggamit ng mga Napakahusay Mahusay Di- Kakikitaan


Pandiwang ang gamit ng ang gamit ng masyadong ng maraming
nagsasaad ng mga salita sa mga salita mahusay mali sa
Aksiyon, Karansan pangungusap sa ang paggamit ng
Pangyayari pangungusa paggamit ng mga salita sa
p mga salita pangungusa
sa p.
pangungusa
p

(KRA 2 OBJECTIVE 4)
F. Paglinang ng
Kabihasaan (Tungo MAGPASIKAT KA! Gawain A – Pangkatang Gawain (KRA 1
sa Formative OBJECTIVE 3) 10 minuto
Assessment)
(Pagpapalawak ng Panuto: Gumawa ng mga pangungusap gamit ang mga pandiwang
Kasanayan?) nagsasaad ng AKSIYON, KARANASAN at PANGYAYARI. Basahin at
unawain ang Hagdan ng Karunugan sa ibaba para sa gawain. Mamili ng
gawain ayon sa sariling kagustuhan at kakayahan. (100 puntos)

VERBAL-LINGUISTIC: Sumulat ng isang malayang tula gamit ang


mga pandiwang nagsasaad ng AKSIYON, KARANASAN at
PANGYAYARI. Dalawang saknong lamang na may limang linya.

VISUAL-SPATIAL: Gumuhit ng mga pandiwang nagsasaad ng


AKSIYON, KARANASAN at PANGYAYARI.

MUSICAL: Gumawa ng mga pangungusap gamit ang mga


pandiwang nagsasaad ng AKSIYON, KARANASAN at
PANGYAYARI. Ilahad ang mga nagawang pangungusap sa
pamamagitan ng pagkanta.
G. Paglalapat ng Aralin ILAHAD MO! 5 minuto
sa pang-araw-araw na Panuto: Ilahad ang kahalagahan ng mga Pandiwang nagsasaad ng
buhay (Malayang AKSIYON, KARANASAN at PANGYAYARI sa pang-araw-araw na
Pagsasanay) pamumuhay sa organayser sa ibaba.

KAHALAGAHAN
Gawain 2: Maglista ng mga pandiwang nagsasaad ng KABUTIHAN at
gamitin ito sa pangungusap. Tukuyin kung ito ay nagpapahayag ng
aksiyon, karanasan at pangyayari. (KRA 1 OBJECTIVE 1)

Hal. 1. TUMULONG si Jasper sap ag-repack ng mga pagkain sa kanilang


lugar para sa mga nasalanta ng bagyong Odette

H. Pagtataya ng Aralin TAYAIN


Panuto:NATIN!
Suriiin5 ang
minuto
pandiwang may salungguhit kung ito ay
ginamit bilang aksiyon, karanasan, o pangyayari. Isulat sa
sagutang papel ang A kung aksiyon, K kung karanasan, P kung
pangyayari.

____1. Ginawa ni Psyche ang lahat upang maipaglaban ang


pagmamahal niya kay Cupid.
____2. Labis na nanibugho si Venus sa kagandahan ni Psyche.
____3. Umibig ang lahat na babae kay Bantugan.
____4. Hindi nasiyahan si Jupiter sa ginawang pagpapahirap ni
Venus kay Psyche.
____5. Patuloy na naglakbay si Psyche at pinipilit na makuha
ang panig ng mga diyos.
____6. Lalong sumidhi ang pagseselos niya kay Psyche.
____7. Ibinuhos niya sa harap ni Psyche ang isang malaking
lalagyan ng puno.
____8. Umuwi siya sa kaharian ni Venus.
____9. .Nagalit ang nanay ni Christian dahil pasaway ito.
____10. Dahil sa paghihirap napilitan siyang tumalon.

I. Paglalahat Ang 1._____________ay bahagi ng pananalita na nagsasaad


PUNAN MO! 5 minuto
ng 2._____________. Ito ay tinatawag na 3.___________ sa
wikangPunan
Panuto: Ingles. Tatlo ngangwastong
ang patlang gamitimpormasyon
ng pandiwa,
o salitaitosa
ay4.____________,5.______________at
ipinahayag ng talata sa pandiwa. 6. _____________.
May aksiyon ang pandiwa kapag may 7.___________ o
8._____________ng aksiyon / kilos. Mabubuo ang mga
pandiwang ito sa tulong ng mga panlaping: um, mag-
ma,maki,mag-an.Maaaring 9.____________o
10._______________ang aktor.
Nagpapahayag ng 11._____________ ang pandiwa kapag may
damdamin. Maaaring magpahayag ang pandiwa ng karanasan o
12.____________. Sa ganitong sitwasyon may tagaranas ng
damdamin o saloobin.
Ang pandiwa ay 13.___________ ng isang pangyayari..
J. Takdang Aralin
I-SEARCH MO!

 Magbasa ng mga pinakasikat na PARABULA sa buong mundo at


maghanap ng mga pandiwang nagsasaad ng AKSIYON,
KARANSAN at PANGYAYARI na makikita sa nilalaman nito.

IV. MGA TALA

V. PAGNINILAY
A. Bilang ng mga mag-
aaral na nakakuha ng
80% sa pag-aaral
B. Bilang ng mag-aaral
na nangangailangan
pa ng ibang gawain
para sa remediation

C. Nakatulong ba ang
remedial sa bilang ng
mag-aaral na
nakaunawa sa aralin?

D. Bilang ng mag-aaral
na magpapatuloy sa
pag-aaral

E. Alin sa mga
istratehiyang
pagtuturo ang
nakatulong ng
lubos?” paano ito
nakatulong?

F. Anong suliranin ang


aking nararanasan na
solusyunan sa tulong
ng aking punongguro
at superbisor”?
G. Anong kagamitang
panturo ang akdang
nadibuho na nais
kong ibahagi sa mga
kapwa ko guro?

Batay sa DepEd Order No. 42 Series 2016 Issued November 13, 2017

Inihanda ni: Iniwasto ni:

JEAN CATHLYN M. SUAREZ DELAILA G. CABAHUG


Guro sa Filipino Punong Tagapayo sa Filipino

Inaprubahan ni:

. JENNIFER M. DULLA
School Principal II

You might also like