You are on page 1of 1

Ika-14 ng Nobyembre 2022

JENNIFER M. DULLA
Punongguro II
Mataas na Paaralan ng Kalilangan

Ginoo/Sir:

Aking Pagbati!

Ako si JEAN CATHLYN M. SUAREZ, kasalukuyang nag-aaral sa Capitol University


at kumukuha ng Master ng Sining sa Filipino. Bilang isa sa pangangailangan ng aking
asignaturang kinukuha ngayon na Lawak ng Pananaliksik, ako ay kasalukuyang gumagawa ng
isang pananaliksik na may pamagat na “Ang Kahandaan sa Pagkatuto ng Mag-aaral sa Ika-
sampung Baitang ng Pampublikong Paaralan sa Pagsisimula ng Ganap na Harapang Pag-
aaral sa Bagong Normal na Kaayusan” ngayong taon (unang semestre).
Kaugnay nito, nais kong hingin ang iyong pahintulot na magsagawa ng isang pilot testing
ukol sa aking isasagawang pag-aaral upang matiyak ang bisa ng talatanungan na aking nilikha na
sinuri at inayos ng tatlong eksperto sa larangan ng pananaliksik. Ipamimigay ko ang aking mga
talatanungan sa mga piling mag-aaral ng ika-sampung baitang ng iyong butihing paaralan.
Nilalayon ng pananaliksik na ito na malaman ang antas/lebel ng Kahandaan sa Pagkatuto ng
partikular na mag-aaral na aking pinili upang tumugon sa mga katanungan at makakuha ako ng
wastong data o impormasyon sa aking pananaliksik.

Hangad ko ang iyong positibong tugon ukol dito! Maraming Salamat at pagpalain ka
nawa ng Panginoong Maykapal!

Lubos na sumasaiyo,

JEAN CATHLYN M. SUAREZ


Mananaliksik

Sinang-ayunan ni:

CAMILO RANOA, PhD


Tagapayo

You might also like