You are on page 1of 8

FILIPINO

Ikatlong Markahan
GAWAING PAGKATUTO Blg. 2
Pagsusuri sa mga Elemento ng Elehiya
(Elehiya ng Bhutan)

0|P age
KASANAYANG PAGKATUTO Bilang 2
FILIPINO 9
I- PANIMULANG KONSEPTO
Ang buhay ng tao ay parang isang mahabang paglalakbay. Maraming
nasa at sana, mga tanong na paano at bakit na ibig nating mabigyan ng mga
kasagutan. Marapat na bigyan natin ng pagpapahalaga ang buhay ng bawat
isa lalo’t higit ang mga minamahal

Basahin at unawain ang akdang, “Elehiya sa Kamatayan ni Kuya” na


isinalin sa Filipino ni Patrocinio “Pat” V. Villafuerte at alamin kung paano ito
naiiba sa iba pang uri ng akdang pampanitikan.

Elehiya sa Kamatayan ni Kuya


(Elehiya ng Bhutan)
Isinalin sa Filipino ni Patrocinio V. Villafuerte Hindi
napapanahon!
Sa edad na dalawampu’t isa, isinugo ang buhay
Ang kaniyang malungkot na paglalakbay na hindi na matanaw
Una sa dami ng aking kilala taglay ang di-mabigkas na pangarap
Di maipakitang pagmamahal
At kahit pagkaraan ng maraming
pagsubok Sa gitna ng nagaganap
na usok sa umaga Maniwala’t
dili panghihina at pagbagsak!
Ano ang naiwan! Mga naikuwadrong larawang guhit, poster, at
larawan, aklat, talaarawan, at iba pa.
Wala nang dapat ipagbunyi
Ang masaklap na pangyayari, nagwakas na
Sa pamamagitan ng luha naglandas ang hangganan,
gaya ng paggunita
Ang maamong mukha, ang matamis na tinig, ang
halakhak at ang ligayang di-malilimutan.
Walang katapusang pagdarasal
Kasama ng lungkot, luha, at pighati bilang paggalang sa
kaniyang kinahinatnan
Mula sa maraming taon ng paghihirap
Sa pag-aaral at paghahanap ng magpapaaral
Mga mata’y nawalan ng luha, ang lakas ay nawala
O’ ano ang naganap, Ang buhay ay saglit na nawala
Pema, ang immortal na pangalan
Mula sa nilisang tahanan
Walang imahe, walang anino, at walang katawan
Ang lahat ay nagluksa, ang burol ay bumaba,

1|P age
Ang bukid ay nadaanan ng unos
Malungkot na lumisan ang tag-araw
Kasama ang pagmamahal na inialay
Ang isang anak ng aking ina ay hindi na makikita
Ang masayang panahon ng pangarap

Ano ang elehiya?


• Ito ay isang tulang liriko na tumatalakay sa paglalarawan ng
pagbubulay-bulay o guniguning nagpapakita ng masidhing damdamin
tungkol sa alaala ng isang mahal sa buhay.
• Sa elehiya, binibigyang-halaga ang mga nagawa ng mga namayapang
mahal sa buhay.
Mga Elemento ng Elehiya
1. Tema - Ito ang kabuuang kaisipan sa elehiya. Kadalasan ito ay
kongkretong kaisipan o batay sa karanasan.
2. Tauhan - Tauhang pinapaksa na nakapaloob sa elehiya.
3. Tagpuan - Lugar at panahon kung saan at kailan naganap ang elehiya.
4. Kaugalian o Tradisyon - Mga paniniwala, gawi o mga nakasanayan na
lumutang sa elehiya.
5. Damdamin - Pagpapahayag ng saloobin o emosyon ng manunulat sa akda.
6. Simbolo - Ginagamit upang magpahiwatig ng mga ideya o kaisipang
nakapaloob sa akda.
7. Wikang Ginamit - Paggamit ng mga salita sa elehiya batay sa dalawang
antas:
a. Pormal - Ito ang wikang istandard na kinikilala at tinatanggap ng mga
nakapag-aral ng wika.
b. ‘DiPormal - Wikang kadalasang ginagamit sa pang-araw-araw na
pakikipagtalastasan.

Sa pagsulat ng elehiya, narito ang ilang mga paalala upang iyong


maging gabay para sa mas mabisa at mas makabuluhang pagbuo nito.

2|P age
II- KASANAYANG PAGKATUTO AT KODA
✓ Nasusuri ang mga elemento ng elehiya batay sa tema, mga tauhan,
tagpuan, mga mahihiwatigang kaugalian o tradisyon, wikang ginamit,
pahiwatig o simbolo, damdamin (F9PB-IIIb-c-51)
✓ Naisusulat ang isang halimbawa ng elehiya (F9PU-IIIa-53).

III- MGA GAWAIN


Gawain 1
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na tanong. Piliin
ang letra ng tamang sagot at isulat sa nakalaang patlang.
_____1. Ano ang damdaming lumutang sa akdang, “Elehiya sa Kamatayan ni
Kuya”?
A. kalungkutan C. katatawanan
B. kasiyahan D. pagkapoot
_____2. Anong elemento ng elehiya ang tumutukoy sa mga paniniwala, gawi o
mga nakasanayang lumutang sa pagbuo nito?
A. damdamin C. simbolo
B. kaugalian o tradisyon D. wikang ginamit
_____3. Anong dalawang antas ng wika ang ginagamit sa pagsulat ng elehiya?
A. ganap at ‘di ganap C. ponema at morpema
B. pantangi at pambalana D. pormal at ‘di pormal
_____4. Sino ang personang nagsasalita sa akdang, “Elehiya sa Kamatayan ni
Kuya?”
A. kuya C. manunulat
B. nanay D. nakababatang kapatid
_____5. Ano ang ginagamit na kasangkapan upang magpahiwatig ng mga
ideya o kaisipang nakapaloob sa elehiya?
A. damdamin C. simbolo
B. kaugalian o tradisyon D. wikang ginamit

Malungkot na lumisan ang tag-araw


Kasama ang
pagmamahal na inialay;

Ang isang anak ng aking


_____6. Anong ina ay hindi
kaisipan angna makikita
nais iparating ng bahagi ng elehiyang nasa itaas?
Ang masayang panahon
A.ngpagkagalit
pangarap. C. paghihiganti
B. pagpapasakit D. pag-alala sa namayapa

3|P age
7-8. Gawing batayan ang bahagi ng akdang, “Elehiya sa Kamatayan ni Kuya”
na nasa loob ng kahon para sa pagsagot ng mga tanong.

Walang katapusang pagdarasal


Kasama ng lungkot, luha, at pighati bilang paggalang sa kaniyang
kinahinatnan.
Mula sa maraming taon ng paghihirap,
Sa pag-aaral, at paghahanap ng magpapaaral,
Mga mata’y nawalan ng luha, ang lakas ay Nawala.
O, ano ang naganap? Ang buhay ay saglit na Nawala.

_____7. Anong damdamin ang nangibabaw sa bahagi ng akdang nasa loob ng


kahon?
A. kaligayahan C. pagkainis
B. kalungkutan D. pagkapoot
_____8. Ano ang nais ipahiwatig ng huling taludtod sa bahagi ng akdang nasa
kahon?
A. Gaano man kahirap ang pinagdaraanan sa buhay, matutong
bumangon.
B. Bigyang-pagpapahalaga ang mga bagay na naiwan ng taong
namayapa.
C. Pahalagahan ang buhay sapagkat hindi natin alam kung kailan
tayo mawawala sa mundo.
D. Hindi maipaliwanag ang sakit at matinding dagok na naramdaman
dahil sa pagpanaw ng minamahal.
_____9. Alin sa mga pahayag ang hindi masasalamin sa pagsulat ng isang
elehiya? A. Marapat na simbolo ang palutangin sa elehiya.
B. Alamin ang magiging kabuuang daloy ng pagsulat.
C. Emphasis ang kailangan sa pagdama at pagdanas sa buhay ng
taong pag- aalayan nito.
D. Yariing mapagparanas ang elehiya upang mag-iwan ng mapagnilay
na mensahe sa mga mambabasa.
_____10. Alin sa mga pangungusap ang hindi nagsasaad ng katangian ng
isang elehiya? A. Ito ay personal sa pagpapahayag ng damdamin.
B. Ang himig ng elehiya ay dakila at mapagmuni-muni.
C. Ito ay pag-alaala, pananangis, at pagpaparangal sa namayapang
mahal sa buhay. D. Madadaling salita ang naghahari sa akdang
ito upang lubos na maunawaan ng mambabasa.

4|P age
Gawain 2
Panuto: Basahin at unawain ang mga piling taludtod sa akdang,
“Elehiya sa Kamatayan ni Kuya.” Suriin kung anong elemento ng elehiya ang
ipinahahayag nito.
Elehiya sa Kamatayan ni Kuya Mga Elemento

1. “Ang isang anak ng aking ina ay hindi na makikita,


Ang masayang panahon ng pangarap”

2. “Mula sa maraming taon ng paghihirap


Sa pag-aaral at paghahanap ng magpapaaral”
3. “Walang katapusang pagdarasal
Kasama ng lungkot, luha, at pighati bilang paggalang sa kaniyang
kinahinatnan”
4. “Ano ang naiwan! Mga naikuwadrong larawang
guhit, poster, at larawan, aklat, talaarawan, at iba pa.”
5. “Ang lahat ay nagluksa, ang burol ay bumaba, Ang bukid
ay nadaanan ng unos Malungkot na lumisan ang tag-araw”

Gawain 3
Sa gawaing ito, higit na masusubok ang iyong kakayahan batay sa
iyong mga natutuhan sa araling ito. Ngayon, ikaw ay may pagkakataong
bigyan ng pagkilala ang isa sa mga mahal sa buhay na lumisan na sa
mundong ito.
Panuto: Sumulat ng isang elehiya mula sa sitwasyong nasa kahon.
Suriin ito batay sa tema, mga tauhan, tagpuan, mga mahihiwatigang
kaugalian o tradisyon, wikang ginamit, pahiwatig o simbolo at damdamin.
Gawing batayan sa pagsulat ang pamantayan sa pahina 6-7.

5|P age
IV – REPLEKSYON
Anu-ano ang mga natutunan mo sa ating aralin?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Anu-ano ang mga hindi mo naunawaan sa ating aralin?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

SUSI NG PAGWAWASTO

GAWAIN 1
1. A 6. D
2. B 7. B
3. D 8. C
4. D 9. A
5. C 10. D

GAWAIN 2
1. Tauhan
2. Kaugalian o Tradisyon
3. Damdamin
4. Simbolo
5. Tagpuan
GAWAIN 3
(Ibabatay ang pagbibigay ng puntos sa pamantayan sa pahina 6-7.)
RUBRIKS
Pamantayan sa Pagsulat ng
Elehiya (para sa GAWAIN 3)
Pamantayan Napakahusay Mahusay Medyo Magsanay Puntos
(5 puntos) (4 na Mahusay (2 puntos)
puntos) (3
puntos)
Nilalaman:
Nailahad nang tama at
maayos ang tema o paksa ng
binuong elehiya.

6|P age
Wika at Gramatika: May
wastong gamit ng wika at
tamang bantas sa bawat
pangungusap.
Kasiningan:
Malikhain at masining ang
ginawang elehiya at
nagpapakita ng pagiging
matapat, matalino at
mapanuri.

Organisasyon:
Maayos na naipaliwanag ang
pagiging epektibo ng
organisasyon ng isinulat na
elehiya.

V - SANGGUNIAN
➢ Dr. Voltaire M. Villanueva. 2018, #ABKD (AKO BIBO KASE DAPAT)
Alpabeto ng Inobatibo at Makabagong Guro sa Agham Panlipunan,
Edukasyon sa Pagpapakatao, at Filipino, VMV11483 Book Publishing
House P. Binay St. Bangkal, Makati City.
➢ Peralta, R.N. et al. (2014), Panitikang Asyano 9 Meralco Avenue, Pasig
City. Department of Education – Instructional Materials Council
Secretariat (DepEd- IMCS).
➢ Palero, Juan Miguel. 2017, Elemento ng Elehiya.
https://www.slideshare.net/jmpalero/filipino-9-elemento-ng-elehiya.
Disyembre 23, 2020

Inihanda ni: Sinuri ni:

ROCHELLE S. GASTALA AIZA R. ROMERO


Teacher - I MT I/QAT

Inaprubahan ni: Pinagtibay ni:

ROSA M. BULANON RAMIL D. GUTIERREZ


Principal I PSDS,Baleno Distirct

7|P age

You might also like