You are on page 1of 14

IKALAWANG MARKAHAN

Aralin 2.2
Panitikan :Pabula - Korea
Teksto :Ang Hatol ng Kuneho salin ni Teresita F. Laxima
Wika :Iba't ibang Ekspresyon sa Pagpapahayag ng
Damdamin
Bilang ng Araw :5 Sesyon

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO SA BAWAT DOMAIN

PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F9PN-IIc-46)


 Nahihinuha ang damdamin ng mga tauhan batay sa diyalogong
napakinggan.

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F9PB-IIc-46)


 Nabibigyang-puna ang kabisaan ng paggamit ng hayop bilang mga
tauhan na parang taong nagsasalita at kumikilos.

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) (F9PT-IIc-46)


 Naiaantas ang mga salita (clining) batay sa tindi ng emosyon o
damdamin.

PANONOOD (PD) (F9PD-IIc-46)


 Naipakikita ang transpormasyong nagaganap sa tauhan batay sa
pagbabagong pisikal, emosyonal at intelektuwal.

PAGSASALITA (PS) (F9PS-IIc-48)


 Naipakikita ang kakaibang katangian ng pabula sa pamamagitan ng
isahang pasalitang pagtatanghal.

PAGSULAT (PU) (F9PU-IIc-48)


 Muling naisusulat ang isang pabula sa paraang babaguhin ang
karakter ng isa sa mga tauhan nito.

WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F9WG-IIc-48)


 Nagagamit ang iba’t ibang ekspresyon sa pagpapahayag ng
damdamin.

Ikalawang Markahan | 18
TUKLASIN
I. LAYUNIN

PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F9PN-IIc-46)


 Nahihinuha ang damdamin ng mga tauhan batay sa diyalogong
napakinggan.

II. PAKSA

Panitikan :Pabula - Korea


Teksto :Ang Hatol ng Kuneho salin ni Teresita F. Laxima
Wika :Iba't ibang Ekspresyon sa Pagpapahayag ng
Damdamin
Kagamitan :video clip, larawang biswal, lap top
Sanggunian :m.youtube.com, Kayumanggi ni Perla Guerrero
et. al, Diwatik, Modyul II, Baitang 9
Bilang ng Araw :1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik-Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon
Mungkahing Estratehiya: MASAYANG MAGING BATA!
Magpapakita ang guro ng isang video clip tungkol sa pabulang “Si Lea,
Ang Langgam”

“Si Lea, Ang Langgam”

m.youtube.com

Gabay na Tanong:

a. Batay sa pabulang napanood/narinig, ano ang naging


damdamin sa mga diyalogong binitawan ng mga tauhan?

b. Paano mo maisasabuhay ang mga aral na napulot sa


pabula? Ipaliwanag.

Ikalawang Markahan | 19
2. Pokus na Tanong

a. Bakit mahalagang maunawaan at mapahalagahan ang pabula?

b. Paano nailalarawan ng mga tauhang hayop sa pabula ang


katangian ng mga tao sa bansang pinagmulan nito?

3. Presentasyon ng Aralin

Mungkahing Estratehiya: KOREA, HAYOP AY MAHALAGA!


Tukuyin ang mga hayop na madalas gamiting tauhan ng mga manunulat
na Koreano sa mga kuwentong sinusulat batay sa nabasa, narinig o
napanood na mga akdang nabanggit o pabula.

ANALISIS

1. Bakit kaya madalas na gamiting tauhan sa pabulang sinusulat ng mga


Koreano ang nabanggit na hayop?

2. Mabisa bang naipararating ng mga tauhang hayop ang damdamin sa


kuwentong isinulat?

3. May kahalagahan kaya sa kasaysayan ng pagkabansa ng mga


Koreano ang nabanggit mong hayop? Ipaliwanag.

4. Pagbibigay ng Input ng Guro


Alam mo ba na…

Ang Korea ay isang bansa sa Silangang Asya na may makulay at


mayamang panitikan.Sinasabi at pinaniniwalaan ng marami na ang panitikan
ay salamin ng buhay. Ang pahayag na ito ay pinatotohanan ng mga akdang
pampanitikan ng Korea sapagkat malinaw na nasasalamin sa mga akdang
nabanggit ang kanilang pamumuhay, tradisyon, paniniwala, pilosopiya at
kasaysayan, edukasyon at pamilya.

Isa sa mga akdang pampanitikan na labis na kinahihiligang isulat at


Layunin
basahin ng mga Koreano ay ang pabula o kuwento na ang mga tauhan ay
hayop na kumikilos at nagsasalita na parang tao.
Sanggunian: Kayumanggi ni Perla Guerrero et. al

Ikalawang Markahan | 20
ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya: EXPRESS YOUR FEELINGS!


Ilalahad ng mga mag-aaral ang sariling damdamin kaugnay ng tanong na
nasa kahon.

Mabisa bang nakapagbibigay tulong ang mga tauhang


hayop upang maiparating ang mga damdamin sa akda?

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya: DIYALOGO’Y SABIHIN, DAMDAMI’Y TUKUYIN!


Tukuyin ang damdaming namayani sa diyalogong napakinggan.

Hoy! Maya, baka gusto mong


subukan kung sino sa ating dalawa ang
mabilis lumipad?” buong kayabangang
pahayag ni Agila.

Halaw sa pabulang “Agila at ang Maya”

“Hindi namin kailangan ang isang


katulad mong walang pagmamahal sa
sariling anyo!”

Halaw sa “Ang Uwak na Nagpanggap”

IV. KASUNDUAN

 Magsaliksik ng iba pang pabulang mula sa Silangang Asya. Ibigay ang


mensahe at damdaming namayani sa akda.

Ikalawang Markahan | 21
LINANGIN
I. LAYUNIN

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F9PB-IIc-46)


 Nabibigyang-puna ang kabisaan ng paggamit ng hayop bilang mga
tauhan na parang taong nagsasalita at kumikilos.

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) (F9PT-IIc-46)


 Naiaantas ang mga salita (clining) batay sa tindi ng emosyon o
damdamin.

II. PAKSA

Panitikan :Pabula - Korea


Teksto :Ang Hatol ng Kuneho salin ni Teresita F. Laxima
Wika :Iba't ibang Ekspresyon sa Pagpapahayag ng
Damdamin
Kagamitan :Pantulong na biswal, lap top
Sanggunian :Diwatik nina Teresa B. Padolina at Gabriel B.
Bautista Jr. , Panitikang Asyano 9 ni Romulo N.
Peralta et. al., Kayumanggi 9 ni Perla Guerrero et.
al.
Bilang ng Araw :2 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon
Mungkahing Estratehiya: BASAHIN AT SURIIN
Babasahin ang pabulang “Ang Sutil na Palaka” na isinalin sa Filipino ni
Teresita F. Laxima mula sa orihinal na, “The Green Frog”, isang
pabulang Koreano.

 Paano mabisang nagagamit ang mga tauhang hayop upang


masabing naging mabisa ang akda?

Ikalawang Markahan | 22
2. Presentasyon ng Aralin

Paglinang ng Talasalitaan
Ihanay ang mga salita ayon sa tindi o antas ng damdamin o emosyon.
Isulat ang sagot sa patlang na nakalaan.

1. galit, poot, suklam


___________, __________, __________

2. sakim, ganid, damot


___________, __________, __________,

3. pagmamahal, pagsinta, paghanga,


___________, __________, __________

4. sigaw, hiyaw, bulong


___________, __________, __________

5. lumbay, lungkot, pighati


___________, __________, __________

3. Pangkatang Gawain

Pangkat 1
VISUAL DISPLAY OF TEXT
Isalaysay ang pabulang iyong binasa.

Tauhan Tagpuan Banghay

Simula
Suliranin
Kasukdulan

Wakas

Pangkat 2
VENN DIAGRAM
Ilarawan ang katangian ng mga tauhan sa pabula at ihambing ito
sa tao.

Tauhan sa Pabula Tao

Ikalawang Markahan | 23
Pangkat 3
ACT UR FEELINGS
Batay sa pabula, ihayag ang damdamin sa bawat hatol na
ginawa ng mga tauhan sa pabula
 Puno ng Pino
 Baka
 Kuneho

Pangkat 4
KATUWIRAN MO… IPAGLABAN MO!
Tama ba o hindi ang ginawa ng kuneho upang maging
makatuwiran para sa tigre at sa lalaki ang kaniyang nagging
hatol? Bakit?

RUBRIKS NG PANGKATANG GAWAIN

BATAYAN Napakahusay Mahusay Di-gaanong Nangangailangan


Mahusay ng Pagpapabuti
Nilalaman Lubos na Naipahatid ang Di-gaanong Di naiparating ang
at naipahatid ang nilalaman o naiparating nilalaman o
Organisasyon nilalaman o kaisipan na ang nilalaman kaisipan na nais
ng mga kaisipan na nais nais iparating o kaisipan na iparating sa
Kaisipan o iparating sa sa manonood nais iparating manonood (1)
Mensahe manonood (4) (3) sa manonood
(4) (2)
Istilo/ Lubos na Kinakitaan ng Di-gaanong Di kinakitaan ng
Pagkamalikhain kinakitaan ng kasiningan ang kinakitaan ng kasiningan ang
(3) kasiningan ang pamamaraang kasiningan pamamaraang
pamamaraang ginamit ng ang ginamit ng pangkat
ginamit ng pangkat sa pamamaraang sa presentasyon (0)
pangkat sa presentasyon ginamit ng
presentasyon (2) pangkat sa
(3) presentasyon
(1)
Kaisahan ng Lubos na Nagpamalas ng Di-gaanong Di nagpamalas ng
Pangkat o nagpamalas ng pagkakaisa ang nagpamalas pagkakaisa ang
Kooperasyon pagkakaisa ang bawat ng pagkakaisa bawat miyembro sa
(3) bawat miyembro sa ang bawat kanilang gawain (0)
miyembro sa kanilang miyembro sa
kanilang gawain gawain (2) kanilang
(3) gawain (1)
4. Pagtatanghal ng pangkatang gawain.

5. Pagbibigay ng fidbak ng guro sa itinanghal na pangkatang gawain.

6. Pagbibigay ng iskor at pagkilala sa natatanging pangkat na


nagpakita ng kahusayan sa ginawang pangkatan batay sa rubriks
na ibinigay ng guro.

Ikalawang Markahan | 24
ANALISIS

1. Sang-ayon ka ba sa naging hatol ng kuneho sa suliranin ng tigre at ng


lalaki? Pangatuwiranan.

2. Kung ikaw ang nasa kalagayan ng kuneho, ano ang gagawin mong
hatol? Gagawin mo rin ba ang ginawa ng kuneho? Ipaliwanag.

3. Nasasalamin ba sa pabula ang kabisaan ng paggamit ng hayop bilang


mga tauhan? Patunayan.

4. Anong pangyayari sa pabula ang maaaring ihalintulad sa aktuwal na


mga pangyayari?

5. Ano ang masasalamin mong kultura o kaugalian ng mga taga-Korea?


Patunayan.

7. Pagbibigay ng Input ng Guro


Alam mo ba na…
Ang klino ay pagpapasidhi ng damdamin na nagpapahayag ng
saloobin o emosyon sa paraang papataas ang antas nito. Nagagamit ito sa
pamamagitan ng pag-iiba-iba ng mga salitang may ugnayang sinonimo.
Ang pabula ay isa sa sinaunang panitikan sa daigdig. Noong ika-5 at
ika-6 na siglo bago si Kristo, may itinuring nang pabula ang mga taga-India.
Ang karaniwang paksa ng mga pabula ay tungkol sa buhay ng itinuturing na
dakilang tao ng mga sinaunang Hindu, si Kasyapa.
Lalong napatanyag ang mga ganitong kuwento sa Gresya. Si Aesop
ang tinaguriang “Ama ng mga Sinaunang Pabula” dahil sa napabantog
niyang aklat, ang Aesop’s Fable.
Ang pabula ay isang maikling kuwentong kathang-isip lamang.
Karaniwang isinasalaysay sa mga kabataan para aliwin gayundin ang
magbigay ng pangaral. Ang mga tauhan ng kuwento ay pawang mga hayop.
Mga hayop na kumakatawan o sumasagisag sa mga katangian o pag-uugali
ng tao. Ang ahas halimbawa ay karaniwan nang nangangahulugan ng isang
taong taksil.
Ang pagong, makupad. Ang kalabaw, matiyaga. Ang palaka,
mayabang. Ang unggoy o matsing, isang tuso. Ang aso, matapat. Marami
pang hayop ang may ibang pagpapakahulugan. Sa mga bagay naman, ang
rosas ay kumakatawan sa babae at sa pag-ibig. Ang bubuyog sa isang
mapaglarong manliligaw.
Itinuturo ng pabula ang tama, patas, makatarungan, at makataong
ugali at pakikitungo sa ating kapuwa. Ang mga pabula ay lumaganap dahil sa
magagandang aral sa buhay na ibinibigay nito.
Sanggunian: Panitikang Asyano 9 ni Romulo N. Peralta et. al.

Ikalawang Markahan | 25
ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya: POINT OF VIEW


Ibigay ang sariling puna sa kabisaan ng paggamit ng mga tauhang hayop
na kumikilos at nagsasalita na parang tao.

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya: ACT MO NA!


Magpapakita ng isang pangyayari sa pabulang nabasa na kung saan
naging mabisa ang pagkakagamit ng mga tauhang hayop sa paghahatid
ng mensahe ng akda.

EBALWASYON

Panuto: Lagyan ng bilang 1 hanggang 3 ang mga sumusunod na


mga salita batay sa sidhi ng damdaming ipinapakahulugan nito.
Ang 3 para sa pinakamasidhi, 2 masidhi, at 1 di-masidhi.
1.____pakamuhi 2.____nasisiyahan 3.____nangangamba
____pagkasuklam ____natutuwa ____kinakabahan
____pagkagalit ____naliligayahan ____natatakot

4. ____suklam 5.____sigaw
____yamot ____bulong
____inis ____hiyaw

Susi sa Pagwawasto

1. 2,3,1 2. 2,1,3 3. 1,2,3 4. 3,2,1 5. 2,1,3

Pagkuha ng Index of Mastery


Kuhanin ang iskor ng mga mag-aaral upang malaman ang pagkamit ng
kanilang pagkatuto.
INDEX OF MASTERY
Seksyon Bilang ng mga mag-aaral Index

IV. KASUNDUAN

 Magsaliksik ng iba pang hayop na ginagamit ng mga tanyag na


pabula ng Korea.

 Isulat kung paano nito napahahalagahan ang mga pabula ng


sariling bansa.

Ikalawang Markahan | 26
PAGNILAYAN AT UNAWAIN
I. LAYUNIN

WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F9WG-IIc-48)


 Nagagamit ang iba’t ibang ekspresyon sa pagpapahayag ng
damdamin

II. PAKSA
Panitikan :Pabula - Korea
Teksto :Ang Hatol ng Kuneho salin ni Teresita F. Laxima
Wika :Iba't ibang Ekspresyon sa Pagpapahayag ng
Damdamin
Kagamitan :Pantulong na biswal, powerpoint presentation
Sanggunian :www.google.com, Kayumanggi 9 ni Perla
Guerrero et. al
Bilang ng Araw :1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon
Mungkahing Estratehiya: DAMHIN MO!
Ibibigay ng mga mag-aaral ang kanilang damdamin/ekspresyon sa mga
sitwasyon sa pamamagitan ng pagbibigay ng diyalogo.

nanalo sa contest nakagat ng aso may bagong sasakyan

Gabay na Tanong:

 Anong damdamin ang nangibabaw sa bawat


larawan?

Ikalawang Markahan | 27
ANALISIS

1. Nakatulong ba ang pagbibigay ng iba’t ibang ekspresyon upang


maunawaan natin ang ipinapakita ng bawat sitwasyon?

2. Anong kahalagahan ang maibibigay ng iba’t ibang ekspresyon sa


pagpapahayag ng damdamin sa nabasang pabula/akda?

2. Pagbibigay ng Input ng Guro


Alam mo ba na…

Mga Paraan ng Pagpapahayag ng Emosyon o Damdamin

1. Mga Pangungusap na Padamdam – mga pangungusap na


nagpapahayag ng matinding damdamin. Ginagamitan ito ng bantas na
tandang padamdam (!).
Mga halimbawa:
Galing! Nakakainis! Ang sakit!
Sobra na! Sunog! Aray!

2. Maikling Sambitla – mga salitang iisahin o dadalawahing pantig na


nagpapahayag ng matinding damdamin.
Halimbawa:
Uy! Ngek! Yeheyy!
Wow! Ayy!

3. Mga Pangungusap na nagsasaad ng tiyak na damdamin ng isang tao-


mga pangungusap na may anyong pasalaysay kaya’t nahihinuhang hindi
gaanong matindi ang damdamin.
Halimbawa:
a. Pagkatuwa
b. Pagtataka
c. Pagkagalit
d. Pagsang-ayon
e. Pagkalungkot
Sanggunian: Diwatik nina Teresa B. Padolina at Gabriel B. Bautista Jr.

ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya: PANGATUWIRANAN MO!


Pagbibigay - katuwiran sa kaisipan sa tanong na:

Paano nakatulong ang mga pagbibigay ng iba’t ibang


ekspresyon sa pagsusuri ng damdamin?

Ikalawang Markahan | 28
APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya: DIYALOGO…ANG GALING!


Bumuo ng usapan na kung saan mga hayop ang tauhan at gamitin sa
diyalogo ang mga ekspresyon sa pagpapahayag ng damdamin.

EBALWASYON

Panuto: Bigyan ng wastong ekspresyon ang bawat sitwasyon

_____ 1. Nakapasa siya sa pagsusulit sa pagkaguro kaya’t ganon na


lamang ang tuwa niya.

_____ 2. Nagkaroon ng bagong sasakyan si Dino mula sa pagtitiyaga sa


trabaho.

_____ 3. Malawakang sunog ang sa kanya’y nakapagbigay ng matinding


pagkatakot.

_____ 4. Hindi na matiis ng ibang OFW ang pagmamaltrato ng kanilang


amo.

_____ 5. Ibinalita na niya sa kanyang mga anak na magbabakasyon sila


sa New York.

Susi sa Pagwawasto

1. Yahoo! 2. Wow! 3. Naku po! 4. Sobra na! 5. Yeheyy!

Pagkuha ng Index of Mastery


Kuhanin ang iskor ng mga mag-aaral upang malaman ang pagkamit ng
kanilang pagkatuto

INDEX OF MASTERY
Seksyon Bilang ng mga mag-aaral Index

IV. KASUNDUAN

 Magsaliksik ng iba pang pabula na mula sa Silangang Asya.

Ikalawang Markahan | 29
ILIPAT
I. LAYUNIN

PAGSULAT (PU) (F9PU-IIc-48)


 Muling naisusulat ang isang pabula sa paraang babaguhin ang
karakter ng isa sa mga tauhan nito.

PAGSASALITA (PS) (F9PS-IIc-48)


 Naipakikita ang kakaibang katangian ng pabula sa pamamagitan
ng isahang pagtatanghal.

PANONOOD (PD) (F9PS-IIc-48)


 Naipakikita ang transpormasyong nagaganap sa tauhan batay sa
pagbabagong pisikal, emosyonal at intelektuwal.

II. PAKSA

Pagsulat ng Awtput 2.2


Kagamitan :Mga larawan, pantulong na biswal
Sanggunian :Kayumanggi 9 ni Perla Guerrero et.al.
Bilang ng Araw :1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon
Mungkahing Estatehiya: SINESKWELA!
Magpapanood ang guro ng isang halimbawa ng pabula (Ang Sutil na
Palaka). Susuriin ang mga katangian ng mga tauhan.

ANALISIS

1. Ilarawan ang mga tauhan sa binasang pabula.

2. Ipaliwanag ang transpormasyong naganap sa anak na palaka.

3. Ibigay ang mensaheng nais ipahatid ng pabula sa mga mambabasa.

Ikalawang Markahan | 30
ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya: PATUNAYAN MO!


Bumuo ng paliwanag sa kaisipang nasa loob ng kahon.

Ang bawat tauhan sa pabula ay may transpormasyong


nagaganap batay sa pagbabagong pisikal, emosyonal at
intelektuwal.

APLIKASYON

2. Pagpapaliwanag ng guro sa gagawing awtput.


Pagsulat at pagbigkas sa isinulat na pabula nang maayos at may
damdamin.
GRASPS
GOAL Naipakikita ang kakaibang katangian ng pabula sa
pamamagitan ng isahang pasalitang pagtatanghal.
ROLE Pinuno ng Human Resource Department
AUDIENCE Mga empleyado ng isang kompanya
SITUATION Makapagsagawa ng paligsahan sa pangkatang
pagsulat ng pabula bilang isa sa mga bahagi ng
workshop. Ang bawat pangkat ay dapat pumili ng
isang hayop na sisimbolo sa isa sa mga katangiang
dapat taglayin ng isang mahusay na empleyado. Ang
napiling hayop ay gagawing tauhan sa isusulat na
pabula.
PERFORMANCE Makasulat at makapagtanghal ng isang pabula
STANDARDS Orihinalidad 25%
Pagiging malikhain 25%
Pagkakabuo ng kuwento 25%
Malinaw na pagkakalahad ng mensahe 25%
Kabuuan 100%
3. Pagbibigay ng fidbak sa isinagawa ng mga mag-aaral.

4. Pagbibigay ng iskor ng guro.

5. Pagpili ng natatanging mahusay na bumuo at bumigkas ng pabula.

IV. KASUNDUAN

 Ibigay ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mga pabula sa alinmang


bansa sa Asya.

 Basahin at unawain ang sanaysay ng Taiwan “Ang Kababaihan


ng Taiwan, Ngayon at Noong Nakaraang 50 Taon”

Ikalawang Markahan | 31

You might also like