Professional Documents
Culture Documents
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN
Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa isang obra maestrong pampanitikan ng Pilipinas.
PAMANTAYAN SA PAGGANAP
Ang mag-aaral ay nakikilahok sa pagpapalabas ng isang movie trailer o storyboard tungkol sa isa ilang
tauhan ng Noli Me Tangere na binago ang mga katangian (dekonstruksiyon).
PANITIKAN
Noli Me Tangere
MGA LAYUNIN
1. Mabigyang halaga ang nilalaman ng kuwento (F9PT-IVab-77)
2. Matukoy ang mga katangian ng isang Ina (F9PB-IVc 79-)
3. Naiuugnay ang kuwento sa tunay na buhay. (F9PN-IVi-j-81)
4. Nabibigyang- kahulugan ang mahihirap na salita. (F9PN-IVi-j-82)
III. Pamamaraan
A. Paghahanda
1. Panimulang Gawain
A. Panalangin
B. Pagbati ng guro sa mga mag-aaral
C. Pagtsetsek ng liban sa klase
2. Pagbabalik-Aral
3. Pagganyak
Panuto:
1. Ang guro ay magpaparinig ng isang tugtog na Pinamagatang “ Awit Kay Inay “ na
inawit ni Carol Banawa
2. Pagkatapos nito ay magtatanong ang guro tungkol sa kanilang napakinggan.
a. Tungkol saan ang inyong napakinggan?
b. Ano ang ipinapahayag nito?
B. Paglalahad
1. Paghahawan ng sagabal
2. Pagpapanood ng maikling kwento gamit ang e-learning tungkol sa Kasaysayan ng isang Ina.
Pagtatanong:
Sino ang pangunahing tauhan sa inyong napanood?
C. Pagsasanay
Papangkatin ang klase sa tatlong grupo. Bibigyan sila ng limang minuto upang maisagawa
ang gawaing naiatas sa bawat pangkat. Sila ay bibigyan ng grado base sa rubrics na nasa
ibaba.
Nauugnay
Nilalaman Pag – arte Presentasyon Kabuuan
sa Tema
30% 20% 30% 20% 100%
UNANG PANGKAT
Awiting handog para sa ina (ippaliwanag ng bata kung bakit iyon ang napiling kanta.
IKALAWANG PANGKAT
Pagguhit sa isang ina at pagpapaliwanag.
IKATLONG PANGKAT
Pagsasadula ng buhay ni Sisa.
D. Paglalapat
E. Paglalahat
Magpapakita muli ang guro ng isang inspirational na video tungkol sa isang Ina. Ang mga mag-
aaral ay babasahin ng mabuti ang nakatala sa loob ng panonoorin at hayaang unawain at damhin
ang ipinahahayag ng akda.
Maaaring isuko ng isang ina ang anumang pag-aari o mahalagang bagay na mayroon siya huwag
lamang mawala o masaktan ang minamahal na anak.
IV. Pagtataya
Panuto: Sagutin ang mga katanungan sa ibaba at ilagay lamang ito sa isang kapat na papel.
1. Siya ang inang gagawin ang lahat upang maprotektahan ang kanyang anak laban sa
mga awtoridad? SISA
2. Siya ang bunsong anak ni Sisa na hinahanap sa loob ng simbahan at gustong Makita ni
Sisa? CRISPIN
3. Isa sa mga anak ni Sisa na kung saan pinagtutugis at hinahanap sa loob ng kanilang
bahay sa kadahilanang pinagbibintangan din itong isa sa mga nagnakaw? BASILIO
4. Saan pilit na isinama si Sisa? KUWARTEL
5. Anong nangyari matapos hanapin ni Sisa ang kanyang mga anak saan man dako ng
paligid? NABALIW
V. Takdang Aralin
Sumulat ng isang tula na naglalahad ng katangian ng inyong ina. Isulat ito sa isang buong
papel.