You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

UNIVERSITY OF SOUTHERN MINDANAO- KIDAPAWAN CITY CAMPUS


Sudapin, Kidapawan City, North Cotabato

MASUSING BANGHAY-ARALIN
Paaralan KCNHS Baitang 9
Pangalan Paul Justine L. Padernilla Asignatura FILIPINO
Petsa/Oras Pebrero 19, 2024 Markahan Ikatlo

I – LAYUNIN
A. Pamantayang B. Pamantayan sa Pagganap C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto
Pangnilalaman
Ang mag-aaral ay masining na nakapagtatanghal ng kulturang Nasusuri ang mga elemento ng
Naipamamalas ng mag-aaral Asyano batay sa napiling mga akdang pampanitikang Asyano. elehiya batay sa: Tema, Mga
ng pag-unawa at tauhan, tagpuan, Mga
pagpapahalaga sa mga mahihiwatigang kaugalian o
akdang pampanitikan ng tradisyon, Wikang ginamit,
kanlurang Asya. Pahiwatig o simbolo, at damdamin.
(F9PB-IIIb-c-51)
D. Tiyak na layunin
Sa pagtatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang nasusuri ang elehiya batay sa mga elemento nito (Tema,
Tauhan, Tagpuan, at damdamin) (F9PB-IIIb-c-51)
II – NILALAMAN Elehiya sa Kamatayan ni Kuya (Bhutan) Isinalin sa Filipino ni Pat V. Villafuerte
III – KAGAMITANG PANTURO
Sanggunian
Pahina na gabay ng guro:_______ 2. Pahina sa kagamitang pang-mag-aaral :_______3. Pahina sa Teksbuk: ______ 4. Kagamitan mula sa
portal ng Learning Resources: ______
A. Iba pang kagamitang
panturo
IV – PAMAMARAAN
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
ELICIT
A. Balik-aral sa nakaraang Panalangin Amen.
aralin at pagsisimula ng Pagbati Magandang umaga po, Sir Paul…
bagong aralin Pagtala ng lumiban sa klase Wala pong lumiban sa klase
Paglalahad ng pamantayan sa klase
 Tumayo kapag tinawag ng guro
 Umupo nang maayos at bawasan ang pag-iingay
 Lawakan ang pag-iisip at pag-unawa
 Aktibong pakikilahok ay panatilihin Maraming salamat at sana ay
Pagpasa/ pagwawasto ng Takdang-aralin magawa ninyong sundin ang ating
pamatayan.
Pagbabalik-aral
Ano nga ulit ang tinalakay natin noong nakaraang linggo? Tinalakay po natin ang “Parabula
ng Banga.”

Mabuti at naalala pa ninyo. Sige nga, anong uri ng teksto ang


“Parabula ng Banga?” Ang “Parabula ng Banga” ay isang
tekstong nagsasalaysay o naratibo.

ENGAGE Sa pagtatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay


B. Paghahabi sa layunin ng inaasahang nasusuri ang elehiya batay sa mga elemento nito.
aralin (Tema, Tauhan, Tagpuan, at damdamin) (F9PB-IIIb-c-51) (ipapabasa sa mga mag-aaral)
EXPLORE (PAGGANYAK)
C. Pag-uugnay ng mga
halimbawa sa bagong aralin Kahulugan sa likod ng larawan
(Tatawag ang guro ng mga mag-aaral na magbibigay ng
kanilang hinuha patungkol sa larawang ipapakita sa TV)

Malungkot po o kalungkutan
May namatay po o namayapa

Mga elemento po, Sir

EXPLAIN (GAWAIN) Gawain: Nasa puso kita…


D. Pagtalakay ng bagong
konsepto at paglalahad ng Panuto: Sumulat ng maikling paglalarawan (3-5 pangungusap)
bagong kasanayan #1 tungkol sa mahal mo sa buhay na labis mong
pinahahalagahan. Isulat ang pangalan ng taong ito sa loob ng
puso at ilahad ang dahilan kung bakit mo siya Sasagutan ng mga mag-aaral ang
pinahahalagahan. gawain ito sa loob ng tatlong
minuto.

Pagkilala sa bansang Bhutan


Bago ninyo babasahin ang isang akdang pampanitikan na
nagmula sa isang bansa sa Kanlurang Asya ay aalamin muna
natin ang mga kaugalian ng bansang ito.

(ipaliliwanag ang kaugalian at tradisyon ng Bhutan)

Kahulugan ko, ibahagi mo!

May iilang mga parirala sa akdang ating babasahin ang may


nakakubling kahulugan, kaya upang maunawaan ninyo nang
maigi ang tatalakaying akda ay bibigyan natin ng kahulugan
ang mga ito.

1. Sa edad na dalawampu’t isa, isinugo ang buhay


2. Sa gitna ng nagaganap na usok sa umaga (Bibigyang kahulugan ng guro ang
3. Walang katapusang pagdarasal. mga parirala)
4. Ang mata’y nawalan ng luha
5. Malungkot na lumisan ang tag-araw

HALINA’T MAGBASA!
Babasahin ng mga mag-aaral ang akdang “Elehiya sa
Kamatayan ni Kuya” na isinalin ni Pat V. Villafuerte
Pamprosesong katanungan: Ang tula ay tungkol sa
1. Tungkol saan ang binasang tula? pagdadalamhati ng kapatid sa
namayapang kuya.

2. Paano ipinadama ng makata ang labis na pagdadalamhati Ginugunita ng makata ang mga
sa pagkawala ng mahal sa buhay? alaala ng kaniyang kuya noong ito’y
nabubuhay pa at inihayag niya
kung gaano ito kabuting tao.
E. Pagtalakay ng bagong Ano ang elehiya?
konsepto at paglalahad ng
bagong kasanayan #2 Ang elehiya ay isang uri ng tulang liriko na pumapaksa sa
damdamin katulad ng kalungkutan, kasawian o
kaligayahan. Dito ay binibigyang parangal ang mga
nagawa ng yumao.

Mga Elemento ng Elehiya

Tema- ito ay ang pangkabuuang kaisipan ng elehiya.


Konkretong kaisipang maaaring pagbatayan ang
karanasan.
Tauhan- taong kasangkot sa tula.
Tagpuan- lugar o panahong pinangyarihan ng tula.
Damdamin- saloobin o emosyon ng makata.

ELABORATE (ANALYSIS) Sagutin natin! (10 minuto)


F. Paglinang sa Kabihasaan Panuto: Susuriin ng mga mag-aaral ang katanungan sa
(Tungo sa Formative ibaba at isusulat ang kanilang sagot sa sangkapat na
Assessment ) papel.

1. Sa akdang “Elehiya sa Kamatayan ni Kuya”, anong


elemento ng elehiya napabilang ang salitang kuya?
a. Tauhan
b. Tagpuan
c. Kaugalian
d. Simbolo

2. Malungkot na lumisan ang tag-araw


Kasama ang pagmamahal na inialay.
Ano ang ipinapahiwatig ng mga linyang ito?
a. Pag-iisa
b. Paglubog ng araw
c. Pagpanaw ng isang tao
d. Panibagong araw na darating

3. Batay sa iyong narinig o nabasang tula, anong


panahon o kalagayan ng mga tauhan ang inilahad?
a. Kaarawan
b. Kamatayan
c. Kapanganakan
d. Pag-iisang dibdib

4. Hindi napapanahon!
Sa edad na dalawampu’t isa, isinugo ang buhay
Anong damdamin ang ipinapahiwatig?
a. Pagkatuwa
b. Pagkalungkot
c. Pagkadismaya
d. Hindi pagtanggap

5. Alin sa sumusunod ang HINDI katangian ng elehiya?


a. Ito ay tula ng pananangis
b. Ito ay tula ng kasiyahan at kagalakan
c. Ito ay isang tulang may matimping himig
d. Ito ay tula ng pag-aalala at pagpaparangal sa mga
mahal sa buhay.
G. (PAGLALAPAT) Pag-isipan natin!
Paglalapat ng aralin sa pang- (Maaaring magkaiba-iba ang opinyon ng mga mag-aaral)
araw-araw na buhay  Bilang mag-aaral, paano makatutulong sa iyo ang sapat
na kaalaman sa elehiya? Makatutulong ang aking kaalaman
sa elehiya dahil sa pamamagitan
nito ay maaari akong bumuo ng
isang tula para sa namayapa kong
mahal sa buhay.
 Sa iyong palagay, bilang kabataan ay masasalamin ba
ang kulturang Pilipino sa pamamagitan ng pagbuo o
pagbigkas ng elehiya? Ipaliwanag. Masasalamin ang ating kultura sa
mga tulang gaya ng elehiya
sapagkat nagagamit natin ito upang
mapalutang o maipakita ang
mabuting kaugalian ng mga
Pilipino.
 Paano mo mapananatili ang mga akdang pampanitikan sa
kabila ng paglaganap ng social media at makabagong
panahon? Dahil ang kabataan o halos lahat
ng tao ay lulong na sa social media,
mas mainam na gamitin ito upang
mapalaganap at maipakita sa
mundo ang yaman ng kultura at
panitikan ng bansa. Sa tulong nito
ay hindi makalilimutan o mawawala
ang tradisyon at kaugalian ng mga
Pilipino.
H. (PAGLALAHAT) Isaisip natin!
Paglalahat ng Aralin
Ano nga ang elehiya? Ang elehiya ay tulang liriko na
naglalarawan ng pagbubulay-
bulay o guniguni na
nagpapakita ng masidhing
damdamin patungkol sa
alaala ng isang mahal sa
buhay.

Anong uri ng tula ang elehiya? Ang elehiya ay isang uri ng tulang
liriko.

Ibigay ang mga elemento ng elehiya. Ang mga elemento ng tula ay


Tema, Mga tauhan, tagpuan, Mga
mahihiwatigang kaugalian o
tradisyon, Wikang ginamit,
Pahiwatig o simbolo, at damdamin.
EVALUATE Pagtataya (15 minuto)
I. Pagtataya ng Aralin
Panuto: Suriin ang sumusunod na katanungan tungkol sa
elehiya. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sangkapat na papel.

1. Ano ang pangunahing tema ng akdang “Elehiya sa


Kamatayan ni Kuya”?
a. Paglisan ng minamahal
b. Pagkamatay ng mahal sa buhay
c. Pangungulila ng anak sa magulang
d. Pag-iwan ng magulang sa kaniyang anak

2. Sino-sino ang mga tauhang nakapaloob sa tulang binasa?


a. Pinsan
b. Kapitbahay
c. Kapatid na babae
d. Si Pema at ang may-akda
3. Ang sumusunod ay mga emosyong mararamdaman sa
binasang tula, MALIBAN sa:
a. Pagluluksa
b. Pagkasuklam
c. Paghihinagpis
d. Pagdadalamhati

4. Ang pagbigkas ng tulang “Elehiya sa Kamatayan ni Kuya” ay


maaaring nangyari sa tahanan o bahay ng makata. Ang
salitang may salungguhit ay napabibilang sa anong elemento
ng elehiya?
a. Tagpuan
b. Mga tauhan
c. Mga simbolo
d. Wikang ginamit

5. Alin sa sumusunod ang katangian ng elehiya?


a. Tulang umiibig, umiirog, nagmamahal
b. Tulang masaya, maligaya, nakagagalak
c. Tulang masalimuot, nagpupuri, pagdakila
d. Tulang panangis, pag-aalala, pagpaparangal

EXTEND (ASSIGNMENT) Magsasaliksik tungkol sa elemento ng elehiyang hindi pa


J. Karagdagang gawain para natalakay. (wikang ginamit, kaugalian o tradisyon, at
sa takdang-aralin at simbolismo)
remediation
K. MGA TALA

VI – PAGNINILAY

A. Bilang ng mag-aaral na B. Bilang ng mag-aaral na C. Nakatulong ba ang remedial? D. Bilang ng mag-aaral na


nakakuha ng 80% sa pagtataya: nangangailangan ng iba pang Bilang ng mag-aaral na magpapatuloy sa remediation:
________ gawain para sa remediation: nakaunawa sa aralin: ______ _________
_______
E. Which of my Teaching strategy/ies worked well? Why did these work?
F. What difficulties did I encounter with my principal or superior can help me solve?

Inihanda ni: Iniwasto ni:

PAUL JUSTINE L. PADERNILLA RAPHY V. ABANG, MAEd, MALT


Nagpakitang-turo Gurong Tagapatnubay
Petsa: Petsa:

You might also like