You are on page 1of 15

Ikalawang Markahan Modyul 1

Unang Linggo

1
PAUNANG SALITA

Para sa Tagapagdaloy:
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pambulikong paaralan upang gabayan ang gurong tagapagdaloy na matulungang makamit ng mag-
aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang
pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan. Naglalayon din itong matulungan ang mag-
aaral upang makamit ang mga kasanayan sa ika-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang
mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano
gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang
hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na
higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka
sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga
makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang mga sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat.
2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
3. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto
ng mga kasagutan.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay
nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na
mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto
at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

2
Alamin Natin

Sa Modyul 1 ay iyong matutunghayan ang mga akdang pampanitikan ng


Silangang Asya. Ang mga aralin ay tutugon sa mga pangangailangan ng mga mag-aaral na
maunawaan ang kultura at pamumuhay hindi lang sa Pilipinas kundi pati na rin sa buong
Asya. Iba’t ibang gawain ang inihanda para sa mga mag-aaral tulad ng pagbabasa at
pagsusuri ng mga akdang pampanitikan at mga gawain sa gramatika at retorika upang
maging interaktibo ang pagtalakay sa mga aralin.
Ang unang modyul ay magsisimula sa:

Modyul 1: Tanka at Haiku ng Japan


A. Panitikan…………………………. Kaligirang Pangkasaysayan ng
Tanka at Haiku
B. Wika at Gramatika…………….... Ponemang Suprasegmental

Pagkatapos ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


●Nasusuri ang tono ng pagbigkas ng napakinggang tanka at haiku
F9PN-IIa-b-45
●Nasusuri ang pagkakaiba at pagkakatulad ng estilo ng pagbuo ng
tanka at haiku F9PB-IIa-b-45
●Nabibigyang kahulugan ang matatalinghagang mahahalagang
salitang ginamit sa tanka at haiku. F9PT-IIa-b-45
●Naisusulat ang payak na tanka at haiku sa tamang anyo at sukat
F9PU-IIa-b-47
●Nagagamit ang suprasegmental na antala/hinto, diin at tono sa
pagbigkas ng tanka at haiku. F9WG-IIa-b-47

Subukin Natin

Pangkalahatang Panuto
1. Isulat ang titik ng napili mong sagot sa iyong sagutang papel
2. Bahgi ng pagsusulit ang pagsunod sa panuto.

1. Ito ay ang lakas, bigat o bahagyang pagtaas ng tinig sa pagbigkas ng isang pantig sa
salita.
A. antala B. diin C. ponemang segmental D. tono
2. Bahagyang pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensaheng ibig
ipahatid sa kausap. Maaaring gumamit ng simbolo kuwit (,), dalawang guhit na pahilis (//)
o gitling (-).
A. antala B. diin C. ponemang segmental D. tono
3. Ang pagtaas at pagbaba ng tinig na maaaring makapagpasigla, makapagpahayag ng
iba’t ibang damdamin, makapagbigay-kahulugan at makapagpahina ng usapan upang
higit na maging mabisa ang ating pakikipag-usap sa kapwa.
A. antala B. diin C. ponemang segmental D. tono

3
4. Ang tanka na may pamagat na “Katapusan ng Aking Paglalakbay“ ni Oshikochi Mitsune
ay isinalin sa Filipino ni _________.
A. M.O. Jocson C Vilma C. Ambat
B. Gonzalo K. Flores D. Gonzalo K. Flores
5. Anyo ng tula na binubuo lamang ng tatlong taludtod 5-7-5.
A. Ambahan B. Haiku C. Tanka D. Tanaga
6. Maikling tulang sumilang sa bansang Japan.
A. Ambahan B. Sonnet C. Tanka at Haiku D. Tanaga
7. Ito ay makahulugang tunog. Sa paggamit nito ay malinaw na naipahahayag ang
damdamin, saloobin at kaisipang nais ipahayag ng nagsasalita.
A. morponemiko B.semantika C. ponemang segmental D. morpema
8. Ang pinakalumang koleksyon ng tulang Hapon.
A. kariktan B. Hirujie C. Manyoshu D. Tanka
9. Ito ay ponemikong karakter na ang ibig sabihin ay “hiram na mga pangalan”.
A. Aristocrats B. Kana C. Kiru D. Manyoshu
10. Ang tawag dito sa Ingles ay cutting. Ito rin ay kahawig ng sesura sa ating panulaan.
A. Aristocrats B. Kana C. Kireji D. Kiru
11. Ito ang panahon kung kailan nalikha ang tanka.
A. ika -7 siglo B. ika -8 siglo C. ika -9 siglo D. ika -10 siglo
12. Ang Tanka ni Ki no Tomonori ay isinalin sa Filipino ni ______________.
A. M.O. Jocson C. Vilma C. Ambat
B. Gonzalo K. Flores D. Gonzalo K. Flores
13. Ito ay halimbawa ng Ponemang Suprasegmental na nangangahulugang sa susunod na
araw.
A. bu.kas B. bukas C. buk.as D. buka.s
14. Ito ay halimbawa ng ponemang suprasegmental nangangahulugang pagkalalang sa tao,
hayop o halaman (life).
A. BUhay B. bUHAy C. buHAY D. BUHay
15. Ito ay halimbawa ng ponemang suprasegmental na nangangahulugang nakahihigit o
nangunguna.
A. la:MANG B. LAM:ang C. LA:mang D. lam:ANG

Modyul 1 TANKA AT HAIKU NG JAPAN


A. Panitikan: Tanka at Haiku ng Japan
Kaligirang Pangkasaysayan ng Tanka at Haiku
Estilo ng Pagkakasulat ng Tanka at Haiku
B. Wika / Gramatika: Ponemang Suprasegmental

Balikan Natin
Alamin natin ang iyong kaalaman tungkol sa mga araling nakapaloob sa mga
bansang iyong tutukuyin gamit ang kanilang sagisag watawat. Iyong ipapaliwanag kung

4
gaano kabisa ang mga akdang pampanitikan sa Silangang Asya sa pagpapakilala ng kultura
at kaugalian ng mga bansa nito.

PANUTO: Isulat sa hanay B ang bansa at kabisera ng watawat na nasa hanay A at isulat
naman sa hanay C kung ano ang pagkakakilanlan o tatak ng bansang ito.

Mga larawan mula sa http://photopin.com/free-photos/asian-flag


Sa huling watawat na iyong nahulaan, dito magmumula ang akdang
tatalakayin natin para sa unang aralin. Isa sa dapat nating malaman sa kaugalian ng mga
Hapon, sila ay minimalist na mga tao. Kung ano lamang ang mahalaga at esensyal para sa
kanila, ito ang kanilang gagamitin o bibilhin. Mamamasid mo ito sa kanilang mga tahanan
ang pagiging simple at walang gaanong palamuti gaya ng nasa larawan.

Ang mga larawan ay hinango sa http://photopin.com/free-photos/japanese-living-room


Ano nga ba ang kaugnayan nito sa akdang ating pag-aaralan? Ating alamin.

Tuklasin Natin
Hanapin ang mga sumusunod na salita na may malaking kinalaman sa akda
na ating pag-uusapan. Malalaman natin kung gaano kalinaw ang iyong mga mata. Kaya’t
magsimula na tayo.

JAPAN
TULA
TANKA
HAIKU
KIMONO

5
Gabay na Tanong:
1. Madali mo bang nahanap ang mga sumusunod na salita na may malaking kinalaman
sa akda na ating tatalakayin? ____________________________________________
2. Sa iyong palagay nararapat ba nating kilalanin o pag aralan ang mga panitikan ng
Hapon? Bakit? _______________________________________________________

Talakayin Natin
Handa ka na bang madagdagan ang iyong kaalaman sa kaligirang
pangkasaysayan ng tanka at haiku? Kung handa ka na ay simulan na natin.

KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG TANKA AT HAIKU


Isinalin Sa Filipino ni M.O. Jocson

Ang tanka at haiku ay ilang anyo ng tula na pinahahalagahan ng


panitikang Hapon. Ginawa ang tanka noong ikawalong siglo at ang haiku noong ika-15
siglo. Sa mga tulang ito layong pagsama-samahin ang mga ideya at imahe sa
pamamagitan ng kakaunting salita lamang.
Ang pinakaunang tanka ay kasama sa kalipunan ng mga tula na tinawag na
Manyoshu o Collection of Ten Thousand Leaves. Antolohiya ito na naglalaman ng iba’t
ibang anyo ng tula na karaniwang ipinahahayag at inaawit ng nakararami.
Sa panahong lumabas ang Manyoshu, kumawala sa makapangyarihang
impluwensiya ng sinaunang panitikang Tsino ang mga manunulat na Hapon.
Ang mga unang makatang Hapon ay sumusulat sa wikang Tsino sapagkat
eksklusibo lamang ang wikang Hapon sa pagsasalita at wala pang sistema ng pagsulat.
Sa pagitan ng ikalima hanggang ikawalong siglo, isang sistema ng pagsulat ng Hapon
ang nilinang na mula sa karakter ng pagsulat sa China upang ilarawan ang tunog ng
Hapon. Tinawag na Kana ang ponemikong karakter na ito na ang ibig sabihin ay “hiram
na mga pangalan.”
Noong panahong nakumpleto na ang Manyoshu, nagsimulang
pahalagahan ng mga makatang Hapon ang wika nila sa pamamagitan ng madamdaming
pagpapahayag. Kung historikal ang pagbabatayan, ipinahahayag ng mga Hapon na ang
Manyoshu ang simula ng panitikan nilang nakasulat na matatawag nilang sariling-sarili
nila.
Maiikling awitin ang ibig sabihin ng tanka na puno ng damdamin. Bawat
tanka ay nagpapahayag ng emosyon o kaisipan. Karaniwang paksa naman ang
pagbabago, pag-iisa, o pag-ibig. Tatlumpu’t isa ang tiyak na bilang ng pantig na may
limang taludtod ang tradisyunal na tanka. Tatlo sa mga taludtod ay may tig-pito bilang ng
pantig samantalang tig-5 pantig naman ang dalawang taludtod. Nagiging daan ang tanka
upang magpahayag ng damdamin sa isa’t isa ang nagmamahalan (lalaki at babae).
Ginagamit din sa paglalaro ng aristocrats ang 94 tanka, kung saan lilikha ng tatlong
taludtod at dudugtungan naman ng ibang tao ng dalawang taludtod upang mabuo ang
isang tanka.
Gaya nga nang naipahayag na sa unang bahagi ng tekstong ito, noong ika-
15 siglo, isinilang ang bagong anyo ng pagbuo ng tula ng mga Hapon. Ang bagong anyo
ng tula ay tinawag na haiku.
Noong panahon ng pananakop ng mga Hapon sa Pilipinas lumaganap
nang lubos ang haiku. Binubuo ng labimpitong pantig na nahahati sa tatlong taludturan.

6
Ang pinakamahalaga sa haiku ay ang pagbigkas ng taludtod na may
wastong antala o paghinto. Kiru ang tawag dito o sa Ingles ay cutting. Ang kiru ay kahawig
ng sesura sa ating panulaan. Ang Kireji naman ang salitang paghihintuan o cutting word.
Ito ay kadalasang matatagpuan sa dulo ng isa sa huling tatlong parirala ng bawat berso.
Ang kinalalagyan ng salitang pinaghintuan ay maaaring makapagpahiwatig ng saglit na
paghinto sa daloy ng kaisipan upang makapagbigay-daan na mapag-isipan ang
kaugnayan ng naunang berso sa sinundang berso. Maaari din namang makapagbigay
daan ito sa marangal na pagwawakas.
Ang mga salita na ginagamit ay maaaring sagisag ng isang kaisipan.
Halimbawa ang salitang kawazu ay “palaka” na nagpapahiwatig ng tagsibol. Ang shigure
naman ay “unang ulan sa pagsisimula ng taglamig.” Mahalagang maunawaan ng babasa
ng haiku at tanka ang kultura at paniniwala ng mga Hapon upang lubos na mahalaw ang
mensaheng nakapaloob sa tula.
Estilo ng pagkakasulat ng Tanka at Haiku parehong anyo ng tula ang tanka
at haiku ng mga Hapon. Maiikling awitin ang tanka na binubuo ng tatlumpu’t isang pantig
na may limang taludtod. Karaniwang hati ng pantig sa mga taludtod ay: 7-7-7-5-5, 5-7-5-7-
7 o maaaring magkapalit-palit din na ang kabuuan ng pantig ay tatlumpu’t isang pantig pa
rin. Samantala, ang haiku ay mas pinaikli pa sa tanka. May labimpitong bilang ang pantig
na may tatlong taludtod. Maaaring ang hati ng pantig sa mga taludtod ay: 5-7-5 o
maaaring magkapalit-palit din na ang kabuuan ng pantig ay labimpito pa rin. Karaniwang
paksa ng tanka ay pagbabago, pag-ibig, at pag-iisa. Ang paksang ginagamit naman sa
haiku ay tungkol sa kalikasan at pag-ibig. Parehong nagpapahayag ng masidhing
damdamin ang tanka at haiku.
Narito ang mga halimbawa ng tanka at haiku na mula sa Wikang Nihongo
ay isinalin naman sa Ingles at Filipino.
Impormasyon mula sa https://dokumen.tips/education/kaligirang-pangkasaysayan-ng-tanka-at-haiku.html

HAIKU NI BASHŌ
Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat
HAPON INGLES FILIPINO
ha-tsu shi-gu-re An old silent pond... Matandang sapa
sa-ru mo ko-mi-no wo A frog jumps into the pond, Ang palaka’y tumalon
ho-shi-ge na-ri splash! Silence again Lumalagaslas
Akda mula sa Panitikang Asyano 9

TANKA NI KI NO TOMONORI
Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat
HAPON INGLES FILIPINO
Hi-sa-ka-ta no This perfectly still Payapa at tahimik
Hi-ka-ri no-do-ke-ki Spring day bathed in soft light Ang araw ng tagsibol
Ha-ru no hi ri From the spread-out sky Maaliwalas
Shi-zu ko-ko-ro na-ku Why do the cherry blossoms Bakit ang Cherry
Ha-na no chi-ru-ra-mu So restlessly scatter down? Blossoms
Naging mabuway.
Akda mula sa https://dokumen.tips/education/kaligirang-pangkasaysayan-ng-tanka-at-haiku.html

Gabay na Tanong
1. Paano pinahahalagahan ng mga taga-Japan ang kanilang kultura at tradisyon sa
pamamagitan ng ilang akdang pampanitikan?

7
2. Pinagmamalaki mo bang ikaw ay Pilipino? Sa anong paraan?
3. Paano mo pinapahalagahan ang ating kultura at tradisyon? Ipaliwanag
4. Ano ang pagkakaiba at pagkakatulad ng kultura natin at kultura ng mga Hapon?
GAWAIN 1: Suriin Mo
Basahin ang tanka at haiku na nasa loob ng kahon. Pansinin ang pagkakaiba
ng dalawang tula na iyong nakikita.
TANKA HAIKU
Katapusan ng Aking Paglalakbay Tutubi
ni Oshikochi Mitsune ni Gonzalo K. Flores
Isinalin sa Filipino ni M.O. Jocson

Napakalayo pa nga Hila mo’y tabak


Wakas ng paglalakbay Ang bulaklak nanginig
Sa ilalim ng puno Sa paglapit mo.
Tag-init noon Gulo ang isip.

Akda mula sa https://www.academia.edu/8412775/Filipino_Learner_s_Module_Grade_9

PAMAGAT PAKSA PAKSA MENSAHE


Katapusan ng Aking ________________________ _________________________
Paglalakbay ________________________ _________________________

Tutubi ________________________ _________________________


________________________ _________________________

Alam mo ba na kung may tanka at haiku ang Japan, tayo naman sa Pilipinas ay may
tanaga. Ito ay isang uri ng sinaunang tula ng mga Pilipino na may layong linangin ang
lalim ng pagpapahayag ng kaisipan at masining na paggamit ng antas ng wika. Binubuo
ng apat na taludtod na may pituhing pantig.
Impormasyon mula sa https://www.academia.edu/8412775/Filipino_Learner_s_Module_Grade_9

GAWAIN 2: Alin, Alin ang Naiba?


Gamit ang Venn diagram, paghambingin mo mula sa binasang Tanka at
Haiku. isa-isahin ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mga ito batay sa kayarian.

HAIKU TANKA
ni Natsume Soseki Isinalin sa Filipino Hindi Ko Masabi ni Ki Tsurayuki
ni Vilma C. Ambat Isinalin sa Filipino ni M.O. Jocson

Sa kagubatan Hangi’y Hindi ko masasabi


umaalulong Iniisip mo
Walang matangay O aking kaibigan
Sa dating lugar
Bakas pa ang ligaya
Akda mula sa https://www.academia.edu/8412775/Filipino_Learner_s_Module_Grade_9
8
HAIKU TANKA

PAGKAKATULAD

GAWAIN 3: Paglinang ng Talasalitaan


Ibigay ang pahiwatig na kahulugan ng sumusunod na pahayag. Punan ng titik
ang kahon upang mabuo ang kahulugan nito. Pagkatapos, gamitin ito sa pagbuo ng
makabuluhang pangungusap. Gayahin ang pormat sa papel.

1. Wakas ng Paglalakbay.
k p

2. Ang malakas at mahabang tila


malungkot na tunog na ginagawa ng aso.
u u

3. Tawag sa lamang dagat na mayroong


matigas na takip na nagbibigay proteksyon dito.
k

4. Tinatawag na “baga” na kung saan ang kahoy


ay natapos ng mag-apoy at narating na ang a p a t
pinakamainit na estado nito.

5. Tinatawag na “joy” sa wikang Ingles. l

GAWAIN 4: Watch Mo ‘To


Para matiyak ang paraan ng pagbigkas ng Tanka at Haiku puntahan ang link
upang mapanuod at mapakinggan ang koleksyon ng pagbigkas ng Tanka at Haiku sa
https://www.youtube.com/watch?v=MBxCU0abDTs. Matapos ito ay sagutan ang mga gabay
na tanong at talahanayan. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

ELEMENTO TANKA HAIKU


PAGPAPAHAYAG

PAKSA

9
Gabay na Tanong:
1. Sa iyong palagay naipapakita ba sa mga akda ang kulturang ng kanilang bansa?
Ipaliwanag. ________________________________________________________
2. Sang-ayon ka ba bagaman maiksi lamang ang mga tula tinalakay ay naipaabot
nito ang mensaheng nais ipaunawa sa mambabasa? Ipaliwanag ______________

Pagyamanin Natin
Ano nga ba ang ponemang suprasegmental? Ito ay mahalaga upang
makatulong sa iyo sa wastong pagbigkas ng mga salita. Nakatutulong din ito upang maging
malinaw ang pagpapahayag ng damdamin at mensaheng nais ipabatid sa kausap.
PONEMANG SUPRASEGMENTAL
Ang ponemang suprasegmental ay makahulugang tunog. Sa paggamit nito ay malinaw na
naipahahayag ang damdamin, saloobin at kaisipang nais ipahayag ng nagsasalita. Sa
pakikipagtalastasan, matutukoy natin ang kahulugan, layunin o intensyon ng pahayag o ng
nagsasalita sa pamamagitan ng diin, tono o intonasyon at antala o hinto sa pagbibigkas at
pagsasalita.
1. DIIN
⮚ Ang lakas, bigat, o bahagyang pagtaas ng tinig sa pagbigkas ng isang pantig sa salita.
Ang diin ay isang ponema sapagkat sa mga salitang may iisang tunog o baybay, ang
pagbabago ng diin ay nakapagpapabago ng kahulugan nito. Maaaring gamitin sa
pagkilala ng pantig na may diin ang malaking titik.
HALIMBAWA:
● bu.kas - nangangahulugang susunod na araw
● bukas - hindi sarado
● magsasa.ka - magbubukid
● magsa.saka -magtatanim
● /asoh/ - usok
● /a:soh/ - isang uri ng hayop
2. TONO / INTONASYON
⮚ Ang pagtaas at pagbaba ng tinig na maaaring makapagpasigla, makapagpahayag ng
iba’t ibang damdamin, makapagbigay-kahulugan, at makapagpahina ng usapan
upang higit na maging mabisa ang ating pakikipag-usap sa kapuwa.
⮚ Nagpalilinaw ito ng mensahe o intensyong nais ipabatid sa kausap tulad ng pag-awit.
Sa pagsasalita ay may mababa, katamtaman, at mataas na tono. Maaaring gamitin
ang bilang 1 sa mababa, bilang 2 sa katamtaman at bilang 3 sa mataas.
HALIMBAWA:
● kahapon = 213, pag-aalinlangan
● kahapon = 231, pagpapatibay, pagpapahayag
● talaga = 213, pag-aalinlangan
● talaga = 231, pagpapatibay, pagpapahayag
3. ANTALA/HINTO
⮚ Ito ang bahagyang pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging malinaw ang
mensaheng ibig ipahatid sa kausap. Maaaring gumamit ng simbolo kuwit ( , ),
dalawang guhit na pahilis (//) , o gitling ( - ).
HALIMBAWA:
● Hindi // ako si Kim.
⮚ Pagbigkas ito na ang hinto ay pagkatapos ng HINDI.

10
Nagbibigay ito ng kahulugan na ang nagsasalita ay
nagsasabing siya si Kim na maaaring siya’y napagkamalan
lamang na si Arvyl.

● Hindi ako, si Kim.


⮚ Pagbigkas ito na ang hinto ay nasa AKO. Pagpapahiwatig ito
na ang kausap ay maaaring napagbintangan ng isang bagay
na hindi ginawa. Kaya sinasabi niyang hindi siya ang gumawa
kundi si Kim.

● Hindi ako si Kim.


⮚ Pagbigkas ito na nasa hulihan ang hinto. Nagpapahayag ito
na ang nagsasalita ay nagsasabing hindi siya si Kim.

Impormasyon mula sa https://filipino101-blog.tumblr.com/post/71637256265/ponemang-suprasegmental

GAWAIN 5: Tukuyin Mo
Panuto: Bigkasin at isulat ang kahulugan ng mga pares ng salita na pareho ang baybay
subalit magkaiba ang bigkas.
Hal. /BU.kas/ - susunod na araw /bu.KAS/ - hindi sarado
1. / SA:ka/ /sa:KA/
2. /BU:hay/- /bu:HAY/-
3. /BAta/ - /baTA/-
4. /TA:la/ - /ta:LA/ -
5. /BAga/ /baGA/-

GAWAIN 6: Anong Say Mo?


Panuto: Tukuyin ang wastong tono ng bawat pahayag batay sa layunin nito. Maaaring
gamitin ang bilang 1 sa mababa, bilang 2 sa katamtaman, at bilang 3 sa mataas.
1. A. kanina _______________ pag-aalinlangan
B. kanina _______________ pagpapatibay, pagpapahayag
2. A. mayaman _______________ pagtatanong
B. mayaman _______________ pagpapahayag
3. A. magaling _______________ pagpupuri
B. magaling _______________ pag-aalinlangan
4. A. kumusta _______________ pagtatanong na masaya
B. kumusta _______________ pag-aalala
5. A. Ayaw mo _______________ paghamon
B. Ayaw mo _______________ pagtatanong
GAWAIN 7: Anong Meaning ‘Yan?
Basahin ang mga pangungusap at ibigay ang kahulugan ng mga ito. Ilapat
ang ang kahulugan ng mga ito. Ilapat ang natutuhan sa paggamit ng hinto at antala sa
pagbigkas at pagpapakahulugan sa mensaheng nais iparating sa kausap.
1. Hindi si Coco ang sumulat sa akin. _______________________________________
2. Koby, Matthew, Mark ang tatay ko. _______________________________________
3. Hindi siya ang kaibigan ko. _____________________________________________
4. Hindi, ako ang gumawa niyan. ___________________________________________
11
5. Hindi si Ivana, si Mona ang nagbigay ng regalo.______________________________

GAWAIN 8: Bigkasin Mo!


Bigkasin nang maayos na may wastong antala, diin at tono ang tanka at haiku
nasa ibaba. Isulat sa blangkong espasyo ang ginawang paraan ng pagbigkas sa tula gamit
ang mga ponemang suprasegmental.

Tandaan Natin

Para sa bahaging ito, punan ang mga linya ayon sa hinihingi nito. Ito ay titiyak
sa iyong mga natutuhan para sa modyul na ito. Maging tapat sa iyong mga kasagutan.
● Sa aralin na ito tumatak sa isip ko na___________________________________
● Marunong na din akong gumawa ng Tanka at Haiku. Sa paggawa nito dapat
mong tatandaan na________________________________________________
● Marami din akong natutunan tungkol sa ________________________________
● Nalaman ko din na ________________________________________________

Isabuhay Natin
Ngayong natutuhan mo ang pagkakaiba ng tanka at haiku sa iba pang uri ng
tula tulad ng tanaga. Gayundin ang gamit ng ponemang suprasegmental sa pagbigkas ng
tula. May hamon muling ibibigay sa iyo. Ito ay ang pagsulat ng tula. Basahing mabuti ang
hakbang na dapat mong sundin sa iyong gagawing pagsulat.
Bago matapos ang araling ito, kinakailangan na ikaw ay:
1. Sumulat ng payak na tanka at haiku na may tamang anyo at sukat.
2. Tiyakin na ang paksa na iyong gagamitin sa tanka at haiku ay tutugon sa mga
paksa ng isang tunay na tanka at haiku.
3. Isusulat mo itong muli na naglalagay ng mga bantas ng ponemang suprasegmental
na natutunan mo.
4. Gamiting gabay ang pamantayan sa pagmamarka para sa awput na ibibigay ng
iyong guro.

12
Tayahin Natin

Pangkalahatang Panuto
1. Isulat ang titik ng napili mong sagot sa iyong sagutang papel.
2. Bahagi ng pagsusulit ang pagsunod sa panuto.

1. Ano ang layon ng Tanka at Haiku?


A. Hiwa hiwalayin ang mga ideya at imahe sa pamamagitan ng kakaunting salita
B. Pagsamasamahin ang mga ideya at imahe sa pamamagitan ng kakaunting salita
C. Aliwin ang mambabasa ng mga mahabang tula
D. Magbigay ng pangaral sa tao sa pamamagitan ng pagsulat ng maikling kwento.
2. Ginamit sa paglalaro ng mga Aristocrat.
A. Ambahan B. Haiku C. Tanaga D. Tanka
3. Ang kawazu o “palaka” ay nagpapahiwatig ng ___________.
A. ingay B. kaligtasan C. sakuna D. tagsibol
4. Kailan ginawa ang Tanka?
A. ika -7 siglo B. ika -8 siglo C. ika -9 siglo D. ika -10 siglo
5. Kailan ginawa ang haiku?
A. ika - 13 siglo B. ika - 14 siglo C. ika - 15 siglo D. ika - 16 siglo
6. Ang Manyoshu ay kilala rin bilang _______________?
A. Collection of dalmatians C. Collection of dreams
B. Collection of ten thousand leaves D. Collection of ten thousand lives
7. Ito ay halimbawa ng Ponemang Suprasegmental na nangangahulugang isang uri ng
hayop.
A. /aso:h/ B. /a:soh/ C. /asoh/ D. /asoh/
8. Ito ay halimbawa ng Ponemang Suprasegmental na nangangahulugang bahagi ng
katawan ng tao.
A. BAGa B. baGA C. bAGA D. BAga
9. Nagpalilinaw ito ng mensahe o intensyong nais ipabatid sa kausap tulad ng pag-awit.
A. antala B. diin C. ponemang segmental D. tono
10. Ito ay naglalaman ng iba’t ibang anyo ng tula na karaniwang ipinahahayag at inaawit ng
nakararami.
A. antolohiya B. diin C. Manshura D. ponemang segmental
11. Ang ibig sabihin nito ay “unang ulan sa pagsisimula ng taglamig”.
A. antolohiya B. diin C. figure D.shigure
12. Tulang binubuo ng apat na taludtod na may pituhing pantig.
A. ambahan B. Haiku C. Tanaga D. Tanka
13. Kung ang 1 sa mababa, bilang 2 sa katamtaman at bilang 3 sa mataas. Ano ang tamang
tono sa salitang kahapon na nangangahulugan ng pagpapatibay o pagpapahayag?
A. 123 B. 321 C. 231 D. 132
14. Kung ang 1 sa mababa, bilang 2 sa katamtaman at bilang 3 sa mataas. Ano ang tamang
tono sa salitang talaga na nangangahulugan ng pag-aalinlangan?
A. 213 B. 321 C. 231 D. 312
15. Pagpapahiwatig ito na ang kausap ay maaaring napagbintangan ng isang bagay na hindi
ginawa. Kaya sinasabi niyang hindi siya ang gumawa kundi si Kim.
A. Hindi, ako si Kim. C. Hindi ako si, Kim.
B. Hindi, ako, si Kim. D. Hindi ako, si Kim.

13
Gawin natin
Para masubok ang iyong galing, ikaw ay inaatasan na lumikha ng collage na
magpapalutang ng iyong natutuhan sa modyul na ito. Ilagay sa isang short bond paper ang
collage na iyong malilikha. Maaari ding kunan ng larawan ay iyong nalikha at ipasa sa
messenger ng guro. Ibibigay ng iyong guro ang pamantayan sa pagmamarka ng gawaing
ito.

Repleksiyon ng Natutuhan
Panuto: Isulat ang sarili mong “Pagkatutong Repleksyon” batay sa Tanka at Haiku ng
Japan. Iguhit ang hugis na iyong nadama sa mga sumusunod na pahayag sa
pagsasagawa ng modyul na ito. Magaling Ka, Kaya Mo ‘Yan!

Madali Katamtaman Mahirap

_______1. Natutunan ko ang mga bagay tungkol sa pagkakaiba at pagkakatulad ng


estilo ng pagbuo ng tanka at haiku.
_______2. Nasusuri ang pagkakaiba at pagkakatulad ng estilo ng pagbuo ng tanka at
haiku.
_______3. Nabibigyang kahulugan ang matatalingha-gang mahahalagang salitang
ginamit sa tanka at haiku.
_______4. Naisusulat ang payak na tanka at haiku sa tamang anyo at sukat.
_______5. Nagagamit ang suprasegmental na antala/hinto, diin at tono sa pagbigkas
ng tanka at haiku.
SANGGUNIAN
http://guroako.com/2017/08/31/grade-6-k-12-learners-materials-lm-filipino/.May 9, 2020.
http://photopin.com/free-photos/asian-flag.June 24, 2020.
https://brainly.ph/question/884123.May 15, 2020.
https://dokumen.tips/education/kaligirang-pangkasaysayan-ng-tanka-at-haiku.html.May 8,
2020.
https://filipino101-blog.tumblr.com/post/71637256265/ponemang-suprasegmental.May 9,
2020.
https://quizlet.com/359219262/test.May 12, 2020.
https://rexinteractive.com/UserFiles/IM/Pointers-Filipino-
/Supplemental%20Filipino%20High%20School%20Grade%209%202nd%20Q.pdf May 8,
2020.
https://www.academia.edu/8412775/Filipino_Learner_s_Module_Grade_9.June 25, 2020.
https://www.vectorstock.com/royalty-free-vector/editable-asia-map-with-all-countries-vector-
9742901.June 24, 2020.
Peralta, Romulo N., Lajarca, Donabel C., Cariño, Eric O., Lugtu, Ma.Aurora C., Tabora,
Marygrace A., Trinidad, Jocelyn C., Molina, Shiela C., Carpio, Lucelma O., Rivera, Julieta
U. & Ambat, Vilma C. 2014. Panitikang Asyano 9 Modyul ng Mag-aaral sa Filipino. Pasig
City: Vibal Group, Inc.
14
EXECUTIVE COMMITTEE FOR HYBRID MODULE

Chairperson: DR. MARGARITO B. MATERUM, SDS


Vice –Chairperson: DR. GEORGE P. TIZON-SGOD-Chief
DR. ELLERY G. QUINTIA-CID-Chief

Ex-Officio Members: EDUCATION PROGRAM SUPERVISORS


TAGUIG SECONDARY SCHOOL PRINCIPALS
DR DAISY L. MATAAC, EPS – LRMS/ALS
Secretariat: QUINN NORMAN O. ARREZA
Team Leader/Facilitator: DR. MELEDA H. POLITA
School Head In-Charge: DR. REA MILANA-CRUZ, PRINCIPAL IV
Writer: REZEL B. ARAGON
Editors: ROSYL V. ANOOS
MARITA LACANLALE
Content Evaluator/Language Evaluators: MIRIAM C. MABASA
CLARISSA R. SENOSA
Reviewer: DR. JENNIFER G. RAMA, EPS-FILIPINO
Illustrator/Layout Artist: ROSYL V. ANOOS
MARITA LACANLALE
CLARISSA R. SENOSA
Content Validator: JESUSA M. GONZALES
Format and Language Validator: PRIVATE INTERNATIONAL SCHOOLS
REPRESENTATIVES

For inquiries, please write or call:

Schools Division of Taguig City and Pateros Upper Bicutan Taguig City

Telefax: 8384251

Email Address: sdo.tapat@deped.gov.ph

15

You might also like