You are on page 1of 29

9

Filipino
Unang Markahan - Modyul 3
Pikit-mata sa Pandemya (Tula)
F9PN-Ie-41

N
AA

I
IL
AL
AH

IB
M

B
PA
AG
G
IN

N
AR

PI
-A

II
G
PA

D
IN
H
Filipino– Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Pikit-mata sa Pandemya ( Tula )
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga
may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Kalihim : Leonor Magtolis Briones


Pangalawang Kalihim : Diosdado M. San Antonio

Bumubuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat : Abigail B. Pinoy


Editor : Estrelita P. Sali
Tagasuri : Gemma A. Mata
Tagaguhit : Alberto B. Cruz Jr.
Tagalapat : Alberto B. Cruz Jr.

Tagapamahala: Gregorio C. Quinto, Jr., EdD


Chief, Curriculum Implementation Division

Rainelda M. Blanco, PhD


Education Program Supervisor - LRMDS

Agnes R. Bernardo, PhD


EPS-Division ADM Coordinator

Anastacia N. Victorino, EdD


EPS – Filipino

Glenda S. Constantino
Project Development Officer II

Joannarie C. Garcia
Librarian II

Department of Education, Schools Division of Bulacan


Curriculum Implementation Division
Learning Resource Management and Development System (LRMDS)
Capitol Compound, Guinhawa St., City of Malolos, Bulacan
Email address: lrmdsbulacan@deped.gov.ph
9

Filipino
Unang Markhan - Modyul 3
Pikit-mata sa Pandemya (Tula)
F9PN-Ie-41
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul


para sa araling Pikit-mata sa Pandemya ( Tula ).

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang
kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang


pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa
pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro

Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o


estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano
gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang
hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa
iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing
nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa


Pikit-mata sa Pandemya ( Tula ).

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa pamamagitan ng


ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at magsakatuparan ng gawain. Ang kamay
sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang
matutuhan ang mga kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong
tagumpay ay nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan
ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng
mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

1
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat


mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na


ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung
nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging ito ng
modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala


sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin,
gawain o isang sitwasyon.
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan
kang maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang


pagsasanay upang mapagtibay ang iyong
Pagyamanin pang-unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari
mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay
gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi
ng modyul.

Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan


ang patlang ng pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan mo mula sa
aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa
iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.
Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat
ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


Karagdagang Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

2
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng
Susi sa Pagwawasto mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o


Sanggunian
paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o
sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.

2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.

3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.

4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa


pagwawasto ng mga kasagutan.

5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.

6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin
lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng
tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga
kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka
nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang


pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga
kompetensi. Kaya mo ito!

3
Alamin

Ang Aralin 1.5 ay tatalakay sa isang tulang Pilipino na pumapaksa sa pananalig sa


Poong Maykapal sa gitna ng problemang kinahaharap ng ating bansa hinggil sa pan-
demya. Masusing inihanay rito ang ilang kaugnay na aralin para sa higit mo pang pagkatu-
to habang ang mga gawaing nakapaloob ay binuo naman ayon sa iyong kakayahan at
kasanayan.

Mababasa sa araling ito ang mga sumusunod:

 Pikit-mata sa Pandemya ni Julieta B. Del Rosario


 Kahulugan at Elemento ng Tula

Inaasahang sa pagtatapos ng aralin ay malilinang sa iyo ang mga sumusunod:

 Naiuugnay ang sariling damdamin sa damdaming inihayag sa napakinggang tula.


(F9PN-le-41)

 Nailalahad ang sariling pananaw ng paksa sa mga tulang Asyano. (F9PB-le-41)

 Natutukoy at naipaliliwanag ang magkakasingkahulugang pahayag sa ilang


taludturan. (F9PT-le-41)

 Naisusulat ang ilang taludtod tungkol sa pagpapahalaga sa pagiging mamamayan ng


rehiyong Asya. (F9PU-le-43)

4
Subukin

Paunang Pagtataya

Piliin ang letra ng tamang kasagutan. Isulat ito sa inihandang sagutang papel.
1. Ito’y isang anyo ng sining o panitikan na naglalayong maipahayag ang damdamin
sa malayang pagsusulat. Binubuo ito ng mga saknong at taludtod.
a. sanaysay c. tula
b. dula d. maikling kuwento
2. Ang tulang naglalarawan ng pagpapahalaga o pagkamuhi ng makata sa isang pook
o pangyayari ay tinatawag na tulang _______.
a. mapang-uroy c. mapaglarawan
b. mapang-aliw d. mapangpanuto
3. Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod.
a. sukat c. tugma
b. talinghaga d. saknong
4. Ito ay binubuo ng apat o higit pang mga taludtod.
a. sukat c. tugma
b. talinghaga d. saknong
5. Magkakaparehong tunog sa huling pantig ng salita sa dulo ng bawat taludtod.
a. sukat c. tugma
b. talinghaga d. saknong
6. Ito ay tawag sa mga linya na bumubuo sa saknong ng isang tula.
a. kariktan c. tugma
b. talinghaga d. taludtod
7. Ito’y di-malilimutang impresyong nakikintal sa isipan ng mambabasa.
a. kariktan c. tugma
b. talinghaga d. taludtod

5
8. Ito’y ang nakatagong kahulugan ng salita o pahayag.
a. kariktan c. tugma
b. talinghaga d. taludtod
Para sa bilang 9– 12
Inaabangan ko doon sa Kanluran,
Ang huling silahis ng katag-arawan,
Iginuguhit ko ang iyong pangalan,
Sa pinong buhangin ng dalampasigan.

Aking dinarama sa hanging habagat,


Mga alaala ng halik mo’t yakap,
Sa bahaw na simoy ng pagkakasangkap,
Ay nagdaang samyo ng iyong paglingap.

9. Ilang pantig mayroon sa bawat taludtod ng tula?


a. 8 c. 14
b. 12 d. 16
10. Ilan ang taludtod sa bawat saknong?
a. 1 c. 3
b. 2 d. 4
11. Ilan ang saknong ng tula?
a. 1 c. 3
b. 2 d. 4
12. Anong uri ng tugma mayroon ang tula?
a. ganap c. tugmaan
b. di– Ganap d. di– tugmaan
13. Salitang kasingkahulugan ng marikit.
a. maayos c. maganda
b. maamo d. malusog
14. Kasingkahulugan ng pahayag na nagbabanat ng buto.
a. nagpapatunog ng buto c. nagtatrabaho
b. nagpaayos ng buto d. nag-aayos ng buhay
15. Kasingkahulugan ng pahayag na nag-aagaw-buhay
a. kumukuha ng buhay c. nagnanakaw ng buhay
b. malapit nang mamatay d. malapit nang bumigay

6
Aralin
Pikit-mata sa Pandemya

1.3
ni Julieta B. Del Rosario
(Tula- Plipinas)

Ang ating buhay at kalusugan ay ating kayamanan na dapat pag-


ingatan lalo’t higit sa gitna ng pagsubok na ating pagdaraanan. Sa ganitong
sitwasyon sino ang ating malalapitan?

Balikan

Ang salitang pandemya ay mula sa Griyego παν pan (lahat) at δήμος demos (tao)
ay isang epidemya ng nakahahawang sakit na kumakalat sa pamamagitan ng popu-
lasyon sa isang malawak na rehiyon.
Sa babasahin mong tula sa susunod na bahagi nito, siguradong masasalamin mo
ang hirap, takot, at pag-asa sa harap ng isang pandemya.
Ngunit sikapin mo munang balikan sa nakahandang gawain ang mga mahalagang
elemento na dapat taglayin ng isang tula. Humanap at bumuo ng salita na may kaugna-
yan sa elemento ng tula mula sa hanay ng mga titik sa ibaba.

T A B K C D E F G
U A H A S U K A T
G I L R A J K L M
M N O I K P Q R S
A T U K N V W X Y
Z A B T O H C D E
F G H A N I A J K
L M N N G O P G Q
R U V X Y A S U A

7
Tuklasin

Gawain 1. Itapon Mo ‘Yan!

Nasa loob ng isang kahon ang iba’t ibang uri ng sakit. Tukuyin kung ito ba ay
nakahahawa o hindi. Ilagay sa tamang lagayan ang bawat sakit upang atin na itong
tuluyang itapon.

ASTHMA APPENDICITIS BULUTONG SIPON AT UBO

TUBERKULOSIS CANCER STROKE TIGDAS SAKIT SA PUSO

KETONG

DI NAKAHAHAWA NAKAHAHAWA

______ ______
______ ______
______ ______
______ ______
______ ______
Gawain 2. Share Ko Lang!

Gamit ang grapikong representasyon sa ibaba. Ibahagi mo naman ang iyong mga
ginagawa upang mapangalagaan ang iyong sarili at makaiwas sa sakit.

Mga dapat gawin


upang makaiwas
sa sakit

8
Ngayong batid mo na kung ano ang mga paraan para makaiwas sa
sakit, tuklasin mo naman sa ating aralin kung paano dapat pahalagahan
ang ating kalusugan at magkaroon ng pananalig sa Diyos sa gitna ng
problema.

Lunsaran

Pikit-mata sa Pandemya
ni Julieta B. Del Rosario

Psst…Juan madali ka, aabutan ka niya


hoy, Maria…tayo na, paparating na siya;
Coronavirus’ ngalan, pinilit kumawala,
ni wala kang sinino kahit mayamang bansa.
Sa mundo’y nagpasikat, daig mo pa’y artista
kung ‘ika’y pelikula kayrami mong kinita.

Sakit sanhi ng virus, Covid 19 ka ngayon


‘sang uri ng pandemyang panlunas ‘di matukoy;
Bawat laboratoryo sinisikap tumugon
eksperimento rito, eksperimento roon.
Kailan mapupuksa? Pa’no kami susulong
sa epidemyang itong sa ‘Pinas nakituloy?

Lagpas sa sampung milyon, bilang nang may virus


mahigit limang milyon buhay niyang inubos;
Isama pa ang takot sa puso’y gumagapos,
ni walang makabatid kailan ka uulos?
Stay safe and healthy lagi, sa buong mundo’y utos
at tanging magagawa nang buhay wag matapos.

Pikit-matang tinanggap, bagong normal na buhay,


ECQ at GCQ kahit ayaw, nasanay;
Pamilya ay binuo, nalinis kalikasan
tumibay pananalig, tumawag sa Maykapal.
Saradong dalanginan ay lalong nagpatibay
na hindi matitinag ng anumang sagabal.

Ilang buwa’y lumipas, hapag ay nairaos


‘pagkat may gumagabay na maawaing Diyos;
Isa, dalawang taon… tumagal man ang virus
ay mayro’n kang proteksyon na hindi mauupos.
Ang Poon ay sandigan, pag-ibig N’ya’y ‘di kapos
kaya Maria’t Juan, manalig kayong lubos.

Inabot man ng virus, huwag magpikit-mata


bagkus magsama-sama sa kalabang ‘di kita;
Kahit marating niya bawat sulok ng bansa,
paningin ay idilat, talasan yaring diwa.
“Coronavirus ka lang, Diyos aking korona!”
Walang makagagapi kahit anong pandemya.

9
*****
Nagustuhan mo ba ang binasang tula? Tunay na dapat tayong
maging handa at ligtas sa ganitong uri ng pagsubok sa atin. Ang mahalaga
lamang mananatili tayong buo at nagtitiwala sa Lumikha.
*****

Gawain 3 - Paglinang ng Talasalitaan

Hanapin sa hanay B ang kahulugan ng mga salitang nasa hanay A. Isulat


ang sagot sa iyong sagutang papel.

HANAY A HANAY B
___1. pandemya A. nakahahawang sakit na kumakalat sa pa-
___2. lunas mamagitan ng populasyon sa isang mala-
wak na rehiyon
___3. laboratoryo
B. isang pasilidad para mga siyentipiko o
___4. Covid 19 teknolohikal na pananaliksik at eksperi-
___5. eksperimento mento.
C. Virus na nagsimulang lumaganap noong
2019
D. gamot
E. sistematikong pamamaraan upang patuna-
yan, pabulaanan, o pagtibayin ang ka-
wastuhan ng isang palagay
F. kanser

Gawain 4 - Pag-unawa sa Binasa

Sagutin ang mga katanungan ayon sa antas ng iyong pagkaunawa.

1. Tungkol saan ang paksa ng tula?


2. Sino-sino ang apektado nito?
3. Isa– isahin ang negatibo at positibong dulot ng pandemya.
4. Ibigay ang mga payo ng may-akda na binanggit sa tula upang patuloy na sakit ay
malabanan.
5. Magbigay ng mga paraan upang patuloy na maging ligtas sa anumang sakit.

10
Suriin

Ang iyong nabasa ay isang tula na pumapaksa sa kasalukuyang


krisis na pinagdaraanan ng ating bansa. Upang higit ka pang maliwanagan,
narito ang ilan namang mga mahahalagang kaalaman na dapat mong mala-
man sa pagsulat ng tula.

Ang tula ay isang sining na nagpapahayag ng damdamin, karanasan o kaisipan. Ito


ay naglalarawan sa isang partikular na bagay o sitwasyong binibigyang-diin sa pamamagi-
tan ng paggamit ng idyoma, tayutay o malalalim na pahayag.
Sa pagsulat ng isang tula, higit na mapagaganda ito kung gagamitan natin ng
sangkap o elemento ng tula. Ito ay ang sumusunod:

1. Sukat - ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa isang


saknong. Ang pantig ay tumutukoy sa paraan ng pagbasa.
Halimbawa:
I- lang- bu-wa’y- lu-mi-pas, ha-pag -ay -na-i-ra-os ( 14 na pantig)
‘ ‘pag-kat- may- gu-ma-ga-bay- na- ma-a-wa-ing -Di-yos; ( 14 na pantig)
2. Saknong - ito ay grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o maraming linya o ta-
ludtod.
Halimbawa:
Psst…Juan madali ka, aabutan ka niya
hoy, Maria…tayo na, paparating na siya;
Wuhan China nagmula, pinilit kumawala, Unang saknong
ni wala kang sinino kahit mayamang bansa.
Sa mundo’y nagpasikat, daig mo pa’y artista
kung ‘ika’y pelikula kayrami mong kinita.

Sakit sanhi ng virus, Covid 19 ka ngayon


‘sang uri ng pandemyang panlunas ‘di matukoy;
ikalawang saknong
Bawat laboratoryo sinisikap tumugon
eksperimento rito, eksperimento roon.
Kailan mapupuksa? Pa’no kami susulong
sa epidemyang itong sa ‘Pinas nakituloy?

Paalala: Maaaring higit sa dalawang saknong ang tula.


11
3. Tugma - ang tawag sa parehong tunog ng huling pantig sa bawat taludtod
Uri ng Tugma

1. Tugma sa patinig (Ganap) - kapag pare-pareho ang pantig sa loob ng isang


saknong
Halimbawa
Inabot man ng virus, huwag magpikit-mata Pare-pareho ang pantig
bagkus magsama-sama sa kalabang ‘di kita; na ginamit

2. Tugma sa katinig (Di– ganap) - ang mga taludtod ay nagtatapos sa katinig


bagamat may iisang uri ng patinig
a. unang lupon— b, k,d,g,p,s,t
Halimbawa : Malungkot balikan ang taong lumipas
Nang siya sa sinta ay kinapos-palad
b. ikalawang lupon— l,m,n,ng,r,w, y
Halimbawa: tumibay pananalig tumawag sa Maykapal
saradong dalanginan ay lalong nagpatibay
4. Kariktan - Ito ay mga maririkit na salita para mapasaya ang mambabasa at mapukaw
ang damdamin at kawilihan
Halimbawa:
kulang — kapos
magtiwala—manalig

Sa halip na gamitin ang salitang “kulang”, maaring gamitin ang “kapos”


gayon din sa salitang “magtiwala”, maaaring gamitin ang “manalig” para higit
na mapaganda ang tula.

5. Talinghaga - Ito ay tumutukoy sa mga di-tiyak na pagtukoy ng mga bagay na


binabanggit.
Halimbawa:
Inabot man ng virus, huwag magpikit-mata
“Coronavirus ka lang, Diyos aking korona!”

12
Upang mapaganda at mapanatiling tago ang kahulugan ng tula
gumagamit tayo ng mga salitang matalinghaga tulad ng nasa halimbawa,
Sa halip na tuwiran nating sabihin na “huwag magwalambahala” ginamit ang
pahayag na “huwag magpikit-mata”. Samantala, imbes na “Diyos ang aking
kakampi”, ginamit ang “Diyos ang aking corona”.

Pagyamanin

Pagsasanay 1 : Hanapin sa loob ng saknong ang kasingkahulugan ng salitang may


salungguhit at ipaliwanag ito ayon sa pagkakagamit.

Saknong Inabot man ng virus, huwag magpikit-mata


bagkus magsama-sama sa kalabang ‘di kita;
Kahit marating niya bawat sulok ng bansa,
paningin ay idilat, talasan yaring diwa.
“Coronavirus ka lang, Diyos aking korona!”
Walang makagagapi kahit anong pandemya

1. huwag magpikit-mata- ________________________


( kasingkahulugan )

Paliwanag:____________________________________________________

Saknong Pikit-matang tinanggap, bagong normal na buhay,


ECQ at GCQ kahit ayaw nasanay;
Pamilya ay binuo, nalinis kalikasan
tumibay pananalig tumawag sa Maykapal.
Saradong dalanginan ay lalong nagpatibay
na hindi matitinag ng anumang sagabal

2. hindi matitinag- ________________________


( kasingkahulugan )

Paliwanag:____________________________________________________

13
Saknong Lagpas sa sampung milyon, bilang ng may virus
mahigit limang milyon buhay niyang inubos;
Isama pa ang takot sa puso’y gumagapos,
ni walang makabatid kailan ka uulos?
Stay safe and healthy lagi, sa buong mundo’y utos
at tanging magagawa nang buhay wag matapos.

3. hindi matitinag- ________________________


( kasingkahulugan )

Paliwanag:____________________________________________________

Pagsasanay 3 - Ibigay ang iyong pananaw o opinyon tungkol sa lawaran na


pinapaksa sa isang tula.

Sariling pananaw ko :
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
1. Pag-ibig

Sariling pananaw ko :
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
2. Pamilya

Sariling pananaw ko :
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
3. kalikasan
Sariling pananaw ko :
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________

4. kabiguan

Sariling pananaw ko :
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________

5. katagumpayan
14
Pagsasanay 2: Buhat sa binasang tula, punan ang hinihingi sa bawat kahon sa ibaba.

Impormasyong Damdamin o Saloobin/


nakuha sa tula matapos basahin ang tula

Pagsasanay 4 - Sumulat ng isang tula na tungkol sa paksang “Ako Bilang Isang Mama-
mayan, Paano Ko Mapahahalagahan ang Aking Bansa ?”
. Bubuuin ito ng dalawang saknong na may tig-apat na taludtod. Guma-
mit ng tugmang ganap o di –ganap. Siguraduhin ding may taglay
itong kariktan at talinghaga. Isaalang-alang sa pagsulat ang mga su-
musunod na pamantayan:
Kraytirya
A. Orihinalidad -——- 40 %
B. Malinaw na pagkakalahad ng mensahe at impormasyon _____ 30 %
C. Paggamit ng mga elemento ng tula _____ 30 %

15
Isaisip
Gawain: Dugtungan Mo ako!
Isulat ang kaalamang iyong natutuhan sa unang hanay at ang kahalagahan nito sa
ikalawang hanay.

ANO ANG IYONG MGA NATUTUHAN? GAANO ITO KAHALAGA?

Natutuhan ko sa tula na pinamagatang Pikit


-mata sa Pandemya ay
___________________________
Sa pagsulat ng tula dapat isaalang-alang
ang ___________________________
Ang mga elemento ng tula ay binubuo ng
mga __________________________

Isagawa
Sa panahon ng problema na tulad ng pandemyang ating kinahaharap,
lahat ng tao ay nag-aalala. Kung mag-iisip nang maaga, makatutulong ito sa
pagpaplano ng lunas upang hindi tayo gaanong mangamba. Walang tamang
timbang ng pag-aalala. Nagiging problema lamang ito kapag hinayaan mong pigilan
ang normal na pamumuhay ayon sa gusto mo .

Bilang kabataan, ano–ano ang maaari mong gawin para maiwasan ang la-
bis na pag-aalala sa panahon ng mga problema? Isulat sa loob ng kahon ang iyong
mga sagot.

16
Tayahin

Gawain 1 - Tama o Mali


Isulat sa patlang kung tama o mali ang inilalahad ng pahayag.

__________1. Mahalagang matuto tayong pangalagaan ang ating sariling kalusugan.


__________2. Hindi dapat tayo nawawalan ng pananalig sa Lumikha kahit pa sa oras ng
pandemya o anumang pagsubok.
__________3. Karaniwang pinapaksa ng tulang Asyano ang pag-big, kalikasan,
pagkabigo, pamilya at katagumpayan.
_________ 4. Hindi ka dapat nakikiisa sa adhikain at pamamaraan ng gobyeno upang
masugpo ang nakahahawang sakit.
_________ 5. Walang magandang naidulot sa’tin ang pandemya kundi takot at pagamba.

Gawain 2 - Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot.


Pikit-matang tinanggap, bagong normal na buhay,
ECQ at GCQ kahit ayaw nasanay;
Pamilya ay binuo, nalinis kalikasan
tumibay pananalig tumawag sa Maykapal.
Saradong dalanginan ay lalong nagpatibay
na hindi matitinag ng anumang sagabal.

1. Ilang taludtod mayroon ang saknong sa itaas?


a. 3 b. 4 c. 5 d. 6
2. Ilan ang sukat ng bawat taludtod sa saknong ?
a. 6 b. 8 c. 12 d. 14
3. Anong tugmaan mayroon ang saknong?
a. ganap b. di-ganap c. tugmaan d. di-tugmaan
4. Ang saradong dalanginan ay tumutukoy sa _____.
a. simbahan b. pamahalaan c. paaralan d. tahanan
5. Ang saknong ay nagpapahiwatig ng mga _____.
a. negatibong dulot ng pandemya c. positibong dulot ng pandemya
b. problemang kinaharap ng mga tao d.lahat ng nabanggit

17
Gawain 3. Tukuyin ang hinihingi ng mga sumusunod na pahayag. Piilin sa loob ng kahon
ang sagot.

saknong sukat kariktan


talinhaga tugma tula

____________________1. Isang sining na nagpapahayag ng damdamin, karanasan o


kaisipan.
____________________2. Ang tawag sa parehong tunog ng huling pantig sa bawat
taludtod.
____________________3. Ito ay mga maririkit na salita para mapasaya ang mambabasa
at mapukaw ang damdamin at kawilihan.
____________________4. Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na
bumubuo sa isang saknong.
____________________ 5. Ito ay grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o maraming
linya o taludtod.

Karagdagang Gawain

Sumulat ng isang liham sa mga taong nakararanas ng suliraning dulot ng Corona


Virus Pandemic. Palakasin ang kanilang loob sa pagharap sa suliraning ito sa
pamamagitan ng iyong liham na isusulat.

18
19
Tuklasin
Gawain 3: Paglinang ng Talasalitaan
1. A 2. D 3..B 4. C 5. E
Tuklasin Tuklasin
Gawain 2: Shake Ko Lang! Gawain 1: Itapon Mo ‘Yan
1. Kumain ng masusustansyang pagkain.
2. Matulog nang may sapat na oras.
SAKIT NA SAKIT NA DI
3. Palaging maliligo at maglilinis ng katawan. NAKAHAHAWA NAKAHAHAWA
4. Mag-eehersisyo.
5. Maglilinis ng kapaligiran. Bulutong Asthma
6. Magdadasal Tigdas Cancer
7. Maging abala sa kapakipakinabang na Sipon at Ubo Stroke
bagay o gawain Ketong Appendicitis
Tuberkulosis Sakit sa puso
Balikan
Subukin
T A B K C D E F G
U A H A S U K A T 1. C 6. D 11. B
G I L R A J K L M
2. C 7. A 12. A
M N O I K P Q R S
3. A 8. B 13. C
A T U K N V W X Y
4. D 9. B 14. C
Z A B T O H C D E
F G H A N I A J K 5. C 10. D 15. B
L M N N G O P G Q
R U V X Y A S U A
Susi sa Pagwawasto
20
Tuklasin
Gawain 4: Pag-unnawa sa Binasa
4. Ang mga payo ng may-akda ay ang mga sumusunod:
Manalig sa Diyos
Huwag mag pikit –mata
Magsamasama sa paglaban sa sakit (ingatan ang sarili para maingatan din ang iba.)
5. Ang mga paraan na maari nating gawin upang mapangalagaan at maingatan ang ating
sarili ay ang mga sumusunod:
Kumakain ng masusustansyang pagkain.
Natutulog nang may sapat na oras.
Palaging naliligo at naglilinis ng katawan.
Nag-eehersisyo.
Naglilinis ng kapaligiran.
Nagdadasal
Tuklasin
Gawain 4: Pag-unnawa sa Binasa
1. Ang paksa ng tula ay tungkol sa pandemya o sa sakit na Covid 19.
2. Ang apektado nito ay ang lahat ng tao sa buong mundo.
3. Ilan sa mga negatibong dulot ng pandemyang ito ay ang mga sumusunod;
Kawalan ng trabaho
Maraming taong namatay
Pagkalugi ng mga negosyo
Kahirapan ng buhay
Takot at pagamba
Ilan sa mga positibong dulot ng pandemyang ito ay ang mga sumusunod;
Mas maraming oras para sa pamilya
Unti-unting nawawala ang polusyon sa hangin.
Mas nakikilala ang sarili at kapamilya (mga kakayahan o talento)
Nabuhay ang pakikipagkapwa-tao ng mga tao.
Mas nananalig sa Diyos.
21
Pagyamanin
Pagsasanay 2
1. Pag-ibig ang pinakamadali at pinakamadalas paksain ng isang tula sapagkat marami sa atin ang madaling
naka-uugnay sa paksang ito.
2. Kadalasan sa paksang pamilya lumalabas ang wagas na pagmamahal natin sa ating pamilya may himig ng
saya, pagmamalaki at pangarap ang ganitong paksa.
3. Bukod sa pag-ibig, ang kalikasan ang isa sa paboritong paksa ng tula sapagkat madali itong isipan ng mga
akmang salita at madalas na nakikita ng tao kaya naman madali rin nilang naiuugnay ang kanilang sarili.
4. Ang paksa ng tula hindi gaanong sinusulat ng mga makata, marahil siguro likas sa atin ang pagiging positibo
sa lahat ng aspekto ng buhay.
5. Isa sa paksa ng tula na nais sulatin ng manunulat sapagkat nailalabas nila ang kanilang pangarap na may
narrating. Masasalamin din dito ang tunay na kaligayahan at katagumpayan ng isang tao.
(Maaaring iba ang maging sagot ng mga mag-aaral)
Pagyamanin
Pagsasanay 1
1. Paningin ay idilat
Paliwanag: Huwag magbulag-bulagan sa mga nangyayari sa ating bansa o paligid. Maging alisto dapat tayo at
laging handa upang hindi magapi sa panahon na may pandemya.
2. Tumibay pananalig
Paliwanag: Hindi tayo dapat matinag o bumitiw sa ating pananalig dahil ang lahat ng pagsubok na ating
kinahaharap ay siyang nagpapatibay sa atin at sa ating panamalig.
3. uulos
Paliwanang: ang lahat ng bagay ay may simula at may katapusan.
22
Pagyamanin Isagawa
Pagsasanay 4
Bilang isang kabataan, ang aking magagawa
upang maiwasan ang labis na pag-aalala sa
Bansa ay ating tahanan
panahon ng mga problema ay mas itutuon ko ang
dito tayo’y nananahan aking sarili sa mga positibong nagaganap kaysa sa
Ako dito’y napatahan anumang problema. Gagawa rin ako ng mga maka-
Sa unos na pinagdaanan buluhang bagay na di lamang ang aking sarili ang
uunlad bagkus ay makatutulong din sa iba. Pala-
lakasin ko rin ang aking katawan at pananam-
‘ika’y pangangalagaan palataya sa Diyos.
Sa pagkilos ‘di sa salita
Ikauunlad mo nawa
Pagkilos na di mula sa awa.
(maaaring iba ang sagot ng mag-aaral)
Pagyamanin
Pagsasanay 3
1. Ang sakit na Covid 19 ay 1. Marami ang natakot tulad ko kaya naman
nakahahawa at nakatatakot dahil
Isa rin ako sa mga tao na mas piniling sumunod sa
marami ng buhay ang namatay dahil
sinasabi ng gobyerno.
dito.
2. wala pang lunas na nakikita para
dito kahit kabi-kabila ang ginagawang 2. Nakababahala na ang isang sakit ay hindi
eksperimento ng bawat bansa. nalulunasan o wala pang makitang lunas kaya
naman patuloy itong nagdudulot ng takot at
pangamba sa nakararami.
3. Hindi tayo dapat mawalan ng
pag-asa sapagkat may Diyos tayo na
mas malaki at makapangyarihan 3. Sa panahon na wala na tayong pag-asa ‘wag
kaysa sa Covid 19. tayong makalilimot na may Diyos tayo kailanman ay
hindi tumalikod sa atin kaya naman para sa akin isa
itong matibay na panlunas sa takot na mayroon sa
atin.
23
Tayahin Tayahin Tayahin
Gawain 1: Tama o Mali Gawain 2 Gawain 3
1. Tama
2. Tama 1. D 1. Tula
3. Tama 2. D 2. Tugma
4. Mali 3. B 3. Kariktan
5. Mali 4. A 4. Taludtod
5. C 5. Saknong
Isaisip
1. hindi tayo dapat matakot sa anumang uri 1. mahalaga ito sapagkat sa panahon na nawawalan
ng pandemya. Dapat nating alamin kung ano na nang pag-asa ang marami may magmumullat pa
ang mga pwede nating gawin upang lumaban rin ng ating mata na hindi pa tapos ang lahat. Sabi nga
nang tama. Ito ay isang pagsubok lamang na ng iba hangga’t may buhay may pag-asa.
susubok sa ating pananampalataya.
2. mahalagang matutuhan ang elemento upang
makagawa ng wasto at magandang tula .
2. Sa pagsulat ng tula dapat isaalang –alang 3. mahalagang matutuhan ang elemento upang
ang elemento nito. makagawa ng wasto at magandang tula .
3. Ang elemento ng tula ang binubuo ng maaaring iba ang sagot ng mag-aaral)
sukat, saknong, kariktan, talinhaga at tugma.
maaaring iba ang sagot ng mag-aaral)
Sanggunian:

Aklat
Panitikang Asyano Modyul ng Mag-aaral sa Filipino 9

Cruz, Isagani R., at Soledad S. Reyes,1984.Ang ating Panikan. Manila: JMC Express,
Inc.

Intrnet

https://www.slideshare.net/teodosiojohnanthony/tula-elemento-at-uri-nito

24
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education, Schools Division of Bulacan


Curriculum Implementation Division
Learning Resource Management and Development System (LRMDS)
Capitol Compound, Guinhawa St., City of Malolos, Bulacan

Email Address: lrmdsbulacan@deped.gov.ph

You might also like