You are on page 1of 11

PANGALAN:_____________________________________

9
BAITANG/SEKSYON:___________________________
____

FILIPINO
Kwarter III – Linggo 4
Pagsusuri ng Akda
Ayon sa Tunggalian ng Kuwento

CONTEXTUALIZED LEARNING ACTIVITY SHEETS


SCHOOLS DIVISION OF PUERTO PRINCESA CITY
Filipino - Baitang 9
Contextualized Learning Activity Sheets (CLAS)
Kwarter III – Linggo 4: Pagsusuri ng Akda Ayon sa Tunggalian ng Kuwento
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda
kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit sa CLAS na
ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga
ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban
sa CLAS na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot ng Kagawaran.
Inilathala ng Dibisyon ng Lungsod ng Puerto Princesa
Bumuo sa Pagsusulat ng Contextualized Learning Activity Sheet
Manunulat: Solita Bacunga Bacomo
Pangnilalamang Patnugot: Lorna A. Quiatzon
Editor ng Wika: Lorna A. Quiatzon
Tagawasto: Luis R. Mationg
Tagasuri: Luis R. Mationg Ligaya A. Miraflor, Lodevics E. Taladtad at
Mary Jane D. Altes

Tagaguhit: Kim A. Teologia


Tagalapat: Jastine F. Abacial
Tagapamahala:
Servillano A. Arzaga, CESO V, SDS
Loida P. Adornado PhD, ASDS
Cyril C. Serador PhD, CID Chief
Ronald S. Brillantes, EPS-LRMS Manager
Luis R. Mationg, EPS-Filipino
Eva Joyce C. Presto, PDO II
Rhea Ann A. Navilla, Librarian II

Pandibisyong Tagasuri ng LR:


Ronald S. Brillantes
Mary Jane J. Parcon
Ronald N. Fragata,
Joseph D. Aurello

Division of Puerto Princesa City-Learning Resource Management Section (LRMS)


Sta. Monica Heights, Brgy. Sta. Monica, Puerto Princesa City
Telephone No.: (048) 434 9438
Email Address: puertoprincesa@deped.gov.ph
Aralin 1
Pagsusuri ng Akda
Ayon sa Tunggalian ng Kuwento
MELCs: Nasusuri ang mga tunggalian (tao vs. tao, at tao vs. sarili) sa kuwento batay sa
nabasa pag-uusap ng mga tauhan. (F9PN-IIId-52

Naiuugnay sa kasalukuyan ang mga tunggaliang (tao vs. tao at tao vs. sarili) mula
sa nabasang kuwento. (F9PD-IIId-e-51)

Nagagamit ang angkop na pang-ugnay na hudyat ng pagsunod-sunod ng mga


pangyayari sa lilikhaing kuwento.. (F9WG-IIId-e-54)

Mga Layunin:
1. Natutukoy sa kwento ang mga tunggalian ng tao vs. tao at tao vs. sarili.
2. Naihahambing sa kasalukuyang pangyayari ang mga tunggalian.
3. Nagagamit ang angkop na pang-ugnay sa pagsusuri ng tunggalian sa kwento.

Subukin Natin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan at bilugan ang titik ng
tamang sagot.

1. Ano ang elemento ng maikling kuwento na labanan ng mga panig at/o pagharap ng
tauhan upang masulosyunan ang problema?
A. Banghay B. Tunggalian C. Tagpuan D. Tauhan

2. Alin ang pahayag ang hindi nagpapakita ng tunggalian tao laban sa tao?
A. Kinakalaban ay ibang tao C. Pinaglalabanan ng tao ang sarili
B. Tagisan ng kapangyarihan D. Dinadaan sa lakas ng katawan

3. “Takot na takot si Adong sa tuwing nakikita niya si Bruno dahil sa laki ng katawan”
Ang katangian ng tunggalian tao sa tao ay __________.
A. Tagisan ng kapangyarihan C.Kinakalaban ay ibang tao
B. Dinadaan sa katawan D. Tagisan ng pananaw

4. Uri ng tunggalian ng kwento na kinakalaban niya ay ang kanyang sariling paniniwala.


A. Tao laban sa tao C. Tao laban sa sarili
B. Tao laban sa lipunan D. Tao laban sa kalikasan

5. Kinakailangang mamalimos si Adong upang maibsan ang kumakalam na sikmura.


A. Tao laban sa sarili C. Tao laban sa kalikasan
B. Tao laban sa tao D. Tao laban sa lipunan

1
Sa bilang 6-10
Panuto: Tukuyin kung anong uri ng tunggalian ang nakapaloob sa sumusunod na
sitwasyon.Isulat sa patlang ang TLT kung tao vs tao, TLS kung tao vs sarili.

______6.Nakatakas si Maria sa mga kumidnap sa kaniya.


______7.Hindi natuwa si Jessie sa resulta ng kanyang eksam.
______8.Inaway ni Janice ang kanyang kapatid dahil sinumbong sa ina.
______9.Nakaramdam nang awa si Aling Ebeng kay Adong.
______10.Madalas sinasaktan si Adong ni Bruno.

Ating Alamin at Tuklasin

Kinagigiliwang basahin ng maraming Pilipino ang


Paghawan ng Balakid maikling kuwento. Ang maikling kuwento ay may iba’t
ibang elemento ngunit ang isa sa sinusuri sa bawat
Tunggalian- elemento ay ang tunggalian na nagbibigay-daan sa
pakikipaglaban ng madudulang tagpo ito ay sinasabing sanligan ng akda.
tauhan sa kwento.

Maikling Kuwento – Alam mo diba ang Oo pero ang di ko


isang anyo ng element ng maikling makalilimutan na
panitikan, may kuwento? elementoay ang
maiksing salaysay na Tunggalian? May uri tunggalian. Sige
naglalaman ng isang ituturo ko sa iyo.
din ba nito.
kuwentong may
mahalagang
pangyayari.

Natatandaan mo pa ba ang iyong nagdaang aralin? Sa pagpapasidhi ng


damdamin gumagamit tayo ng mga salitang pang-uri upang maihayag ang ating
damdamin ayon sa antas nito mula sa mababa hanggang sa mataas na emosyon na
ang palatandaan ay ang mga panlapi na idinudugtong sa salitang pang-uri.
Handa ka nang tumuklas ng bagong kaalaman? Halika na!

2
Mabangis na Lungsod
Buod
ni Efren R. Abueg

”Malapit nang dumating si Bruno...” ani Aling Ebeng na walang sino mang
pinatutungkulan.Manapa’y para sa lahat ng maaaring makarinig.
Biglang-bigla, napawi ang katuwaan ni Adong. Nilagom ng kanyang bituka
ang nararamdamang gutom. Ang pangambang sumisigid na kilabot sa kanyang
laman at nagpapatindig sa kanyang balahibo ay dinaklot at itinapon sa
malayong isang mahiwagang kamay. Habang nagdaraan sa kanyang harap ang
mga tao-malamig,walang awa,walang pakiramdam-nakadarama siya ng kung
anong bagay na apoy sa kanyang kalooban.Aywan niya kung bakit gayon napawi
ang kanyang gutom at pangamba kung ilang araw na niyang nadarama iyon at
hanggang ay naroroon pa’t waring umuuntag sa kanyang gumawa ng isang
marahas na bagay.

Ilang singkong bagol ang nalaglag sa kanyang palad, hindi inilagay kundi
inilaglag,sapagkat ang mga palad na nagbigay ay nandidiring mapadikit sa
marurusing na palad na wari bang mga kamay lamang na maninipis ang
malinis. Dali-daling inilagay ni Adong ang mga bagol sa kanyang bulsa. Lumikha
iyon ng bahaw na tunog nang tumamasa iba pang sentimong nasa kanyang
lukbutan. Ilan pang bagol ang nalaglag sa kanyang palad at sa kaabalahan
niya’y hindi niya napansing kakaunti na ang mga taong lumalabas mula sa
simbahan. Nakita naman ni Adong ang mga mukhang malalamig,ang imbay ng
mga kamay na nagpapahiwatig ng pagwawalang bahala,ang mga hakbang ng
nagmamadaling pag-iwas.”Adong...ayun na si Bruno,”narinig niyang wika ni
Aling Ebeng. Si Bruno nga. Ang malapad na katawan. Ang namumutok na mga
bisig. Ang maliit na ulong pinapangit ng suot na gora. Napadukot si adong sa
bulsa. Dinama niya sa kanyang mga palad ang mga bagol. At ang lamig na iyon
ay waring dugong biglang umagos ngunit ang lamig na iyon ay hindi nakasapat
upang ang apoy na nararamdaman niya kanina pa ay mamatay. Mahigpit niyang
ikinulong sa kaniyang mga palad ang mga bagol. ”Diyan na kayo, Aling
Ebeng...sabihin ninyo kay Bruno na wala ako!mabilis niyang sabi sa matanda.
”Ano? Naluluko ka ba Adong? sasaktan ka ni Bruno. Nakita kana ni Bruno!
Narinig man ni Adong ang sinabi ng matanda, nagpatuloy padin siya sa
paglakad. Sumiksik siya sa kakapalan ng mga taong salu-salubong sa paglakad.
At akala niya ay nawala na siya sa loob ng sinuot niyang mumunting iskinita.

”Adong! Sinundan iyon ng papalapit na mga yabag. Bitiwan mo ako


Bruno! Bitiwan mo ako! Naisigaw na lamang ni Adong. Ngunit hindi na niya
narinig ang basag na tinig. Naramdaman na lamang niya sa kanyang mukha ang
malulupit na palad ni Bruno. Natulig siya. Nahilo. At pagkaraan ng ilang
sandali, hindi na niya naramdaman ang kabangisan sa kapayapaang biglang
kumandong sa kanya.

Mapapansin mo ba ang mga pangungusap na may salungguhit? Ang mga iyan ang
tunggalian na nasa akda. Alam mo ba ano ang tunggalian sa kwento? Ano nga ba ito?

3
Tunggalian- Ito ay ang isang problema na kinakailangang harapin o bigyang solusyon ng
tauhan sa isang kwento.
Uri ng Tunggalian
1. Tao vs Tao - ang kinakalaban ay ibang tao, maaring ang mga taong nasa kanyang
paligid o ang lipunan, Ito ay karaniwang idinadaan sa lakas ng katawan,
tagisan ng kapangyarihan, ng paniniwala, pananaw, prinsipyo at iba.
2. Tao vs Sarili - ang kinakalaban ng tauhan ay ang kanyang sariling paniniwala,
simulain at palagay.

(Pinagkunan: Romulo N. Peralta et al, Panitikang Asyano Filipino 9 Batayang Aklat,


Pasig City: Department of Education- vibal Group Inc., 2016, 210-212.)

Tayo’y Magsanay

GAWAIN
1
Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang kahong may kaugnayan sa pangyayari sa kasalukuyan
kung ito ay pangyayaring Tao vs. Tao at ekis (x) naman kung ito ay Tao vs. Saril

Sitwasyon Tao vs. Tao Tao vs. Sarili


1. Ang kagustuhan mong magpakonsulta
sapagkat may nararamdaman kang sintomas
ng Covid-19 ngunit tumatanggi ang iyong
isipan.
2. Tinitiis mo ang init at hindi komportableng
pakiramdam bunga ng pagsuot ng faceshield
at facemask.
3. Ang pag-init ng ulo ng mga mamamayan sa
kasagsagan ng pandemya dulot ng mahigpit
na pag-iinspeksyon.
4. Ang pagkakabahala ng mga frontliners sa
kanilang kaligtasan ngunit dala ng tawag ng
tungkulin, wala silang magawa kung hindi
ay ang pagsisilbi.
5. Ang pagkakaroon ng hindi
pagkakaintindihan ng tao laban sa kapwa
bunga ng maling pagkakaintindi sa Corona
virus.

4
GAWAIN
2
Panuto: Tukuyin kung ang kaisipan ay may kaugnayan sa akda. Isulat sa patlang ang
MK- kung may kaugnayan at WK- kung walang kaugnayan.

____________________1. Natututong maghimagsik ang tao dahil sa kalupitan na kanilang


dinaranas.
____________________2. Ang panlilimos ang pinagkakakitaan sa araw-araw.
____________________3. Kaya may nang-aabuso dahil may nagpapaabuso.
____________________4. May hangganan ang pagtitimpi ng isang tao.
____________________5. Magbanat ng buto kung nais umasenso.

Replektibong tanong:
Maiuugnay mo ba ang pangyayaring nabasa
mo sa tunay na buhay?

Ating Pagyamanin

GAWAIN
1
Panuto: Tukuyin ang mga pangyayari sa akda. Isulat sa patlang ang TLT kung ito ay
Tunggaliang Tao vs Tao o TLS kung ito Tao vs Sarili.
__________1. Ang hindi pag-alintana ni Adong sa sinabi ni Aling Ebeng ninais man niyang
bumalik nagpatuloy pa rin siya sa paglalakad.
__________2. Muling dinama niya ang mga bagol sa kanyang bulsa.At iyon ay matagal din
niyang pinakalansing.
__________3. Habang nagdaraan sa kanyang harap ang mga tao-malamig, walang awa,
walang pakiramdam-nakadarama siya ng kung anong bagay na apoy sa
kanyang kalooban.
__________4. Sumiksik siya sa kakapalan ng mga taong salu-salubong sa paglakad.At akala
niya’y nawala na siya sa loob ng sinuot niyang munting iskinita.
__________5. Nagpupumiglas habang malakas na sinasabing bitiwan siya ni Bruno.

5
GAWAIN
2
Panuto: Tukuyin ang tamang pang-ugnay na bubuo sa pangungusap. Pumili ng sagot sa
kahon at isulat sa patlang na makikita sa bawat bilang.

Sa lahat ng ito Sa wakas Kung gayon

1. _________________,hindi na narinig pa ni Adong ang kanyang basag na tinig


sapagkat siya’y nawalan ng malay.
2. Malinaw ang lahat sa kanya walang nakaliligtas sa bangis ni Bruno
_______________ kailangan niyang maging handa.
3. ___________________,natapos din ang kanyang paghihirap sigurado siyang makikita
niyang muli ang mga magulang sa kabilang buhay.
4. Marami na siyang mabibigat na karanasang nagpatibay sa kanya
______________________pakiramdam niya’y hindi pa siya handa.
5. Matibay ang kanyang pananalig sa sarili at Poong Maykapal
_______________________hindi siya dapat mangamba.

Replektibong tanong:
Sa panahon ng pandemya maraming pagsubok
ang dumating sa buhay. Alin sa mga ito ang
maituturing mong nagsilbing tunggalian ng kuwento ng
iyong buhay?

Ang Aking Natutuhan

DUDUGTUNGAN KO
Isa sa elemento ng maikling kwento ay 1._______________________
mayroong iba’t ibang tunggalian, Isa na dito ay 2.________________ na
kinalalaban ay ibang tao. Ang isa ay 3.__________________, na ang
kinakalaban nito ay ang kaniyang sariling 4.______________,
5._______________ at palagay. Ito ang nagbibigay-daan sa madudulang tagpo
upang lalong maging kawili-wili at kapana-panabik ang pangyayari sa
kwento.

6
Ating Tayahin
Panuto: Basahing mabuti ang sumusunod na katanungan sa bawat bilang. Bilugan ang
titik ng tamang sagot.

1. Gustuhin man nang mahihina na lumaban ngunit hindi nila magawa sapagkat sila’y
nahihintakutan.Anong tunggalian ito?
A. Tao vs tao C. Tao vs kalikasan
B. Tao vs sarili D. Tao vs lipunan

2. Isang malakas na suntok ang dumapo sa pisngi ni Jose nang sila’y nagkasagutan.
A. Tao vs sarili C. Tao vs lipunan
B. Tao vs kalikasan D. Tao vs tao

3. Alin sa mga sumusunod ang HINDI tunggaliang tao vs tao?


A. Sinaktan ni Bruno si Adong nang sila’y maabutan nito.
B. Takot na takot si Adong kay Bruno dahil sa laki ng katawan.
C. Nakakaramdam si Adong ng pangangalam ng sikmura
D. Tumakas si Adong upang hindi makatikim ng kamay ni Bruno.

4. Kanino mo maihahambing ang tunggalian makikita sa “Mabangis na Lungsod”?


A. Sa mapang-abuso sa bata lalo na sa batang ulila na
B. Maawain sa mga batang ulila na sa magulang
C. Matulungin sa kapwa
D. Manloloko sa mga batang nasa lansangan

5. Ano ang maaring solusyon sa naging tunggalian sa pagitan ni Adong at Bruno sa


kwentong ito?
A. Patuloy na maging sunud-sunuran kay Bruno upang hindi siya masaktan
B. Makikipagsapalaran sa ibang lugar na mas maraming tao na bibigay ng
limos
C. Gagantihan si Bruno sa pang-aabusong ginagawa niya.
D. Hihingi ng tulong na para matigil na ang ginagawa ni Bruno na pananakit
sa kanya.

6. “Tumakbo si Adong pumasok sa iskinita sa wakas natakasan niya si Bruno”. Sa


tunggalian ito alin ang ginamit na pang-ugnay?
A. Sa iskinita C. Pumasok sa
B. Natakasan niya D. Sa wakas

Sa bilang 7-10
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pahayag. Isulat sa patlang ang A- kung tao vs
tao B- kung tao vs sarili.
______7. “Paano ko kaya maisasayaw si Jenny? Baki kasi napakatorpe ko?”

______8. Isang malakas na sampal ang natikman ng binata dahil sa panloloko niya.

______9. Paghahamak ni Juan sa mga mahihirap dahil siya ay mayaman.

______10. Sinundan siya ng mga lalaking di niya kilala at siya’y pinaputukan ng baril.

7
Susi sa Pagwawasto

Subukin
Tayahin
1. B
1. A Tayo’y Magsanay
2. C
2. D Gawain 1
3. B
3. C 1. x
4. C
4. A 2. x
5. A
5. D 3. /
6. TLT
6. D 4. x
7. TLS
7. B 5. /
8. TLT
8. A
9. TLS
9. A Tayo’y Magsanay
10. TLT
10. A Gawain 2
Ating Pagyamanin 1. MK
Gawain 1 2. MK
1. TLS 3. MK
2. TLS 4. MK
3. TLT 5. MK
4. TLS
5. TLT
Ang Aking Natutuhan
Ating Pagyamanin 1. Tunggalian
Gawain 2 2. Tao vs Tao
1. Sa lahat ng ito 3. Tao vs Sarili
2. kung gayon 4. Pananaw
3. sa wakas 5. Paniniwala
4.sa lahat ng ito
5. kung gayon

Sanggunian
Aklat

Peralta, Romulo N., Donabel C. Lajarca, Eric O. Cariño, Aurora C. Lugto, Mary Grace A. Tabora,
Sheila C. Molina, Jocelyn C. Trinidad, Lucelma O. Carpio, Julieta U. Riveraat Vilma C.
Ambat. Panitikang Asyano Modyul ng Mag-aaral sa Filipino 9. Pasig City: Department of
Education, Vibal Group Inc., 2015.

8
FEEDBACK SLIP

A. PARA SA MAG-AARAL

Maraming salamat sa paggamit ng CLAS na ito. Hangarin nito


ang iyong lubusang pagkatuto sa tulong ng iyong kapamilya. OPO HINDI

1. Kontento at masaya ka bang natuto gamit ang CLAS na ito?

2. Nasunod at nagawa mo ba ang mga proseso at pamamaraang


nakasaad para sa iba’t ibang gawain para sa iyong
pagkatuto?

3. Ikaw ba ay ginabayan o sinamahan ng sinuman sa iyong


kapamilya para sa pag-aaral gamit ang CLAS na ito?

4. Mayroon bang bahagi sa CLAS na ito na ikaw ay nahirapan


(kung Opo, ano ito at bakit?)

B. PARA SA MAGULANG O TAGAPATNUBAY

Suhestiyon o Rekomendasyon para sa mas maayos na


serbisyo at pagkatuto ng inyong anak gamit ang CLAS na ito?

Mayroon (Pakisulat sa nakalaang guhit)

Wala

Contact Number : __________________________________

PANGALAN NG PAARALAN:

Pangalan at Lagda ng Guro:

Pangalan at Lagda ng Magulang


o Tagapatnubay:

Petsa ng Pagtanggap ng CLAS:

Petsa ng Pagbalik ng CLAS:

You might also like