You are on page 1of 2

Pangalan:

Petsa ng Pagpapasa: Marso 13, 2023


Baitang at Seksyon:

Gawain 1: Guhit Ko, Pangangatwiranan Ko


Bilang bahagi ng pagbabalik-aral sa Elehiya na may kinalaman sa pag-aala-ala sa mga taong mahalaga sa
atin ngunit namayapa na, gumuhit ng isang bagay na naging mahalaga at nagbigay-aral sa iyo. Pagkatapos,
pangatuwiranan kung bakit ito ang iyong iginuhit sa loob ng kahon.Gawin ito sa Short Bond Paper.
Pamantayan sa Pagmamarka
Kaugnayan sa Paksa 8 puntos
Paraan ng Pagpapaliwanag 8 puntos
Pagkamalikhain 4 puntos
Kabuuan 20 puntos

Guhit Katuwiran

Paalala: Ang Gawain 1 ay para sa mga mag-aaral na hindi pa ito naisasagawa sa paaralan lalo’t higit sa
Seksyon ng Abad kung kaya’t kung ikaw ay Amorsolo, Luna at Magsaysay at nagawa mo na ito ay hindi mo
na ito gagawin, maliban na lamang kung hindi pa kayo nakakapagpasa nito.
Gawain 2: Paunang Pagtataya:
Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong. Piliin at isulat lamang ang titik ng tamang sagot sa sagutang
papel.
1. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa katangian ng isang parabula?
A. nagbibigay-aral
B. hinango sa bibliya
C. ito ay nagsasadula
D. gumagamit ng matatalinghagang pahayag
2. Nagkasundo sila sa upa na isang salaping pilak sa maghapon. Ano ang ibig ipahiwatig ng nakasalungguhit
na salita?
A. pera C. salapi
B. renta D. kaukulang bayad
3. Sa pag-aaral ng parabula, ano ang maaaring malinang sa pagkatao ng mambabasa?
A. paniniwala C. sikolohikal na pag-iisip
B. pisikal na anyo D. espirituwalidad at moralidad
4. Ano ang espirituwal na kahulugan ng salitang salapi?
A. kapalit C. kahalagahan
B. pambayad D. biyaya galing sa Diyos
5. Ang mga manggagawa ay nagsilbi ng buong araw sa ubasan. Batay sa pahayag, ano ang ipinapakitang
simbolikong kahulugan ng salitang
nakasalungguhit?
A. tauhan C. trabahador
B. pagtitiyaga D. anghel sa langit
Gawain 3: Panuto: Batay sa binasang parabulang “Ang Talinghaga Tungkol sa May-ari ng Ubasan”, mula sa
Mateo 20:1-16. Sagutin ang sumusunod na katanungan. Sa notebook sasagutan. Kokopyahin muna ang
tanong pagkatapos ay ang sagot.
Pamprosesong Katanungan.
1. Saang bahagi ng bibliya matatagpuan ang parabulang binasa?
2. Saan naganap ang tagpuan sa parabula?
3. Sino ang mga hinanap o kailangan ng may-ari ng ubasan?
4. Anong mga oras lumabas ang may-ari ng ubasan upang maghanap ng mga manggagawa?
5. Magkano ang napagkasunduang ibabayad ng may-ari ng ubasan sa mga manggagawa?
6. Binanggit sa parabula ang ubasan, manggagawa, upang salaping pilak, oras (ikasiyam, ikalabindalawa,
ikatlo, ikalima) upang maipahayag ang paghahambing. Sa iyong palagay, saan nais ihambing ni Hesus ang
bawat isa? Bakit?
Binanggit sa Parabula Nais Pahambingan at Patungkulan sa ating tunay na buhay
Sagot:

Ubasan

Manggagawa

Upang salaping pilak

Oras
(ikasiyam, ikalabindalawa, ikatlo,
ikalima)

7. Kung isa ka sa mangagawang maghapon nagtrabaho at nagtiis sa nakapapasong init ng araw ngunit ang
tinanggap na upa ay kapareho rin ng isang oras lamang nagtrabaho, magrereklamo ka rin ba? Bakit?
8. kung Kung isa ka naman sa mga manggagawa na tumanggap ng parehong upa kahit kulang ang oras mo
sa paggawa ano ang mararamdaman mo? Tatanggapin mo ba ang ibinigay sa iyong upa? Pangatuwiranan.
9. Suriin ang pahayag ng isang pangkat ng mga manggagawa sa parabula; “Isang oras lamang gumawa ang
mga huling dumating, samantalang maghapon kaming nagtrabaho at nagtiis sa nakapapasong init ng araw.
Bakit naman pinagpare-pareho ninyo ang aming upa?” Sa iyong pagsusuri, anong mabuting asal ang
nawawala sa pangkat ng mga manggagawang maysabi nito? Pangatuwiranan.
10. Kung ikaw ang may-ari ng ubasan pare-pareho din ba ang upa na ibibigay mo sa mga manggagawa?
Bakit?
11. Ano ang ibig ipakahulugan ng sinabi ni Hesus na, “Ang nahuhuli ay nauuna, at ang nauuna ay mahuhuli.”

Gawain 4: Parabula ako!


Panuto: Batay sa mga naunang gawain tungkol sa parabulang “Ang Talinghaga ng May-ari ng Ubasan”,
bilugan ang mga salitang makikita sa loob ng kahon na may kaugnayan sa parabula.

Nangangaral Panahon ni Hesus Sinasalita sa harap ng maraming tao


Mula sa Bibliya Moralidad
Tulang Liriko
Matatalinhagang salita Diyos at Dyosa Eksena
Espiritwal
Gawain 5: Pagtataya
Panuto: Basahin at unawain mo ang mga tanong. Piliin at isulat lamang ang titik ng tamang sagot.
1. Ano ang kahulugan ng pahayag na “Ang nahuhuli ay nauuna at ang nauuna ay nahuhuli”?
A. Mahalaga ang oras sa paggawa.
B. Ang nahuhuli kadalasan ang unang umaalis.
C. Kung sino ang naunang dumating, ay siya ring unang aalis.
D. Lahat ay may pantay-patay na karapatan ayon sa napag-usapan.
2. Isang akdang hinango sa Bibliya na kapupulutan ng aral na maaaring magsilbing gabay sa marangal na
pamumuhay ng mga tao. Gumagamit ng matatalinghagang pahayag na lumilinang sa mabuting asal na dapat
taglayin ng tao.
A. Dula C. Pabula
B. Nobela D. Parabula
3. Kaugnay ng akdang “Ang Talinghaga tungkol sa may-ari ng ubasan”, alin sa mga sumusunod ang pinaka
angkop na kahulugan ng pagkakapantay- pantay?
A. pagbibigay ng tulong sa lahat
B. pare-parehong bilang ng salapi
C. pare-parehong bilang ng oras ng pagtatrabaho
D. pagbibigay ng tulong ayon sa pangangailangan
4. Ano ang espirituwal na kahulugan ng salapi?
A. kapalit C. kahalagahan
B. pambayad D. biyaya galing sa Diyos
5. Alin sa sumusunod ang ipinapahatid na mensahe ng akdang “Talinghaga tungkol sa May-ari ng Ubasan”?
A. Ang pagtitiyaga ay magiging daan sa pagkamit ng salapi.
B. Huwag hintaying may ibang kikilos para sa ikabubuti mo.
C. Ang anomang napag-usapan sa paggawa ay kailangang panindigan.
D. Pantay ang sinoman gaano man katagal ang kaniyang iginugol sa paggawa.

You might also like